"198/200? pano ba ang grading system ngayon kanina ko pa tinitingnan tung papel na ito hindi ko ma gets?" tanong ni Dean habang hawang ang isang kapirasong papel na nakuha sa loob ng kotse niya kanina umaga.
"Ano ba yan?" tanong naman ni Dale na kinuha ang papel natiningnan na din.
''Kay Nene?" usal pa ni Dale.
"Sa test paper ata yan pinutol." wika naman ni Doel na umahon sa pool na naki-usyoso sa tinitingnan ng kapatid.
"Ayos 2 lang mali niya, 198/ 200 astig! Akala ko mahina sa Math si Buninay bigatin pala ang iyakin na yun." wika ni Doel na muling tumalon sa pool.
"Why do I have this feeling na hindi yan exam result?" ani Dean na muling kinuha ang kapirasong papel na muling tiningnan.
"Huy! Saan ka na galing tagal mo." usal ni Dale ng makita ang kaibigan na pababa na ng hagdan patungo sa pool area.
"Nag duty ako kakatapos ko lang."
"Bakit kasi Dentist pa ang kinuha mo, sana nag business ad ka nalang din. Yan tuloy hanggang ngayon nag-aaral ka pa rin." ani Dale bagsak naman naupo sa isang swing basket si Ivan na inuunat ang mga braso na umabot ng isang can softdrinks. Sabay napatingin sa papel na hawak ni Dean.
"Kanino yan? Kawawa naman muntik ng makolelat." tanong ni Ivan, napa-ahon naman bigla si Doel na natatawa habang salubong naman ang kilay ni Dale at Dean na napatingin kay Ivan. Na napatingin sa mga kaibigan na nag tataka na nag salubong ang kilay.
"Bakit ganyan kayo makatingin."
"Anong ibig mong sabihin na kolelat? Ibig bang sabihin hindi ito grade sa exam?" iniharap pa ni Dean ang kapirasong papel na sinagot ng iling ni Ivan na natawa ng makita kung kaninong papel yun.
"School card yan, overall ranking sa math subject. Out of 200 student pang 198 si Avery." natatawang wika ni Ivan, napamura naman ang tatlo.
"Bakit naman ganyan ang reaction n'yo, sobra naman kayo. At least 198 siya hindi kulelat!" natatawa pang wika ni Ivan.
-
-
-
-
-
-
-
"Anong pinag gagawa mo Avery sa school at out of 200 pang 198 ka sa math?" galit na tanong ni Dennis sa anak na yukong-yuko.
"Hindi ka makasagot? Gusto mo bigyan kita ng problem solving." inis na tanong ni Dennis sa anak.
"Hay! Ano ka ba, importante hindi bagsak." wika naman ni Dylan.
"Papa, bagsak siya at graduating na siyang highschool at kapag hindi niya naitaas ang grades niya tiyak na mag rerepeat siya ng math. Paano siya makakapag college."
"Hindi na lang po ako mag cocollege Daddy."
"Tama bang sagot yan huh! Avery,"
"Hindi ko po kasi talaga kaya ang Math Daddy, kahit anong gawin____."
"Ang Ate Abby, Kuya Dean, Dale at Doel kahit pati Ate Dia mo lahat sila best in math ng high school sila. Tapos ikaw iyan ang isasagot mo."
"Ano ba Dennis? Hindi mo kailangan ikumpara ang mga anak mo. Sa hindi kaya ni Avery anong gagawin mo." galit na wika ni Dana na nilapitan ang apo.
"Wag kang mag-alala si Lola, hate na hate ko din ang Math saka Filipino noon. Kaya mana ka sa akin, ganda lang ang meron." biro pa ni Dana sa apo na malungkot na.
"Yan, kaya iyan ganyan Mama. Lagi n'yo na lang kinakampian kaya ang lakas lagi ng loob. So ano hahayaan na lang natin na hindi mag aral ng college."
"Ihahanap ko na lang ang apo ko ng mayamang guwapong mapapangasawa diba nene, wag mo ng pansinin ang ama mo. Si Lolo ang bahala sa future mo." wika pa ni Dylan na ikinatarak ng mata ni Denis.
"Noon galit na galit kayo sa akin kapag bulakbol ako, puro na lang sermon dito sermon dun. Tapos yan kayo ganyan n'yo_______."
"Babae si Avery hindi lalaki, ang lalaki naka design na maging head of the family ang babae, naka design lang sila para gawin reyna. Kaya kung ayaw na ni Avery na maka pag college hahanap na lang namin siya ng lalaking bubuhay sa kanya."
"Bakit yun ba ang gusto mo Avery, ang lalaki ang bumuhay sa'yo kasi tamad kang mag-aral. Ayaw mong intindihin kahit alam ko naman na kaya mo. Walang Montenegro ang sumusuko kung Math lang ang kalaban mo."
"Aira, hayaan n'yo muna si Avery baka na pepresure siya."
"Nag volunteer po si Ivan na itututor niya sa Math si Avery, kaya makinig ka Avery. Hindi puwede na hindi ka makakapasa ng math. pilitin mong mag-aral, kapag hindi ka nakapasa ipapadala talaga kita sa Netherlands." banta pa ni Aira.
"Lolo, Lala." paiyak nanaman na wika ni Avery,
"Subukan mo lang muna makinig ka kay Ivan, pag naka pasa ka. Bibilihin ko lahat ng gusto mo." wika pa ni Dylan.
-
-
-
-
-
-
-
-
Panay ang tingin ni Avery sa rilo naka ilang set of games na siya sa computer niya pero wala pa rin Ivan na dumadating. Inis na kinuha ni Avery ang phone saka tinawagan si Ivan na agad naman na sinagot ng binata.
"Anong oras na kung busy kahit bukas na lang tayo mag-start alam ko naman na____."
"Dalaga ka na nga? masyado ka ng mahigpit sa oras."
"Time is gold, sana hindi na inimbento ang rilo kung hindi ka lang din naman susunod sa usapan. Wag ka na pating mag girlfriend mag bebreak lang din kayo, kasi gusto ng mga girls ________." nahinto ang sasabihin ni Avery ng isang tray ng merienda ang lumapag sa study table niya sabay tingala kay Ivan na malawak ang ngiti na pinisil pa siya sa ilong.
"Sobra ka sa akin huh! Kanina pa ako dito, ikaw itong late na dumating. Kinausap lang ako ni Tita Aira regarding sa tutorial mo." paliwanag pa ni Ivan na humila na ng upuan sa tabi niya.
"Pag hindi ako nag ka girlfriend lagot ka sa akin." banta pa ni Ivan.
"Bakit ako?" inabot naman ni Avery ang book ng math niya rito na itinuro.
"Kasi parang isinusumpa mo na wag na akong mag ka girlfriend."
"Hindi naman sa ganun ang sinasabi ko lang gusto ng mga babae yung laging on time."
"I know kaya nga ayaw ko pang mag girlfriend?" kunwari naman na laglag ni Avery ang ballpen saka yumuko para kunin iyon pero ang totoo kilig to the max siya sa kaalaman na wala pala itong girlfriend.
"E sino yung babaeng kasama mo? Sabi niya girlfriend mo siya."
"Bata ka pa para ipaliwanag ko sa'yo ang mga bagay-bagay."
"Sabi mo kanina dalaga na ako saka 4th high school na kaya ako." ngumiti naman si Ivan na hindi na nag salita.
''Alin ba dito ang hindi mo naiintindihan." tanong ni Ivan na itinuturo ang libro.
"Lahat?" alanganin na sagot ni Avery na tinawanan ni Ivan.
"Paano ka nakarating ng 4th year." nagkibit balikat na lang si Avery. Habang kumakain sila ng merienda sinabayan na ni Ivan sa pag tuturo sa kanya. Na nakakapag taka sa school wala siyang na iintindihan pero ng si Ivan na ang mag-explain parang ang linaw at na iintindihan niya agad.
"Sa textbook ka tumingin Sadako wag sa mukha ko, baka ma memorize mo na maging pantasya mo pa mahirapan kang makakita ng boyfriend pag laki mo." tumikwas naman ang nguso ni Avery na medyo nag blush pa dahil nahuli pala siya nitong nakatingin.
"Knock! Knock!" sabay pa silang napalingon ng makita ang Kuya Dale niya sa pinto na guwapong-guwapo sa suot nitong corporate attire dahil nag sisimula na itong may work sa company ng family nila. Tatayo na sana siya para tumakbo sa kuya n'ya ng pigilan siya ni Ivan at hinila paupo.
"16 ka na stop acting like na kid na kapag nakikita mo ang mga kuya mo para kang batang tuwang-tuwa na nag aabang ng pasalubong at kapag inaway ka naman ang bilis mong umiyak.
"Tadannnn." mula sa likod may inilabas naman si Dale na box ng donut na paborito ng kapatid na bunso na hindi na napigilan ng bestfriend na makatakbo.
"Hindi mo mabibilog ang ulo ng buninay namin, she's always our baby bunso. Hindi pa siya dalaga, malinaw ba. Hindi pa!" mariin na wika ni Dale na hinalikan pa sa tuktok ang kapatid na bunso. Napailing naman na ngumiti na lang si Ivan sa dalawa sabay buklat na lang ng libro ng mapangiti ng makita ang isang drawing ng isang ogre na kung di siya nag kakamali si Shrek iyon pero sa ilalim ni Shrek may Ivan na nakalagay pero sa damit ni shrek meron pusong naka drawing na nag pangiti na lang kay Ivan.