Kabanata 3 - Mount Akasi

1712 Words
"Guys, pwede ninyo ba akong samahan sa Mount Akasi?" pakiusap ko sa aking mga pinsan. "Mayroon kasi akong kailangang makuhang halaman doon. Ayoko naman na mag-isa lang akong aakyat." Umaasa ako na sasamahan nila ako sa darating na weekend dahil wala rin naman silang pasok sa trabaho. Ang iba naman sa kanila ay sem break din. Sanay ako na kada may nagyayakag sa amin ay lahat sumasama talaga kapag free sila. "Oh? Hindi ba delikado raw sa bundok na iyon kasi may mga halamang nakakalason?" tanong ni Kuya Athan. "Well, may sinabi kasi sa akin ang professor ko last time na may isang daan doon na accessible sa mga mahilig magbundok. May maganda rin daw doon na picture-an kaya gusto ko na kayo ang kasama. Two in one na, hindi ba? Gala at tulong sa thesis ko?" Nag-puppy eyes pa ako sa kanila para mas makumbinsi sila. Umaasa ako sa kanila. Sila lang sobrang malapit sa akin na kaya kong pagkatiwalaan. Pinsan na best friends na rin ang tingin ko sa kanila. Sana talaga ay pumayag sila. "Exciting iyan ah!" masayang sabi ni Ate Seri. "Oo naman!" pagsang-ayon ko sa kanya para lalo ko pa silang makumbinsi. "Isa pa, nakakuha na ako ng approval slip na makaakyat doon. Inihingi ko na kayong lahat para naman walang maiiwan sa atin." "That's nice! Gusto ko iyan. Game ako!" wika ni Jinni. "Hilig ko kaya ang mag-hiking. Hinding-hindi ako tatanggi riyan." Nabuhayan na ulit ako ng loob. Mukhang papayag na silang lahat sa akin. Tinanong ko ulit sila isa-isa kung sasama at ang ending, lahat nga sila ay makakasama. Hindi naman kami aabutin ng dalawang araw sa bundok na iyon. Ang alam ko ay dalawang oras na lakad ang gagawin namin. Pinaliwanag ko naman sa kanila ang lahat ng aming gagawin at kung paano ang pagpunta roon. May tour guide din kami pero hanggang Agila base lang niya kami masasamahan. Okay lang naman sa akin kahit walang tour guide pero ang professor ko na rin ang nag-insist na samahan kami kahit sa may base lang para sigurado na hindi kami maliligaw papunta. Ang pauwi naman ay okay lang dahil makakabisado naman namin iyon. Pagkatapos ng ilang araw ay Friday na agad. Kailangan ko nang mag-empake ng mga dadalhin ko para sa hiking. Agad akong napatingin sa mga pagkaing ipinadala sa akin ng lalaking iyon. Tamang-tama, mayroon kaming mababaon na magagaang pagkain. Akalain mo na nakatulong pa ito sa pagtatrabaho ko sa aking thesis? "Game na ba kayo?!" sigaw ko para gisingin sila ngayong umaga na ito. Sobrang excited ako kaya alas kwatro pa lang ay gising na ako. Kailangan namin magsimula nang ala sais kaya hindi dapat sinasayang ang oras. "Ang aga mo naman manggising," reklamo ni Dylan. Natawa ako sa pag-make face niya pero hindi iyon tatalab sa akin. Hinila ko na siya para makaupo at mahimasmasan siya. Ganoon din ang ginawa ko sa iba para bumangon na sila. "Anong oras na oh? 5:30 am na!" wika ko sa kanila. "Pinaghanda ko na rin ako ng breakfast para naman may lakas tayo mamaya pag-akyat sa Mount Akasi. Handa na ba mga gamit ninyo?" "Oo naman! Kailan ba kami na-late mag-ayos ng gamit?" masiglang sabi ni Jinni. Talagang ganado ang babaeng ito pagdating sa mga adventures. Mabuti na lang at mayroon akong ganitong klaseng pinsan. Siya pa ang naunang pumunta sa bathroom para maligo. Ang ilan naman ay nag-ayos na ng higaan. Dumiretso na ako sa hapagkainan. Si Mama at sila tita ay maaga ring nagising para asikasuhin kami. Suportado talaga kami ng aming mga magulang sa lahat ng bagay. Hindi lang talaga nila alam na minsan may kalokohan si Jinni pagdating sa mga lalaki. Nang lahat kami ay nakabihis at nakahanda na, sumakay na kami sa sasakyan ni Kuya Athan. Excited at kabado ako at the same time. Hindi ko alam kung anong madadatnan namin after ng Agila base. Pagkadating namin sa paanan ng bundok ay sinalubong agad kami ng tour guide namin. Napansin ko na tatlo pala sila at ang isa ay may hawak na mahabang baril. Siguro para rin ito sa safety namin kung sakaling mayroong mga aatake sa amin. "Mga Ma'am at Sir, maaari ko bang makita ang patotoo na may permit kayong makaakyat dito?" tanong ng pinaka-tour guide namin. "Yes, mayroon po kaming lahat," sagot ko, sabay pakita ng mga papel sa kanila na mayroong pangalan namin. Pinakita na rin namin ang ID namin para makasigurado sila na kami talaga ang mga nakasulat sa papel. "Okay po, Ma'am. Dito ninyo na lang po iparada ang sasakyan ninyo dahil bawal na po ipasok sa loob," saad pa niya. Sinunod na lang namin ang kanyang sinasabi. Safe naman ang sasakyan ni Kuya Athan dito dahil may mga bantay din na pulis dito. "Wala na pong signal sa taas kaya mag-iingat po kayo roon. Basta sundin ninyo lang po ang sasabihin ng tour guide," saad ng pulis na nasa may information desk. "Salamat po," saad ni Ate Seri. Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon sa sinabi ng pulis. Sumunod na kami sa tour guide para simulan ang pag-akyat. Lahat kami ay excited na, lalo na umpisa pa lang ay napakagaganda na ng mga namumulaklak na puno sa ibaba. Hinayaan naman kami ng tour guide na kumuha ng mga larawan. Pwede kaming mag-picture hanggang Agila base. Pero pagkalagpas doon ay mahigpit na ipinagbabawal na ang cellphone. Kailangang naka-silent din para hindi mabulabog ang mga hayop sa itaas. "Ang ganda pala rito sa Mount Akasi! Bakit kaya hindi pa sikat ang papunta sa Agila base?" wika ni Jinni. "Hindi pa po kasi open ito sa public, Ma'am. Ang pinapayagan lang pong umakyat dito ay ang mga may research tungkol sa iba't ibang halaman. Kaya mag-iingat po kayo sa paglagpas sa Agila base. Hindi ko pa po ganoon kaalam ang mga halamang naroon. Tutal pumirma po kayo ng kasunduan, hindi po namin responsibilidad kapag may nangyari po sa inyo pagkalagpas sa base. Hanggang sa base lang po ang obligasyon namin dahil takot din po kaming lumagpas doon," mahabang paliwanag ni kuyang tour guide. Aware ako na may mga halamang nakakalason o iba pang may kakaibang effect. Pinagdadala lang din ako ng professor ko ng mga medical kit just in case of emergency. Lahat din kami ay hindi allowed humawak ng kung anu-anong halamang makikita namin. Kung hahawak man ay dapat naka gloves kung gagamitin ito sa experiment. "Ang mahalaga ay huwag po kayong hahawak ng mga halaman. May mga cases po kasi na isinusugod sa hospital, ni hindi pa nakakarating sa base," dagdag naman ng isa pang tour guide na may hawak na baril. "Huwag mo naman kaming takutin, Kuya!" natatawang sabi ni Dylan. Pati tuloy sila kuya ay nagtawanan. Nag-make face kasi si Dylan na parang natatakot. Patuloy lang kaming umaakyat. Mayroon naman silang ginawang mga lubid para iyon ang makatulong sa amin sa pag-akyat kapag medyo mahirap ang daan. Nakakakalahating oras na rin kami kaya nakararamdam na rin ng pagod ang ilan sa amin. Lagpas isang oras na kaming umaakyat. Palagay ko ay malapit-lapit na rin kami. Nagpahinga muna kami saglit para kumain at uminom ng tubig. Binibigyan din namin ang mga sumama sa amin para naman pasasalamat na rin. Hindi rin biro ang dalawang oras na pag-akyat doon tapos dalawang oras din ang pagbaba. Nagpatuloy na ulit kami sa paglalakad. Hindi talaga maiiwasan kila Jinni na tumigil para magpa-picture. Pinayagan naman kami basta kapag magpo-post ay hindi sasabihin na sa Mount Akasi iyon. "Ilag!" sigaw ng tour guide. Napayuko naman ako nang makitang sobrang daming ibon ang nagsiliparan papunta sa amin. "Ano iyon? Nanunugod talaga?" kabadong tanong ni Ate Seri. "Ma'am, malapit na po kasi tayo sa Agila base kaya talagang maraming ibon na sa area na ito," paliwanag ng tour guide. "That was fun naman tho," wika ni Kuya Athan. "At least may challenge na iba bukod sa paglakad nang dalawang oras paakyat." "Tama! Mas gusto ko iyan, may challenge!" masayang pagsang-ayon pa ni Jinni. Pagkatapos ng ilang minuto ay nakarating na kami sa Agila base. Nagpahinga ulit kami at nagsimulang mag-picture. Kinuhanan din kami ng tour guide ng litrato. "Ma'am, gaya po ng ating usapan at sa nakasulat sa approval slip ninyo, hanggang dito na lang po kami. Hindi na rin po namin kayo mahihintay sa pagbalik dahil baka po matagalan kayo," pagpapaalam ng tour guide. "Okay lang po, Kuya. Maraming salamat po sa pagsama sa amin dito. Nakarating po kami nang ligtas dahil sa inyo," masayang sabi ko. Inilabas ko rin ang ilan sa extra naming pagkain. Marami naman kaming dala kaya okay lang mag-share sa mga sumama sa amin. "Ito po kaunting pagkain para po sa pagbaba ninyo ay hindi po kayo magutom." Nagpasalamat naman sila sa akin. Nang makaalis na sila ay nagsimula na ulit kaming maglakad. Dito na ako kinakabahan dahil hindi na ako familiar rito. Hindi na siya naipaliwanag nang masyado ng professor ko. Ang alam ko lang ay medyo delikado rito kaya kailangan naming mag-ingat. "Sh*t!" sigaw ni Jinni. Kabado kaming napalingon kay Jinni. Baka kung ano na ang nangyari sa kanya. "Bakit? May problema ba, Ate Jinni?" tanong ni Dylan. "Naiihi na kasi ako!" natatarantang sagot ni Jinni. Hindi siya mapakali habang nakahawak sa kanyang bandang ibaba. "Diyan ka na lang umihi sa may tagong puno!" natatawang sabi ni Ate Seri. "Wala namang maninilip sa iyo rito. Tatalikod kami para naman hindi ka mahiya." "Oh sige ha? Walang titingin!" sigaw pa ni Jinni, tumatakbo na papunta sa malaking puno. "Huwag na huwag hahawak sa mga halaman ha?" paalala ko sa kanya. Habang nakatalikod kami ay halos nagpipigil kami ng tawa. Hindi naman talaga maiiwasang hindi maihi sa haba ba naman ng oras. "Ahhh!" Otomatikong napalingon ako sa gawi ni Jinni. Si Ate Seri naman ay sinabihan sila Kuya Athan na huwag pa ring lilingon. Tumakbo na ako papunta kay Jinni. Nakapagsuot naman na siya ng kanyang pantalon pero nakaupo na siya sa lupa, hindi kalayuan sa pinagtaguang puno na inihian niya. "Anong nangyari?" kabadong tanong ko. "Nahihilo ako..." nanghihinang sagot niya. Napalingon ako sa mataas na halamang katabi niya. Ang gilid ng leeg niya ay may manipis na hiwa. Nanlaki ang aking mga mata nang malaman ang klase ng halaman na iyon. Bago pa ako makapagsalita ay nawalan na ng malay si Jinni. "Jinni!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD