Kabanata 2 - Regalo

1204 Words
Amaia's POV Sa wakas ay natapos na rin ang semester na ito! Dalawang taon na lamang ay makaka-graduate na ako sa medisina. Nakangiti pa ako habang nakatanaw sa buwan mula sa bintana ng aking kwarto. Gustong-gusto ko talagang sundan ang mga yapak ni Doctor Xenjie. Nga lang, ni hindi ko man lang nakita ang kanyang itsura bago ang balitang nawala siya. Nakapanghihinayang na ang iniidolo kong doctor ay hindi ko na makikita. Napabalik ako sa realidad nang may kumatok sa pintuan ng aking kwarto. Agad ko namang pinagbuksan kung sino man iyon. Napangiti ako kay Mama nang dalhan niya ako ng isang baso ng gatas. "Kamusta naman ang aking nag-iisang anak?" pangangamusta ni Mama sa akin. "May gusto ka bang puntahan sa darating na bakasyon? Para naman hindi ka panay aral." Hinawakan ko ang kamay niya. Alam ko naman na mahirap ang buhay ngayon tapos pinili ko pa ang propesyon na sobrang magastos. Sinuwerte lang ako sa mga scholarships na natatanggap ko, may kasama pang allowance. "Ma, hindi ko po ugaling magbakasyon lalo na kung gagastos. Ang plano ko po ay huwag sayangin ang mga araw na iyon. Igugugol ko po iyan para sa aking thesis. Alam ninyo naman po kung gaano kahirap ang aking pinasok na topic. Ayoko naman po na hindi maka-graduate on time. Iaahon ko pa ang pamilya natin sa kahirapan," wika ko, may kasamang pampalubag loob para naman hindi siya mag-alala sa akin. "Panay aral ka na lang, Maia. Sana bigyan mo rin ng pahinga ang iyong katawan at isipan," pangungulit ni Mama. Napapaisip ako ng kung anong pwedeng ipalusot sa kanya. Agad akong napangiti nang maalala ang sinabi sa akin ng isang opisyal tungkol sa halamang marabyat. "Ma, balak ko pong yakagin ang mga pinsan ko na mag-hiking sa Mount Akasi," masayang sabi ko sa kanya. "Mayroon kasi akong nadiskubre na magandang tanawin doon. Hindi naman ganoon kataas at kahirap puntahan kaya huwag kang mag-alala." "Talaga ba? Ngayon ko lang nalaman na mayroon pala ngayong puntahan sa bundok na iyan? Akala ko ay delikado iyan? Sigurado ka ba sa mga sinasabi mo?" sunud-sunod na tanong niya sa akin. Tumango ako at nagpanggap na confident sa aking mga sinasabi. Wika ko, "Yes naman, Ma! May mga blogs nga akong napapanood tungkol doon e. Isa pa may makikita po roon na related sa thesis ko kaya mas lalo akong excited. Hindi ko sinasabi sa kanila ang tungkol sa totoong halaman na inaaral ko. Alam kong tututol sila sa marabyat dahil illegal itong gamitin. Naniniwala akong mabisa itong paraan para mapagaling ang kakaibang sakit na wala pang lunas ngayon. At dahil wala na si Doctor Xenjie, wala na ring ibang nagpapatuloy ng kanyang pag-aaral sa halamang ito. Siya lang ang allowed na pag-eksperimentuhan ito. Ngayon naman ay isa na rin ako sa pinayagan pero lihim lang ito. "Oh siya, ikaw ay matulog na pagkatapos mong inumin ang gatas na iyan. Magbabawi ka ng lakas para naman masigla ka sa darating na hiking ninyo," nakangiting sabi ni Mama. Hinalikan ko siya sa pisngi tulad ng aking ginagawa noon pa man. Mahal na mahal talaga ako ng aking mga magulang. Araw-araw nila akong kinakamusta, sinisigurado na kumakain, at may magandang kalusugan. Napakaswerte ko talaga na sila ang mga magulang ko. Ito na naman ako sa pagbabalak na pumunta sa Mount Akasi. Ilang beses ko na rin talagang sinusubukang pumunta sa bundok na iyon kaso hindi talaga tumutugma sa aking schedule. Ngayon ang tamang panahon para makaakyat at makakuha ng sample. Hindi na sapat ang pinapadala sa akin na dahon ng marabyat kaya ako na ang gagawa ng paraan para kumuha nito. Nagising ako sa ingay sa labas. Nagsisigawan at iritan ang aking mga pinsan. Magkakasama kasi kami sa iisang bahay lang kasi nga sa puder kami ng aming mga lolo at lola nakatira. May kalakihan naman ang bahay para magkasya kami, hindi lang talaga kami ganoon may kaya. Lahat kami ay nagsusumikap para magtulungang makaahon sa buhay. "Ang ingay ninyo naman. Ang aga pa oh?" reklamo ko sa kanila. Nagtaka ako kung bakit lahat sila ay nakatingin sa akin na parang may ginawa akong kakaiba. Napadako ang tingin ko sa isang magandang box na pinagkakaguluhan nila. "Oh? Ano iyang mga mapanghusga ninyong mata sa akin?" pagtatakang tanong ko. Lumapit ako sa kanila para makiusyoso sa tinitingnan nila. "Akala ninyo may ginawa na naman ako?" "Gosh, Maia girl!" wika ni Ate Seri, nakatatanda kong pinsan na babae. "Akala ko ba no boyfriend since pag-aaral ang uunahin?" Napakunot ang aking noo sa kanyang sinabi. Wala naman akong boyfriend. Ano na naman ang pinagsasabi niya? "Wala akong manliligaw o boyfriend, Ate!" depensa ko. Agad na napadako ang tingin ko sa pangalan na pinadalhan. Napaturo pa ako sa aking sarili. "Para sa akin? Ano iyan?!" "Aber! Hindi rin namin alam. Sa iyo nga ipinadala, hindi ba?" natatawang sabi pa ni Jinni. "Ayan buksan mo para iyang box na mismo ang magpaliwanag kung ano ang laman niyan." "Hindi kaya delikado iyan? Baka mamaya ay hindi naman pala talaga para kay Amaia iyan?" pag-aalalang sabi ni Papa. "Oo nga!" pagsang-ayon ko kay Papa. "Wala naman akong inaasahan na may magpapadala sa akin. Isa pa, baka binayaran ninyo iyan ha? Hindi tayo mayaman!" "Couz, walang nagbabayad dito kapag hindi kanya ang parcel. Baka may manliligaw ka lang?" panunukso pa ni Kuya Athan. Napanguso na lang ako. May punto nga naman siya na hindi ko rin naman babayaran ang parcel kung hindi akin iyon. So wala akong ibang choice kung hindi ang buksan iyon. Mas nauna pa silang nag-react kaysa sa akin. Nagulat na lang din ako nang makita kong panay pagkaing imported ang laman nito. May ilan ding bags at iba pang susyalin na gamit. Parang hindi ko ata ito kayang tanggapin. "Hindi kaya kay ano galing iyan? Sa ex-boyfriend mong mayaman dati?" tanong ni Dylan, bunso naming pinsan. Napairap naman ako sa kanya. Siya ang parating nang-aasar sa akin tungkol sa pesteng lalaking iyon. Imposibleng sa kanya ito manggagaling dahil siya nga ang nang-iwan at walang paramdam. "That's impossible. Dalawang taon na silang hiwalay. Nowhere to be found nga ang impaktong iyon," inis na sabi ni Jinni. May nakita akong isang letter card kasama ng chocolate. Agad ko iyong kinuha para basahin kung ano ang nakasulat. "Nanggaling ito sa lalaking tinulungan ko noon," wika ko. Tama ang aking hinala na mayaman siya. Paano niya nagagawang magpadala ng mga branded items na ganoong kadali lamang? Wala na ba talagang halaga sa kanya ang pera ngayon? "Wow! Wala pa ring kupas ang pagiging dalubhasa mo sa martial arts. Akalain mong may magpapadala pa sa iyo ng ganyan bilang pasasalamat!" natutuwang sabi ni Kuya Athan. Aanhin ko naman ang ganitong mga bags? Itong mga pagkain ay may pakinabang pa sa amin e. Sa dami nito ay for sharing talaga. Kumuha lang ako ng ilang chocolates at hinayaan na sa kanila ang iba pang pagkain. Ang mga gamit naman ay hindi nila ginalaw dahil akin daw iyon. Napakibit-balikat na lang ako. Sayang naman kung hindi ko gagamitin kaya itinabi ko na lang muna sa kwarto. Ni hindi man lang nagpakilala sa akin ang lalaking iyon. Well, ang mahalaga ay alam kong ligtas siya ngayon kasi nakapagpapadala pa siya ng regalo. Magkikita pa kaya kami?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD