Kabanata 4 - Golden Mask

1269 Words
"Jinni!" sigaw ni Ate Seri. Sinubukan ko ang sarili ko na huwag mag-panic. Sinusuri ko ang katawan ni Jinni. Normal ang kanyang paghinga at mukhang wala namang ibang effect sa kanya. Tumayo ako para tingnan ang halamang nakasugat sa kanya. Familiar ako rito dahil napag-aralan ko ito. Nanlaki ang aking mga mata nang napagtanto na ang halaman na ito ang may kakayahang patulugin ang isang tao kapag nasugatan ng tinik nito. "Ate Seri, tawagin mo sila Kuya Athan para buhatin si Jinni. Kailangan natin siyang maisandal sa puno," pakiusap ko sa kanya. Nagpa-panic siyang tumayo at tinawag na ang dalawa. Patuloy pa rin ako sa pag-check kay Jinni para makasigurado na walang lason ang halaman na iyon. Pinaliwanag ko naman sa kanila ang nangyari para hindi sila magulat at mag-alala. Sigurado naman akong magigising din si Jinni. Inilabas ko ang isang binigay sa akin ng professor ko na lunas sa ganitong sitwasyon. Binuksan ko ito at ipinaamoy kay Jinni. "Tatalab ba iyan?" pag-aalalang tanong ni Dylan. "Maniwala ka sa kakayayan ng Ate Maia mo. Doctor natin iyan, ano ka ba!" wika ni Kuya Athan. Napangiti naman ako sa kanya. Kaming dalawa talaga ang halos nakakaintindi sa isa't isa pagdating sa propesyon. Lawyer na siya ngayon at talaga namang napakahaba rin ng kanyang mga pinagdaanan bago marating ang kanyang pangarap. Sa susunod ay ako naman ang ga-graduate kasabay ni Dylan. Siya naman ang future engineer namin. Ang sarap sa pakiramdam na lahat kami ay nakuha ang kursong gustong-gusto namin. Ilang minutong pagpapaaoy ko kay Jinni ng gamot ay nagmulat na siya ng kanyang mga mata. Ang sugat niya kanina ay nagamot ko na rin para hindi ito ma-infection. "Anong nangyari?" pagtatakang tanong ni Jinni. "Pagkatapos mong umihi ay bigla ka na lang sumigaw kanina," sagot ni Ate Seri. "Kamusta ang pakiramdam mo?" "Medyo nahihilo lang nang kaunti pero maayos naman na ako," sagot ni Jinni. "Ayaw kasing mag-ingat. Sinabi na ngang umiwas sa mga halaman hanggang maaari," masungit na sabi ni Dylan. "Huwag kang mag-alala, nagamot ko na ang sugat mo. Sa susunod ay mag-ingat ka. Pasalamat na lang tayo at hindi ang nakakalasong halaman ang nakadali sa 'yo. May pampatulog lang ang halamang nadanggi mo kaya ka nagkaganiyan. May kaunting hilo ka talagang mararamdaman bago makatulog. Mamaya ay mawawala na iyan since nagising ka na. Pahinga ka lang nang kaunti," paliwanag ko sa kanya. Napatingin ako sa aking relo. Lagpas dalawang oras na kaming umaakyat. Malapit na siguro kami sa halamang marabyat. Pero dito pa lang sa kinatitigilan namin ay wala pang sign ng halaman na ito. Sana talaga ay hindi masayang ang pag-akyat namin. Habang nagpapahinga sila ay nakita kong may mga bagong tubong halaman ng Sifgeri na nakadali kay Jinni. Nagsuot ako ng gloves at kinuha ang aking dalang kutsara para hukayin ito. May dala rin akong lagayan in case na makakuha ako ng marabyat. Dito ko na lang din inalagay dahil maliit lang naman itong sifgeri. "Anong gagawin mo sa halaman na iyan?" tanong ni Kuya Athan. "Iyan na ba iyong nasa thesis mo?" Ngumiti na lang ako at tumango. Wala akong ibang choice kung hindi ang magsinungaling para hindi sila mapahamak kung malalaman man nila na marabyat talaga ang pakay ko. "Oo e. Pero kailangan ko kasi ng ganitong may bulaklak kaya aakyat pa tayo. Ilang minuto na lang naman ay makararating na siguro tayo," pagsisinungaling na paliwanag ko. "O siya! Tara na! Ano pang hinihintay natin?" yakag ni Jinni. Napalingon kami sa kanya. Sobrang sigla niya bigla na para bang walang nangyari sa kanya. Nakahinga ako nang maluwag sapagkat epektibo talaga ang gamot na ibinigay sa akin. Ang alam ko ay aabutin din ng dalawang oras ang pagkawala ng malay kung hindi gagamitan ng gamot. Sa patuloy na pag-akyat namin ay hindi ko maiwasang magulat at magtaka nang may nakita akong malaking gate. Paano magkakaroon ng bahay sa taas na parte ng bundok na ito? "Hala? May nakatira pala rito?" pagtatakang tanong ni Ate Seri. "Wala na tayong ibang malulusutan kung hindi itong gate lang." "Hindi ko rin inaasahan na mayroong ganito rito. Paano nga iyan maitatayo sa ganang kataas na lugar at iaakyat mo pa ang gamit mula sa baba?" naguguluhang sabi naman ni Dylan. Siya ang magaling dito kaya iyang pagtataka niya ay mas lalo akong kinutuban ng kakaiba. "Sa pangit ng dinaanan natin, sobrang tagal iyan bago magagawa unless mayroong ibang daan na kakasya ang sasakyan." "Paano naman magkakaroon ng ibang daan dito? Sobrang restricted nga ng bundok na ito. Kailangan pa ng slip bago makaakyat," saad naman ni Jinni. "Mukhang wala naman tayong ibang magagawa kung hindi ang pumasok diyan," wika ko. Lumapit na ako sa gate para pindutin sana ang doorbell nang biglang may mga armadong lalaki ang pumalibot sa amin pagkabukas ng gate. "Huwag po!" natatakot na sigaw ni Ate Seri. "Mabubuti po kaming tao!" Napakagat ako ng aking labi. Kasalanan ko ito kung bakit kami umabot sa puntong ito. Hindi ko talaga alam na mayroong bahay dito. Nang mapansin ko na tinutukan ng baril ng isang lalaking nakaitim na maskara si Dylan ay nagpumiglas na ako. Siniko nang malakas ang lalaking humihila sa akin. Sinipa ko ang kamay niya para mabitawan niya ang kanyang baril. Nagpaunahan kaming madampot ito at sinuwerte na nauna ako. Habang may chance ako ay pinatulog ko ang lalaki gamit ang technique na alam ko sa martial arts at bilang isang nagdo-doctor din ay alam ko kung saang parte sila dapat patamaan. Paglingon ko ay lahat na ng kanilang baril ay nakatutok sa akin kaya naman ibinaba ko na ang baril na hawak ko. Hindi ko kayang pumatay ng tao at hindi ko pwedeng i-risk ang buhay ng mga pinsan ko. Sa ganitong paraan ko lang makukuha ang atensyon nila para hindi nila tutukan ng baril ang mga pinsan ko. "Pakawalan ninyo ang mga pinsan ko. Ako talaga ang may pakay sa lugar na ito. Ang alam nila ay aakyat lang kami para sa adventure. Hindi kami aware na mayroon pala ritong pribadong lugar," pakiusap ko sa kanila. May lumapit sa aking dalawang lalaki at hinawakan ako sa magkabilang kamay. Hindi na ako pumiglas para makuha ko ang awa nila sa amin. "Ano ang pakay ninyo rito?!" tanong ng lalaking may hawak sa akin. "May hinahanap lang kaming halamang gamot sa sakit," mahinahong sagot ko sa kanya. "Anong halaman iyon?" tanong niya pa sa akin. Napayuko ako. Hindi nila pwedeng malaman na marabyat ang aking hinahanap. Nag-isip ako ng ibang halamang pwedeng ipalusot. Saad ko, "Ang halaman na..." Bago ako sumagot ay pumiglas ako nang maramdaman ko ang pagluwag ng pagkakahawak nila sa akin. Agad kong inagaw ang baril ulit ng isa sa kanila. At mabilis na pinatumba ang isa. Ang kanina pang tanong nang tanong sa akin ay hinila ko ang kanyang leeg at tinutukan siya ng baril. "Kapag hindi ninyo pinakawalan ang mga pinsan ko, tutuluyan ko na ang kasama ninyo!" pagbabanta ko sa kanila. "Huwag mong gagawin iyan, Maia!" sigaw ni Kuya Athan. "Hindi tayo mamamatay tao." "Hindi talaga ako mamamatay tao pero kung sasaktan nila kayo, wala akong choice!" sigaw ko rin sa kanya. Biglang nagbukas ang pintuan ng malaking bahay. Nag-focus ako sa pagtutok ng baril sa lalaking madaldal. Ayokong magawa niya sa akin ang ginawa ko sa kanila kanina. Kung ang mga lalaking kumaladkad sa amin ay nakasuot ng kulay itim na maskara, ito namang isang lalaki sa may harapan ng pintuan ay nakasuot ng kulay gold na mask. Ang katabi naman niya ay nakasuot ng silver. Ibig sabihin itong lalaking nakasuot ng golden mask ang leader nila? "What a great show," wika ng lalaking naka-gold mask.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD