Kabanata 5 - Bihag

1555 Words
Kakaibang takot ang naramdaman ko nang lumapit sa amin ang lalaking naka-gold mask. May nilalaro siyang maliit na balisong sa kanyang mga daliri. "Ah!" sigaw namin nang ibato ng lalaki ang balisong sa gilid ko. Dahan-dahan kong tiningnan kung saan ito pumatak. Nagulat ako na napunit nang kaunti ang aking damit pero hindi naman ako nasugatan. Mukhang sinasadya niya na takutin ako dahil sa lalaking tinututukan ko ng baril ngayon. "Kung hindi mo bibitawan ang tauhan naming hawak mo, lahat kayo rito ay sabay-sabay mamamatay," madiing banta ng lalaking nakasuot ng silver mask. "Talaga? Hindi kayo worried sa lalaking ito?" tanong ko. Pinipilit kong maging matapang para hindi ako magmukhang hindi marunong sa aking ginagawa. "Sa tingin mo ba ay mayroon kaming pakialam sa mga buhay ng mahihina?" natatawang tanong niya pa sa akin. Napataas ang aking kilay. Tama ba iyon? Parang tinatapon niya lang ang buhay ng kanyang mga kasamahan? Kakaibang klaseng grupo naman ata itong nakasagupa namin. Wala silang pakialam sa buhay ng mga nagtatrabaho o naglilingkod sa kanila. "Papayag ka sa sinabi ng amo ninyo?" pang-aasar ko sa lalaking bihag ko. "Wala siyang pakialam sa buhay mo kahit mamatay pa tayo nang sabay-sabay dito." Nagulat ako nang bigla siyang ngumiti. Tanging ang mga labi lang nila ang kita namin sa mukha nila dahil sa mask. Hindi ko sila makikilala sa mata sapagkat hindi ito masyadong kita. "Wala na talaga kaming pakialam sa buhay ng kasamahan namin kung alam naming may kapalpakan silang ginawa. Katulad ko na pumalpak sa paghuli sa iyo. Tanggap ko na kung mamamatay ako...basta kasama kayo sa hukay!" sabi niya habang natatawa pa sa akin. Nag-iinit ang aking ulo sa kanyang sinabi. Anong klaseng mindset ang mayroon sila? Hindi ko kayang maging tuta ng isang tao at susundin lamang kung ano ang kagustuhan nito. "Pakawalan mo ang mga pinsan ko. Ako ang harapin ninyo! Nakikiusap na ako. Parang awa ninyo na!" pakiusap ko aa lalaking nakasuot ng gold mask. "Ako mismo ang may gustong pumunta rito. Nadamay lang sila! Kahit sila na lang ang pakawalan ninyo." "Maia!" suway ni Kuya Athan. "Hindi mo alam ang mga sinasabi mo. Hindi ka namin iiwan mag-isa rito!" "Kuya, kasalanan ko kung bakit tayo narito. Nagpumilit ako na pumasok tayo rito kahit na private property na pala ito. Buong akala ko ay wala ni isa ang nakatira sa bundok na ito, nagkakamali pala ako," naiiyak kong sabi. Maya-maya ay itinulak ko ang lalaking bihag ko papunga sa dalawang lalaking nasa unahan namin. Ano pa ang saysay na gawin siyang banta sa kanila kung siya na mismo ang walang pakialam sa kanyang buhay? "Please! Ako na lang ang iwan ninyo rito," muling pakiusap ko. Pinipigilan ko ang mga luha ko sa takot na baka may masaktan sa kanila. "Please?" Tumingin ang lalang naka-silver mask sa naka-gold mask. Tumango ang naka-gold at tila may ibinulong pa ito sa kanyang kasama. "Piringan ninyo ang lahat ng kasama ng babaeng ito," utos ng lalaking naka-silver mask. Maraming mga tauhan ang pumunta sa mga pinsan ko. May hawak silang mga mahahabang panyo at pinipilit silang lagyan nito. "Anong ginagawa ninyo?!" galit na sigaw ko. "Pakawalan ninyo sila! Wala silang kasalanan dito. Huwag ninyong parusahan ang mga pinsan ko. Ako ang harapin ninyo!" "Masyado kang maraming sinasabi. Hindi ba gusto mong pakawalan sila? Sa tingin mo ba ay tanga kami para ipaalam sa kanila kung saan sila daraan pauwi?" masungit na sabi ng lalaking naka-silver. Pinili ko na lang na hindi magsalita para sa kapakanan ng aking mga pinsan. Habang pinapanood ko sila ay nararamdaman ko ang galit sa aking sarili. Rinig ko ang pag-iyak nila Jinni at Ate Seri. Kalmado lang na sumusunod ang iba. Alam kong gusto nila akong iligtas pero mas mahalaga na buhay sila kaysa lahat pa kami mapahamak dito. Nang mawala na sila sa aking paningin ay napatungo na lang ako. Aanhin ko ang galing sa pakikipaglaban kung napapalibutan ako ng mga armadong lalaki? Ni hindi ko nga alam kung lalaki ba talaga ang lahat ng mga narito. Hinila ako ng isang lalaki at pinasok sa mansion. May isang kwartong malapit sa main door nila at doon ako ipinasok. Nagulat ako na basta na lang nila akong tinulak doon at ikinulong. Hindi nila ako nilagyan ng posas at hindi man lang nila naisip na kaya kong tumakas? Baka sobrang daming trap dito kaya kumpyansa silang hindi rin ako makaliligtas. Umupo ako sa isang napakagandang sofa. Pati ba naman dito ay makikita mong napakayaman talaga ng boss nila. Swerte pa rin ata ako na hindi sa magulo at maduming lugar ako ikinulong. At dahil hindi ako mapakali, tumayo ako para buksan ang isang pintuang natanaw ko. Isang panibagong kwarto na naman ito. Hinanap ko ang switch ng ilaw para makita ko kung ano ang nasa loob. Medyo madilim kasi dahil nakasarado ang mga bintana. Napanganga ako nang makitang maraming mga art materials ang nandito. May mga nakatayong canvass pa at may mga pintura sa gilid na table. "Ayokong ma-bored dito kaya pasensyahan na lang. Gagalawin ko itong mga art materials ninyo," proud na sabi ko pa sa aking sarili. May nakita akong maliit na picture ng isang magandang tanawin. Napansin ko na may isang hindi natapos na painting at ito ang ginagawa niya. Napangiti ako sa pag-iisip na baka walang time ang nagpipinta nito. Pwes, dahil ayaw nila akong pakawalan ay pakikitaan ko siya ng talento sa pagpipinta. Isa rin ito sa namana ko kay Papa kaya ang daming nagsasabi na maswerte raw ako. Totoo naman. Nagsimula na akong magpinta. Sinigurado ko na mukhang realistic pa ang aking gawa para naman mamangha sila. Baka sakaling kailangan nila ng trabahador na marunong magpinta, pwede nila akong kunin. Wala akong balak mamatay sa lugar na ito. Mas mahalaga sa akin na maiahon ko sa hirap ang aking pamilya. Bihag nila ako ngayon pero parang nag-e-enjoy ata ako rito? Napapangiti na lang ako bigla kapag natutuwa ako sa tamang pagkumpas ko ng aking kamay. Kapag napapagod ako ay nagpapahinga naman ako kaso ang gutom, mahirap labanan. Natapos ko ang painting ng ilang oras na ata. Nasisilip ko kasi nang kaunti ang labas at mukhang palubog na ang araw. Mukhang hindi ata ako makakauwi ngayon. Napalingon ako sa pintuan nang may padabog na nagbukas nito. Nagtataka akong tumingin sa kanila. Wala maman akong ginagawang masama para pagdabugan nila. Medyo maangas talaga ang datingan nitong nakasuot ng silver mask, samantalang ang naka-gold ay wala namang imik. Lumapit sa akin ang lalaking naka-gold mask. Nakahabol tingin lang ako sa kanya. Napansin ko na pasulyap pa siya sa aking ipininta. Tama ba ang nakikita ko na ngumisi pa siya? "Makakalaya ka kung sasabihin mo sa amin kung anong totoong pakay mo sa lugar na ito," wika niya. Madiin ang bawat pagkakasabi niya kaya talagang natatakot ako sa tono niya. "A-Ano..." nauutal ko na sagot. Hindi ko masabi ang totoo dahil lihim lang ito. "Ma-may hinahanap lang po ako na ha-halamang nakagagamot." Somehow ay hindi naman ako nagsisinungaling sa part na ito. May hinahanap naman talaga akong halaman. "Anong halaman?" sunod na tanong niya. "Hindi ko po a-alam ang ta-tawag," pagsisinungaling ko habang nauutal. "Alam ko lang po ang itsura." "Then describe it," saad niya pa, parang hinahamon pa ako habang nakangisi na naman. Hindi na naman ako makaimik. Sa tono niya ay parang hindi siya maniniwala sa aking mga sasabihin? Bigla niyang hinawakan ang aking baba para tumingin nang diretso sa kanya. Nanlalaki ang aking mga mata sa gulat. Tanging ang mga mata lang niya ang aking nakikita. Para bang may magnet ito at ang akin ay bakal. Hindi ako makaiwas sa kanya kahit anong gawin ko. "Umamin ka na kung ayaw mong dito pa magtapos ang buhay mo," pananakot niya sa akin. "Kapag hindi ka nagsalita, sisiguraduhin kong hindi makauuwi nang ligtas ang mga kasama mo. Sa tingin mo na ay nakauwi na sila?" Nanginig na ang aking katawan sa kanyang mga sinabi. Agad kong inalis ang kamay niya sa aking baba at mabilis na lumuhod sa kanyang harapan. Pagmamakaawang sabi ko, "Please? Huwag na huwag ninyong sasaktan ang mga pinsan ko. Hindi nila ginusto ito. Hindi rin nila alam kung ano ang halaman na hinahanap ko. Nagpalusot lang ako na kailangan ko iyon para sa isang project. Ako na lang ang parusahan mo, huwag na sila." "Then answer my simple question," pagmamatigas na tanong niya. "Or else---" "Sasabihin ko na!" naiiyak kong sabi. Takot na takot akong may mangyari sa mga mahal ko sa buhay. Kami na nga lang ang inaasahan ng mga magulang namin tapos masisira lang dahil sa akin. Masama ang tingin niya sa akin. Napalunok na lang ako ng aking laway sa takot. Intimidating talaga siya at mukhang kayang pumatay ng tao. "Halamang marabyat ang kailangan ko," takot na sagot ko sa kanya. Nanginginig pa ako habang hindi makatingin sa kanya. "Bakit mo hinahanap ang halamang ipinagbabawal na iyan?" tanong niya pa. "Ka-kasi ka-kailangan ko ito para sa pinsan kong may sakit. Naniniwala ako kay Doc. Kenjie na mabisang gamot iyan sa kakaibang sakit sa tiyan," sagot ko na may kauting pagsisinungaling. Itinaas niya ulit ang baba ko para tumingin sa kanya. Mas nagulat ako nang may hawak na siyang mga dahon ng marabyat. Paano siya nagkaroon nito? "Alam kong nagtataka ka. Ibibigay ko lang ito sa 'yo sa isang kundisyon," wika niya, sabay ngisi sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD