Kabanata 6 - Paghatid

1740 Words
Nakatitig lang ako sa hawak ng lalaking nakasuot ng gold mask. Parang inaasar niya pa ako nang inilalapit niya ito sabay ilalayo. "Ano ang kondisyon mo?" matapang na tanong ko sa kanya. Bigla niyang itinuro ang nakasakbit na bag sa aking likuran. Ano na naman ba ang kailangan niya? Wala naman akong dalang maraming pera. Halos wala pa ngang 200 pesos ang laman ng aking wallet. Nakatingin ako sa kanyang mga tauhan habang tinatanggal ko ang aking bag. Dahan-dahan ko itong pinadausdos sa sahig para mapunta sa demanding na lalaking ito. Kailangan ko talagang sumunod para naman makauwi ako kasama ang mga dahon ng marabyat. Pero bakit mayroon siya nito? At nahulaan niya talaga kung ano ang kailangan ko kasi may nakahanda na? Hindi kaya pinaglalaruan lang kami ng mga ito? Napapaisip ako kung paano ako pinayagang makapunta sa bundok na ito nang hindi nila alam na mayroon na pala ritong nakatayong malaking bahay at private property na ito? "Masyado atang malalim ang iyong iniisip, Binibini," natatawang sabi ng lalaking nakasuot naman ng silver mask. Napairap na lang ako sa kanya. Hindi ko siya kailangang kausapin dahil obviously, under lang din siya ng lalaking nasa aking harapan. Napansin ko na may hinahanap siya sa aking bag. Nakita niya ang ilan sa pagkain na dala ko na galing pa sa hindi ko kilalang lalaki. Parang natulala pa ata siya roon ng ilang segundo bago magkalkal ulit. Maya-maya ay inilabas niya ang pinaglagyan ko ng halamang kinuha ko kanina. Napakagat ako ng aking labi sabay tingin sa malayo. "You admitted that you need marabyat leaves, right?" wika ng nakasuot ng gold mask, sabay ngisi sa akin. "You don't need this one." Inabot niya ang lagayan ko sa iba niyang tauhan. Bigla akong nanlumo kasi sayang ito. Gusto ko sanang pag-aralan ang halaman na iyon kung paano niya napapatulog ang mga tao. Hindi na ako makatingin sa kanila. Hindi pa nga ako sigurado kung ibibigay niya sa aking ang dahon ng marabyat. Iniisip ko na lang ang aking mga pinsan. Paano na sila? "Follow me," wika pa niya. Napaangat ang tingin ko. Nakatalikod na siya sa amin. Ako naman ay mabilis na tumayo nang maayos. Kahit ano namang gawin kong galaw ay hindi ako makakatakas. Hindi na nila ako hinahawakan dahil nga siguro alam nilang hindi ako magbabalak umalis. Sumunod ako sa kanya gaya ng kanyang sinabi. Napunta kami sa isang kwartong walang kalaman-laman. Maya-maya ay inilagay niya sa isang magandang lagayan ang marabyat leaves at inilagay iyon sa aking bag. Binuksan niya pa ang isang pintuan at bumungad sa akin ang isang magandang sasakyan. Nakataklob ang plate number nito sa unahan. Siguro naisip nilang baka isumbong ko sila gamit iyan. Kung mautak ako, tiyak na mas mautak sila. Paano rin nila nalaman na may tinatago akong ibang halaman? May CCTV ba sila sa lugar na iyon? Paano na si Jinni na umihi kung saan-saan? "You're overthinking too much. We don't have CCTV in that area. We have trained dogs that can smell strong scents," saad niya, nakatalikod pa rin sa akin. Bahagya akong napatigil. Mind reader ba siya o masyado lang akong obvious? Pinili ko na lang ulit manahimik at huwag nang pagkaisipan masyado ang mga sinasabi niya. "Sakay!" utos sa akin ng lalaking nakasuot ng silver mask. Napasimangot ako sa kanya. Makaasta ay kala mo mas mataas pa siya rito sa kasama niya. Pumasok na ako sa sasakyan. Katabi ko ang lalaking nakasuot ng gold mask. "Ano ba ito? Hindi ko alam ang pangalan nila kaya sa kulay na lang ng mask ang palatandaan ko sa kanila." Kinakausap ko na ang aking sarili sa isipan ko. Naloloka na ako sa mga nangyayari ngayong araw. Siguro ay dahil hindi pa ako kumakain. Ngayon ko lang napansin na pagabi na pala at ngayon ko lang din naramdaman ang gutom. Napahawak tuloy sa akin tiyan. Titiisin ko na lang ito hanggang sa makarating na kami sa aming pupuntahan. May ibinato sa akin ang katabi ko na isang sachet ng tinapay. Hindi ko kilala ang brand pero mukhang mamahalin. "Thanks. Kaso baka may lason ito kaya huwag na lang," nakasimangot kong sabi. Hindi niya ako pinansin. Nanatili akong hawak-hawak ang pagkain na ibinigay niya. Maya-maya ang lalaking nakasuot ng silver mask ay kumuha din ng pagkaing katulad ng hawak ko. Kinain niya ito na parang nang-aasara. Kahit na bahagya niyang itinaas ang kanyang maskara ay hindi ko pa rin siya mamukhaan. "Kung ayaw mong kainin ay akin na lang. Paborito ko iyan at minsan lang ako makakain nan dahil sa ibang bansa pa iyan nabibili," wika niya na may pang-aasar talaga. Hahablutin niya sana sa akin pero inilag ko ang aking kamay. Muntik nang dumali sa dibdib ko ang kanyang kamay. Pareho kaming nagulat nang mabilis na napigilan ng katabi ko ang pangyayaring iyon. Parang nahiya tuloy ang lalaking nang-aasar sa akin sa kanyang boss. Inirapan ko lang siya habang nakatingin siya sa salamin para timbangin ang nangyayari. Kinuha ng katabi ko ang binigay niya sa akin kanina. Binuksan niya ito at pinirasuan nang kaunti. Kinain niya iyon sabay balik sa akin ng natirang tinapay. Kinuha ko rin iyon kaysa magalit pa siya. Kahit papaano ay mayroon din pala siyang puso, hindi katulad ng alalay niyang matindi pa ang ugali sa kanya. Tumalikod ako sa kanya at sinimulang kainin ito. Ayokong makita nila ang itsura ko. Kahit papaano ay may pride din ako. Nahihiya lang din ako na pinagsuspetyahan ko sila na baka lasunin ako. "Saan ka namin ihahatid? Doon din ba sasinasabi mong mga pinsan mo?" tanong ng nakasuot ng silver mask. Ibig sabihin ay alam na nila ang bahay namin? Lalo lang nila kaming mamamatyagan. Kailangan naming maging maingat dahil hindi lang basta ang maging kalaban nila. "Hindi. Magkakaiba kami ng bahay. Doon mo na lang ako ihatid sa may palengke sa Maktan. Papasok pa kasi ang bahay namin. Hindi kakasya ang kotse ninyo," pagsisinungaling na sabi ko. "Okay," matipid na sagot niya. Naisip ko rin na sa palengke sila papuntahin para kahit papaano ay mapaisip sila kung worth it ba bumaba at maraming makakita sa kanila. Bakit parang ang tagal ng biyahe? Sa pagod ko ay hindi ko namalayang naidlip na pala ako. Nagising na lang ako nang tinatapik na ako ng nakasuot ng silver mask. "Narito na tayo. Bababa ka ba o hindi? Gabi na o. Delikado na rin para sa 'yo umuwi nang gabi," wika niya, may halong pagka-concern na. Napatingin ako sa labas. Madilim na nga at hindi pa naman ito ang daan ko pauwi. Kailangan ko pang tawagan si Kuya Athan para sunduin ako rito. Kaso nakuha kaya niya ang kanyang sasakyan? "Maraming salamat sa paghatid sa akin!" sincere na sabi ko sa kanila. "Kahit na medyo malala ang challenge sa akin ngayon, nakuha ko pa rin iyong kailangan ko. Salamat pa rin sa inyo!" Bubuksan ko na sana ang pintuan nang kotse nang bigla kong nakita ang reflection ng nakasuot ng gold mask na biglang nahulog ang suot niya. Kalahati lang ng itsura niya ang nakita ko. Agad din akong bumaba para magpanggap na hindi ito nakita. Baka hindi na ako makauwi nang buhay kapag nalaman niyang may nakita ako sa kanyang itsura. Nakangiti pa ako nang sumilip ako sa nakasuot ng silver na mask. Walang bumaba sa kanila since naka-mask sila. Nakakahiya iyon at siguradong agad pansin. Napakautak ko sa part na ito. Kailangan lang din talagang tapatan ang kautakan nila. Nagpaalam ako sa kanila sabay takbo papasok ng palengke. Kinuha ko ang aking cellphone para tawagan si Kuya Athan. Agad kong pinaalam sa kanya kung nasaan ako. Hindi na ako nagpaliwanag pa para hindi humaba ang usapan. Bumili na rin ako ng pwedeng pasalubong kila Mama at Papa para hindi sila nag-aalala kung saan man ako galing at paano ako napahiwalay. Bumili lang ako ng paborito nilang prutas na pasok sa aking budget. Pagkaraan ng ilang minuto ay dumating na si Kuya Athan. Sinigurado ko muna na wala na ang sasakyan ng mga naka-mask. Nakahinga ako nang maluwag dahil nakapuslit agad ako sa sasakyan ni Kuya Athan. "My gosh, Maia!" sigaw niya nang makita ako. "Anong nangyari? Bakit ngayon ka lang nakaalis sa lugar na iyon? Paano ka napadpad dito?" "Ang dami mong tanong, Kuya," reklamo ko, sabay kamot sa aking ulo. "Pero ano nga ang nangyari?" pangungulit na tanong niya. Ikinuwento ko sa kanya ang lahat maliban sa nakita ko nang bahagya ang mukha ng leader ng mga naka-mask. Sa totoo lang ay hindi pa ganoon kalinaw sa akin ang mukha niya. Ang masasabi ko lang ay mukhang bata pa ito na matanda lang sa akin ng ilang taon. Hindi ko talaga maalala nang malinaw ang kanyang itsura. Mabuti na ring ako lang ang nakaaalam dahil madaldal din ang ilan sa mga pinsan ko. Natatakot ako na umabot pa sa kanya at mapahamak na naman kami. "E ikaw? Paano mo nakuha ang sasakyan mo? Doon ba kayo nagpahatid?" tanong ko. "Ako lang ang pinababa nila para kunin ang sasakyan. Ako rin ang sinundan nila para maihatid pauwi ang iba. Wala naman din akong choice kasi marami silang bantay, may mga armas pa," malungkot niyang sagot sa aking mga tanong. "Kung ganoon ay alam na nila ang bahay natin. Pero nagpanggap ako na hindi ninyo ako kasama kaya dito ako nagpababa," wika ko. "Sigurado ka bang hindi ka nasundan?" tanong pa niya sa akin. "Hindi. Hindi rin bababa ang mga iyon kasi naka-mask sila. Isa pa, wala silang kasamang ibang tauhan. Naninigurado rin siguro ang mga iyon na ligtas sila kaya sa palengke ako nagpababa," proud pa na sabi ko. "Pero kamusta naman? Nakuha mo ba ang kailangan mo?" concerned na tanong niya. "Ah e ano e, hindi nga pero hayaan na. Gagawan ko na lang ng paraan," pagsisinungaling ko sa kanya. Nakalagay pa sa aking likuran ang kamay ko habang naka-cross fingers. Hindi nila pwedeng malaman kung ano ang aking inaaral. Mas delikado ang buhay nila kung malalaman ng awtoridad na may alam sila tungkol sa marabyat. Bumuntong-hininga lang si Kuya Athan. Ramdam ko ang lungkot niya para sa akin. Nakaka-guilty tuloy ang pagtatago ko sa katotohanan. "Makikiusap na lang ako sa aking adviser. Baka matulungan niya ako kaya huwag na kayong mag-alala, okay? Ang mahalaga ay lahat tayo ligtas," pagbibigay assurance ko sa kanya. Hihingi rin ako ng pasensya sa tatlo kong pinsan. Kung hindi dahil sa akin, hindi sila mapapahamak nang ganito. Sana ay mapatawad nila ako sa mga nangyari ngayong araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD