Kabanata 1 - Pagtulong

1391 Words
"Hindi ako makapapayag na masayang ang lahat ng aking pinaghirapan," wika ni Amaia sa kanyang sarili. Tinitingnan niya ang mga librong aaralin niya para sa susunod na pagsusulit. "Napakarami naman! Bakit kasi ang daming sauluhin!" "Nagsasalita ka na naman mag-isa, Maia. Okay ka lang ba?" natatawang tanong ng kanyang pinsan na si Jinni. Napasubsob na lang si Amaia sa kanyang study table. Ilang araw na siyang nag-aaral para sa sunud-sunod niyang mga pagsusulit. Pangarap niya ang maging isang doctor kaya naman ay ilang taon siyang nagsusumikap para maabot ito. May mga punto lang na napapagod din siya at alam niyang part din ito ng kanyang pag-aaral. Napasimangot si Jinni nang mapansin na nakatulala na naman ang kanyang pinsan. Agad siyang lumapit para pitikin ang noo nito. Masamang tingin lang ang iginawad ni Amaia sa kanya. "Akalain mo na accelerated student ka noon bago ka mag-take ng med school, ngayon mukhang pasuko ka na?" pang-aasar ni Jinni. "Hahanapan na lang kita ng mayamang mapapangasawa. Mahirap tumandang dalaga." "Ay naku, Jinni!" Napabangon si Amaia habang napapailing na nakatingin sa kanyang pinsan. "Gusto ko sa lalaki iyong bigla na lang darating sa buhay ko. Kaso wala pa akong panahon para sa ganyang bagay. Hindi ko kailangan ng three letter m mo na mayamang madaling---" "Shhh!" Tinakpan ni Jinni ang bibig ni Amaia para patahimikin ito. "Huwag kang ano riyan. Baka marinig tayo nila Mama at Papa. Hindi pa nila alam na may jowa ako na alam mo na." Kabadong-kabado si Jinni habang nagsasalita. Napapatingin pa siya sa may pintuan para siguraduhing walang papasok. "Kaya sa susunod huwag mo nang ulitin na hanapan ako ng ganyang tao. Tutuktukan talaga kita!" pagbabanta ni Amaia. Bumalik na lang siya sa pag-aaral kaysa makinig sa kung anong panunukso ni Jinni. Iniwan din naman siya nito para makapag-focus sa kanyang ginagawa. Napabuntong hininga si Amaia nang mapadako ang tingin niya sa kanyang gagawing thesis. Alam niyang mahirap ang topic na kinuha niya dahil kailangan niyang mag-risk para matapos ito. Hindi niya alam kung makaka-graduate siya on time dahil ang halaman na inaaral niya ay nakagagamot pero illegal ding gamitin sa kanilang bansa. Pagkatapos ng dalawang linggo ay naipasa lahat ni Amaia ang kanyang mga exams. Puring-puri na naman siya dahil consistent na siya ang laging nangunguna sa may mataas na puntos. Malaki ang expectations sa kanya ng mga tao sa school nila kaya rin pinayagan siya sa thesis na ginagawa niya ngayon. Matinding pagdepensa ang ginawa niya bago napapayag ang adviser niya. Humingi pa sila ng pahintulot sa gobyerno para gawin ito pero sa isang kondisyon, ang panatilihin na lihim ito para walang ibang magkaroon ng interes na makialam sa kanyang pag-aaral. Habang naglalakad si Amaia ay mayroon siyang nakitang mga lalaking tumatakbo. Nagtataka siya at dahil sa pagiging kuryoso, sinundan niya ang mga iyon. Napansin niyang mayroong lalaking mukhang mayaman na hinihila ng mga lalaking nakaitim at pilit itong pinapasakay sa isang van. Mabilis siyang tumungo sa kinaroroonan ng mga lalaki. Nakapulot siya ng isang matigas na kahoy at ipinalo iyon sa likod ng mga lalaki. Nakuha niya ang atensyon ng mga ito dahil sa pagsigaw ng isang lalaki. "Bwisit kang babae ka!" sigaw ng lalaking nasaktan. "Hindi ako pumapatol sa ganyang magagandang katulad mo pero sinusubok mo ang pasensya ko! Hindi bale, hindi kita gagamitan ng armas dahil mapagbigay ako lalo na kung isang katulad mo ang premyo ko." "Bastos ka ah!" inis na sabi ni Amaia. Nang ibinaba ng lalaki ang kanyang baril ay agad na sinipa ni Amaia ang ibabang parte ng lalaki. Napainda ito sa sakit kaya napaupo sa sahig. Ang ilan sa mga lalaki ay sumugod na kay Amaia para atakihin ito. Napatingin siya sa lalaking biktima na nakahandusay. Hindi niya hahayaan na masaktan ito kaya buong lakas niyang kinalaban ang mga lalaki. "Mabuti na lang magaling ako sa martial arts. Akalain mo nga naman na magagamit ko ito in the future?" bulong niya sa sarili niya. "Anong sinasabi mo, Miss?" natatawang sabi ng isa pang lalaki. Susuntukin na sana siya pero mabilis niyang nasalo ang kamao nito. Ngumiti pa si Amaia habang pinipilipit niya ang braso ng lalaki. Maya-maya ay may isang lalaki na hahampasin na sana siya ng kahoy na binitawan niya kanina pero nakailag siya. Natamaan ang lalaking hawak-hawak niya kaya agad itong tumumba. "Sh*t!" mura ng driver. "Hindi tayo pwedeng magpaputok ng baril. Malapit lang ang police station dito! Umalis na tayo!" Ang mga hindi masyadong napuruhan ni Amaia ay hinila ang mga kasamahan papasok sa van. Mabilis na lumapit si Amaia sa lalaking walang malay para protektahan ito. Nang makasigurado siya na wala na ang mga lalaki ay tumawag siya ng tulong mula sa mga taong nakakakita sa kanila. Nilabas ni Amaia ang medical kit na lagi niyang dala-dala. Wika niya, "Pasalamat ka at natyempuhan mong future doctor ako plus isa sa kilalang magaling sa martial arts." Natawa na lang siya sa kanyang nasabi dahil medyo mayabang ang kanyang dating. Habang dinadampian niya ng gamot ang mga sugat ng lalaki ay nagulat siya nang hawakan nito ang kanyang kamay para pigilan sa pagpahid. Ngayon niya lang napansin ang itsura ng lalaki. Hindi siya mahilig pumuri pero alam niya sa sarili niya na kakaiba ang kagwapuhan nito. Tila ba ay nang-aakit ang mga mata ng lalaki habang nakatingin sa kanya. May mga nagsidatingan na pulis at iba pang mga tao na kakilala ng lalaki. Tumayo na lang si Amaia para bigyan ng space ang mga rerespunde para sa lalaking tinulungan niya. Hindi na niya hinintay magsalita ang lalaki. Nanakbo na siya paalis nang makita niya ang oras. "Ito na ata ang unang araw na male-late ako sa school!" kabadong sabi ni Amaia. "Oh? Miss Amaia?" gulat na sabi ng kanilang guro. "Anong nangyari sa 'yo? Bakit ngayon ka lang? Ang dumi pa ng iyong uniform." Lahat ng atensyon ay nasa kanya ngayon. Napakamot na lang siya sa kanyang ulo. Wala siyang ibang option kung hindi ang umamin. "Ma'am, pasensya na po kung late ako," panimulang paghingi ng paumanhin ni Amaia. "Mayroon po kasi akong tinulungan sa daan na nangangailangan ng tulong. Duguan po kasi kaya ginamot ko po saglit." Itinuro ni Amaia ang kaunting mansya ng dugo sa kanyang puting uniform. Agad naman siyang naintindihan ng kanyang guro kaya pinagbigyan siya. Pagkatapos ng klase ay agad siyang pinagkumpulan ng mga malalapit sa kanya sa klase. "Amaia, grabe ka na ah? Matalino tapos matulungin pa. Baka maging superhero ka niyan?" biro ni Liam, isa sa lalaking may gusto kay Amaia. "Hoy, umayos ka nga!" suway ni Mica, matalik na kaibigan ni Amaia. "Kahit ilang biro pa ang sabihin mo sa kaibigan ko, hindi kayo bagay. Period." Nagtawanan ang mga kaklase nila sa sobrang kakulitan ni Mica. Nakitawa rin si Amaia dahil alam ng kaibigan niya na ayaw niya rin talaga na magkaroon ng relasyon ngayon. Hindi rin niya tipo si Liam, lalo na at kilala ito bilang isang playboy. "Besh, umami ka nga sa akin. Ano ba talaga ang nangyari kung bakit ka na-late?" kuryosong tanong ni Mica noong dalawa na lang silang nag-uusap. "Totoo na may tinulungan ako," sagot niya. Binigyan siya ng tingin ni Mica na kailangan niyang magkuwento kaya napabuntong hininga na lang siya. "May lalaki kasing hinahabol ng mga armadong lalaki. Tinulungan ko. Kawawa naman kung hahayaan ko lang na ma-kidnap siya ng mga iyon." "G*gita ka talagang babae ka!" pag-aalalang sabi ni Mica. "Paano kung ikaw ang napahamak?! Magaling ka nga sa martial arts, paano naman kung may mga baril ang mga iyon ha?!" "Relax, buhay pa nga ako oh?" natatawang sabi ni Amaia. "Tsaka ang gwapo rin nung lalaki at mukhang mayaman. Parang mahina rin kasi hindi marunong lumaban." "Naku ngayon lang kita narinig na may sinabihang gwapo ah! Kakaiba siguro ang itsura ng lalaking iyon," kuryosong sabi ni Mica. "Anyway, ang mahalaga ay ligtas ka na. Malapit na rin matapos ang sem na ito!" Napangiti si Amaia nang maalala na patapos na ang semester nila. Naiisip niyang gawin ang thesis niya habang bakasyon para makasigurado siya na maisasagawa niya ito nang maayos, lalo na at pakiramdam niya ay kulang ang isang taon para matapos ang pag-aaral sa halaman na marabyat. Pagkauwi niya ay hindi mawala sa kanyang isipan ang itsura ng lalaki. May sasabihin sana ito sa kanya ngunit hindi na niya ito nahintay. "Sino kaya siya?" tanong ni Amaia sa kanyang sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD