Kabanata 7 - Pagmamatyag

2209 Words
Pagkauwi ko sa bahay ay sumalubong agad sila Mama at Papa. Halata sa kanilang itsura ang pag-aalala. Sabi ni Kuya Athan ay hindi nila sinabi ang nangyari pero bakit ganito ang reaction nila? "Bakit ngayon ka lang? Ginabi ka na masyado. Saan ka ba nagsusuot at hindi ka nila kasabay," pag-aalalang tanong ni Mama. Nakahinga ako nang maluwag sa mga tanong niya. Ibig sabihin ay hindi niya talaga alam ang nangyari sa akin. At least kahit papaano ay alam ng mga pinsan ko ang dapat gawin sa ganitong sitwasyon. Kung nakauwi sila at malamang makakauwi rin ako kasi hinayaan sila. "Ma, dumiretso po kasi ako sa adviser ko. Gusto ko kasing ikumpirma sa kanya kung tama po ang nakuha kong halaman. Mahirap na, baka masayang lang po iyong pinagpaguran namin," pagpapalusot na sagot ko sa kanya. "Kahit naman po hindi niya nakuha, nag-enjoy naman po kami!" singit na sabi ni Jinni, nakangiti pa na parang proud na nakaakyat siya sa Mount Akasi. "Maraming salamat talaga sa inyo at palagi kayong sumasama sa kailangang puntahan ng anak ko ha?" masayang sabi naman ni Papa. "Magkakapatid na rin po ang turingan namin sa isa't isa kasi nga magkakasama po kaming lumaki. Maliit na bagay lang po iyan para sa amin," wika naman ni Ate Seri. Mas lalong gumaan ang pakiramdam ko. Kinain naman namin ang dala kong mga prutas. Kahit maliit ang budget ko ay nagkakasya naman ito sa amin. Sa susunod na semester pa ulit ako makakakuha ng allowance galing sa scholarship ko. Napakswerte ko nga kasi usually sa first 4 years lang sa college nakakakuha ng scholarship. Ngayon hanggang makatapos ako sa pagdo-doctor ay funded ako. Mabuti na lang nagmana ako sa katalinunan ng parents ko. Maya-maya pagkatapos naming kumain ay sumama si Jinni at Ate Seri sa loob ng aking kwarto. Alam ko na kung bakit sila narito at katulad ni Kuya Athan, marami silang katanungan. "Anong nangyari?" kuryosong tanong ni Jinni. "My gosh! Hindi ko akalain na mararanasan natin ito. Pero kakatuwa rin na may exciting part sa pag-hike natin. Bad and good experience na rin siya for me." "Loka! Hindi mo masasabing good experience iyon," pagpapaaalal ko sa kanyan. "Remember? Saan kayo hinatin? Hindi ba sa bahay natin? Ibig sabihin ay alam nila kung saan nila tayo babalikan. Kaya wala dapat makakaalam na nalaman natin ang mansion na iyon. Else, baka kung ano pa ang mangyari sa atin. Kaya nga ako sa palengke nagpahatid, para hindi nila malaman na magkakasama tayo tutal ako naman talaga ang pakay nila." "Tama si Maia. Dapat panatilihin nating lihim lang ito. Kahit si Dylan naman ay nasabihan na namin kanina na walang pagsasabihan ng mga nangyari dahil nga mag-aalala ang magulang natin," pagsang-ayon na sabi ni Ate Seri. "Sinaktan ka ba ng mga iyon?" tanong pa ni Jinni. "Hindi naman. Nakakainis lang iyong lalaking naka-silver mask. Masyadong mapapel," inis na sabi ko. Kapag naaalala ko ang mask niya ay naiinis talaga ako. "Pero may kaunting kabaitan iyon nakasuot naman ng gold. Napansin niya atang nagugutom ako kasi wala pa akong lunch, 'di ba?" "Mukhang bata pa nga ang isang iyon e. Pero dalawa silang nakasuot ng silver mask. Napansin mo ba?" tanong pa ni Ate Seri. Napaisip ako. Dalawa silang nakasuot ng silver mask? Isa lang naman ang nakikita ko kanina. Hindi kaya magkaiba ang kausap namin noong kasama ko pa ang mga pinsan ko sa naghatid sa akin sa palengke? Bakit hindi ko iyon napansin na nagbago ang pakikitungo sa akin ng isa? "Paano ko nasabi?" pagtatakang tanong ko. "May isa kasing nakasilip sa isang kwarto. Hindi ninyo siguro napansin kasi ako ang pinakamalapit doon. Agad din siyang pumasok sa kwarto nang mapalingon ako sa kanya," paliwanag ni Ate Seri. "Hay naku, huwag na natin silang isipin. Ang mahalaga ay magkakasama tayo ngayon, ligtas pa. Basta huwag na lang tayong babalik doon ha? Siguro naman enough na ang halaman na nakuha mo?" wika naman ni Jinni. Tumango ako sa kanya. Marami namang ibinigay sa akin ang lalaking iyon kaya tiyak hindi na ako babalik. Matagal naman mabulok ang dahon ng marabyat kaya matagal ko rin siyang mapakikinabangan. Lumipas ang ilang araw at naging normal na rin ang lahat sa amin. Pinili naming hindi na pag-usapan ang nangyari para hindi pa maungkat ng aming parents. Ngayon ay mamamalengke ako para sa pagkain namin bukas. Kasama ko si Dylan dahil pareho naman kaming bakasyon. Busy na ulit sa trabaho ang tatlo pa naming pinsan kaya kami lagi ang gumagawa ng gawaing bahay. "May jowa ka na ba?" tanong ko kay Dylan. Sa gwapo nito ay tiyak maraming nagkakagusto sa kanya. "Ha? Aanhin ko iyan? Makakain ba iyan?" pamimilosopong sagot niya sa akin. Bigla akong natawa sa tanong niya. Parang iba ata ang naiisip ko sa huli niyang tanong. Gusto ko sana siyang sagutin kaso baka mapikon. "Sus. Parang ayokong maniwala sa sinasabi mo ah?" natatawa kong sabi. "Nakita kaya kita isang beses na may kasamang babae. Kaibigan ba ngayon ay with holding hands na?" Namula ang buong mukha niya. Sabi na e, tama ang hula ko. Napapaiwas pa siya sa akin at hindi makatingin nang diretso. "Hayaan mo, secret lang natin iyan. Alam ko naman na nangako ka kay Tita Dianne na hindi ka magkaka-girlfriend hanggang hindi ka pa tapos sa pag-aaral. Pero aminin mo muna sa akin kung girlfriend mo iyon," pang-aasar ko pa sa kanya. "Oo na!" nahihiyang sagot niya. "Ito na nga e, aamin na. Tsaka bago pa lang naman kami. Kasasagot niya lang sa akin last week. Malapit na rin naman na akong makapagtapos e. Kaya secret lang ha?" Napangiti naman ako sa pakiusap niya. Hindi pa naman ganoon kalapit ang pagtatapos niya pero hahayaan ko siya. Napakatagal pa naman ng araw ngayon. Kahit ako ay gusto ko nang magtapos kayo dalawang taon pa rin ang kulang ko kagaya ni Dylan. Privacy naman niya ito at ayokong makialam sa kanila ng mga magulang niya. "Oo, promise iyan. Tsaka dapat naman talaga na ikaw ang unang magpakilala sa kanila sa girlfriend mo. Just make sure na maayos at mabuting tao siya ha?" Ngumiti pa ako sa kanya sabay tapik sa kanyang balikat. Mukhang nakahinga siya nang maluwag. Nauna na rin akong maglakad para tumingin ng mga magagandang gulay. Mahilig kami rito para naman mapanatili naming healthy ang aming mga katawan. Minsan lang din kami kumakain ng mga meats para makatipid na rin. Ngayon na may trabaho na ang tatlo sa aming magpipinsan, nakaluwag-luwag na rin naman kami. Nga lang, mas gusto talaga naming magtipid. "Ay!" gulat na sabi ko. "Sorry po. Hindi ako natingin sa daan." Napatungo ako sa lalaking nabangga ko. Agad akong humingi ng pasensya kasi mukhang nakakatakot ang itsura nito. Seryoso ang mga tingin niya sa akin. Tumalikod lang agad ang lalaki at hindi na ako pinansin. Ni isang salita ay walang lumabas sa kanyang bibig. Hinila ako ni Dylan papunta sa bilihan naman ng mga isda. Siya na ang pumili dahil paborito niya ang bangus. Hindi niya napansin na may nakabanggan ako kanina sa sobrang focus sa pamimili. "Birthday nga pala ni Mama next week, Dylan. Ano kayang magandang surpresa sa kanya?" tanong ko. 50 years old na siya sa darating na kaarawan niya kaya naman gusto kong maging bongga iyon. Nag-iipon ako nang palihim para rito. Siguradong malaki na rin ang laman ng aking alkansya. Ilang taon ko itong pinag-ipunan dahil nakikita ko siyang natutuwa sa mga 50th at 60th birthday ng mga kaibigan at kapatid niya. "Oo nga, ano? Dapat pala makabili na rin ako ng regalo kay Tita," saad naman ni Dylan. "Pero kung sa surprise na ideya ang hanap mo, si Ate Seri ang magaling diyan. Remember? Siya rin ang talagang magaling mag-decorate?" Oo nga pala. Si Ate Seri nga pala ang laging nag-iisip ng concept namin sa mga ganitong kaarawan. Malawak din naman ang unahan namin kaya pwedeng doon na ganapin. Siguro naman ay kakasya na ang ipon kong aabot sa 15,000 pesos para sa kaarawan ni Mama. Nagpasama ako kay Dylan sa mga bilihan ng magagandang damit. Gusto kong hanapan ng dress na babagay sa birthday niya. Pink ang paborito niya kaya iyon ang gagawin kong theme. "Napakaganda nito oh!" turo ni Dylan sa may likuran. Agad kong sinilip iyon at hindi nagkakamali si Dylan. Napakaganda nito at parang ito na talaga ang aking hinahanap. Nang makita ko ang presyo sa tag ay nanlumo ako. 1000 pesos na pala agad iyon? "Naku, minsan lang iyan kaya kunin mo na sa susunod na pamamalengke natin. Pwede ka rin naman manghiram muna kay Ate Seri o Kuya Athan kung kakapusin ka sa budget," wika ni Dylan. "Baka may makita pa tayong mas mura. Tara sa kabila," yakag ko sa kanya. Sumunod naman siya. Medium ang hinahanap naming sizes. Iyong kaninang pink na talaga ang pinakamaganda. Nakapanghihinayang lang kasi sobrang mahal at isang beses lang naman gagamitin. "Wait lang ah!" paalam ni Dylan. "Naiihi lang ako. Hindi ko na talaga kayang pigilan. Dyan ka lang." Tumango na lang ako at naghintay sa may sakayan. Paglingon ko sa kabilang banda ay nagulat ako na parang nakatingin sa akin iyong lalaking nakabungguan ko kanina. Agad siyang nagtago sa pader nang mapalingon ako sa kanya. Para siyang may pagmamatyag na ginagawa ah? Hindi kaya pinadala siya ng mga lalaking naka-mask? Kinuha ko ang aking cellphone at agad nag-message kay Dylan na bilisan niya. So paano ko ililigaw ang lalaking iyon kung sakali man? Pero kung nasundan niya kami, tiyak alam na niyang magkakasama kami sa iisang bahay? Napasapo ako sa aking noo. Ano ba naman itong gulong pinasok ko. Akala ko ay okay na dahil ilang araw na ang nakalipas. Lagpas isang linggo na iyon tapos ngayon pa nila kami guguluhin? Pagkaraan ng ilang minuto ay nakabalik na rin si Dylan. May dala siyang isang paper bag at nagulat pa ako nang inabot niya sa akin ito. "Para saan iyan?" pagtatakang tanong ko. "Para kay Tita. Iyan na mismo ang regalo ko sa kanya," nakangiting sagot niya. Binuklat ko ito at bumungad sa akin ang dress na pareho naming nagustuhan. Nanlalaki ang aking mga mata sa kanya. "Ang mahal nito ah? Baka mamaya nabawasan ka pa ng ipon para sa pag-aaral mo ha?" pag-aalalang tanong ko. "Ibalik na lang natin. Baka kapusin ka pa." "Ano ka ba? Hindi lang ikaw ang magaling mag-ipon, ano?" natatawa niyang sabi. "May Kuya Athan ata akong mapagbigay." Natawa naman ako sa kanya. Magkapatid na magkapatid talaga sila. Parehong nag-uutakan sa isa't isa pero hindi naman makatiis na nahihirapan ang sino man sa kanila. "Sana all talaga mayroong kapatid!" wika ko. Sumakay na kami ng tricycle pauwi. Nawala agad sa isip ko ang lalaki kanina. Pinapakiramdaman ko ang paligid namin pero wala namang sumusunod. Nakahinga ulit ako nang maluwag. Masyado lang ata akong nag-o-overthink these days. Pagkarating namin sa bahay ay nakita kong umiiyak si Mama at kino-comfort naman siya ni Papa. Magkayakap silang dalawa na mukhang parehong nasasaktan. "Ano pong nangyayari?!" naguguluhan kong tanong sa kanila. Mabilis akong lumapit sa kanila para makiyakap. Pinawi ko naman ang mga luhang pumapatak muna sa mga mata ni Mama. Hindi ko kayang makita sila na nagkakaganito. Para na rin akong sinasaksak kapag nasasaktan sila at ngayon lang ito nangyari sa talambuhay ko. Lagi kaming masaya pero anong nangyayari? "Anak, pagpahingahin muna natin ang mama mo ha? Tsaka na muna kami magpapaliwanag. Sana maintindihan mo kami," naiiyak na sabi ni Papa. Tumango na lang ako dahil wala naman akong magagawa. Naiwan akong nakaluhod habang inaakay ni Papa si Mama papasok sa kanilang kwarto. Napatingin ako kay Dylan. Gumuhuhit din sa kanyang mukha ang pagtataka sa nangyayari. Agad niya akong niyakap para i-comfort din. "Ano kaya ang nangyari? Ngayon ko lang sila nakitang nagkaganyan," naiiyak kong sabi. "Kahit ako ay ngayon ko lang nakitang umiiyak si Tita. Umalis lang tayo nang saglit, may nangyari agad..." Napatungo lang din si Dylan. Habang nanghahanda ako ng pagkain namin ay hindi mawala sa aking isipan ang pag-iyak ni Mama kanina. Kung kailan naman siya magbi-birthday ay tsaka pa siya malungkot. Maya-maya ay biglang may humalik sa aking pisngi. Ngumuso lang ako nang makita ko si Tita Jen. "Ang lalim naman ata nang iniisip ng pamangkin ko," natatawang sabi ni Tita Jen. "Tita, ano po kaya ang problema ni Mama? Nadatnan po kasi namin ni Dylan na umiiyak si Mama at sobrang lungkot ni Papa," tanong ko. Umaasa ako na may makukuhang sagot mula sa kanya dahil siya ang pinakamalapit kay Mama. "O-Oh?" gulat na sabi niya. "We-well, hi-hindi ko rin a-alam. Let me ask them na lang later ha? Bihis lang si Tita." Muli siyang humalik sa aking pisngi bago pumasok sa kanilang kwarto. Napabuntong-hininga na lang ako. "Parang may tinatago sila sa atin," seryosong sabi ni Dylan. "Ayokong mag-assume, Dylan. Hindi ko na rin alam talaga," nanghihinang sabi ko. "Halatang iniiwasan ka ni Tita Jen noong nagtanong ka. Utal-utal na nga rin siyang magsalita. Sign iyon na may alam siya sa nangyayari," wika niya pa. May punto si Dylan. Pero kung ano man iyon, bakit nila ililihim sa amin? Lalo na sa akin? Anak pa naman nila ako, dapat isa ako sa dumadamay at tunutulong sa mga problema nila. "Natatakot ako na kapag nalaman ko kung ano iyon, ikasakit din ng aking puso," bulong ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD