Kabanata 8 - El Diablo

1410 Words
Nakatayo ako ngayon sa tapat ng pintuan nila Mama at Papa. Hindi ko malaman kung kakatok ba ako o hahayaan na muna sila. Hindi kasi talaga ako mapakali. Gusto kong malaman kung anong nangyayari sa kanila. "Couz?" Napalingon ako sa nagsalita. Si Kuya Athan pala iyon, kasama niya ang kanyang girlfriend na si Ate Sarah. "Anong ginagawa mo riyan? Para kang pinagsakluban ng langit at lupa?" tanong niya sa akin. Nakatungo lang ako. Hindi ko rin mahanap ang eksaktong sagot sa kanya. Ni hindi ko rin alam kung ano ang problema. "Umiiyak kasi si Tita kanina. Nasa loob ng kwarto nagpapahinga kaya nagkakaganyan din iyan. Nadatnan na lang namin kanina," sagot ni Dylan. Si Dylan na ngayon ang nagluluto para naman makapagmuni-muni raw ako rito. Hinayaan ko na lang siya kasi patapos na rin naman iyon. "Ah..." Pati si Kuya Athan ay hindi na rin ata alam ang kanyang sasabihin. Ngumuso lang ako sabay balik ang tingin sa pintuan. Nagkibit-balikat na lang din ako at nagkusang hayaan na muna sila Mama at Papa na mag-usap. "Nga pala, tungkol sa birthday ni Tita, nag-usap kami ni Seri na kami na ang bahala sa kalahati ng gastos sa handaan na plano mo para hindi masyado magastos ang ipon mo," saad ni Kuya Athan. Napatingin ako kay Dylan. Napakamot lang siya sa kanyang ulo habang natatawa. Mukhang nasabi niya agad sa kapatid niya ang plano ko kaya nakabili agad din ng dress kahit gumastos pa siya. "Nakakahiya naman na mapapagastos pa kayo," wika ko, nahihiya na naman. Lagi na lang sila ang gumagastos kasi wala pa akong trabaho. "Sus, lagi ka nga ring tunutulong sa amin. Ano naman ang value ng pera sa mga tulong, hindi ba? Isa pa, tutulong din kami sa pagde-decorate. Minsan lang ang 50 years old kaya bonggahan na natin tulad kila Mama at Tita Senica." Ginulo niya pa ang aking buhok. Si Ate Sarah naman ay natawa sa amin. Inabot niya lang sa akin ang dala nilang pagkain na pasalubong daw niya. Kaysa ma-stress pa ako ay inihanda ko na ang hapagkainan. Nakauwi na rin naman na ang lahat, para sabay-sabay na rin kaming kakain. Sana ay okay na si Mama mamaya para hindi na ako mag-alala pa. "Wow! May engagement rin ka na, Ate Sarah?" gulat na tanong ni Jinni. Bigla na lang sumulpot si Jinni sa aking tabi. Nakanganga pa siya habang nakaturo sa singsing na suot ni Ate Sarah. Ngayon ko lang din ito napansin dahil masyado akong maraming iniisip kanina. Namula ang pisngi ni Ate Sarah kaya mukhang engagement ring nga iyon na bigay ni Kuya Athan. Pero hindi kami aware na magpo-propose na pala siya? "Well, mamaya ko pa sana ia-announce, kaso inunahan mo naman, Jinni," natatawang sagot ni Kuya Athan. "Well, 5th anniversary rin naman namin ngayon kaya iyan ang naisip ko na best gift para sa kanya. Matagal na rin kami at gusto kong isipin niya na may plano ako sa future namin." "Aw ang sweet naman," sabay pa naming sabi ni Jinni, kaya naman natawa kaming dalawa. May nag-doorbell kaya ako na ang nagprisinta na tignan kung sino iyon. Nagtaka ako na wala namang tao pero may naiwang letter sa loob ng mail box namin. Agad ko iyong kinuha at tiningnan kung para kanino. Nanlaki ang aking mga mata nang nabasa kong para sa akin iyon at galing kay "El Diablo" ang mensahe. Sino naman kaya iyon at bakit ganoon ang pangalan? Hindi kaya iyong lalaking naka-mask? Maalin sa kanila? Agad ko itong itinago sa aking bulsa para itago sa pamilya ko. Sinilip ko ang kalsada pero wala namang ibang kakaiba. Ang mga kapitbahay namin ay may kanya-kanyang ginagawa at wala namang kahina-hinala. Bumalik na ako sa hapagkainan. Naroon na silang lahat maliban sa mga magulang ko. Masaya silang nag-uusap tungkol sa gaganaping kasalan nila Kuya Athan. Hindi na ako masyadong makaintindi sa mga pinag-uusapan nila dahil napapraning na naman ako. Dumiretso ako sa pintuan nila Mama. Tawag ko, "Ma? Pa? Kakain na po. Sabay-sabay na po tayo. Kayo na lang po ang hinihintay namin." Naghintay ako ng ilang minuto. Maya-maya ay lumabas na si Papa pero hindi kasama si Mama. "Si Mama po?" tanong ko kay Papa. "Masama ang pakiramdam ng Mama mo, anak. Dadalhan ko na lang siya ng pagkain. Huwag kang mag-alala masyado, magiging okay din siya bukas. Pagod lang sa trabaho niya," malumanay na sagot ni Papa. Tumango na lang ako. Baka pala dahil sa trabaho ni Mama kaya siya umiiyak. Pero ang alam ko ay mabait naman ang amo niya. Ano kaya ang eksaktong nangyari? "Sige po, Pa. Ang mahalaga po ay makakain siya mamaya para po makabawi siya ng lakas. I-kiss ninyo na lang po ako sa kanya ha? Mahal na mahal ko po kayong dalawa!" wika ko, sabay yakap kay Papa. Sisilipin ko sana si Mama kaso sinarado na ni Papa ang pintuan. Hinila na niya ako papuntang hapagkainan. Parang normal lang sa kanya ang nangyari kasi nakikitawa at biruan na siya ngayon. Pagkatapos naming maghapunan ay kanya-kanya na ulit kami sa ginagawa. Tinulungan ko lang si Papa sa paghahanda ng pagkain ni Mama. Hinayaan ko na siya na lang ang pumasok sa kwarto. Mukhang kailangan lang talaga ni Mama ang mapag-isa o space. Pumasok muna ako sa aking kwarto at agad iyong ni-lock. Sinisigurado ko lang na walang makakakita sa akin habang binabasa ang liham na natanggap ko. Napanganga ako nang mabasa na panay pagbabanta ang nakasulat dito. Kung ano iyong mga sinabi nila sa akin bago ako pakawalan, iyon din ang nakasulat dito. Nire-remind nila ako na walang magsasalita sa amin tungkol sa lugar na iyon kung hindi ay iisa-isahin daw kaming ililigpit. Nanginig ang aking katawan sa takot. Akala ko ay mayroon pa rin silang kabutihan? Bakit kailangan pa kaming bantaan ulit? Ni wala naman isa sa amin ang nagsasalita tungkol sa kanila ah? Hindi kaya iyong mamang nakabanggan ko ay ang tagapagmatyag nila sa amin? Ayoko nang dagdagan pa ang problema nila Mama. Nag-message ako sa group chat naming magpipinsan. Kinuhanan ko ng litrato ang mensahe at pinakita sa kanila. Dapat ay malaman din nila ito para wala talaga silang ibang pagsasabihan kahit ang mga kasintahan nila. Tinanong ko sila Kuya Athan kung nagkukuwento kila Ate Sarah. Nag-direct message din ako kay Dylan. Nakahinga ako nang maluwag dahil hindi naman daw nila ito sinasabi. Ayaw din nilang mapahamak ang mga mahal nila kaya tama lang din na ilihim ito. Humingi na lang ulit ako ng patawad sa kanila. Kung hindi dahil sa akin ay wala sanang banta sa buhay nila. Pinagbuksan ko ng pintuan si Ate Seri at Jinni dahil matutulog na rin sila. Magkakasama na kami ngayon sa kwarto dahil nabago ang set up namin. Kumportable naman na kami ang magkakasama at nakahiway ang parents namin for privacy na rin. "Ang gwapo ng pagka-El Diablo ha? Same din kaya sa itsura niya?" natatawang sabi ni Jinni. "Siguro gwapo iyon. Maraming pera kaya alam mo na," dagdag pa ni Ate Seri. "Huy!" suway ko sa kanila. "Bad iyon. Bawal judgemental, okay? Tsaka kung magpaparetoke man sila, choice nila iyon. Kung iyon ang ikatataas ng confident level nila e." "Sa sobrang taas nga, nagbabanta na nga oh?" wika pa ni Jinni, sabay apir kay Ate Seri. "Ikaw ha? Na-love at first sight ka ata kay El Diablo?" "Lukaret, paano mala-love at first sight e mga nakamaskara nga?" pilosopong sabi ni Ate Seri. "Ayan, kalalandi mo iyan, Jinni. Dadamay mo pa ko sa multiple love at first sight mo ha," ganting pang-aasar ko sa kanya. "Walang magkakagusto kay El Diablo, lalo na ganoon ang ugali niya. Hindi ko ma-imagine ang sarili kong nakikisama sa mga masasamang tao." "May point si Maia," pagsang-ayon ni Ate Seri. "Dapat iwasan natin siya kahit gaano pa man siya kayaman. Lalo na ikaw, Jinni! Masyado kang naaakit sa mga 4 M na sinasabi mo. Baka makahanap ka riyan ng katapat ha?" Kanina ay ako ang inaasar nila, ngayon naman ay si Jinni na. Nakipag-asaran lang din siya sa amin at pinakita pa kung sino ang latest niyang boyfriend. Napapailing na lang kami ni Ate Seri. Kailan kaya titino si Jinni? Tulog na agad ang dalawa pagkatapos ng ilang minuto. Iniisip ko pa rin ang huling sinabi ni El Diablo na hindi ko pinakita sa group chat namin. I will see you soon. Para saan iyon? Bakit naman kami magkikita pa sa future? Hindi na ba niya ako tatantanan? Siya na ba ang simula ng aking kamalasan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD