Chapter 3
Ilang araw nang kinukulit ni Mikay si Phoebe na um-attend sila sa isang party na in-organize daw ng isa sa mga dati nilang kaklase noong kolehiyo. Sa isang araw na 'yon. Saturday to be exact. Ayaw sanang pumunta ni Phoebe dahil hindi naman niya ka-close ang mga 'yon. Si Mikay lang naman ang nakakausap ng mga 'yon noong nag-aaral pa sila. Pero dahil minsan lang naman magrequest sa kanya si Mikay, wala na siyang ibang magawa pa kundi sumunod na at sumama na lang. And here she is right now, looking for a dress to wear on the Saturday night. Sa dami ng damit sa closet niya sa bahay, wala siyang mapiling masuot. She wanted to somehow be a head turner that night. Para makita ng mga dati niyang kaklase na ang iniisip nilang mukhang matamlay at sakitin noon dahil lang lampa sa Physical Education, ay isa nang successful careerwoman ngayon. She doesn't really wanted to brag. Gusto lang niyang sampalin ng realidad ang mga nanghusga sa kanya noon.
There are people in this world who don't excel in fields that involves strength, but excels on other things. Just like her for example. Bumagsak siya sa Basketball, table tennis, volleyball at hindi siya makapagtumbling noong cheer dance nila during first year. Lahat ng mga kaklase niya ay natuto na magfront roll, back roll, split at kung anu-ano pa. Pero siya? Kahit ilang beses niyang sinubukan, hindi niya talaga magawa nang maayos. Nagkapasa-pasa at nagkaroon na nga siya ng ilang bukol dahil sa pagka-untog. Nilagay na nga siya noon sa dulo, sa pinakalikod kung saan halos hindi na siya makita para hindi pansin na hindi niya gaanong kaya ang mga stunts ng sayaw nila.
She have been an outcast since then. Walang ibang gustong maging kagrupo siya. Tanging si Mikay lang ang nagtiyaga at nakaunawa sa kanya. She excel on academics, though. But that wasn't enough. Other people looked at her like she's a burden. That pains her, of course. She was young back then. But thankfully, Mikay was there to be her strength. That somehow helped her to overcome her fears.
She chose the white fitted dress with underwire padded bra. She will look playfully innocent with this one, that's for sure. Napangiti siya sa naisip.
Nagulat si Phoebe nang biglang magring ang phone niya. Kaagad niya namang sinagot 'yon dahil nakita niyang si Mikay ang tumatawag. Bihira itong tumawag. Mas madalas itong magtext lang kaya naisip niya na baka emergency.
"What's up?!" Tanong ni Phoebe.
"Ibe, I think someone wants to kill me," kalmadong sumbong ni Mikay sa kanya.
Nanglaki naman ang mga mata niya at halos mabitawan niya na ang nakahanger niyang dress.
"What?! Bakit? May kaaway ka ba?!" Nag-aalalang tanong ni Phoebe sa kaibigan niya.
"Ha?! Bakit naman ako magkakaroon ng kaaway? Wala," mahinang sagot ni Mikay sa kanya.
"Eh bakit naman may magtatangkang pumatay sa'yo kung wala ka naman palang kaaway? Paano mo nasabing may papatay sa'yo?" Sunud-sunod na tanong ni Phoebe sa kaibigan.
"Wala naman. May nagmessage kasi sa akin sa f*******: messenger ko. Hindi ko kilala pero kilala ako as Mikay," kwento pa ni Mikay sa kanya.
"Oh? Nagmessage lang, tapos inisip mo nang ipapapatay ka?" Nagtatakang tanong naman ni Phoebe.
"Iba ang kutob ko sa profile picture niya. Na-seen ko lang 'yong message, pero hindi ko in-accept," sagot ni Mikay.
"Alam mo, Mikay? Naso-sobrahan ka lang sa panonood ng mga unresolved case na series. Tigilan mo na 'yan," napapailing na sabi niya sa kaibigan.
"Hindi. Malakas talaga ang kutob ko. Kagabi, pakiramdam ko may sumusunod pa sa akin. Umorder nga ako ng combat knife kanina. Mahirap na, kailangan may pangself defense man lang ako kung sakaling tama nga ang kutob ko," kwento pa ni Mikay.
Natatawa na lang si Phoebe. Weirdo talaga ang kaibigan niyang ito. Marami masyadong naiisip.
"Tatawagan kita ulit mamaya, ha? Magbabayad lang ako sa cashier. Huwag ka munang lumabas kung nasa clinic ka man o nasa bahay. Ingat," paalam niya saglit sa kaibigan bago niya ibaba ang tawag.
Binilisan niya na lang ang pagbayad sa cashier at kaagad siyang bumaba sa basement parking para kuhanin ang kotse niya. Tinatawagan niyang muli si Mikay pagkalabas niya ng building.
"Ano? Nasaan ka ngayon? Gusto mo bang puntahan kita? Tapos na ako sa department store, pwede kitang saglitin. Nasa clinic ka ba o nasa bahay ka?" Tanong ni Phoebe.
"Wala ako sa clinic. Kakaalis ko lang sa bahay. Nasa coffee shop ako, bumili lang saglit. Okay lang, huwag mo na akong puntahan. Sinabi ko lang talaga sa'yo ang kutob ko. Para kung bigla akong mamatay, kahit mukhang ginawang suicide, ipa-imbestiga mo pa rin. Hindi pwedeng magtagumpay 'yong killer. Tandaan mo, wala akong rason para magsuicide," bilin pa ni Mikay sa kanya.
"Stop it! Kinikilabutan ako sa mga sinasabi mo, Mikay. Saang coffee shop ka? Sa Dondi's Kopi? 'Yong malapit sa subdivision niyo? Papunta na ako," saway ni Phoebe sa kaibigan niya.
"No need na, Ibe. I'm just fine," pagpigil ni Mikay sa kanya.
"Sus! Come on! Wala naman akong ibang gagawin. On the way na ako. 10 minutes, wait me there. See you," tugon ni Phoebe sabay baba na ng tawag.
Maya-maya lang ay nakarating na si Phoebe sa coffee shop kung nasaan ang kaibigan. Naabutan pa niya itong kumakain ng cake habang umiinom ng iced coffee nito.
"Hindi mo man lang ako inorder-an?" Tanong ni Phoebe kay Mikay.
"Gutom ka ba? Wala ka namang sinabi kanina eh. Dating gawi pa rin ba? Wait lang," kunot noong reklamo ni Mikay sa kanya bago ito tumayo at magtungo sa cashier.
Umupo naman si Phoebe sa katabing upuan ng kaibigan at nakitikim sa slice ng cake na kinakain nito kanina. Napa-thumbs up pa siya nang masarapan siya sa blueberry cheesecake.
Agad din namang nakabalik si Mikay sa table nila nang may dala na cinnamon bread at iced mocha para kay Phoebe.
"Thanks!" Sabi pa ni Phoebe sa kaibigan.
"Bayaran mo 'yan. Pero seryoso nga ako, Ibe. Ayos lang talaga ako. Kinwentuhan lang kita para may isang tao na may ideya sa pwedeng mangyari sa akin," kwento pa rin ni Mikay sa kanya.
"Oo na. Wala naman na akong ibang sinabi ah? Nakabili na nga pala ako ng dress para sa Sabado. Sinasama mo 'ko, di'ba? Ano ba kasing gagawin ko ro'n?" Simula ni Phoebe.
"Makikipagplastikan," mabilis na tugon ni Mikay sa kanya.
"Yeah, right. I'm the best when it comes to that," natatawang sagot pa niya sa kaibigan.
"You need exposure sometimes, my dear friend. Show them the real Phoebe that they once thought weak," udyok pa ni Mikay sa kanya.
"Honestly, wala naman na akong pakialam sa iba. Pero minsan, masarap pumatol," nakangising sagot niya sa kaibigan.
"Minsan kailangan mong pumatol para malaman nila na hindi ka basta-basta. Tama na 'yong ginawa nila noon sa'yo na pagtaboy na akala mo may nakakahawa kang sakit. Ikaw ang pinakamataas palagi na grades, pero pagdating sa reporting or discussion, ikaw pa ang hindi pinapakinggan at sinusuportahan ng mga kaklase natin," kwento pa ni Mikay.
"Eh kasi kapag seryoso at mga bagay na hindi nila alam ang sinasabi sa harapan, hindi nila maintindihan. Hindi sila makarelate. Pero kapag katarantaduhan lang ang tungkol sa presentation, do'n sila nakakarelate. Natatawa pa nga, di'ba?" Sagot pa ni Phoebe habang umiinom sa kape niya.
"Ilabas mo 'yang dede mo sa Sabado. Pakita mo kung gaano ka na kalusog ngayon," seryosong sagot ni Mikay sa kanya.
"Ibang lusog 'yan!" Natatawang sagot ni Mikay.
"Malusog pa rin in a different way. Kaya nga gustung-gusto kitang isama ro'n. Baka sakaling maka-gain ka naman ng new friends," seryosong tugon ni Mikay sa kanya.
"Pass! I don't need new friends, Mikay. I'm too old for that. Hindi naman lahat ng tao, kagaya mo. You are too optimistic. You always look at the brighter side. Kita mo nga, pati 'yong sinasabi mo na may gustong pumatay sa'yo, parang wala lang sa'yo. You're still looking at the positive side of that. Ibinibilin mo pa sa akin. Naloloka na lang talaga ako sa'yo eh," paliwanag pa ni Phoebe sa kaibigan.
"Aren't you getting tired of me? Hindi ba nakakasawa ang mukha ko?" Tanong ni Mikay sa kanya.
"Hindi. Bakit? Ikaw ba nagsasawa na sa mukha ko?!" Bintang ni Phoebe sa kaibigan.
"Hindi rin. Nagtatanong lang naman ako. Pakiramdam ko kasi boring akong kasama," kibit-balikat na sabi niya.
"Aba? Sino ang nagsabi niyan sa'yo?" Gulat na sabi ni Phoebe.
Inilapag pa niya ang iniinom na iced mocha dahil sa gigil.
"Wala. Naisip ko nga lang. Kasi wala namang kakaiba sa akin. Saka sabi mo nga, kakaiba ako kung mag-isip," tugon ni Mikay.
"And that's what makes you a good company! That's a positive thing! Bakit pagdating sa sarili mo medyo negative ka? May pinagdadaanan ka ba?" Tanong ni Phoebe.
"Bukod sa may killer ako? Wala naman na akong ibang pinagdadaanan," mabilis na sagot nito sa kanya.
"Ewan ko sa'yo. Sarap mong kuritin kakasabi mo paulit-ulit ng killer eh," reklamo ni Phoebe sabay irap sa kaibigan.
Tinawanan lang naman siya ni Mikay at nagpatuloy na sila sa pag-ubos ng kinakain nila. Since college, alam nilang kasangga nila ang isa't-isa. Mikay is always there for Phoebe during her darkest hours. And Phoebe will do the same for her one and only bestfriend. Wala pa silang kahit na anong pinag-aawayan mula noon. Pareho kasi nilang inuunawa ang sitwasyon ng isa't-isa. Kung sino ang kayang mag-adjust, mag-a-adjust. Gano'n naman talaga dapat. Hindi pwedeng dalawa kayong ma-pride. At sa tingin ni Phoebe, wala naman siyang hindi kayang gawin para sa kaibigan. Basta para sa ikakaligaya nito, at hanggang kaya niyang gawin, gagawin niya.