Chapter 2

1588 Words
Chapter 2 Miller and his friends usually spend their nights to their favorite hang out place. Sa kubo ng bahay ni Baron, isa sa mga kaibigan ni Miller. Ang isa pa niyang kaibigan ay si Zeke. Magkababata ang mga ito, at tila magkakarugtong ang mga hininga. Lumaki kasi ang mga ito na magkakapitbahay kaya naman nang nasa tamang edad na, at napag-isipang bumili ng mga kani-kaniyang bahay at lupa, ay sa iisang exclusive subdivision sa Rising Villas sila bumili. Mga hindi pa rin mapaghiwalay ang mga ito. "Oh, Baron? Looks like you are spending too much time on that one chick of yours?" Tanong ni Miller sa kaibigan na kasalukuyang naglalabas ng pulutan nila. "What chick?" Maang-maangan pa nito. "Oh, come on. The one we met at your sister's wedding? What's her name again? Kakai?" Tanong pang muli ni Miller. "Ikay, Bro. Ikay is the name. I forgot her real name, though," pagtama pa ni Zeke sa kanya. "Mikay, not Kakai nor Ikay," pagtama pa ni Baron sa mga kaibigan na pare-pareho namang mali ng sinasabing pangalan. "Tandang-tanda niya oh. Mukhang tinamaan na nga talaga," pang-aasar pa ni Zeke kay Baron. "I can't relate. I sometimes call them by other women's name," natatawang sagot pa ni Miller. "Kaya ka nasasampal eh. Serves you right," naiiling na sabi pa ni Baron. "Si Zeke din naman gano'n. Hindi lang siya madalas nahuhuli, kaya good boy image pa rin siya hanggang ngayon," pagdamay pa ni Miller sa kaibigan. "Tumigil ka riyan, Magellan. Nananahimik ako. I don't collect women. Hindi lang uso sa akin ang move on, pero hindi ko naman sila pinagsasabay-sabay. Wala akong babae sa bawat sulok ng bansa," pagtatanggol naman ni Zeke sa sarili niya. Natawa naman si Baron sa sinabi ni Zeke at napapatango pa ito bilang pagsang-ayon sa sinabi ng kanyang kaibigan tungkol kay Miller. "Nasaan na ang pulutan namin? Bakit chichirya lang 'to? Magpa-liempo ka naman!" Pang-aasar na lamang ni Miller kay Baron. "Nagpaluto na ako kay Manang. Ano ba ang tingin niyo sa bahay ko? Resto-Bar?" Tanong ni Baron sa mga kaibigan. "Oo, kulang nga 'tong bahay mo. Dapat may patay-sindi pa ngang ilaw eh. Saka dapat may sumasayaw na babaeng nakahubo't-hubad. Ang lamya eh," komento pa ni Miller. "Siraulo! Iba na 'yon," natatawang sagot ni Baron. "Ay, wala akong kinalaman diyan. Bawal sa religion namin 'yan," tanggi kaagad ni Zeke. "Ang plastic mo, gago!" Saway ni Miller sa kanya. "What? I'm just telling you all the truth! Alam niyo naman na religious person ako," nakangising sagot pa ni Zeke. "Uwi ka na nga, Boy. Baka maabutan ka pa ng curfew. Alam ba ng ermats mo na narito ka? Baka hindi ka nagpaalam ah? Palo sa puwet ka," pang-aasar pa ni Baron kay Zeke. "Nagpaalam ako. Pinayagan ako kasi naubos ko naman daw ang dede ko," seryosong sagot pa ni Zeke. "Tarantado ka talaga!" Natatawang sabi ni Miller sabay batok pa sa kaibigan. "Aray, bakit ba?" Natatawang tanong din ni Zeke. "Napaka-siraulo mo talaga eh. Uminom na nga lang tayo," sagot naman ni Miller. Maya-maya pa ay inilabas na ang bagong luto na pulutan nila.  "Manang, may kanin po?" Tanong ni Zeke. "Mayroon pa, Hijo. Sige, maglabas ako," sagot kaagad ng kasambahay ni Baron. "Usapan, pulutan lang ah? Bakit may kakain ng kanin? Wala ka bang bahay? Hindi ka mahal ng Mama mo? Hindi ka pinagluluto?" Pang-aasar pa ni Baron kay Zeke. "Wala akong Mama sa bahay eh. Hayaan mo, kapag nagka-asawa ako, hindi na ako makikikain sa inyong hayop ka," kibit-balikat na sagot ni Zeke. "Mag-aasawa ka? That's new," nagtatakang tanong ni Miller. "Darating din tayo riyan. Pero hindi pa sa ngayon. Ikaw, Miller. Mukhang wala ka nang pag-asa. Si Baron, may chance pa nang very very light," paliwanag pa ni Zeke na may kasama na ring panghuhusga sa mga kaibigan. "Tinanong mo sana muna ako kung gusto ko nga bang mag-asawa? Eh, hindi naman. So, ayos lang. I'm good with just having fun," mabilis na sagot naman ni Miller. "Pare, mahirap magsalita nang tapos. Baka sooner or later, lumapit ka sa amin nang umiiyak dahil sa babae, ha? Naku, tatawanan ka talaga namin. At hindi ka namin tutulungan," sabi pa sa kanya ni Baron. "That won't happen, Pare. Baka ikaw pa ang umiyak at hindi ako," bawi naman kaagad ni Miller kay Baron. "Kapag iiyak ako, kay Zeke lang. Hindi ka na namin i-inform," tumatawang sagot pa ni Baron. "So, pinaghahandaan mo na ngang iyakan si Kakai o Mikay ba 'yon? Good luck," sagot ni Miller. "We will see. Wish me luck nga talaga," kibit-balikat na sagot ni Baron sa mga kaibigan. "Naku, delikado na talaga 'tong kaibigan natin, Zeke. Nagayuma na yata talaga. Mukhang kailangan kong umiwas sa gano'ng klase ng babae ah?" Napapailing na sabi ni Miller. "Pare, hindi mo naman masasabi kung siya na ba o hindi pa eh. It will just come like a snap of your fingers. Biglang boom, ang ganda. Nice one, I need to have that woman all by myself," kwento pa ni Baron. "Sinasabi ko sa'yo, Pare. Hindi pa siya ang para sa'yo. Maganda siya, oo. Infatuated ka lang. Late bloomer ka sa pagbibinata. Maniwala ka sa akin," sulsol pa ni Miller sa kaibigan. "Nah. This one is different. Come on, cheer for me. Raise your glases for me and Mikay," nakangiting sabi ni Baron. Sumunod na lang din si Miller at Zeke sa kaibigan nila. Nakipagcheers sila at ininom ang laman na alak ng kani-kanilang mga baso. Miller would never be like Baron. Bihira itong magkagusto sa babae, at mukhang tinamaan talaga ito sa babaeng si Mikay na nakilala lang nila sa kasal ng kapatid nito wala pa ngang isang buwan ang nakakaraan pero parang na-ulol na talaga ang kaibigan nila. "Para sa bagong tuli na si Baron! Ngayon pa lang tinitigasan! Cheers!" Sabi muli ni Miller matapos nilang magsalin muli ng alak sa mga baso nila. "Gago! Sabay tayong nagpatuli na tatlo. May nunal ka pa nga sa bayag," asar pa ni Baron. "Hindi ako 'yon! Si Zeke 'yon. Bobo ka talaga maka-alala," pagtama pa ni Baron. "Wala na, pina-lazer ko na 'yong nunal. Malas daw kasi 'yon," sagot pa ni Zeke. "Puta? Sana pina-opera mo na rin 'yang ari mo. Pinatapyas mo at pinapalitan mo na sana ng ari ng babae. Para naman makapagpaligaya ka ng kaibigan," hirit pa ni Miller. "Tarantado! Ang dugyot talaga ng isip mo!" Natatawang saway ni Zeke kay Miller. Inuubos nila ang oras nila sa gabi na nag-iinom lang at nag-aasaran. Walang napipikon sa kanila. Lahat ay gumaganti lamang din ng salita.  Sa kabilang banda, si Phoebe naman ay may kaisa-isang matalik na kaibigan. Kung si Pheobe ay isang loko-loko at mapaglarong klase ng babae, kabaliktaran naman niya ang kaibigan niyang si Michaela o kung tawagin niya ay Mikay o Miks. Napakahinhin nito at napakapositibong klase ng tao. 'Yong tipong down na down ka na sa pagsubok sa buhay mo, pero para sa kaibigan niya, isa lang daw itong pagsasanay para mas maging malakas pa.  "Paano ako mas magiging malakas kung magbibigti na ako mamaya?" Tanong ni Phoebe sa kaibigan. Kasalukuyan silang kumakain ng merienda sa clinic niya dahil dinalaw siya ng kanyang kaibigan at kinukwento niya rito ang mga gusto niyang gawin sa buhay at kung gaano siya kinakabahan at nai-stress sa mga pwedeng mangyari sa kanya. "Wala na akong masasabi pa kung pipiliin mong magbigti at sumuko na lang. I can't give much comments about stress and depression, Ibe. That's not my forte. Pwedeng sa akin, madaling sabihin na kaya mo 'yan, pero hindi naman pala madali para sa'yo. Bibili na ba ako ng lubid? Ilang metro ba ang kailangan mo?" Tanong ni Mikay sa kanya. Nanglalaki ang mata at butas sa ilong ni Phoebe dahil sa naging sagot sa kanya ni Mikay. Napaka-kalmado nito, at talagang ibibili nga siya nito ng lubid kung sakaling magbibigti nga siya? Kakaibang babae talaga. "Hindi ako makapaniwala sa'yo, Mikay," komento ni Phoebe. "Hindi makapaniwala saan? Bakit?" Nagtatakang tanong naman ni Mikay sa kanya. "Sa'yo mismo. Sa buong pagkatao mo. Pwede bang ipaalala mo nga ulit sa akin kung bakit naging magkaibigan tayong dalawa?" Tanong pa ni Pheobe kay Mikay. "Kasi noong kolehiyo tayo, walang pumapansin sa'yo dahil mukha kang masungit. Saka bagsak ka kasi noon sa minor subject natin na Physical Education natin noong first year, both semester. Kaya iniisip ng karamihan na baka lampa ka? O di kaya naman baka may malala kang sakit. Ako lang ang maglakas loob na lumapit noon sa'yo kasi mukha kang kawawa," kwento pa ni Mikay. "Oh my God, stop it, Mikay. Gano'n ba ako kalala noon? Parang hindi naman? You know what? Bakit hindi ka maging writer? Ang galing mong gumawa ng istorya eh," natatawang sagot ni Pheobe sa kaibigan. "Hindi 'yon gawa-gawa, Ibe. Nakalimutan mo na ba? Wait, may amnesia ka ba? Teka, isusugod na kita sa ospital," kalmado at seryosong sagot ni Mikay sa kanya. "No, I'm good. Never na kitang tatanungin tungkol sa ganyan kaya kalimutan mo na rin kung ano ako no'ng college tayo," bilin pa ni Phoebe kay Mikay. "No, I won't do that. That's the coolest and very memorable part of my college life and your college life. Saka bakit kita susundin? Utos nga ni Mommy sinusuway ko at hindi pinapakinggan eh," seryosong sagot pa ni Mikay sa kanya. Napakamot na lang tuloy ng buhok si Phoebe. Mas madalas talagang mahirap kausap ang kaibigan niya. May mga paninindigan kasi ito na hinding-hindi mo pwedeng baliin. And that's one of the reason to their strong bond.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD