Chapter 4

1605 Words
Chapter 4 Saturday night came really fast. Both Phoebe and Mikay are getting ready. Magkikita silang magkaibigan sa entrance na lang ng mismong hotel. Pareho naman silang may dalang kotse, para mas madaling umalis sa event kung hindi na nila gustong makisalamuha pa sa iba.  Naunang dumating si Phoebe at kaagad siyang nagpark sa basement ng hotel. Hinintay niya munang makarating din si Mikay bago siya lumabas sa kotse niya. Phoebe is wearing the dress she bought the other day from the mall. White fitted dress and a red shoes. Luwang-luwa ang malulusog niyang dibdib at talaga namang maka-agaw atensyon ito. She didn't put any heavy make-up on her face. Naglagay lamang siya ng foundation, blush on at red lipstick. She doesn't want to look like a slut tonight. She wanted to flaunt what she got without putting too much effort especially on her face. There are too many people in that hotel venue. Ang iba nga sa mga naroon ay hindi na niya kilala. Pero ang sabi ni Mikay ay schoolmate daw nila ang iba ro'n. She's just in for the free food and drinks. This is actually a celebration party of one of their former classmates. Engagement party and a thank you party raw base sa kwento ni Mikay sa kanya.  "They must be doing good in their business to waste too much money like this for strangers," bulong ni Phoebe sa sarili niya. She immediately picked up a tequilla from a waiter. Si Mikay naman ay kumakain ng desserts sa long table. Matapos niyang maubos ang kinuha niyang inumin, saka siya sumunod kay Mikay. She started with the fruits and small cakes. May host na nagsasalita sa stage pero pareho silang walang pakialam sa totoong kaganapan.  "Are you Phoebe Gregorio from batch 2012?" Biglang tanong ng isang babae sa harapan niya. Napaisip pa siya kung 2012 nga ba siya grumaduate. At napatango na lang din bandang huli. "Yes," tipid niyang tugon dito. "Oh my?! Halos hindi na kita nakilala. You look so different! I'm Jane, classmate mo 'ko noon," pakilala nito. Wala siyang kilalang Jane. Napasimangot siya at hindi sumagot. "Jane Delos Reyes? Right! We remember you," biglang singit naman ni Mikay sa usapan at nakipagshake hands pa ito sa babae. "Michaela? Wow, magkasama pa rin pala kayo ni Phoebe?" Tila hindi makapaniwalang tanong nito. "Naka-resting b***h face ka na naman, Ibe. Kaklase natin 'yan. Isa 'yan sa lumalapit sa'yo noon kapag kokopya ng assignment," bulong ni Mikay kay Phoebe. Napataas tuloy ang kilay niya sa narinig. Pinapakopya niya ito noon? Pero bakit hindi niya maalala ang mukha nito? Kung sa bagay, hindi naman na talaga niya maalala ang mukha ng iba pa nilang naging kaklase bukod kay Mikay. That was 9 years ago. At wala naman kasing naging malaking contribution ang mga ito sa buhay ni Phoebe kaya hindi niya talaga maaalala. "Both of you really glow up well. Lalo ka na, Phoebe," nakangiting sabi pa ni Jane sa kanya. "Thank you. You too. You look pretty as well," sabi na lang din ni Phoebe. "Haha! Thanks! Nakita niyo na ba ang iba pa nating mga kaklase?" Tanong pa nito. Kaagad namang umiling si Phoebe. "Sakto! Pabalik na ako sa table namin. Kasama ko ang iba sa kanila. Tara?" Aya pa nito sa kanila. Tumingin muna si Phoebe kay Mikay. Tumango lang ito sa kanya at ngumiti. "You will be just fine. Let's go," aya na rin naman nito sa kanya. Wala na rin siyang ibang nagawa kundi sumama at magpahila na. Lumapit sila sa isang grupo ng mga nasa table. Some faces were familiar to her, but some also are not.  "Hi, everyone. Naalala niyo pa ba si Phoebe at Michaela noon? Kaklase natin sila dati," bungad ni Jane sa mga nandoon. "Phoebe? 'Yong sobrang galing sa Math? Oo naman! Naalala ko siya! Saka ang kaibigan niyang si Michael,” tugon ng isa. "Grabe. Ang ganda ninyong dalawa lalo ngayon! Halos hindi namin kayo makilala. What's the secret? Share niyo naman!" Sabi ng isang babaeng nakasuot ng itim at hindi alam ni Phoebe kung talaga bang kaklase rin nila ito dahil hindi na naman pamilyar sa kanya ang mukha. "Walang sikreto. Safeguard nga lang ang sabon namin niyan ni Phoebe. Di'ba, Phoebe?" Biro pa ni Mikay. "Perla nga lang sa akin. Para 'yon na rin ang panglaba," nakatawang tugon pa ni Phoebe sa kaibigan niya. "Wow. Phoebe is now a talkative person?" Tanong ng isang lalaki. Nagkamustahan pa ang mga magkakaklase nang gabing 'yon. All of them are drinking. Hindi naman naghiwalay sina Phoebe at Mikay. 'Yon ang mahigpit na bilin ni Phoebe sa kaibigan. Ang huwag siyang iwanan dahil ayaw niyang makaramdam na naman na out of place siya. Kaya kahit ultimong iihi lang si Mikay ay magkasama silang dalawa na akala mo ay mga high school students. Naramdaman ni Phoebe na parang nagpapahiwatig sa kanya ang isa sa mga dati nilang kaklase. Kanina pa kasi ito tanong nang tanong sa kanya at pinipilit na tumabi sa bandang kaliwa niya. Nasa kanan niya kasi nakaupo si Mikay. "Saan kayo pagkatapos nitong party, Phoebe?" Tanong nitong James sa kanya. "Ah, uuwi na," mabilis niyang tugon. "Kaagad? Ayaw niyo bang magcatch up muna? Bar or something?" Tanong pa rin ni James. "We can't. Until 12 midnight na lang kami. After that, nagiging chaka na ulit kami ni Mikay," biro pa niya rito. Tinawanan lang naman siya nito. Marunong naman siyang pumili ng gagawin niyang bebe. At ang gusto niya, walang record of history. Ayaw niya ng mga dati na niyang kakilala. Mahirap 'yon kapag nagkabistuhan at nakipaghiwalay siya kung magkataon man. She excused herself. Parang gusto kasi niyang kumain pero hindi niya pa alam ang kukunin niya sa buffet table. Hinayaan naman siya ni Mikay. Nang may dumaan na waiter, akmang aabot siya ng isang juice ngunit may nakasabay siyang kumuha ro'n. Muntik pa ngang matapon ang inumin. "Oh, sorry," sabi niya kaagad. "Sorry, Miss," halos kasabay na sabi rin ng lalaking. "Go ahead," sabi naman ni Phoebe at akmang tatalikod na pero tinawag siya ng lalaki. "No. Get the drink. I will get some other drink. Sorry again," sabi nito habang lumalakad papalayo. Kibit-balikat na kinuha na lang naman ni Phoebe ang juice at nagpatuloy na sa pagkuha ng mga kung anu-anong pagkain sa long buffet table.  Nang pabalik na sana siya sa table kung nasaan si Mikay, ay siya namang biglang may biglang bumunggo sa kanya. Tumapon tuloy ang hawak niyang red wine sa white dress mismo na suot niya. Sakto pa 'yon sa bandang dibdib niya. "Oh my gosh," gulat na sambit niya.  "Oh, no. Sorry, I wasn't looking on my way. Oh, ikaw pala ulit? Strike two na ako sa'yo. I'm really sorry," paliwanag ng lalak kay Phoebe. Nang iangat niya ang ulo niya, saka lang niya nakita na ito rin ang lalaking nakasabay niyang dumampot ng juice kanina. Tama nga ang lalaki nang sabihin nito na strike two na ito kay Phoebe. Inabutan naman siya nito ng panyo, sinubukan naman ni Phoebe na ipunas 'yon sa puting dress na suot niya ngunit naging mantsa na talaga ang red wine sa bandang dibdib niya. "Let's go to the washroom," aya pa ng lalaki sa kanya. Hinawakan siya nito sa kamay at hinila papunta kung nasaan ang bathroom. "Ako na ang bahala," sabi naman ni Phoebe. "No. It was my fault. Let me help you, at least," sagot nito sa kanya. "Then, just pay for the damage of my dress," sabi ni Phoebe. Napahinto naman ang lalaki at nilingon siya. "How much?" Tanong nito. "4500," mabilis na sagot ni Phoebe. "Give me your Bank QR code, and your cellphone number too," sagot nito. Nilabas naman ni Phoebe ang cellphone niya pero natigilan din nang may marealize siya. "Why would you need my contact number as well?" Tanong niya. "To keep in touch with you," mabilis na tugon nito sa kanya. Ipinakita ni Phoebe ang QR code niya sa lalaki at ini-scan naman nito iyon. Maya-maya pa ay nagnotify na sa kanya na may pumasok na pera na sa bank account niya. "Money has been sent. How about your number, Sweetie?" Nakangising sagot nito. "Sorry, I don't give my number to anyone that easy, Honey. Bye," sagot niya rin naman dito. Hinaplos niya pa ito nang dahan-dahan mula sa dibdib pababa hanggang sa bandang tiyan nito. Kinindatan pa niya ito bago tuluyang tumalikod. "Wait! Give me your name instead," tawag pa nito sa kanya. "Just call me yours," nakangising sagot ni Phoebe bago tuluyang lumakad palayo sa lalaki. Natatawa pa siya nang makabalik sa table nila Mikay. "Oh? Ano'ng nangyari sa damit mo?" Gulat na tanong ng kaibigan. "Wala lang. May nakabungguan lang ako kanina, pero siningil ko naman siya sa presyo ng damit ko," pagsummary pa ni Phoebe sa kaibigan niya. "What?! Hahaha! May bumunggo sa'yo at siningil mo dahil namantsahan 'yang damit mo?! At nagbayad naman?" Lalong gulat na tanong ni Mikay sa kanya. Tumango lang naman siya habang tinitignan ang suot niyang damit na may mantsa sa bandang dibdib. Alam niyang hindi na maaalis ang mansta na 'yon. Kaya tama lang ang desisyon niyang singilin ang lalaking 'yon. Halata naman na gusto siya nitong landiin. Pag-iisipan pa niya kung kaya pa ba ng oras niya ang magdagdag ng isa pang Bebe bago siya pumatol. Baka masira na naman kasi ang schedule niya ng pakikipagkita kung biglang magdagdag pa siya ng isa pa. Naayos na nga niya ang scheduling date for Bebe #1 Monday, Bebe #2 Wednesday naman, Bebe #3 Friday. Bihira siya magset ng date for her Bebes during weekends. Me time kasi 'yon ni Phoebe. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD