Chapter 5
Isang oras pang nanatili sa party sina Phoebe at Mikay. Tila nalibang si Phoebe sa mga kwento ng mga dati niyang kaklase. She's glad that she doesn't feel like an outcast now. Siguro noon, masyado lang kasi niyang dinibdib ang pagkawala ng kanyang ama. She was scared to get close to anyone before. And Mikay crawled her way to open up her heart and be friends with her. That's why Mikay is one of her treasures in life. Kung naging lalaki nga lang siguro siya, malamang liligawan niya ang kaibigan niya.
"It's already one in the morning, Mikay. Should we leave?" Tanong ni Phoebe sa kaibigan.
"Sure. Let me finish my drink first," mabilis na tugon nito sa kanya.
Mabilisang tinungga ni Mikay ang alak nito sa baso. Nagpaalam na sila sa mga dating kaklase nila. Ayaw pa nga sana silang paalisin ng mga ito pero nakakaramdam na ng antok si Phoebe. At ayaw naman niyang magpakalasing dahil pareho pa silang magmamaneho ni Mikay pauwi sa kani-kaniya nilang bahay.
Hinatid niya muna sa kotse nito si Mikay. Medyo hilo na kasi ito. Ilang ulit nga niya itong tinanong kung kaya ba nitong magmaneho, oo naman daw. Siniguro muna niyang nakaalis na ito at maayos pa nga itong magmaneho bago rin siya pumunta sa kotse niya. Pero bago pa man siya mapasok sa loob ay biglang may humila na sa braso niya paharap.
"Gotcha," sabi ng lalaking nasa harapan niya.
Sasagot pa lang sana siya nang bigla siya nitong siilin ng halik. Ito rin 'yong lalaking dahilan kung bakit may mantsa ang damit niya. Hindi niya alam kung ano ang gusto at kailangan nito sa kanya, pero tinugon na lang din naman niya ang mainit na halik nito sa kanya.
Nang maramdaman niyang gumagapang ang kamay nito mula sa pagitan ng mga hita niya ay kaagad naman siyang bumitaw sa pakikipaghalikan dito.
"Sorry, Lover Boy. But I have to go," nakangising tugon niya rito sabay mabilis na pumasok sa loob ng kotse niya.
Ini-start niya kaagad 'yon at pinaharurot ng alis. She left the guy there standing and just looking at her car.
"That guy was really something! f**k!" Reklamo ni Phoebe sa sarili niya habang nagmamaneho.
Muntik na siya ro'n. That stranger guy almost get his way to her. That's not how she play her game. Not that easy.
Pagkauwi ni Phoebe sa bahay ay kaagad siyang naligo at nagpalit ng damit na pangtulog. Binlower din niya ang buhok para makatulog na rin siya kaagad. Mikay texted her that she's at home already kaya kahit paano ay kampante na siya.
Iniisip niya naman ngayon ang lalaking humalik kanina sa kanya sa parking area. Iniisip niyang sana hindi na niya makita pa ulit ang lalaking 'yon. That guy looks really aggressive at alam niyang hindi niya mapapasunod ang isang 'yon kagaya ng tatlong Bebe niya ngayon. Her three boyfriends are very understanding and patient with her. But that one doesn't look like he will do anything good. Mukhang sakit lang sa ulo ang isang 'yon. At isa pa, ayaw niya sa mga mukhang bad boy. That guy's almond eyes are very mezmerizing. Alam niyang marami nang nautong babae ang mga matang 'yon. His well-built body feels like he can easily throw her in the bed. Pero bakit naman niya naisip ang gano'n? Attracted na ba siya sa lalaking ngayon pa lang niya nakita at hindi pa nga niya alam ang pangalan? Imposible.
She forced herself to sleep. Alas dos na ng umaga pero parang hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Samantalang kaninang nasa party siya ay parang babagsak na ang mga mata niya.
Sumapit ang Lunes, naka-schedule na may lunch date sila ni Bebe # 1 which is Nikko. Sa mall na sila magkikita dahil ayaw naman niyang magpasundo sa clinic.
Kakalabas pa lang niya sa elevator nang makita niya si Nikko na naghihintay sa kanya sa gilid ng French Baker.
"Bebe," tawag pa nito sa kanya.
"Hi, Bebe. Did you wait long? Sorry, medyo maraming pasyente sa clinic kanina," sabi pa niya.
She lied. Kahit naman sobrang dami ng pasyente sa clinic niya, hindi naman siya nagiging gano'n ka-abala. She would still be browsing her social media accounts while the other Orthos are working. Siyempre, hindi na niya ipapaalam sa mga Bebe niya na hindi naman talaga siya abala sa clinic. They would demand much of her time if they would know the truth.
"Saan mo gustong kumain ng lunch, Bebe? Are you tired?" Tanong ni Nikko sa kanya.
"A bit. Anywhere is fine with me as long as I'm with you," she flirts back.
"Hay naku, ang Bebe ko naglalambing. Mamimiss na naman kita niyan mamaya. Next week na naman tayo magkikita pagkatapos nito," tugon pa ni Nikko sa kanya.
"Kaya nga lubusin na natin ang oras. I know you are busy too. Ano? Ramen? Samgyup? Or you want something cozy?" Tanong pa ni Phoebe kay Bebe # 1 niya.
"I only want you, Bebe. But, I think I will settle for ramen now. Let's go?" Malambing na tugon pa nito sa kanya.
"Okay, Let's go eat ramen," tugon niya at talagang sinadya niyang hindi pansinin ang unang sinabi nito.
Inakbayan pa siya ni Nikko habang naglalakad sila patungo sa restaurant. Mabilis silang kumain habang nagku-kwentuhan. Phoebe is really attentive to Nikko's story. Nikko was talking about sports and a comedy movie. Hindi na nga nila namalayan na past 1PM na. Nagbill out na si Nikko at halos ayaw na nitong bitawan ang kamay ni Phoebe.
"I will miss my Bebe. But I will patiently wait for another week. Huwag kang magpakapagod, ha?" Bilin pa nito sa kanya.
Tumango naman si Phoebe. She gave Nikko a quick kiss on the lips. Ginantihan naman siya nito ng yakap. Matapos nilang magbayad ay hinatid naman si ni Nikko sa parking area. Nagpaalam na siya rito at muling humalik sa labi at pisngi nito.
She didn't look back as she drove away. Hindi alam ni Phoebe kung hanggang kailan ba siya ganito. Napailing na lamang siya. She's enjoying her life to the fullest now. Once she started fighting the ones who's behind her father's death, alam niya ang posibilidad na mangyayari sa kanya. For now, she will just enjoy what she currently have.
Pagbalik niya sa clinic, she noticed a man wearing a black cap outside her clinic's door. Pero hindi niya ito pinansin dahil iniisip niyang baka companion lang ng isa sa mga pasyente niya ang lalaking 'yon. Pero nang dumaan siya sa harap nito ay bigla itong nagsalita.
"Found ya," sabi nito kaya napahinto naman siya.
Nang tignan niya ang lalaki ay laking gulat niya dahil ito ang lalaki mula sa party last Saturday night. Napa-atras tuloy siya.
"What are you doing here?" Tanong niya rito.
"I was here for you, obviously," mabilis na sagot nito sa kanya.
Right, malamang nga na narito ito para sa kanya. Mukhang desidido ito na makipaglandian sa kanya.
"You need to have an appointment first. Hindi ka pwedeng basta-bastang pumupunta sa clinic ko," sagot pa ni Phoebe.
"Seriously? Kahit hindi naman about sa ngipin ang ipinunta ko rito?" Tanong nito sa kanya.
"Kung hindi about sa ngipin ang ipinunta mo rito, then bye," sabi ni Phoebe habang kumakaway pa.
Pumasok na siya sa loob at sinaraduhan ng pinto ang lalaki. Dumiretso naman siya sa loob ng opisina niya. She's renting three rooms on the second floor. One room for the patient's waiting area, and two rooms for the Ortho. Nasa dulo ang mini office niya. Nang makarating siya sa opisina niya ay kaagad siyang nag-alis ng suot niyang blazer. Ang init naman kasi sa labas. Summer na talaga at parang mahi-heatstroke siya kung sakaling matagal siyang magstay sa labas.
Kasalukuyan siyang umiinom ng tubig nang marinig niyang biglang may kumatok sa pinto ng mini office niya.
"Come in," mabilis na tugon naman niya.
"Doc, may pasyente po kayo for consultation," sabi naman ng receptionist na si Grace sa kanya.
"Sa akin mismo? Si Doc Aiza?" Tanong niya pa rito
"Currently occupied po si Doc Aiza. Reschedule ko na lang po ba?" Tanong nito sa kanya.
"Huwag na. Sige, patuluyin mo rito. Titignan ko," tugon na lamang niya.
Tumango naman ito sa kanya at lumabas saglit. Sinuot naman niya ang puting Lab gown niya na nakasampay lang sa gilid. Maya-maya pa ay bumalik na si Grace na kasama na ang pasyente. Napatayo pa si Phoebe nang makita kung sino ang pasyenteng kasama nito.
"Ikaw?" Gulat na sambit pa ni Phoebe.
"You said that I need to get an appointment first. So here I am," mabilis na tugon sa kanya ng lalaki.
Inabot pa sa kanya ni Grace ang medical records ng lalaki.
"Miller Jones, 31 years old. Bakit may nakasulat na Single sa papel kahit hindi naman kami nanghihingi ng Marital status dito sa clinic?" Kunot-noong tanong pa ni Phoebe sa lalaki.
"Wala ba sa form? Nilagay ko lang para alam mo na kaagad," paliwanag pa ni Miller sa kanya.
"Not interested, Patient Jones. So, ano? Magpapa-brace ka ba?" Tanong ni Phoebe.
"Do you think I need a brace? Check my teeth," tanong pa ni Miller sa kanya.
"Yes, I think you need a brace. Brace sa utak," diretsong sagot ni Phoebe sa lalaki.
Hindi pa man nakakasagot sa kanya si Miller ay nagdial na si Phoebe sa telephone.
"Hello, Grace? I'm done checking Patient Jones. No need na ng x-ray. Bubunutan siya ng limang ngipin sa taas. Yes, today. Si Doc Jake ang gagawa," sabi ni Phoebe sa telepono.
Kaagad namang napatayo si Miller.
"Seryoso ba 'yan? Bakit 'yong ngipin ko sa harap ang mga bubunutin? Sadista ka ba, Phoebe? I like a sadist person, but that's only in bed!" Reklamo ni Miller sa kanya.