Chapter 1

1444 Words
Chapter 1 Phoebe Gregorio is an Orthodontist. She owns three branches of clinic in the Metro Manila. At lahat ng clinic niya ay palaging puno ng mga pasyente, weekends man o weekdays. Ulila na siya at wala rin namang kapatid. Her Mom died when she was 10 years old and her Dad was killed when she was still 14 and struggling in her studies. Naniniwala siyang pinatay ang kanyang ama dahil sa mana ng kanilang pamilya. Pero wala man lang nahuling suspek sa pagpatay sa kanyang ama. Nalagay pa noon sa panganib ang buhay niya. Kinailangan niyang lumayo ng dalawang taon dahil sa takot na baka siya naman ang puntiryahin ng mga kalaban na hindi niya naman kilala. Nag-aral siya sa isang private school sa Bulacan sa loob ng dalawang taon at bumalik sa Maynila noong mag-aaral na siya ng kolehiyo. She started living alone since then. Wala naman siyang ibang choice eh. Alam niyang nasa paligid pa rin ang kriminal na pumatay sa kanyang ama at binabantayan ang mga kilos niya. Hindi na siya takot ngayon. Tapos na ang yugto ng buhay niya na natatakot siya na matulad sa kapalaran ng ama. Kung mamamatay man siya, sisiguraduhin niyang isasama niya sa hukay ang mga magtatangka sa buhay niya.  "Hija, hindi ka na naman ba kumakain sa gabi?" Tanong ni Manang Julie na kasambahay nila simula noong maliit pa lamang siya. "Naka-intermittent fasting po ako, Manang. Hindi na po ako kumakain sa gabi," mabilis na sabi naman ni Phoebe sa matanda habang umiinom ng kape. "Pati 'tong almusal mo? Hindi mo rin kakainin? Bakit kape lang ang ginagalaw mo?" Tanong muli nito. "Opo, Manang. May oras lang kasi 'yong kain ko. May bago po akong sinusubukan. Baka sakaling medyo bumaba nang kaunti ang timbang ko," tugon muli ni Phoebe. "Naku, baka magkasakit ka naman niyan, Hija. Hindi ka naman mataba? Kaya bakit gusto mo pang magbawas ng timbang?" Tanong nito. "Wala lang po, Manang. Makikiuso lang po. Papaliit lang po ng bilbil. Ang sarap po kasi palagi ng luto ninyo kaya madalas akong napapakain nang marami. Look at my bilbil, Manang! Three layers! Hahaha," natatawang sabi pa ni Pheobe. "Ikaw talaga. Kain lang nang kain. Maganda nga ang malusog at may laman kaunti sa babae eh. Pangit naman ang buto't balat, Hija," payo pa sa kanya ni Manang Julie. "Subukan ko lang muna, Manang. Kapag hindi ko po kinaya, balik loob na ako ulit sa lamon," tumatawang sabi pa ni Phoebe. Pumasok siya sa clinic nang umagang 'yon. Pero wala naman siyang ibang ginawa kundi magscroll lang at sumilip sa bawat rooms ng ibang Ortho sa clinic niya. Maraming dentist ang sumasideline sa clinic niya, kaya madalas ay hindi na rin siya kumikilos sa sariling clinic niya. Umiikot lang siya sa tatlong clinic niya para i-check kung wala namang problema. She spends most of her free time by reading novel books at watching movies or series. Korean series man, Lakorn or also known as Thai dramas, minsan Turkish drama rin pinapatos na niya.  May kumpanya ang pamilya nila pero hindi siya involved sa pamamalakad o pagpapatakbo no'n. Simula nang mawala sa mundo ang kanyang ama ay hindi na siya nakialam pa sa magulong mundo ng negosyo nila. Ang sumalo sa kumpanya nila ay ang sekretarya ng ama na matalik na kaibigan nito. Isa pa rin si Pheobe sa major stock holders ng kumpanya, pero wala pa sa isip niya ang makigulo. Alam niya, na sa oras na makialam siya sa negosyo ay manganganib din ang buhay niya. Hanggang hindi niya kilala kung sino ang kalaban, mananatili siyang tahimik at kuntento sa mga Ortho clinics niya.  Sisiguraduhin niya na mabibigyan niya ng hustisya ang pagkamatay ng ama, sa tamang panahon. Habang nanonood siya ng videos mula sa f******k niya ay biglang may nagpop-up na chat sa messenger niya. Ang nickname na lumabas ay Bebe #1. Kaagad namang binasa ni Phoebe ang message nito. "Hi, Bebe. How are you? Nasa clinic ka na? Kakarating ko lang sa office," sabi ni Bebe #1 sa chat. Nagtype naman si Phoebe ng reply para rito. "Hi, Bebe. Kanina pa ako nasa clinic. Mga 10 minutes ago. Kain ka na ng breakfast. I miss you," reply niya pa. Nagcopy si Phoebe sa sinend niyang message kay Bebe # 1 at sinend din ang chat niya kay Bebe # 2 at Bebe # 3. That's her life. She currently have three Bebes and they are all not aware. Si Bebe # 1 ay nakilala niya sa f******k, nanood siya noon ng live stream ng isang game. Nagko-comment siya sa page at nagulat na lang siya nang bigla na lang may nagmessage sa f******k niya at gusto raw makipagkaibigan, pumayag siya. At hanggang sa nagpaalam na itong manligaw. Si Bebe # 2 ay naging pasyente nila sa clinic. Nakita siya nito nang minsan siyang mag-ikot sa clinic niya sa Quezon City. In-add din siya nito sa f******k at nakipagkaibigan. Si Bebe # 3 naman ay nakilala niya sa tinder. Wala lang, sa sobrang boredom, sinubukan niya 'yong app na Tinder at nakatagpo siya ng ikatlong Bebe. Apat nga noon ang Bebe na pinagsabay-sabay niya. Nagbreak sila no'ng ika-apat dahil nag-abroad at nakakilala ng Australiana. Mas pinili ang blue eyes kaysa sa brown eyes ni Phoebe, pero ayos lang. May mga reserba pa naman siya. Nang makipagbreak si Bebe # 4, nagpalambing siya sa tatlo. Sabay-sabay pang nagreply sa kanya ang tatlo. Nagtype siyang muli ng reply sa isa at nagcopy paste na lang ulit ng mensahe sa dalawa pa. Kung tatanungin siya kung may paborito ba siya sa apat? Ang sagot niya ay wala. Lahat naman ay nakikipagkita siya, pero maingat siya sa mga ito.  She all give them enough attention and affection. Parang Nanay sa mga anak nito. Pantay-pantay at walang lamangan. Lahat hindi niya siniseryoso. Pero siyempre, hindi 'yon alam ng tatlo. Ang alam ng tatlo, nag-iisa lang sila sa puso ni Phoebe at wala itong iba. Gano'n naman palagi ang linyahan ng mga two-timer eh. She believes in karma, at hinihintay na lang niya na ang oras ng karma niya. Niloko rin naman siya noon, pero parang hindi naman nakarma ang gumawa ng katarantaduhan sa kanya. That made her realize, na kung kaya ng mga lalaki na mangloko at magpaasa, kaya rin 'yon gawin ng mga babae. That's the reason why she became what she is right now. Masama ang ginagawa niya, oo. Wala siyang pakialam. She enjoy what she is currently doing. Kung malaman man ng tatlo, bahala na. Saka na siya mag-iisip ng paliwanag. Sa ngayon, i-enjoy-in muna nila. Miller Jones is the son of a Philippine Senator, Nancy Castillo. His father is a U.S citizen. Naghiwalay ang mga magulang niya noong limang taong gulang palang siya. Sinubukan ng kanyang ama na kunin siya at patirahin sa U.S, pero mas pinili niyang makasama ang ina at mamuhay rito sa Pilipinas. May dalawa siyang kapatid sa ina dahil nag-asawa muli ang kanyang ina ng pilipino naman. Isang dating senador ang asawa nito, ngayon ay Congressman na sa Batangas. Nakabukod siya ng tirahan dahil ayaw niya ang pakiramdam na kailangang makisama sa iba. He wanted to do what he really wants. And that is, to enjoy his life. 'Yong walang magbabawal sa kanya. Alam naman na niya ang tama sa mali, pero mas masarap kasing gawin ang bagay na alam mo namang mali. He is womanizer, a casanova, a playboy. Name it, if it involves having more than one woman in the same period of time, that's him. And he's proud of it. Gano'n naman kapag lalaki ka. It was like something worth bragging about for them. Sa kanilang tatlong magkakaibigan, aminado si Miller na siya ang pinakamalala pagdating sa mga babae. Lahat ng siyudad sa Metro Manila, nagkaroon na siya ng mga nobya. Las Piñas, Makati, Pasig, Caloocan, Taguig, Pasay, San Juan, Pateros, lahat. Nagkaroon na rin siya ng mga nobya sa probinsyang napuntahan niya. Kung saan siya nakakapagtravel para magbakasyon, paniguradong bago siya umuwi ay nagkaroon siya ng nobya sa lugar na 'yon. Tinatawag na nga siyang Magellan ng mga kaibigan niya. Sinasakop daw kasi niya ang mga kababaihan sa lugar na napupuntahan o nadadaanan niya. Ilang babae na nga ang umiyak nang dahil sa kanya. Hindi na niya mabilang sa daliri ng kamay at paa niya ang mga babaeng umiiyak sa tuwing nalalaman na may iba pa siya. What you don't know can't hurt you. Saka lang naman nasasaktan ang mga ito kapag nalalaman na nila ang katotohanan. Pero no'ng hindi pa naman nila alam ay masaya naman sila sa relasyon nila kay Miller. Hindi lang nila inaasahan na may mga ibang karelasyon pa ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD