IKALIMANG PATAK

1747 Words
ANG engkantasyon na nagawa ni Menendra ay limitado. Makalipas ang isang oras ay mawawalan din ng bisa kaya kinakailangan ni Menendra na madaliin ang plano. Sa mga sandaling nakasama ni Menendra si Leandro ay lubha siyang naging maligaya. Kahit nakaw na sandali ay naging masaya at maligaya ang buhay niya lalo na nang malamang pwede siyang mahalin. Napag-isipan ni Menendra na kapag nakuha na niya ang puso ni Leandro ay iiwanan na niya ang lahat—ang Mirabilandia, dahil alam niyang may isa ng nilalang ang magmamahal sa kanya hindi man ito kapwa niya diwatano. Halos araw-araw kung sila ay magkita, tuwing nasa himbing ng pagtulog ang Reha. Walang sandali ang hindi siya pinasasaya ni Leandro kahit minsan ay hindi niya mawari ang mga sinasabi nito dahil kaiba sa kanilang wika, at kahit din na alam niyang si Chrysianan ang nakikita nito at hindi ang totoong siya. Ngunit kuntento na siya sa ganoon dahil masaya siya sa piling ng lalaking iniibig. Ang araw na ito na ang pinakatatanging araw ni Menendra, paubos na rin ang gayuma na ginawa niya. Mukha namang hindi pa nagdududa sa kanya ang mangmang na si Leandro. Isa na lang ang tanging paraan, ang mahulog ito nang tuluyan at ito mismo ang magkusang dalhin siya sa pamamahay nito. Maisasakatuparan niya ang tuluyang pag-angkin sa binata kapag nag-isa na ang kanilang katawan at naghalo na ang kanilang dugo, sa pamamagitan ng pagdadalang supling. Iyon ang agad na pumasok sa isipan ni Menendra nang mabasa niya sa sariling aklat kung paano niya mapapaibig ang isang mortal na may iniibig na iba. Gamit ang engkantasyon at panlilinlang, kapag napapayag niya si Leandro na makaniig ay mangyayari na ang kanyang plano. Hindi naman sila naglalayo ng gulang ni Chrysiana dahil ang kanyang edad na thirty ay katulad lang din nito. Mas lumalabas na nga lang ang tunay nilang wangis kapag nararating ang mundong ng mga mortal. Dahil naipapakita niyon ang tunay nilang kaanyuan na kumpara sa mundo nila na humihinto na sa edad na bente ang wangis nila. Samantala, matapos bumukas ang lagusan ay humakbang na si Menendra, walang ideya na nakasunod si Chrysiana dahil iyon ang araw na napag-usapan nila na magkikita upang mamuhay kasama ito at ang sanggol na nasa sinapupunan niya na buhat ng pagmamahalan nilang dalawa. Kumpara sa mga mortal, ang mga diwatana ay hindi umaabot ng siyam na buwan kung ang mga ito ay magdalang supling. Nasa siyam na araw lamang iyon sa kanilang sinapupunan ngunit hindi makikita sa kanilang wangis bagkus ay nasa palad nito nalalaman kung ito ay buntis. Kapag nagliwanag o kumislap ang palad nila ay ibig sabihing nagdadalang tao ang isang diwatana. Naroon na naman nga ngayon si Menendra sa tapat ng bukana ng lagusan patungong kabilang mundo—ang mundo ng mga mortal. Ngayon niya na isasagawa ang plano na makapisan at makaniig ang minamahal niyang Leandro habang wala pa ring alam ang kaibigang reha. Nang tuluyang makarating sa labas ng balon ay agad niyang hinagilap si Leandro. Bahagyang nagulat pa nga si Menendra nang matagpuang naroon sa likuran niya si Chrysiana. Nalimutan niyang hindi nga pala agad nagsasara ang lagusan hanggat hindi nauutusang magsara. Marahil ay nakasunod na ito sa kanya, kanina pa. Bakas sa mukha nito ang labis na pagkabigla nang makita siya at ang sarili nitong kwintas. “Mag-usal ka Menendra, bakit ikaw ang may hawak ng aking kwintas?” Napatingin ito sa kwintas na suot niya at saka tinuunan siya ng pansin. Puminta ang bahagyang pagkabalisa sa mukha ni Menendra ngunit hindi pinahahalata at pilit itinatago kay Chrysiana. Alam naman niyang mali ngunit para sa kanya ay iyon ang tama. Hindi babagay si Leandro sa isang reha na si Chrysiana. Siya na ang magkakaroon ng karapatan dito. Hindi kaagad nakasagot si Menendra nang dumating si Leandro. Nagkusang lumapit si Leandro sa kanya at nagkunyapit sa braso niya. Mukhang nagsisimula nang magduda ang Reha Chrysiana na mayroon siyang tinatagong lihim at may balak na agawin si Leandro dito. “Menendra? Bakit ka narito? Bakit kasama mo ang mahal kong si Leandro?” puno ng pagtatakang tanong niya na hinihingian ito ng paliwanag at ni isang tanong ay wala pa siyang nasasagot. Nagpasalin-salin ang tingin nito kay Menendra at kay Leandro. Nagbabadha ng malaking pagtataka ang puminta sa maganda, maamo at kaakit-akit na mukha nito. Napangisi siya sa kanyang isipan. Ano ang pakiramdam na hindi na ito mahal ng taong minamahal nito? Napakatamis sa kanyang paningin! Kung anu-ano na marahil ang pumipinta sa kaisipan nito kung bakit sila na ang magkasama ngayon ni Leandro. Walang kaalam-alam ang kaawa-awa niyang kaibigan sa ginawa niya. Ito na ngayon ang mukhang kaawa-awa at nanlilimos ng atensyon mula kay Leandro. Ngunit, ipagpatawad na lamang at nakuha na niya ang atensyong iyon.   HINDI lubos akalain ni Chrysiana na ganito ang kanyang masasaksihan matapos niyang sundan si Menendra. Alam na niyang nawawala ang kanyang kwintas ngunit hindi niya akalaing si Menendra ang kumuha niyon. Kaya pala kahit anong gawin niyang hanap ay hindi niya talaga makikita iyon dahil kinuha na iyon ng traydor niyang kaibigan. Hindi lang pala kwintas ang kaya nitong nakawin, pati na rin ang kanyang minamahal na si Leandro. Kailan pa kaya nito ginawaran ng engkantasyon ang mahal niya? Kailan pa siya nililinlang ni Menendra? Bakit nito ginagawa ang bagay na ito? Bakit ito nagtataksil sa kanya? Maraming katanungang bumabagabag sa kanyang isipan na hindi pa niya mahanapan ng sagot. Ngunit kinakailangan niyang masagot ang lahat ng iyon kapag nailabas na niya ang sanggol sa kanyang sinapupunan. Wala siyang tugon na nakuha mula kay Menendra, tikom lang ang mga labi nito. Hindi umiimik na lubhang nabigla rin sa pagsulpot niya hanggang puminta sa mga mata nito ang lungkot. Lungkot na hindi nito lubos na naisakatuparan ang planong pag-agaw sa kanyang minamahal. Napansin ni Menendra ang sunod-sunod na pagkislap ng liwanag sa kamay niya na nangangahulugang manganganak na talaga siya. Napalitan ng galit ang lungkot sa mga mata ng kanyang kaibigan. Maging siya man ay unti-unti na ring nagkakaroon ng galit sa ginawa nitong kahunghangan. Pero hindi iyon ang oras upang magalit, mas kailangan niyang makuha pabalik si Leandro at mailayo sa kasamaan nito. Akala niya ay talagang nagbago na ang angkan ng maharlikang itim dahil pinagkatiwalaan niya si Menendra. Mas itinuring pa nga niya itong kaibigan kaysa kanang kamay na hinihingian niya ng payo. Tila isang kapatid ang trato niya rito. Ngunit nagkamali siya sa pagkilala Kay Menendra. Dahil may dugong Maharlikang itim ay ultimanong masama ang nananalaytay na dugo kay Menendra kahit pa anong pilit nilang baguhin ang ugali nito. Marahil ay kaanyuan lang ang nagbago rito ngunit hindi ang pag-uugali—pag-uugaling makapangwasak at makapanira, may buhay man o ari-arian. Gustong maiyak ni Chrysiana, hindi dahil sa pagkuha nito kay Leandro kundi sa nalalapit na pagkasira ng kanilang pagkakaibigan ni Menendra. Iningatan niya nang mahabang dekada at bawat sandaling magkasama sila ay lubos niyang inalagaan. Ikatutuwa niyang natapos na ang bisa ng pagpapalit anyo nito nang makita niyang gumuhit ang mga ugat sa mukha nito. Nangangahulugan iyong katatapos lang nitong magpalit ng wangis upang gayahin siya. “Chrysiana..” tawag ng mahal niyang si Leandro na nakatingin hindi sa kanya kundi sa kaibigang si Menendra. “Mahal ko..” Inilang hakbang ni Chrysiana para lapitan si Leandro. “Mahal ko, ika’y magagalak sa aking ibabalita.” Lumampas lang ang tingin ni Leandro sa kanya. Napunta iyon kay Menendra. Lalong lumapit kay Menendra, habang nakatingin sa kanya. “Nagkakamali ka. Hindi ikaw si Chrysiana. Ikaw ang babaeng kaibigan niya!” akusa nito. “S-Sandali lamang. Ako ito, Leandro. Ako ang iyong minamahal na si Chrysiana...” buong tinig na pangungumbinsi niya kay Leandro kahit tila may litid na sa kanyang leeg mula sa pagpipigil ng pag-iyak. Nahuli niyang umangat ang sulok ng labi ni Menendra. Nais ba talaga nitong akitin nang tuluyan ang lalaking pinakamamahal niya? Wala na ba talagang natirang kalinisan sa budhi nito? “Nagkakamali ka Leandro! Iyan si Menendra. Binigyan ka lamang niya ng isang engkantasyon!” buong pilit na sigaw niya, baka sakaling magkaroon ng kamalayan si Leandro. “Ako si Chrysiana ang tunay mong minamahal at may sanggol na sa sinapupunan ko!” pilit na pangungumbinsi pa niya sa nakatayong si Leandro. Nagsimulang awitan ni Chrysiana ng dalawang linya ang binata nang lumayo ito sa kanya at akay pa rin si Menendra ngunit walang nangyari dahil nalimutan niyang hindi nga pala matatablan ng kanyang kapangyarihan ang isang mortal sa lupain ng mundo ng mga tao. Tanging maharlikang-itim lang ang kayang makagawa niyon gamit ang engkantasyon o gayuma. Kung maaga pa lamang ay nalaman na niyang maaari siyang pagtaksilan ni Menendra ay hindi na sana buo ang ibinigay niyang tiwala. Alam niyang may magagawa pa siya. Kaya pa niyang pigilan ang lahat. “Anong ginawa mo, Menendra!” Hawak ni Chrysiana ang sariling palad upang pigilan ang napipintong pagsilang ng panibagong diwatano sa kanyang sinapupunan, habang nakakuyom iyon. “Nakikiusap ako, tigilan mo na ito..” Kahit gumuguhit ang sakit sa kanyang sinapupunan ay pinipilit niyang labanan iyon. Gumulong na ng tuluyan sa pisngi ni Chrysiana ang mga luhang kanina pa niya pinipigil. Ang pakiramdam na hindi nakilala ng minamahal ay lubhang kamiserablehan. Isa na lang ang naiisip ni Chrysiana. Mabilis na tinakbo ang pwesto ni Leandro na katabi si Menendra at ginawaran ng maingat at mapagmahal na halik. Ang kapangyarihan ng pagmamahalan. Kung talagang mahal nila ang isa’t-isa ay makikilala ng kanilang mga puso ang bawat isa na tunay na nagmamahalan. Tila ito nagising sa isang inhibisyon at dahan-dahang nawala sa paningin ang isang ilusyong siya si Menendra. “Chrysiana?” pagtatakang tawag ni Leandro nang masilayan ang mukha niya saka mabilis na sinulyapan si Menendra at tila nandidiring binitiwan ang kamay nito, dumistansya rito at agad siyang nilapitan. “Oo, ako nga ito, mahal ko,” malambing at nakangiting sagot niya saka hinila palayo si Leandro. Nag-isang kilay na tiningnan ni Chrysiana ang kanyang kaibigan. “Ano ang ibig sabihin nito? Bakit mo ginawaran ng engkantasyo ang mahal kong si Leandro? Ibigay mo ang iyong paliwanag, Menendra!” Nais niyang ibigay ni Menendra ang paliwanag na iyon habang nagpipigil pa siya ng kanyang galit. Ano pa man ang maging dahilan nito ay isa iyong kasalanan! Alam nitong kasalanan sa kanilang mundo—sa Mirabilandia ang magnakaw o ang makiapid sa hindi mo asawa o katipan. Kaya bakit nito naisip ang bagay na iyon? Talaga bang kinakalaban na siya ngayon ng kanyang kaibigan. Isang kaibigang malilimutan na niya dahil sa pagtatraydor nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD