IKAANIM NA PATAK

1752 Words
NGUNIT kahit hindi magtanong si Chrysiana ay hindi siya mangmang upang hindi maintindihan ang ginagawa nitong pagtatraydor sa kanya at pagnakaw ng pag-aari niya—ang kwintas at si Leandro. Tatanggapin niyang nais nito ang kwintas ngunit kailanman ay hindi niya ibibigay si Leandro. Sa kanya lang ang mahal niya at kailanman ay hindi siya nangarap ng kahati, liban na lamang sa magiging anak niya. “Iniibig ko na rin siya, Chrysiana! Iisang lalaki na lang ang ating tinatangi..” malungkot na gagad nito sa kanya habang nakayuko at hindi na makatingin sa kanya nang diretso. Napailing-iling siya sa sinabing iyon ni Menendra. “Nagmamahalan na kaming dalawa ni Leandro. Tanggapin mo na lamang na ako lang ang para sa kanya,” puno ng diin na sabi niya rito. “Marami pang lalaki ang iibig sa iyo, Menendra. Maganda ka, kaakit-akit at may taglay na talino. Hindi man sa mundo natin ngunit tiyak kong may nakalaan sa iyo. Huwag mo nang hangarin ang pag-aari ng iba, Menendra.” Hindi maintindihan ni Chrysiana kung bakit kailangang humantong sa ganito? Bakit kailangang agawin ang pag-aari na ng iba. Isang pag-iling pa ang ginawa ni Chrysiana. Alam ni Chrysiana na mababa ng tingin nito sa sarili kaya hinahangad nito si Leandro, ang lalaking mahal niya. Ngunit sana ay malaman nito at malinawan ang kaisipan nito na ang lalaking napupusuan ay pagmamay-ari na niya. Naniniwala siyang waang ibang pwedeng humadlang sa pagsasama nilang dalawa ni Leandro. Walang sinuman ang pwedeng pumigil sa kanilang pag-iibigan. Naikuyom nito ang palad dahil sa sinabi niya. Bakit ba nito pinagpipilitan ang sarili na alam nitong may nagmamay-ari na sa inaangkin nito? Marami namang mga nilalang sa mundo, bakit kailangang ang mahal niya ang agawin nito? Labis siyang nasasaktan sa nangyaring ito dahil ang kanilang pagkakaibigan ay may lamat na. Hindi niya lubos akalaing magagawa iyon ni Menendra na pinagkatiwalaan niya ng buo at ibinigay ang kanyang pagmamahal na parang kapamilya na rin ang turing. Kaya pala madalas itong mawala at halos hindi na niya mahagilap. Iyon pala ay abala na ito sa paghabi ng plano para akitin ang mahal niyang si Leandro. Hindi niya inalintana ang lahat dahil may tiwala siya sa kaibigan. Tuwing inaaya niya ito ay palagi nitong bukambibig na abala ito sa pag-aaral ng iba’t-ibang klase ng paggawa ng engkantasyon. Iyon lamang pala ay tinitira na siya nito sa kanyang likuran. Tanggap niyang maari itong magkagusto kay Leandro dahil lubha naman talagang hindi tulak-kabigin ang mahal niyang mortal. Ngunit at nakawin ito, linlangin at ipagkamaling siya ito ay sadyang nakapanlulumo at nagbabadha ng isang hindi magandang relasyon sa kanilang pagkakaibigan. Wala na nga pala silang pagkakaibigan ngayon dahil nasira na nito ang tiwala niya. Muling sunod-sunod na nagliwanag ang kanyang palad. “Leandro, kailangan na nating umalis. Ako’y magsisilang na.” Tiningala niya si Leandro na nakaakbay pa sa kanya. Hindi na niya sinagot pa si Menendra dahil nasa bingit siya ng kanyang panganganak. Isa lang ang kahulugan nang lahat ng iyon. Ang pagkakaibigan nilang dalawa ay nagwakas na. Walang sali-salitang umangat siya sa kinatatayuan at binuhat siya ni Leandro habang nakapalibot ang isang bisig sa kanyang mga hita at nakaalay ang isa pa. Ilang malalaking hakbang nitong tinakbo palabas ang kagubatang iyon. Palayo na sila nang magsalita ito. “Naghihintay na sa labas ang pajero ko. Maghahanap na lang tayo ng magaling na doktor.” Bakas sa mukha ni Leandro ang labis na saya mula sa kanyang ibinalita. “Maraming salamat at bumalik ka sa dati,” bakas ang pag-aalalang sambit niya kay Leandro. Paano nga kung hindi ito bumalik sa dati at tuluyang napasakamay ni Menendra gamit ang engkantasyon nito? Mawawalang saysay ang kanilang pagmamahalan at natuldukan na rin ang kanilang pagkakaibigan. Handa na nga ba siyang tuldukan at wakasan na nang tuluyan ang kanilang pagkakaibigan? Napakarami na nilang napagsamahan ni Menendra at aaminin niyang ikalulungkot niya kapag nawaa rin ito sa kanya. Pamilya na ang turing niya sa kaibigan at masaya siya tuwing kasama ito. Dahil lamang ba sa iisang lalaki kaya mababale-wala ang relasyon nilang dalawa ni Menendra? “Maraming salamat sa mabisa mong halik, mahal kong Chrysiana.” Bumagal ito sa paglalakad at ginawaran siya nang magaan na halik sa kanyang bumbunan. Nang lingunin ni Chrysiana si Menendra ay wala na ito sa kinatatayuan. Marahil ay bumalik na ito sa kanilang mundo dala ang kinuhang kwintas niya. Dalhin na nito ang kwintas, huwag lamang ang mahal niyang si Leandro. Wala na ring pag-asang makabalik siya sa kanilang mundo dahil sa pagkuha ni Menendra sa kwintas ng lagusan. ‘Patawad ama kong hari. Mahal na Rahu, alam kong masakit ang gagawin kong paglisan sa palasyo ng Mirabilandia. Ngunit sa ngayon ay mas mabigat ang pagmamahal ko kay Leandro. Ipabatid na lamang ng aking mga luha ang pagmamahal ko sa inyo.. Ingatan n’yo sana ang inyong sarili. Ako ay muling makababalik sa tamang pagkakataon,’ sambit ng isipan ni Chrysiana habang mariing nakapikit at may latay ng luha ang bawat sulok ng mga mata. Agad na isinakay siya ni Leandro sa sinasabi nitong pajero. Hindi na siya namamangha sa mga bagay-bagay matapos ilang beses na narating na niya ang mundo ng mga tao at naipaliwanag ng maayos ni Leandro ang lahat ng mga bagay na nais niyang matutunan at hindi pamilyar sa kanya. Agad binalot ng malalaking palad ni Leandro ang magkabila niyang pisngi. “Patawad, mahal ko kung naipagkamali kita. Hindi ko akalaing magagawa ako linlangin ng kaibigan mong iyon.” Pinunasan nito ang luha niya. “I am really sorry. Huwag ka ng lumuha, hinding-hindi kita ipagpapalit sa iba. Ikaw lamang ang pinakatangi-tangi ko, aking reyna.” Mabilis siyang niyakap ni Leandro. Napanatag na siya sa mga bisig nito. Nailigtas na niya si Leandro sa kamay ni Menedra… Ngunit hindi pa ang bata sa sinapupunan niya. “Sir, saan po tayo?” tanong ng isang nilalang na nakaupo sa driver’s seat, sa may sasakyang tinawag ni Leandro na pajero. Iyon ang tinatawag ni Leandro na Mang Paeng— ang driver ni Leandro. Humiwalay sa pagkakayakap si Chrysiana at sinabihan si Leandro. “Kailangan ko ng manganak, mahal ko. Hindi na makapaghintay ang anak natin…” Nataranta naman si Leandro at agad na sinabihan ang lalaking nakaupo sa harapan. “Mang Paeng… Ano… How should I say this?” Kumamot pa ito sa ulo habang lito ang mukhang tiningnan siya at ang tinawag na Mang Paeng. Pinigil ni Chrysiana ang paghinga habang inilulubo ang sariling bibig dahil humihilab na ang tiyan. “Hindi ko na kaya Leandro.. Kailangan mo muna siyang patulugin sandali o hindi kaya ay palabasin mo ng sasakyan.” “Labas ka muna sandali.” May dinukot ito at inilabas ang isang itim na tinukoy niyang walllet. “Bumili ka muna ng makakain mo o kahit anong gustong bilhin. This is a one thousand peso bill, kahit sa iyo na lahat iyan. Umalis ka lang sandali,” may bahid ng pakiusap na sabi ni Leandro kay Mang Paeng. “Pero ibinilin po kayo sa akin ni Donya Guada na huwag kong ililihis ang tingin sa inyo,” pangangatwiran nito. Napakamot siya ng ulo. “Please… Ngayon lang. Alam ko namang pwede kitang pagkatiwalaan, kahit pa tuta ka ng mama. Please, I am begging you. Just ignore everything and pretend you know nothing. Ako na ang bahalang magpaliwanag kay mama.” Tumango na ito saka binuksan ang pinto ng sasakyan matapos matanggap ang pera at lumabas na rin. Nakita pa ni Chrysiana mula sa salamin ang paglayo nito habang nakatingin sa gawi nilang pareho ni Leandro. Kung makikita ng driver na magsisilang siya ng sanggol na hindi naman umbok ang kanyang tiyan ay guguhit lang sa mukha nito ang pagkabigla, pagkamangha at ang takot na baka may sa maligno siya— ito ay ayon na rin kay Leandro na maingat siyang inaalagaan upang hindi mapagdudahan na isa siyang immortal na diwatana. Gumuhit ang pag-aalala sa mukha ni Leandro nang makitang nahihirapan siya. Sa isang sigaw at pag-ere ay lumabas mula sa lagusan niya ang isang sanggol na lalaki. Nagliliwanag ang katawan at walang bakas ng dugo. Alam naman ni Chriysiana na kilalang-kilala na ni Leandro ang katauhan niya kaya hindi na ito namamanghang makita siya sa mga kakatwang pangyayari. Malawak ang ngiting ibinigay nito nang makita ang kanilang sanggol at ang pag-iyak nito. “Napakagwapo—” pinutol nito ang sinsabi at itinama. “Nakapakisig niya. Nakuha mo ang mga mata niya, Chrysiana at sa akin naman ay ang ilong niya at mga labi.” Sumilay ang kislap ng ligaya sa mga mata ni Leandro. Napangiti rin si Chrysiana nang makita ang kanilang anak. “Pangalanan nating siyang Lizandro, kasunod ng pangalan mo, Leandro,” suhestisyon niya habang nakapako ang mga mata sa ganda ng kulay ng mata ng anak. Kahit sinong nilalang ay kayang-kayang mapaibig ng kanilang anak dahil sa angking katangian at kakisigan nito. May asul na pares ng mga mata na kasing linaw ng tubig sa karagatan. Ang ilong ay matangos, na tila aristokrata habang ang mga labi ay kulay pusyaw na pula at may matatabang pisngi. Ang kulay naman ng balat nito ay kasing puti ng mga ulap sa kalangitan. Pinagmasdan ding maigi ni Leandro ang anak, kagaya ni Chrysiana ay kumikislap din ang mga mata nito sa nakikita. Lubhang katangi-tangi nga ang kanilang anak na kahit sinong babae ay kaya nitong mapaibig sa isang tingin lamang. “Tatawagin ko na si Mang Paeng nang makabalik na tayo sa mansion,” sabi nito sa kanya saka ito dumukwang para buksan ang pinto ng sasakyan. “Ako na ang bahala kung ano ang sasabihin tungkol sa anak natin,” kasunod ng pagkindat nito ay ang tuluyang paglabas sa pinto ng sasakyan. Napakaswerte ni Chrysiana na magkaroon ng iniirog na si Leandro. Ngunit nahahati ang kanyang alalahanin kay Menendra kung ano na kaya ang ginagawa nito sa kanilang mundo. Nais niyang bumalik ngunit sa pagbabalik ay titiyakin niyang maayos na muna ang lahat bago niya harapin ang kapalarana at ang amang iniwan niya sa kanilang mundo. Mukhang hindi naman namamangha si Mang Paeng nang bumalik sa kanilang sasakyan. Salamat sa pera ni Leandro at kayang-kaya nitong tapalan ng salapi ang lahat. Kagaya sa kanilang mundo ay sagana ang buhay na mayroon ang kanyang minamahal. Katulad din si Leandro ng kanilang lipi na maharlikang-bughaw. Sagana ito sa karangyaan. Malaki ang bahay nitong mala-palasyo na tinatawag nitong mansion. Ang loob ng kabuuan ng mansion house ay limang mga bahay din sa loob at nasa gitna ang bahay nito. Marami itong pag-aaring sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD