NOONG unang yapak ni Chrysiana roon ay inakala niyang mga hayop ang mga iyon, kakaibang hayop. Ipinagpapasalamat niyang ipinakilala ni Leandro sa kanya ang lahat ng bagay. Ito ang naging gabay niya sa ibang mundo—ang mundo ng mga mortal. Si Leandro ang naging mistulang gwardiya sibil at isang guro sa kanyang pananalita sa mundo ng mga tao. Bagaman mapusok ang kanyang pag-iisip na tahakin ang mundong hindi para sa kanya ay pinairal niya ang pagkamausisa at tinuklas ang kabilang mundo—ang mundo ng mga tao o mortal.
Ang dahilan kung bakit siya noon sumama sa mala-palasyo nitong bahay ay upang malaman sana ang lihim nito kung bakit nakarating ito sa kanilang mundo na hindi gumagamit ng kahit anong pag-aari nila sa kanilang mundo. Ngunit ang curiosity ay napalitan nang mas malalim pang ugnayan. As far as Chrysiana knows, only her necklace can open the other door and it will close by itself and human mortals can possibly cross their world using another diwatano.
Nais sanang tuklasin ni Chrysiana ang hiwagang iyon sa pagkatao ng kanyang kasintahan, ngunit siya ang mas malalim na nakatuklas sa kanyang puso nang mahulog siya kay Leandro at malunod sa pagmamahal nito sa kanya. Bukod tanging hindi naghangad ng kahit anong bagay mula sa kanya na ayon noon sa kwento ng kanyang inang reyna na sakim ang mga mortal na tao. Nais lang ng mga ito ay ang gamitin sila, sabsabin ang lahat ng mapapakinabangan sa kanila.
But as time goes by, Chrysiana never thought that way. In fact, Leandro made sure that everything she asks had been given to her. And nothing in his world, Leandro couldn’t give to her. He even said to her that whatever it takes to spend his own money, even if it will make him penniless, he’s ready to take it just to prove his love to her and just to prove how much important she is.
Kahit pa hindi sabihin ni Leandro ay alam niyang nais nitong manatili siya sa mundo ng mga mortal upang magkasama sila nang tuluyan. Kahit na magkaiba ang kanilang mundong ginagalawan, magkalaban man ay alam niyang hindi naman iyon hadlang upang madalas silang magkita. Walang anumang mundo ang hahadlang sa kanilang pagkikitang iyon.
May mga sandaling nais na niyang tumakas sa kanilang mundo at makasama na lang habang buhay si Leandro. Kung mahihingi lang sana niya ang basbas ng kanyang amang hari ay isasama na lamang niya si Leandro sa Mirabilandia. Ngunit alam niyang hindi iyon ang magandang paraan. Kinakabahan din siya at natatakot sa puwedeng sabihin ng kanyang ama.
Hinagkan lang siya ni Leandro sa kanyan mga labi nang makita ang malalim niyang pag-iisip. “Bukas na bukas din ay ltayo,” malambing at excited na sabi nito sa kanya.
Nakita niya ang kakaibang kinang ng kasiyahan sa mga mata nito lalo na nang biyayaan sila ng Bathala ng anak. Ganoon din si Chyrisiana, labis labis din ang kasiyahang nararamdaman niya tuwing kapiling ang iniibig na si Leandro.
“Ngunit paano ang mga papeles na tinutukoy mo?” Sa pagkakaalala ni Chrysiana ay hindi sila maaaring mag-isang dibdib dahil wala siyang pagkakakilanlan. Galing siya sa ibang mundo na kailanman ay hindi maiintindihan ng mga tao. Sa pagtapak nga niya sa mundo ng mga mortal ay unti-unting nabubuksan ang kanyang isipan sa mga nangyayari sa paligid.
Masasabi marahil ni Chrysiana na naging matalino siya sa pag-iisip sa mundo ng mga mortal. Mabilis niyang nakakabisado ang lahat, mabilis na naiintindihan o nauunawaan ang mga bagay na wala sa mundo ng Mirabilandia. Mabilis siyang naka-a-adapt kahit hindi sa mundo ng mga mortal siya lumaki.
“Huwag mo ng problemahin, nagawan ko na ng paraan. Iyon nga sana ang dahilan ng pagtungo ko roon upang surpresahin ka,” nakangiting sabi nito sa kanya na may halong paglalambing.
Wala talaga siyang masabi rito. Maunawain, maalalahanin, mapagmahal at matalino higit kaysa sa kanya. Magaling gumawa ng solusyon kahit sa pinakamabigat na suliranin. Napakabuti ng Bathala at nakilala niya ang katulad ni Leandro na mahal na mahal siya.
Sadyang maabilidad talaga ang mahal niyang si Leandro. Lahat ay kaya nitong gawan ng solusyon. Marahil nga ay salapi lamang ang tanging makapagkokontrol ng mga bagay-bagay sa mundong kinaroroonan niya. Kumpara sa kanilang kaharian, ang Mirabilandia na kinakailangan ng kapangyarihan bago pa makontrol ang isang diwatano.
Mas malawak na ngiti ang ibinigay niya. “Mahal na mahal kita, Leandro. I love you.” Iyon ang unang salitang banyangang natutunan niya. Palagi kasi iyong bukambibig sa kanya ni Leandro na ang kahulugan ay Mahal kita.
“Mas mahal kita, I love you too.” Bakas ang pagngiti sa mga mata nito na kulang na lamang ay magkaroon ng hugis puso roon habang binabanggit nito ang mga katagang iyon.
NAKAHIMPIL na ang sasakyang pajero ni Leandro sa tapat ng bahay nito sa loob ng malapalasyo nitong bahay. Hindi na siya nag-aalala ngayon lalo pa at walang tutol ang mga magulang nitong madalas ay nasa business trip at naiiwan lang si Leandro sa pangangasiwa ng kanilang business. Nagpapasalamat si Chrysiana na unti-unti ay natatanggap na siya ng mga ito.
“Tayo ng magpahinga, mahal ko,” sabi sa kanya ni Leandro saka iginawad ang braso at pinalibot sa kanyang makitid na baywang. “Inihanda ko na ang mga damit mo.”
Nakayapak nga na naman pala siya. Kagaya niyong unang beses na nakarating siya sa bahay nito. Kandabaliw-baliw pa nga ito ng mga damit na magkakasya sa kanya at halos baliktarin nito ang sisidlin ng mga kasuotan para lang maghanap ng matinong baro para sa kanya.
Hindi naman kasi niya akalaing babalik ito sa kanilang mundo matapos nitong tuluyang gumaling. Ibinilin na niya sa binata noon na huwag ng bumalik sa Mirabilandia, dahil ang mundo na iyon ay hindi para sa uri niya. Ngunit nagmatigas itong nais siyang makita.
Nakasilip ito noon sa mga punong kahoy patungo sa direksyon ng Batis ng kaliwanagan. Upang makita ang totoong hangarin ni Leandro ay isinama niya ito sa batis. Hindi nagbago ang kulay ng tubig nang itapat niya at ipanalamin ang binata sa tubig na iyon. Kahulugan na mabuti ang hangarin nito at hindi siya malalagay sa panganib.
Nais pa nga sana niyang ipasyal si Leandro noon sa kalawakan ng kanilang mundo—ang Mirabilandia. Kung hindi lamang siya natatakot na baka mahuli sila ng kanyang amang si Haru Sendro. Hindi rin niya matatanggap kung may mangyaring hindi kanais-nais sa binata noong panahong nagtungo ito roon.
“Hindi ko akalaing sa loob ng isang buwan ay naging magkasintahan agad tayo.” Hinila siya ni Leandro at pinaupo sa kandungan nito. “I am so lucky to have you and meet you.”
Bagaman hindi niya maintindihan ang sinasabi nito ay tiyak niyang maganda iyon sa kanyang pandinig.
“Don’t worry. I mean huwag kang mag-alala. Pagkatapos natin makasal ay kukuha ako ng tutor upang magturo sa iyo ng salitang banyaga at mga bagay na kailangan mong matutunan sa aming mundo.”
Mas inihigpit ni Chrysiana ang mga kamay nitong nakayap sa kanya. “Sa ating mundo, Leandro,” pagtatama niya.
Sinilip nito ang mukha niya. “Ibig bang sabihin ay mananatili ka na rito nang mas matagal?”
Bahagya siyang nag-isip upang bigyan ito ng thrill. “Hmm.. maaari.” Saka niya binuntutan ng tawa.
“I really don’t like mind guessing. Sabihin mo na. Ikatutuwa ko kahit saan man tayo mapunta. Masiguro ko lang na nasa tabi kita. Magkasama tayo,” sabi nito saka sinulyapan ang sanggol na natutulog sa kama. “At ang anak natin,” pagtutuloy nito.
“Yes, Leandro,” sabi niya rito na iilang salita na ang nalalaman sa banyagang Ingles. “Mananatili na ako sa tabi mo kasama ng anak natin.”
“Alam mo bang simula nang matagal kang hindi nagbalik, inaral ko lahat ng mga malalalim na salita hanggang nasasanay na rin akong tila maging makata. Kahit nga sa trabaho ay parang nagbabagong anyo ako kapag nagsasalita na ako sa iyong lenggawahe. It was just glad na hindi naman nagkakalayo ang mga salita natin. Ngunit magkagayon man, aaralin ko ang lahat. Makasama lang kita at makapiling. Alam mo ba ang salitang, ‘Langit sa piling mo’? That’s exactly I felt kapag kasama kita. Ikamamatay ko kung mawala ka pa sa akin, Chrysiana.. Mahal ko. Ikaw lang ang aking mundo at ang natatanging babaeng mamahalin ko habang-buhay. Just tell me whatever you need. Kahit buhay ko ay iaalay ko para sa iyo, mahal ko,” punong-puno ng pagmamahal na sabi nito saka iniangata ng kanyang baba upang salubungin ang mapupula niyang mga labi.
Sa sandaling iyon ay muling nag-isa ang mga labi nila. Tama si Leandro, Langit sa piling ng bawat isa dahil iyon din ang eksaktong nararamdaman niya kapag nakikita niya at nakakasama si Leandro. Tunay ngang makapangyarihan ang pag-ibig—ang pag-ibig nila sa isa’t-isa.
Kagaya ng sinabi ni Leandro ay natuloy ang kanilang pag-iisang dibdib na matagal ng nakaplano.
She’s wearing a silky white long dress just as what she wears in Mirabilandia. That’s the first dress she wore that day she saw him and sneaking a peek at her. Hindi niya akalaing naitabi nito at pinakaingatan.
“Napakaganda mo aking mahal.. Lubhang nakapanghahalina,” sabi sa kanya ni Leandro habang hawak ang kanyang kamay na may bitbit na makukulay na bulaklak. According to him, she should holding that as part of the holy wedlock.
“Maligayang bagong kasal!” sigaw ng mga kasambahay at mga taong nakatira sa bahay ni Leandro nang makarating na sila at natapos na ang seremonya ng kasal.
“Salamat at dumating ka sa Mirabilandia at sa buhay ko, mahal kong Leandro.”
“My pleasure..” saka nito hinagkan ang likod ng palad niya.
Plano sana nito ang sinasabing honeymoon. Ngunit sa gabi na lang daw nila gagawin dahil tutungo sila sa mall para bumili ng kakailanganin ng kanilang anak.
Ito ang unang beses na nakarating siya sa ibang lugar bukod sa Mirabilandia at sa bahay nito—ang penthouse.
Hinawakan nito ng mas mahigpit ang mga kamay niya. “Mamimili tayo ng mga gamit ni baby Lizandro.”
“Sigurado ka bang magiging ligtas ang anak natin sa mga maids mo?”
Ngumiti ito saka pinisil ang kamay niyang hawak nito. “Siyang tunay mahal ko. Kung may gawin silang masama, alam na nila ang mangyayari sa kanila.”
She knows how serious Leandro is. Because before he met her he confessed how bad he was that’s the reason why he’d been shot by a gun.