IKASAMPUNG PATAK:

1770 Words
MAS LALONG dumilim ang anyo ni Mendra na nakatingin sa kanya. Sa labis na galit, pagkaimbot at pagkasuklam sa puso ni Menendra para sa lahat ay nangingibabaw na ang kadiliman at wala ng kahit anong kapangyarihang makatatalo rito maliban sa kanya. Dahil siya ang naging dahilan ng kasamaan nito at siya rin ang tiyak na magiging kahinaan nito. “Masdan mo ang resulta ng iyong kapalaluan, mahal na reha!” Puno ng luha ang mga mata ni Chrysiana na ipinaglalakbay ang mga mata. Maraming mga kapwa diwatano ang namatay. Ang mga hayop, halaman at mga punong kahoy ay namatay na rin. Ito nga ba ang resulta ng pagiging makasarili niya? Masama na bang unahin ang sariling kaligayahan upang ito ang maging kapalit ng lahat? Sabog sa ere ang umaalon at itim na itim na buhok ni Menendra habang nakapalibot dito ang maitim na uso na anumang oras ay maaari nitong pakawalan. Kahit pa ganito ang ginawa ni Menendra ay hinding-hindi niya kayang saktan ang kaibigan. Minahal niya ito na parang tunay na kapatid. “H-Hinding-hindi kita sasaktan Menendra. Mahal kita na parang tunay kong kadugo.” “Mapagkunwari! Kung talagang mahal mo nga ako at iyong itinuring na kadugo, hinding-hindi mo aagawin ang lalaking minamahal ko.” Nag-angat ng mukha si Chrysiana upang salubungin ng tingin si Menendra. Dahan-dahan itong bumaba sa lupa at humarap din sa kanya. “Hindi ko siya inagaw sa iyo! Una siyang naging akin, Menendra.” Ngunit alam naman niyang kahit ano pa mang salita ang gawin niyang pagtanggol sa sarili ay nasarhan na ang kaisipan at puso nito. “Akin siya, Chrysiana! Akin si Leandro!” Kitang-kita ni Chrysiana ang nag-aapoy na mga mata ni Menendra habang nagkikiskisan ang mga ngipin nito sa galit. Wala na ang kaibigan na kanyang pinakatatangi. “H-Hindi pa naman huli ang lahat, mahal kong Menendra. Handa naming kalimutan ang kaganapang ito. Huwag mo lamang punuin ng galit ang puso at isipan mo.” Sa mga katagang iyon ay parang sinilaban lang niya ang upos at lalo itong nag-amok. Mas lalong dumilim ang maitim na hanging nakapalibot kay Menendra at kumalat an magulo nitong buhok sa hangin. Lumakas ang ihip ng hangin na may malaking delubyong dala, kasunod angpagkulog at kidlat ngunit wala namang ulang dala. Dahan-dahang tumayo si Chrysiana. Mukhang hindi na niya madadala sa pakiusap ang kaibigan—dating kaibigan dahil napuno na nang tuluyan ng galit ang puso at isipan nito. Natakpan na ng kadilimang lumukob sa puso nito at hindi na maaalala pa ang mga nagawa nilang kabutihang mag-ama kay Menendra. Umangat sa ere si Menendra upang mas lalong palakasin ang kanyang kapangyarihan. “Nais mong ako ay labanan? Umangat ka at makipagsukatan ng lakas sa akin Chrysiana. Ipakita mong kaya mo nga akong matalo!” Ilang sandali ay umangat din sa hangin si Chrysiana. Umalon din sa hangin ang nangingitab na kasing kulay ng mais niyang buhok. Kahulugan na naglalabas siya ng kapangyarihan. Kasing liwanag ng kalangitang may mapuputing ulap noon ang katawan ni Chrysiana na nababalutan ng liwanag. Ang mga kamay ay handang-handa na ring maghagis ng bolang kristal. Hindi niya nais masaktan ang dating kaibigan ngunit sobra na ang ginawa nito. Sinaktang ang mga taong mahal niya. Kung maaga lamang siyang nakabalik ay baka napigilan pa niya ang kapalaluan ni Menendra. Baka sakaling hindi magresulta sa madugong digmaan. Kumumpas ito at mabilis na inihagis ang kamay nitong may nangitim na bola. Dumagundong ang dibdib ni Chrysiana at mabilis na iniliyad ang balikat na halos kamuntik tamaan nang doon nga sa direksyon na iyon siya pinatamaan nito. Kailangan niyang mapabagsak sa isang hampas lang si Menendra. Ngunit sa lakas nito na nagmumula sa namuong galit ay napakaimposibleng matalo niya ito. Nais sana niya itong bumagsak sa lupa at mawalan ng malay ngunit hindi naman siya sanay sa digmaan at labanan. Mahihirapan siyang mag-isip kung paano matatalo ang mas lumalakas na si Menendra. Kung ang kanyang ama nga ay napabagsak nito, marahil ay ganoon din siya. Hindi na niya mahanap ang kahinaan ni Menendra. Matapang, malakas at mas nakatatakot na ito ngayon. Kumumpas siya sa ere at initsa sa direksyon ni Menendra na patatamaan din sana ang balikat nito ngunit mabilis nitong naiwasan ang ginawa niya. “Iyan lang ba ang kaya mo? Masdan mo ang gagawin ko…” Pinagsama nito ang dalawang kamay na may nabuong maitim na usok. Bahagya iyong lumaki at saka nito buong lakas na initsa sa direksyon niya. Sa bilis ng pag-asinta nito sa kanya ay hindi niya naiwasan kaagad. Bahagyang kumirot ang kanyang balikat na tinamaan nito. Napangiwi si Chrysiana at nang hihinang bumagsak paibaba sa lapag. “Suko ka na ba?” Napaatras si Chrysiana habang nakaupo nang palapit nang palapit sa kanya si Menendra. “Naduduwag ka na ba at ako ay nais mong takasan?” Napailing-iling si Chrysiana. Humukab sa mukha ni Chrysiana ang takot at lungkot na baka mapaslang siya ni Menendra. “N-Nakikiusap ako sa iyo, itigil mo na ito…” paos ang boses na pagsamo ni Chrysiana. “Hindi! Tatapusin natin ang lahat hanggang lipi ko na lamang ang matira sa mundong ito!” Lalo lang yata niyang ginalit si Menendra dahil hindi naman ito naapektuhan sa pakiusap niya. Ayaw na nitong makipagnegosasyon o kilalanin siyang hera o kaibigan! KUMUMPAS si Menendra upang muling umatake at tuluyan nang paslangin si Chrysiana. Isa lang ang dapat maiwan. Alam ni Menendra na hindi na niya makukuha ang mga bagay sa mundo. Si Leandro o ang kaharian. Ano pa ang saysay para buhayin niya si Chrysiana? Tama na lamang na patayin niya ito. Nagsumamo rin naman siya noon. Binigyan niya ng malungkot na tingin si Chrysiana, pagpapahiwatig na malungkot siya na ibinalik si Leandro. Ngunit wala namang nangyari. Para siya nitong kinukutya nang magbalik ang isipan ni Leandro. Siya na ngayon ang kawawa at dehado ngayong napalakas na niya ang kanyang kapangyarihan, mahahadlangan pa ba siya? Dahan-dahang nakatayo si Chrysiana. Binagalan niya ang paglapit dito. Kung hindi niya mapapatay si Chrysiana gamit ang kanyang kapangyarihan, magagawa niya iyon sa ibang paraan—sa mas mabilis na paraan at madaliang wakas ng buhay ni Chrysiana. Marami na rin siyang isinakrepisyo. Noon ay halos walang pumapansin sa kanya, ngayon lahat ng mga diwatano ay kinatatakutan na siya at halos sambahin matapos makita ang tunay niyang kapangyarihan. Ano ang silbing mabuhay kong ang taong nakaan para sa kanya ay hindi naman pala mapupunta sa kanya? Sa tagal niyang nabuhay sa mundo ng Mirabilandia ay ngayon lang niya naramdaman ang magmahal kahit na hindi nila kauri at isang ordinaryong tao. Maganda naman si Chrysiana at kayang-kaya nitong humanap ng kapalit ni Leandro. Ngunit hindi nito ginawa. Hindi siya nito pinagbigyan. Hindi lamang pala siya ang masama ang asal at makasarili. Dahil mapag-imbot din naman si Chrysiana. Kung pinagbigyan lamang siya nito na mapunta sa kanya ang natatanging taong minahal niya ay hindi sana ganito ang kalalabasan ng Mirabilandia. Ito ang may kasalanan ng lahat. Ito ang dahilan ng kanyang galit sa sarili at sa Mirabilandia. Ngayon ay aangkinin na niya ang lahat. Kapag wala na sa landas niya ang mag-ama ay siya na ang mamumunod sa kaharian ng Mirabilandia—ang palasyong matagal na sanang napasakamay niya kung hindi lamang siya nagtiwala sa mag-ama. Alam niyang lahat ang mga balita noon na isang Reha ang kanyang pinagmulang lipi ngunit dahil sa mga dugong Maharlikang-Bughaw ay nawalan ng katungkulan ang kanilang lipi o uri. Hindi nga ba at pinagkalat pa na ang kanilang lipi ay mamamaslang at lubhang masama? Ano pa ang pinagkaiba kung gagawin niya na iyon at isasakatuparan ang nasabing propesiya? Iyon naman ang tingin sa kanya ng mga kapwa diwatano, marapat lamang na pagbigyan niya ang mga ito. Pinagtuunan ng pansin ni Menendra ang punyal na nakalagay sa ilalim ng kanyang kasuotan—ang punyal ng mga tao. Ang makapangyarihang punyal na kayang pumatay ng mga katulad nilang diwatano. Dahan-dahang inilabas ni Menendra ang punyal. Kumikinang ang talas niyon na madikit lamang sa balat ay lilikha na ng pagdurugo at malalim na sugat. Paano pa kaya kung maitarak niya iyon sa puso ni Chrysiana? Hindi lang puso niya ang magdiriwang kung hindi pati ang buong Mirabilandia sa kanyang pagkapanalo. “Damhin mo ang pagiging maramot na magdudulot sa iyo ng kapahamakan!” “Itigil mo iyan!” Isang malakas na nagliliwanag na bolang ginto ang sumugod sa direksyon ni Menendra. Nagmula iyon sa ama ni Chrysiana. Nagkamalay na ito at mukhang hindi pala niya napuruhan ng husto. Napagaling ni Chrysiana ang sariling ama mula sa pag-awit nito. Sa lakas ng puwersa ay naitulak siya at bumagsak ang katawan niya sa lupa habang hawak pa rin ang punyal. Bahagyang panghihina lamang ang kanyang naramdaman. Pilit niyang ipinapasok sa isipan ang mga nagawang masasamang bagay ng mga ito dahilan upang magbigay sa kanya ng enerhiya at buong lakas na matalo ang lipi ng mga dugong Maharlikang-Bughaw. Dahan-dahan at maingat siyang tumayo nang masilayan niya ang lalaking pamilyar sa kanyang paningin. Narito si Leandro? Ano ang ginagawa ni Leandro sa mundo ng Mirabilandia? Kausap na ito ni Chrysiana, ni Sendro—ang ama ni Chrysiana. Huminga nang malalim si Menendra upang masagap ang pinag-uusapan ng mga ito—ang sinasabi ng ama ni Chrysiana. “Patawarin ninyo ako ama at kami ay nahuli.” “Matagal ko na kitang napatawad, anak ko.” “Kasama ko sa pagbabasa Mirabilandia ang mahal kong si Leandro at ang aming supling.” “Kung gayon ay lumapit kayo sa akin nang mabigyan ko kayo ng basbas.” Lumapit nga ang tatlo at mula sa nakataas na kanang kamay ni Sendro na nakahinto sa ere ay nagliwanag ang palad nito upang mabigyan ng sikat liwanag ang ulo ng tatlo kabilang ang bata. Bahagyang nagliwanag ang noo ng bata na kahulugang tinatanggap ang basbas ni Sendro. Tumayo si Menendra. Hinding-hindi siya papayag na liligaya ang mga ito. “Akala n’yo ba ay makaliligtas kayo? Ito na ang magiging libingan ninyo!” Natapos ni Sendro ang pagbabasbas sa mag-asawa at sa bata. “Hinding-hindi kayo magiging maligaya hangga’t nabubuhay ako. Isinusumpa kita Chrysiana! Isinusumpa ko ang iyong anak na maging pinakapangit na nilalang na susumpain at katatakutan ng karamihan. Magiging kabaliktaran ng sa iyo at bukod tanging nilalang na may pinakapangit na wangis!” Kasunod ang malutong na halakhak ni Menendra. Pilit na inagapan ni Chrysiana ang ginawang pagsumpang iyon ni Menendra. Mula sa kanyang hininga ay nakagawa siya ng hangin na bumuong isang salamin at itinapat niya iyon kay Menendra sa pamamagitan ng kanyang pagkumpas. Upang hindi lamang ang kanyang anak ang maging pangit kung hindi ay mabawi rin ni Menendra ang sumpa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD