IKATLONG PATAK

2333 Words
=DISCLAIMER= This is an original work of fiction and the results of a mind’s imagination. Any Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way without the Author’s permission. You can kindly coordinate with the Author for a copy of the story. Stealing is a crime, please avoid Plagiarism. Thanks Please follow/subscribe, comment, and add this to your library. *************** NANLALAKI ang mga mata ng reha dahil sa ginawa niya. “Menendra, tigilan mo iyan!” hiyaw ni Chrysiana. “Siya si Leandro iyong binanggit ko sa iyong aking iniibig.” Dahan-dahan ding ibinaba ni Menendra ang hintuturong daliri. Napahawak pa nga ito sa sariling lalamunan na tila dumaan doon ang kanyang kuko. Nawalan ito ng dugo kahit mukha itong maputla ay lalo itong namutla sa ginawa niya. “Magpakilala ka. Ipakilala mo ang iyong wangis nang hindi ko kitilin ang iyong buhay,” naghahamon na sabi niya sa mortal. Magkamali lamang ito ng salita ay hindi siya mangingiming gilitan ito sa leeg o itarak ang kanyang matalas na kuko upang protektahan ang kanilang reha. Ngunit sa kabilang banda ay may nais siyang hangarin. Tunay ngang kaakit-akit ang lalaking mortal na iniibig ng kanyang kaibigang reha. Ano nga kaya ang pakiramdam ng mapaloob sa mga bisig nito, ang alagaan at mahalin ding pabalik? May maitatawag na nga kaya siyang nagmamahal sa kanya na isang lalaki kahit hindi nila kauri? Mararamdaman din kaya niya ang nadarama ngayon ni Chrysiana at ang kakaibang kinang ng magandang pares ng mata nito? Kung si Menendra ay mabagsik ang kaanyuan at wangis ng mukha, kabaliktaran naman si Chrysiana. May mukhang maamo at hugis puso. Ang mga mata ay kulay bughaw na ulap sa papawirin, matangos ang ilong at ang balat ay kasing linaw ng tubig sa batis. Ang hubog ng katawan ay sadyang mapanukso at nag-aanyaya ikumpara sa kanya na hindi man lang malapitan ninuman kahit sabihin pang may taglay siyang kagandahan. Hindi man nalalayo ang hubog at ganda ng kanyang katawan, may malalim na itim na itim naman na mga mata na mabalasik kung tumingin dahilan kaya siya pinangingilagan at kinatatakutan. Tunay ngang babagay ang dalawa sa isa’t-isa. Magkasing tulad ang kanilang mga wangis. Parehong may dugong bughaw. Hindi lamang sa ayos ni Chrysiana na may maliit na putong sa gitnang ulo na kulay ginto at napaliligiran ng mga brilyante, habang ang tatlong pirasong suot na porselas ay puno ng nagkikinangang bato sa Mirabilandia tanda na isa itong maharlikang-bughaw. Ang mortal naman ay malinis ang kaanyuan at kasuotan. Hinila ni Menendra ang braso ng kaibigan saka mariing binulungan. “Hindi ako makapapayag sa pasya mong tumakas at sumama sa isang mortal, reha.” “Kung ganoon, tutulungan mo ba akong hindi matuloy ang piging? Papayag ako sa kahit anumang iyong ibig na kapalit, tulungan mo lamang ako, mahal kong kaibigan,” punong-puno ng pakiusap na sabi nito habang magkasalukap ang mga palad. Parang isang tuod na napatango siya saka sinulyapan ang nangngangalang Leandro. Ang mga mata niya ay napapakislap na rin tuwing mapapako para titigin ang dalisay nitong pares ng mata. Nakabalik sila sa Mirabilandia sa tamang oras bago pa mag-umpisa ang piging. Aaminin niyang hindi na rin siya nakapag-isip ng matino matapos pumayag at nag-iisip na nga ng paraan upang hindi matuloy ang piging. Tumugtog ang alpa habang nagsisimula namang humuni ang iba’t-ibang klase ng ibon upang umawit. Rinig na rinig na ni Menendra ang pagsisimula ng piging mula sa kumpas ng alpa. Pinunasan ni Menendra ang tumulong pawis matapos ang kanyang ginagawang pagkolekta ng usok upang ito ang magsilbing pagbabadya sa kalangitan. Ito ang naiisip niyang paraan upang hindi matuloy ang piging—paitimin ang kalangitan upang biyayaan sila ng ulan. Nang makalabas sa kanyang tahanan ay bitbit na ni Menendra ang bolang kristal kung saan naroon ang usok na kanyang naipon. Ibinato niya iyon paitaas upang malusaw ng sinag ng araw ang sisidlan. Kumalat sa alapaap ang pinaghalong kulay abo at itim upang maghatid ng tanda sa kalangitan. “Ano ang nangyayari sa paligid?” pagtatakang tanong ng isang kapwa niya diwatano nang makaraan siya patungo sa direksyon ng kastilyo. Nataranta ito nang mapatingala sa kalangitan. “Magsipasok sa tahanan! Wala ng piging, may delibyong darating!” Umangat ito sa lupa at kaagad na nilisan ang direksyon patungong kastilyo at kaagad pumasok sa loob ng sarili nitong bahay. Ilang sandali ay wala ng matanaw si Menendra na ni isang diwatano sa labas. Tumahimik ang paligid. Maging ang mga halaman ay nagkublihan sa takot ng isang delubyo. Ang mga puno at naglalakihan nitong sanga ay ikinubli rin ang sariling mga prutas upang hindi maapektuhan ng kung anumang delubyo ang magaganap. Umangat sa lupa ang mga paa ni Menendra para puntahan sa pasilyo ang reha. Inihakbang ang paa sa nakabakod na nakaharang sa daraanan saka nakarating sa tapat ng malaking bintana ng reha. Sinalubong nga siya ni Chrysiana na parang kanina pa siya inaabangan. “Nagtagumpay ka!” Ngunit ang kapalit niyon ay ang pagpasok ng hari na si Haru Sendro sa kwarto ng reha. “May delubyong parating sa paligid, Chrysiana! Ano at narito kayo sa pasilyo?” pagtatakang tanong ni Haru Sendro, kunot ang noo habang nakapamaywang. Suot nito ang baluting kulay ginto. Marahil iniisip nitong mapapalaban sa isang delubyo kaya nakapaghanda na rin. “Ako’y papasok na sa loob, ama kong haru,” magalang na sambit ni Chrysiana. Bagaman masigla upang kausapin siya ay wala sa loob na pumasok ito sa sariling kwarto. “Babalik na rin ho ako sa aking lungga,” paalam ni Menendra saka tumalikod. Paangat na nga siya upang bumaba sa ikalimang baitang kung nasaan ang kwarto ni Chrysiana nang patigilin siya ng haru. “Sandali lamang!” Siya’y nasa bingit na ng kamatayan. Malalaman nitong siya ang may pakana kung bakit natigil ang piging. Dahan-dahan siyang humarap. Inuluhod ang tuhod at ulo upang magbigay galang habang ang kanang kamay na nakakuyom na palad ay nakatapat sa sariling dibdib. “Pagbati!” simula niya habang nanatiling nakayuko pa rin. “Ano ang maipaglilingkod ko sa aming mahal na haru?” masiglang tanong niya. “Nais kong malaman kung sa iyo ba nanggaling ang kakaibang usok na nagbabadya sa kalangitan kanina lamang?” “Inyong ipagpaumanhin, ngunit ang inyong lingkod ay hindi gagawa ng anumang bagay na ikasisira ng piging.” Dahil nakayuko pa rin, hindi maaninag ni Menendra kung nakumbinsi ba niya ang hari sa kanyang sinabi. “Kung gayon, makaaalis ka na,” iyon lamang ang sinabi nito at nang mag-angat na nga siya ng ulo ay wala na ito sa kanyang harapan. Humigpit ang kapit ni Menendra sa kanyang dibdib. Bahagya siyang inihit ng kaba. Sumikdo iyon ng tuloy-tuloy. Kapag nalaman ng haru na minaniobra niya ang piging ay tiyak hindi siya nito patatawarin. Maari siyang ipiit o kaya ay ipagbawal ang kanyang kapangyarihan sa ilang araw na paggamit bilang kaparusahan. Bagaman napagtagumpayan, nagkaroon ng bahid ng alinlangan ang isipan ni Menendra. Hindi naman kasi natuloy ang pagdilim ng paligid upang ang nais niyang pagpapaulan ay maganap. Naipon lamang ang mga maiitim na ulap at naitago ang araw ngunit hindi natuloy ang pag-ulan. Muling dumilat ang araw at masama ang tingin na ipinukol sa kanya matapos ang sandali ng epekto ng kanyang maitim na usok. Alam nitong siya ang may kagagawan sa lahat ngunit wala naman itong tinig upang makapagsumbong. Kaya kinindatan na lamang niya ito upang mangahulugang manahimik. Bukas na lamang siguro pupuntahan ni Menendra si Chyrisiana upang sila naman ang magdiwang sa nakamit na tagumpay. Sa ngayon ay kailangan muna niyang makapagpahinga. Pagdating sa kanyang tahanan ay dumiretso siya sa kanyang silid upang magpahinga na rin. Nang silipin sa maliit niyang bintana ay dahan-dahan ng pumipikit ang mata ng araw. Kinakailangan na nilang matulog at bukas ay panibagong araw na naman. Ang araw ng kanyang tagumpay. PINAGTAKHAN ni Menendra ang pagbisita sa kanya ng reha kinabukasan. Siya sana ang tutungo para puntahan ito sa silid nito ngunit nang marinig ang ingay ng tambol sa labas, pahiwatig na mayroon siyang bisita. Napatayo siya at pupungas-pungas na binuksan ang pinto ng kanyang bahay. Mabilis na yakap ang sinalubong nito sa kanya. “Lubha akong nagpapasalamat sa iyong pagtulong sa akin, mahal kong kaibigan,” nakangiting sabi nito saka humiwalay na ng yakap sa kanya. Inanyayahan siya nito na makapasok sa loob at makaupo. “Nais mo ba ng mainit na inumin? Ipagtitimpla kita, reha.” Umiling ito. “Kung umuulan nga lamang ay magkakaroon ng dobleng selebrasyon dahil iyon ang ating sandali sa pagsamba sa Bathala upang mabigyan ng sapat na nutrisyon ang mga halaman at punong kahoy na ating kakaining pananim.” Naupo siya sa tabi nito. “Ngunit hindi naman naganap. Ang sandali ay naging mailap. Nagsungit pa nga sa akin ang araw.” Dinama siya nito sa braso. “Huwag mo na iyong isipin. Ako na ang bahalang magpakalma sa araw. Maiintindihan din niya ang ating hangarin.” Makahulugan niya itong tiningnan. “Ano na ang iyong nais?” “Marahil hindi nga makabubuti na maglilihim ako sa amang haru kaya ako ay magtatapat na sa kanya. Handa kong ibuwis ang lahat kahit kagalitan man ako. Mamaya, bago ang ikalawang kain ay ipagtatapat ko na ang lahat patungkol sa aking agam-agam.” “Hindi maaari!” mabilis na pigil ni Menendra. Hindi siya makapapayag na malaman ng ama nito ang totoo. Nais pa niyang makarating muli sa kabilang mundo. Kung tatakas si Chrysiana sa anumang maging hatol ng hari ay mahihirapan na siyang kunin ang kwintas na susi sa lagusan patungo sa mundo ng mga mortal. Hindi siya makapapayag na ito lamang ang maging masaya. Kailangan din naman niyang maging maligaya, hindi ba? Masasaya na ang mga nilalang sa Mirabilandia at bukod tanging siya lang ang hindi makaramdam ng emosyong iyon na tila nakarehistro na sa kanyang puso ang kasamaan. Paslit pa lamang ay naghahanap na siya ng kaibigan at karamay sa lahat ng sandali. Nakilala niya si Chrysiana, sinuportahan siya sa lahat ng kanyang hangarin. Ang ama rin nito na binigyan din siya ng kabutihan. Wala siyang ibang magawa kung hindi gumanti ng kabutihan sa mga ito. Ngunit paano naman ang usaping pampuso? Kailan din ba niya mararamdaman ang pagmahahal ng isang natatanging lalaking nilalang sa kanya? Hindi naman siya manhid para hindi maintindihan na walang tatanggap sa isang katulad niyang may dugong itim at bahid ng kasamaan ayon sa propesiya. Nakatanim na nga yata iyon sa kaisipan ng kahit sinong nilalang sa Mirabilandia. Walang dapat makipagkaibigan, makipaglapit o magmahal sa isang nilalang na katulad niya. Ang tanging hangad lang nama ni Menendra ay magkaroon din ng ordinaryong buhay. Buhay na may kabiyak. Pakiramdam na hindi siya normal sa klase ng buhay na mayroon siya. Napayuko si Menendra para bigyan ng magandang dahilan ang kanyang pagtutol sa sinasabi ni Chrysiana. “Ang ibig ko lamang sabihin ay masyado pang maaga upang magtapat ka ng katotohanan. Bigyan mo muna ng panhon ang iyong sarili upang pag-isipan ang bawat hakbang na iyong susuungin.” Huminga ito ng malalim at nakumbinsi sa sinabi niya. “Tama ka naman sa iyong itinuran. Kung sasabihin ko nga ngayon din ay mabibigla ko lamang ang aking ama. Bagaman hindi ko alam kung ano ang magiging kaparusahan.. handa naman ako sa aking pagpapasya.” “Maraming salamat at ikaw ay aking naging kaibigan. Hangad ko ring dumating sa iyo ang natatanging lalaking magmamahal din kagaya ng pagmamahal sa akin ni Leandro.” Tumayo na ito at naglakad patungo sa direksyon ng kanyang itim na pintuan. Matalim at pailalim na tiningnan niya ang reha. Mangyayari lamang ang sinasabi nito kung mapapasakamay niya ang kwintas na pag-aari nito. Dumilim ang anyo niya, kumalat ang kulutang buhok sa hangin dahil sa enerhiya ng kasamaan na inilalabas niya. Magaganap lamang ang kanyang kaligayahan kapag nagawa na niya ang kanyang plano. Nang isara ni Menendra ang pintuan ay malayo na ang tanaw niya kay Chrysiana na nakaangat na alapaap ang sarili. Ikinuyom ni Menendra ang kamao. Kailangan din niyang lumigaya at hindi siya papayag na si Chrysiana lang ang magkamit niyon. Lalong kumalat at gumulo ang kanyang buhok dahil sa kinikimkim na galit kasabay ang itim na awrang nakapaligid sa kanyang katawan. Simula nga ng araw na iyon ay hindi na mapakali si Menendra. Palagi siyang dinadalaw ng imahe ng lalaking nakita nila sa kabilang mundo. Kahit sa kanyang nilulutong mga bagong gayuma ay bumubuo sa usok ang mukha ng mortal na si Leandro. “Ano ang iyong ginagawa sa akin, hamak na mortal? Bakit hindi mo pinatatahimik ang aking isipan?” Hindi niya napansing nabasag na pala ang bote ng potion na ginagawa niya nang mahulas iyon sa kanyang kamay dahil sa malalim na pag-iisip. “Agh! Mortal! Sinisira mo ang takbo ng aking isipan!” Ngunit hindi naman galit ang isinisigaw ng kanyang puso. Nabatobalani siya sa imahe at wangis ng lalaki. Hindi lang isipan niya ang ginugulo nito, maging ang ritmo ng kanyang puso. Kailangan na nga ba niyang magpasya para sa kanyang sariling kaligayahan at kagaya ni Chrysiana ay ibuwis na rin ang lahat. Dahil sa ilang araw na pananahimik ay hindi na lang ang kaibigang si Chrysiana ang nais niyang makita. Nais na ring tumalon ng kanyang puso sa pananabik na makadaupang palad muli ang isang mortal na nagngangalang Leandro. Isasakrepisyo na rin niya ang lahat kasama ang relasyon nilang magkaibigan makita lang muli si Leandro. Ang lalaking itinitibok na rin ng kanyang puso. ‘Patawad, mahal kong reha.. ngunit hindi ko na mapigilan ang nadaramang ito. Mas babagay na maging hera ka na lang din ng Mirabilandia at manatili rito sa ating mundo,’ sambit ng kanyang isipan habang nakaharap sa kanya ang namuong imahe ni Chrysiana sa usok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD