-=Nathan's Point of View=- Matapos ko ngang malaman kay Manang Fe ang lihim na pagkatao ni Elijah ay nabuo ang desisyon kong iparamdam sa kanya ang tunay na pagmamahal. Ngayon ay nagiging malinaw na sa akin kung bakit ganoon ang naging pakikitungo nito hindi lang sa akin kung hindi sa lahat ng taong nakapaligid sa kanya sa school. Hindi nito naramdaman na mahalin, kaya naman hindi nito alam kung paano pakitunguhan ang mga taong gustong mapalapit dito, well iyon lang naman ang naiisip kong dahilan, pero siyempre hindi naman ako ganoong kasigurado. Isa lang ang sigurado ako, gusto ko itong makitang ngumiti, isang totoong ngiti dahil sa masaya ito. Kinabukasan ay maaga akong nagising para ipaghanda ito ng almusal, sinubukan kong maging sweet dito at naglagay pa ako ng isang pirasong rosas