-=Nathan's Point of View=- "Marahil nga kailangan mong malaman kung anong totoo sa batang iyon." ang sabi nito nakita ko ang malungkot na anyo ni Manang Fe. Nacurious naman ako sa sinabing iyon ni Manang Fe kaya agad akong sumunod dito nang bumalik ito sa kusina. Tahimik itong umupo sa silya, kaya naman umupo na din ako sa katapat nitong silya. Nanatiling wala itong imik, sobrang lalim ng iniisip nito, akala ko nga ay hindi na nito itutuloy ang sasabihin nito, hanggang sa magsimula na ito sa magsalita. "Alam kong mali na ako magkuwento sa iyo ng mga nangyari, pero sa tingin ko ay kailangan mo talagang malaman ang pinagdaanan ni Elijah, kung bakit siya naging ganito." pagsisimula nito. "Anak ni Señor Eduardo si Elijah sa isang kasambahay." mahina lang ang pagkakasabing iyon ni Manang