-=Nathan's Point of View=- Sandali akong naguluhan nang magising ako kinabukasan, hindi ko kasi agad maalala kung nasaan ako lalo na't hindi pamilyar sa akin ang nakita ko ng magmulat ako ng mga mata. Hanggang sa maalala kong sinundan ko nga pala si Elijah sa Quezon province para damayan ito sa death anniversary ng Mommy nito. Agad kong naramdaman ang tila mainit na pakiramdam sa dibdib ko ng maalala ko kung paano ito umiyak habang kinukuwento nito ang tungkol sa sariling ina. Nang mga oras na iyon ay tuluyan kong nakilala si Elijah, hinayaan nitong makita ko ang tunay na siya sa likod ng wall na pinalibot niya sa kanyang sarili. Hindi muna ako agad bumangon at sandali muna akong nag-inat inat. Matapos nga noon ay bumangon na ako at dumiretso sa kusina, naisipan ko kasing ipaghanda ito