-=Nathan's Point of View=- Sabi nga nila time flies when you're enjoying yourself, at naniniwala na ako doon. Anim na buwan na ako sa bahay na iyon ni Elijah at sobrang laki na ng pagbabago sa pakikitungo ni Elijah hindi lang sa akin kung hindi din sa mga tauhan nito. Nararamdaman ko na, na unti unti na nitong nilalabas ang tunay nitong pagkatao, mas nagiging open na ito sa amin para mas makilala namin ang tunay na Elijah Salazar. Araw ng sabado ngayon, mas madalas ay nasa bahay na lang ito, maliban na lang kung may kailangan itong asikasuhin ay saka lang ito umaalis kapag ganoong araw, masaya naman ako dahil mas nakakasama namin ito ng matagal. Nakikita ko naman ang saya sa mukha ni Manang Fe sa naging pagbabago ng alaga. Mula kasi nang maging alaga nito si Elijah ay ngayon lang nito