Chapter 1. What's your name?

2081 Words
Panaginip lang pala. I woke up exactly at 3 a.m and my heartbeat so fast when I realized it was a dream. Napanaginipan ko na naman 'yong lalaking napakalabo ng mukha. Wala pa ring pagbabago dahil hanggang ngayon ay 'di ko alam kung sino ba talaga siya. Sa ilang taon na siya 'yong laman ng panaginip ko, kahit minsan hindi ko man lang naitanong 'yong name niya. Kahit sa panaginip man lang ay wala akong ideya. Nakakapagtaka lang dahil kapag 'yong panaginip ko ay nakakatakot, umiiyak, nalulungkot at may problema ay palagi siyang naroon para samahan ako. Sa tuwing may nanghahabol o gustong manakit sa 'kin, nandyan siya palagi para ipagtanggol ako. Higit sa lahat, kapag 'yong panaginip ko ay madidisgrasya ako ay nandyan siya para sagipin ako. Pitong taong gulang pa lang ako nang maranasan ko 'yong gano'ng klase ng panaginip. And yes, I still remember that day. Pagsapit ng mismong ika-pitong kaarawan ko, kinagabihan ay nanaginip ako tungkol sa isang batang lalaki na binigyan ako ng laruan. Hindi ko alam kung anong rason at doon nagsimula ang lahat. Pero bakit gano'n? Kailanman ay 'di siya nawala sa panaginip ko. Hindi naman araw-araw siya ang nasa panaginip ko, pero madalas. My name is Ferreira Lorri Villacuel. Amelia Gozum Silverio is my mother's name. By the way, speaking of my mom, she's a doctor, but she's not my real mom. Sa madaling salita ay ampon lang ako. Gayunpaman, napakabuti niya sa 'kin dahil walang araw na 'di niya pinaramdam sa 'kin ang tunay na pagmamahal ng isang mabuting Ina. Behind my story way back in 2000, I was only 3 years old nang ipinamigay ako ng tunay kong ina. Hindi na raw ako kayang buhayin nito at ang tunay kong ama ay matagal na ring patay. Malungkot kung iisipin pero masaya ako dahil kahit papaano, never ipinaramdam sa 'kin ni Mama na ampon lang ako. Bukod pa riyan, kami lang ni Mama ang palaging magkasama. Kung minsan may kamag-anak na bumibisita sa bahay at 'yon ay si Ate Sophie na pamangkin ni Mama. I was born on 23rd December 1997, and I'm 22 years old now. I obtained my Honors degree from the College of Business Administration at the University of Monteleo. Kaya naman ngayon ay madalas akong nasa bahay. Inaayos ko 'yong mga papers and requirements for my own business na sisimulan ko pa lang na i-handle. Ewan ko ba rito kay Mama, may mga kompanya na kumukuha sa 'kin pero 'wag daw muna. So now, siya ang nagbigay sa 'kin ng negosyo. Magtatayo ako ng negosyo at wala na 'kong poproblemahin maliban sa pagpapasa ng mga legal papers and requirements. Mga gadgets kasi ang laman ng negosyo ko then ako lang ang inatasan ni mama na humawak nito. Mayro'n na agad mga employee at staff na nakaabang. Si Mama ang nag-settle ng lahat, 'di ko akalaing negosyo agad ang hahawakan ko. Laging sinasabi ni Mama na gantimpala niya raw 'yon sa 'kin dahil never akong nagbulakbol sa pag-aaral. Kung 'di maitatanong ay purong Pilipino ako, sa kutis pa lang ay morenang-morena pero kakaiba ang surname ko. Maraming nagtataka kung bakit gano'n pero sabi ni Mama at sadyang unique ang surname ng papa ko. I was thinking of learning Spanish next year. Matagal ko na ring gustong gawin 'yon, bukod pa riyan ay sinabihan ako ni Mama na ito'y aralin dahil kakailanganin ko raw ito balang araw. Wala akong idea kung bakit pero go lang ako. Hindi pa 'ko gano'n kagaling sa paggamit no'n kaya't magsasanay pa 'ko. May mga nagsasabing hati raw ang itsura ko. Kung minsan ay kahawig ko raw si Clara Alonso, 'yong Spanish Model. May nagsasabi naman na kapag naka-side view ay kahawig ko si Gabbi Garcia. Sa madaling salita, ang itsura ko ay nahahawig sa dalawang mukha mula sa magkaibang lahi. By the way, grade school pa lang ako hilig ko na 'yong mga old things lalo 'yong mga antique. Favorite place ko ang Museum, Intramuros, Luneta, at lahat ng place na may bakas ng nakaraan. Kaya sa tuwing pupunta kami or mamamasyal ni Mama sa Manila ay natutuwa talaga 'ko. Kung inyong tatanungin, ang favorite subject ko ang history kahit boring para sa iba. Para sa 'kin napaka-meaningful lalo kung pag-aaralan ng husto. Naalala ko pa nung second year high school ako, ini-report ko sa harap ng klase 'yong 5 pages ng book sa Araling Panlipunan and then na-shock yung teacher ko kasi one day lang ang vacant time ko para aralin 'yon pero nagawa kong i-elaborate lahat sa buong klase na para bang kabisado ko lahat. So dahil do'n, 'yong time na sumapit ang teacher's day ako 'yong ginawang representative ng teacher ko para magturo sa seven sections. Can you imagine? Paos na paos ako that day pero worth it. Oo nga pala, no boyfriend since birth ako. Ayoko na sanang pag-usapan pa. Pero para maging aware kayong lahat lalo ang mga kababaihan, sige hindi na 'ko mag-iinarte pa. Mailap ako sa mga lalaki, what I mean is namimili lang ako ng kakausapin o pakikisamahan. Hindi ako takot sa lalaki, sadyang lumalayo lang ako especially 'pag 'di ko gusto ang presence niya. Ayoko sa lugar na maraming tao. Ayoko rin sa maraming tambay, basta sa maraming kalalakihan hindi ako pupunta. Bakit ako ganito? Ito ay dahil isa na rin akong biktima ng pang-aabuso. I was twelve years old when I was involved in a traumatic event that caused psychological trauma. Dahil doon ay humarap ako sa matinding pagsubok gaya ng pagkasuklam, pagsisisi sa 'king sarili. And yes, tama kayo dahil minsan sa buhay ko ay nakaranas ng pangmomolestiya mula sa lalaking photographer. The photographer had been accused of child molestation. Based on the Revised Criminal Code of Article 336, and the Lasciviousness Act, he may be punished by imprisonment from almost six months to six years. Ito ay isang krimen kung saan pinaparusahan ang isang tao na gumawa ng kalibugan o kabastusan sa isang taong inosente gamit ang pagpwersa o pananakot. Nakulong siya ng mahigit dalawang buwan pero dahil sa piyansa na naibayad niya pansamantala ay nakatakas ito kaya ngayon ay hinahanap siya ng mga pulis. Hanggang ngayon ay nakabaon na sa isip at puso ko 'yong pangyayari na 'yon. Kahit pa tanggap ko na ang nangyari ay 'di maitatanggi na masakit pa rin. Alam niyo bakit? Dahil sa kanya kaya tuluyan na 'kong nawalan tiwala sa mga lalaki maliban sa... lalaki do'n sa panaginip ko. Si blur man. Ilang oras na rin ang iginugol ko, oras na para magpahinga. Saktong 5:35 am nang magising ako. Sh*t! Ang bigat ng dibdib ko. Parang may kung anong bagay na nakabara. Inalis ko ang suot kong bra. Kinasanayan ko na ang pagsusuot ng kumpletong damit. Mas komportable akong matulog na may bra kaysa wala. Sa kasamaang palad ay masikip pa rin ang dibdib ko. Tumayo ako at lumabas ng kwarto para kumuha ng tubig. Pagbaba ko ay laking gulat ko dahil andaming kalat sa baba at parang hinalungkat ang mga gamit sa sala. Pagkainom ng tubig ay naginhawahan din ako. Teka, bakit parang wala si Mama? Ganitong oras kasi nagluluto na siya ng breakfast dahil maaga siyang nagbibiyahe papuntang Hospital. Umakyat ako agad at pinuntahan si Mama sa kwarto, 'di nga ako nagkakamali dahil wala na siya. Ang aga niya naman ngayon, siguro ay maraming aasikasuhin. Ito naman si ako, dumiretso na sa kwarto at naisipan kong buksan ang tv para manood ng balita tutal ay nawala rin ang antok ko. Pagkabukas ng tv ay bumungad agad sa 'kin ang balita tungkol sa lalaking binaril ng maraming beses sa balikat at tagiliran. Nakita ang kanyang katawan sa mismong airport. Hindi kita ng buo ang itsura nito pero nang makita ko itong nakatagilid, bigla na lamang bumigat ang pakiramdam ko. Nakakaawa naman 'yong lalaki. Ano na kayang balita roon? Mga g*g* lang ang gagawa ng gano'n sa kanya kung walang dahilan. Kahit anong mali ang magawa ng isang tao ay karapatan pa rin nilang mabuhay at maging malaya. Makarma sana ang mga taong nanakit do'n sa lalaki. Napakarami na talagang krimen ngayon kahit saang lupalop ng mundo ka pa makarating. Pinatay ko na agad ang tv at humiga agad sa 'king kama. Kanina lang ay masikip ang dibdib ko. Ngayon naman ay mabigat ang pakiramdam ko na para bang hindi ako mapakali lalo sa balitang napanood ko.. Muli akong bumangon at tumunganga. Bakit kaya ganito? Bakit tila napaka-weirdo ng pakiramdam ko ngayon oras na 'to? Hindi ko maipaliwanag pero ramdam kong hindi ito mabuti. Binuksan ko ang bintana at saka nagmasid, muling sumagi sa isip ko 'yong lalaking kanina sa tv na binaril. Habang nakadungaw sa bintana at pinagmamasdan ang kalangitan, hindi ko maiwasang mapaisip tungkol sa maraming bagay. Mga katanungang hindi ko rin naman masagot. Kinuha ko ang earphone at nakinig na lang ako ng kanta. Pagkatapos ng treinta minutong pagkatulala at pag-iisip ng malalim ay dinapuan rin ako ng antok. Makakatulog na rin ako. Finally! *** KASALUKUYAN akong naglalakad sa aming hardin kung saan nakatanim ang mga halamang gamot. Bungad lamang ito sa 'ming tahanan. Napakasarap mamuhay sa ganitong klaseng lugar, kapayapaan lamang ang namamayani. Paglipas ng ilang segundo ay may isang lalaking nakabangga sa 'kin kaya naman napatingala ako dahil mas matangkad ito. Hindi agad ako nakapagsalita dahil sa nakabibighani niyang itsura. Gayumpanan ay 'di ako maaaring magtiwala. Bukod pa riyan ay hindi ko ugaling makipag-usap sa mga taong hindi ko kilala lalo na 'pag ito ay lalaki. "Paumanhin binibibini, hindi ko sinasadya," tugon niya na halatang nagulat. "Wala 'yon ginoo. 'Wag ka ma-alala," sagot ko at saka muling maglakad. "Kung inyong mamarapatin ay nais ko sanang magtanong kung may alam kang lugar na maaari akong magtago?" tanong niya. Hindi ko alam kung bakit pero naisip kong tulungan siya na magtago. "Halika, sumunod ka sa 'kin." Naglakad kami papunta sa aming hardin kung saan naman nakatanim ang mga bulaklak. Sa wakas ay nandito na kami. "Salamat, binibini." Nginitian ko lang siya habang ako ay patuloy na pinagmamasdan at hinahaplos ang mga naggagandahang bulaklak sa aking paligid. "Napakaganda naman dito sa inyong hardin, tunay na nakabibighani," sagot niya at laking gulat ko dahil nasa tabi ko na siya. "Ngunit kakaiba ang taglay mong ganda binibini. Siguro'y maraming nagnanais na mapalapit sa tulad mo." Agad akong umiwas at naglakad sa ibang parte ng hardin ngunit patuloy siyang sumusunod sa 'kin. "Kung ganito kaganda palagi ang makikita ko, paniguradong hindi na 'ko magnanais ng iba." kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Ibig mong sabihin ay kung 'di ito maganda, hahanap ka ng iba? Kung gayon ay hindi ka tunay na lalaki dahil binabase mo ang ganda sa nakikita ng 'yong mata." "Paumanhin ngunit lahat ng bagay para sa 'kin ay may sariling ganda. Nais ko lamang iparating na kakaibang ganda ang taglay na mayroon ka," nakangiti niyang sabi kaya naman hindi ko na ito nasagot. Nagpatuloy ako sa paglalakad habang siya ay sumusunod lamang sa akin. Nakakaramdam tuloy ako ng pagkailang. Tumigil ako at humarap sa kanya sandali. "Bakit ka ba nagtatago? May tinatakasan ka ba o baka naman ikaw ay gumawa ng masama?" pagtataka ko "Nagkakamali ka binibini ngunit nais ko lamang ipagpaliban sandali ang isang bagay na ipinagagawa sa 'kin ni Ama dahil masyado pang maaga," sagot niya. "Hindi ba magagalit ang iyong ama sa oras na malaman niya na ikaw ay nagtatago kasama ang isang binibini na hindi mo kilala?" tanong ko. "Huwag kang mabahala binibini, ipinaalam ko na sa aming katiwala na ako'y magtutungo lamang sa pamilihan," sagot niya habang nakangiti at saka siya pumitas ng isang gumamela. "Ngunit hindi naman ito pamilihan." "Tama ka binibini hindi ito bayan. Ngunit simula ngayon ay mas nanaisin ko na lamang dito tumungo at masilayan ang maganda mong mukha." sandali kaming nagkatitigan pagkatapos ay inilagay niya ang gumamela sa aking tainga. Hindi tuloy ako makagalaw sa kinatatayuan ko at para akong pipe dahil wala akong masabi ni isang salita. "Kailangan ko ng umalis binibini, maramimg salamat sa iyong tulong. Sana'y muli tayong magkita nang sa ganoon ay masuklian kita. Payo ko lang sana ay ngumiti ka palagi dahil mas bagay iyon sa 'yo," malawak na ngiti niyang sinabi bago tuluyang umalis. Bigla akong nakaramdam ng lungkot dahil sa pag-iwas ko sa kanya kanina. Ngayon lamang ako nakaramdam ng pagsisisi. Bakit pakiramdam ko ay nais ko siyang makilala at makita pa? Naisip kong habulin siya at itanong ang kanyang pangalan. "Ginoo..." "Sandali lang..." "Ano ang 'yong ngalan?" Malapit ko na sana siyang mahabol ngunit.... ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD