Prologue

538 Words
Nanaginip ka na ba na ika'y nasa lumang panahon? Makasama ang lalaking napakalabo ng itsura ngunit ni minsan ay 'di nawawala sa 'yong panaginip. Paano kung ang iyong panaginip ay magkatotoo? Paano kung ang kasalukuyan mong panaginip ay biglang nangyari at ang panaginip mo noon na 'di mo pinaniniwalaan ay isa pa lang pangyayari sa nakaraan? Kung ikaw ay si Ferreira? Paano mo makukumbinsi ang sarili mo na paniwalaan na ang iyong panaginip at ang realidad ay totoong konektado? Nararapat mo bang gawing basehan ang mga senyales na nagaganap, o ito'y ipagsasawalang bahala na lamang? Kung tadhana ang gumagawa ng paraan para magkalapit kayo sa pamamagitan ng mga pangyayari at panaginip na tugma kayo, maniniwala kaba o iisiping lahat ng ito ay kathang isip lang? Paano kung malagay ka sa isang sitwasyon na napakadelikado, upang kayo'y pagtagpuin? Sapat na rason ba ito upang paniwalaan na siya ang taong iyong hinihiling na makita o isa lamang itong haka-haka? Sabi nga nila... Love is not just an emotion; love is a decision. but... What if love begins with a curse of the dream? Are you willing to suffer or let go of the person you thought would be yours forever? Handa ka bang magdusa makamit lang ang taong matagal mo ng gustong makasama? O piliin na maging malaya sa mga pasakit ngunit mananatiling mag-isa? NAGLALAKAD ako sa gitna ng lugar na nababalot ng kadiliman. Hindi ko na alam ang gagawin ko pero patuloy lang ako sa paglalakad kahit ang totoo ay 'di ko rin alam kung saan na ba ako tutungo. Sa kalagitnaan ng aking paglalakad ay napatigil ako sandali dahil may mga lalaking nakaitim ang nakaharang. Lahat sila ay masama ang sa 'kin, pero bakit? Ano bang ginawa ko sa kanila? Nakakakilabot ang kanilang mga kasuotan, pati ang mga mata nila ay nagliliyab sa kulay pula. Nakakatakot ang itsura nila, gusto kong sumigaw pero nanatili akong kalmado. Pare-parehong kulay itim at mahabang tela ang suot nila, para silang masasamang nilalang na gawa ng isang demonyo. Anong gagawin ko? Saan na 'ko pupunta? Ayan na sila... Palapit nang palapit habang ang puso ko ay mas lalong bumibilis sa pagpintig. Gusto kong tumakbo palayo pero... Sandali!... h-hindi ko maigalaw ang mga paa ko! Ilang minuto ang lumipas ay tumigil sila at isang lalaking kauri nila ang humahakbang ngayon palapit sa 'kin. Pinagmasdan ko ito habang siya ay papalapit, napagtanto ko na siya ang naiiba sa lahat. Itim man ang suot niyang tela, ang kanyang mga mata naman ay naiiba, ang kanyang tingin ay tila nagpapawala sa 'kin ng kaba. "Sígueme, estarás a salvo." Anong ibig niyang sabihin? Hinawakan niya ang aking mga kamay at sa aming paglalakad na sabay. Nagmistulang bula ang mga lalaking kanina'y nagdulot sa 'kin ng kaba. Ang damdamin ko kanina ay takot na takot pero ngayon ay napalitan ng kalmado at komportable. Sa bawat paghakbang ng aking mga paa kasama siya, walang ni isa man sa amin ang kumikibo. Hindi ko mapigilang damhin ang bawat minuto kasabay ng pagpintig ng puso ko. Buti na lamang ay tinulungan niya ako, salamat sa kanya. Ngunit sino siya? "Sino ka?" kusang lumabas sa 'king bibig. Hindi siya kumibo ngunit humarap siya sa 'kin. Bigla niya 'kong niyakap ng mahigpit at...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD