Chapter 3. You saved me

2591 Words
Finally! Nandito na 'ko sa loob ng room 306. Naisipan kong bumalik dito para i-check kung may gamit ba akong naiwan. Sabi na nga ba may naiwan pero hindi sa 'kin gamit. Isang necklace with a heart stone pendant ang nakita ko sa lapag. Pag-aari nga ba ito ng lalaki kanina? Agad ko itong kinuha at inilagay sa wallet, sa ibang araw ko na siya tatawagan para isauli ito o 'di kaya'y ipauutos ko na lang sa iba. Dumiretso ako ng cr para mag-ayos. Kaunting lipstick lang at foundation tapos inilugay ko ang aking buhok at sinuot ang face mask na dala ko. Iba 'yong suot ko kanina. Kinasanayan ko na kasing sundin ang utos ni Mama na sa tuwing galing akong hospital at uuwi ng bahay, kailangan ko mag-mask para ma-avoid ang bacteria or virus sa paligid. Iba rin ang ginagamit kong mask kapag naga-assist ng patient gaya kanina. Alford Point of View Dali-dali akong dumiretso dito sa cr at nagpalit. Sobrang thankful ako sa nurse na tumulong sa 'kin makalabas dito. Seriously, kahit naka face mask siya, I think she is gorgeous. Kung 'di ako nakalabas agad, for sure hahanapin pa rin ako ng mga siraulong tauhan ni Papa. By the way, I am Alford Lyxander Cardenas, 'yan talaga ang tunay kong pangalan. Ginagamit ko lang ang Jacob Cervantes sa tuwing nandito ako sa Pilipinas. Since nandito ako sa Cebu, Jacob Cervantes ang gagamitin ko. I was born in Madrid, Spain. We have been living in that country since I was young, pero tuwing December ay umuuwi ako dito sa Cebu. Nagkataon lang na nandito ako ngayon for some reason. Si Papa at Mama ay palaging na sa Spain dahil sa negosyo nila na 'di maiwan-iwan. Camilo Sergio Cardenas is my father's name at purong español siya pero namatay na si Papa. I have a stepdad and his name is Alejo Lacos Mercedez, siya na ang itinuturing kong ama ngayon dahil siya na rin naman kasama ng aking Mama na si Rueca Gretha Cardenas. Lahat kami ay purong Español. As you will notice, I didn't used my mother's surname as a middle initial. It is part of our culture kaya lahat kami ay hindi na gumagamit ng middle name. Mishka Fiona Cardenas ang name ng kaisa-isa kong kapatid na babae. Lahat kami ay bihasa na wikang Tagalog dahil minsan na kaming nanirahan sa Cebu ng mahigit isang taon at nasanay kami roon. Kahit ang wikang english ay natutunan na naming aralin. Sa wakas ay palabas na rin ako. Medyo mabigat ang katawan ko pero kaya ko naman. Sa kabila ng mga sugat na natamo ko, pakiramdam ko ay nawawala ang kirot sa tuwing naiisip ko 'yong nurse kanina. Para siyang anghel na isang pag-alala ko lang sa kanya wala na agad 'yong hapdi ng sugat ko. Ferreira Point of View Palabas na 'ko ng Hospital, sa wakas ay nasinagan kong muli ang araw. Hindi naman sa ayokong tumulong sa loob, pero sa tuwing nasa hospital ako medyo bumibigat ang pakiramdam ko. Ayoko talaga sa lugar na 'yan simula pa noong bata ako pero look at me now? Hinarap ko 'yong bagay na kinatatakutan ko noon. Face your fear sabi nga nila, although may mga bagay na 'di talaga natin kaya maging matapang but atleast sa ibang aspeto kaya natin iwanan ang pagiging duwag, 'di ba? Kasalukuyan akong naglalakad sa kalsada papuntang tawiran nang magulantang ako sa ingay ng phone ko. Si Yvnonne pala ang tumatawag. Ang best friend kong napaka-abnormal, kalog, baliw at parang takas sa mental. Sorry, sa way ng pagd-describe ko pero si Yvnonne Ramirez ay napakabuting tao. Siya lang ang bff ko since first-year high school never akong iniwan at inaway. I'm quite introverted, so having her is a blessing. Napaka-softhearted, caring, and loving person in any way. In spite of her gorgeous beauty, napakarupok ng best friend kong 'yan sa nag-iisang lalaking pinakamamahal niya na si Xendric Salazar. Sabagay, part ng love ang masaktan kaya 'di ko sila masisisi. I don't have any experience of having a boyfriend. Sa kalagitnaan ng paglalakad, 'di ko namalayang nakarating na pala ako sa tawiran. Sasagutin ko na sana ang phone ko at sa 'di kalayuan, isang kotse ang sasalubong sa'kin. Sh*t! Bakit parang 'di ako makagalaw?! "Aaaaaahhh!!!" Sigaw ko ngunit isang pwersa nang pagkakayakap ang tumulak sa 'kin sa gilid dahilan para kaming dalawa ay matumba. Pag-angat ng aking ulo ay bumungad sa 'kin ang isang lalaking nakasuot na hoodie at mukhang may lahi, 'yong kilay niya ay makapal. Kung titingnan ay parang mala-espanyol ang aura kahit pa kalahati lang ang kita. Teka lang. Bakit parang familiar ang mukha niya? Dali-dali akong tumayo kasabay ng lalaking ngayo'y na sa aking harapan. Pagkatayo niya ay agad din siyang tumalikod at maglalakad na sana siya palayo sa 'kin pero… "Mag-ingat ka palagi," paalala niya bago maglakad palayo. "Hey wait… you saved me. Thank you," I said, smiling genuinely. Naiwan akong nakatayo sa gilid at gulat na gulat sa nangyari. First time ko ang muntikang mabunggo, buti na lang ay niligtas ako nung lalaki. Bakit gano'n? My heart starts beating so fast. Jusmiyo! Ilang minuto lang ang lumipas biglang humarap sa 'kin 'yong lalaki at naglakad muli palapit sa kinaroroonan ko. Seriously? I can't explain what I feel right now. "Uhmm, nagtatrabaho ka ba riyan sa hospital? I mean nurse ka ba?" tanong nito. "Ahh hindi, sorry. Bakit mo natanong?" pagtataka ko. Napatango naman siya. "Ahh… wala lang, akala ko kasi dyan ka nagw-work. Mag-ingat ka palagi," sambit niya bago tuluyang naglakad palayo. Ilang minuto rin akong nakatulala sa kanya habang naglalakad siya palayo. Ilang sandali pa ay natauhan din ako at nagpatuloy na rin sa paglalakad. Alford Point of View Hindi ko maalis ang tingin ko sa babae na 'yon. Kasalukuyan akong naglalakad habang palingon-lingon sa babae na sinagip ko kanina. Yes, ako nga ang nagligtas sa kanya. Bakit parang siya 'yong nurse kanina sa hospital? Parehong-pareho 'yong hugis at kulay ng mata nila. Hindi ko na magawang magtanong pa dahil kailangan ko nang makaalis kanina sa lugar na iyon para sa ikabubuti ng kalagayan ko. Ferreira Point of View Hindi pa rin nawawala sa isip ko ang nangyari kanina. Akala ko ay katapusan ko na. Buti na lang ay may sumagip sa 'kin. Sobrang salamat sa kanya dahil hanggang ngayon ay humihinga pa 'ko. Palaisipan sa 'kin ang araw na ito. Bakit kaya ganito 'yong nararamdaman ko ngayon? Paiba-ibang emosyon gaya ng biglaang pagbigat ng dibdib ko o kaya'y kinakabahan sa 'di maipaliwanag na dahilan. Oras na para umuwi at magpahinga. Hindi rin maganda ang pakiramdam ko kaya matutulog na muna ako. Alford Point of View Nandito ako ngayon sa bar para makipagkita sa matalik kong kaibigan na si Dexter. Dito siya sa Manila nakatira at halos two years din kaming hindi nagkita simula noong umuwi ako sa Spain. Nakilala ko siya sa isang company na nagbebenta ng iba't ibang klase ng camera. Minsan na kasi akong isinali sa isang photoshoot kung saan binabayaran ako at mas mataas ang bayad kapag mabenta ang mga damit na minomodel ko. Siya si Dexter Harrington na may lahing kano. Half Filipino at half amerikano pero sa Manila na siya lumaki. Matagal na kaming magkaibigan pero once in a blue moon kung siya ay magkwento tungkol sa buhay niya. Kapag naman tinatanong ko siya about life o sa kanyang sarili ay lagi niyang iniiba ang usapan at kung minsan ay sasabihin niyang hindi siya mahilig magkwento. Oo nga pala, si Dexter ay isang photographer at my times na siya ang naka-assign kumuha ng litrato sa 'kin at doon kami mas naging magkaibigan. Minsan weird ang ikinikilos niya. Gaya na lamang 'yong moment na may tatawag sa kanya kaya lalayo siya sa 'kin ng kaunti tapos maririnig ko siya na magsisisigaw sa kausap niya. Kapag tinatanong ko siya ang lagi niyang sinasabi ay tungkol daw doon sa isa niyang job, pero ni minsan hindi niya sinabi kung anong klaseng work ba 'yon. "So anong balak mo bro? Do you want to join me?" Dexter asked. "What?" pagtataka ko. "I mean, in my job," sagot niya. "Bro, how can I join you if you'll not tell me what kind of job you have?" naiinis kong tanong. "Bro, sasabihin ko naman sa 'yo 'pag willing ka na talaga mag-join," nakangiti niyang sinabi. "Ewan ko ba sa'yo. Ibang klase ka talaga. Can you imagine? You have a job that you never plan on telling me what it is." nilagok ko ang bote na may alak. "Bro, I'm serious. Don't you believe me? I will tell you naman kung sure na magj-join ka. Don't you trust me?" he asked. "Just not like that, bro. I haven't fully decided yet. Don't worry. I'll join you next time," I answered. "Okay, if that's what you want. Basta kung 'di ka na babalik sa Spain, don't worry dahil may work na naghihintay sa 'yo rito," sambit niya. Maya-maya ay nag-ring ang phone ni Dexter kaya sandali itong nagpaalam para sagutin ang tawag. "Hello?" "What?!" "Seriously? What the hell do you do?!" "I told you! Can you wait for me, idiot!" "Gusto mo talagang malaman kung kumusta araw ko ngayon sinabi mo 'yang lintik na balita mo?!" "Shut the f**k! I'll go there!" Tuloy-tuloy na sigaw ni Dexter habang may kausap sa phone. I told you napaka-weird niya pero wala 'yon sa 'kin dahil siya lang ang kaibigan ko na may alam tungkol sa 'kin at hindi ako iniiwan sa loob ng ilang taong pagkakaibigan namin. Sanay na rin naman ako sa gano'ng asal niya, ang importante ay nandyan siya lagi para damayan ako lalo ngayong stress ako sa Spain. Nagmamadaling lumapit sa 'kin si Dexter at halata sa kanyang mukha na siya ay iritado. "Bro, I have to go. Talk to you later," sambit niya. "Okay, bro, thanks," I answered, and then he walked out. Matapos kong uminom mag-isa ay tumuloy muna ko sa bahay namin dito sa Cebu. Kahit nakainom ako ay hindi pa rin maalis sa isip ko 'yong nurse kanina at ang babaeng muntik ng mabunggo ng sasakyan. Parehong-pareho kasi ang mga mata nila, nagkataon pang nakamask silang dalawa kaya 'yon ang imaheng tumatak sa isip ko. Sana pala kinuha ko 'yong number nung nurse at muling nagpasalamat. Saktong maga-ala sinco kaya magpapahinga na muna 'ko. Ferreira Point of View Alasinco pasado ng hapon nang magising ako. Natulog kasi ako kaninang alas tres. May mga ita-type pala 'ko na kailangan iprint at ipasa sa City Hall para ma-legal ang mga paper works patunay na sa amin ang property. Isang oras na ang nakalipas. Kasalukuyan pa rin akong nagta-type nang biglang dumating si Mama. "Uuwi ka pala ng maaga Ma 'di ka nagsabi, nagluto sana 'ko," sambit ko. "It's okay Anak. Oo nga pala, I bought some food for us," tugon niya habang palapit sa'kin. "Talaga, Ma? Anong pagkain 'yan sakto 'di pa ko nagmemeryenda." "Pasta at saka itong paborito mong Milktea na chocolate flavor. Oh eto, magpapalit lang ako at maghihilamos," sambit niya at saka ito inabot sa 'kin. "Thank you, Ma wait na kita para sabay na tayo kumain," tugon ko pagkatapos ay umakyat na siya sa second floor. Kalahating oras ang lumipas, bumaba na si Mama at umupo rin kaharap ko rito sa sofa. Habang kumakain ako ay nagta-type ako sa Laptop, para sa mga important documents ko. "Bakit pala ang aga mo ngayon Ma? May iba ka bang aasikasuhin?" nagtataka kong tanong. "Wala akong gagawin ngayon Anak. Naisipan ko lang na kumain kasama ka ngayon," sambit niya kasabay ng ngiti na parang may ibang ibig sabihin. Nagpatuloy ang kwentuhan at tawanan namin ni Mama ngunit nakakapagtaka lang dahil napakabihira lang ng ganitong pagkakataon. Palaging busy si Mama at never siyang umuwi ng maaga na walang valid reason. Umuuwi lang siya ng maaga kapag may aasikasuhing ibang bagay, kapag may masakit sa kanya na 'di niya na kayang tiisin sa hospital. Maya-maya. "Ferreira…" Napahinto ako sa pagta-type at napatingin kay Mama. "Bakit Ma?" "Gusto mo bang mamasyal? Magtravel or adventure?" tanong niya. "Ofcourse Ma." Bigla naman siyang napangiti. "Why did you ask me? Are you planning to travel to Palawan or Baguio. And then you'll ask me to join you? Sure agad ang sagot ko hahaha," natatawa kong sagot. "No anak. I mean, why don't you travel to Spain?" sambit niya na ikinagulat ko. "Spain? So you mean, another country?" nagtataka kong itinanong. "Exactly, Anak. Why don't you travel to another country? But if I were you, Spain is the best place to go," sambit niya. "If that's what you want, why don't we go there, Ma? Set na tayo ng date para makapagpa-book ng hotel." Iyon ang suggestion ko kay Mama. Mukhang gusto niya kasing magbonding kami. "Uhmmm… you can travel without me." teka bakit ako lang? "Why? You know I can't go anywhere without you, lalo't malayo ang Spain," katuwiran ko. "Ferreira anak, you have to be independent." nang sabihin niya 'yon ay may kung anong lungkot akong nakita sa mata niya. "Not all the time kasama mo 'ko. Sometimes you need to take a break from everyone and spend time alone," dagdag niya pa. Mas lalo tuloy akong nagtaka. "Aalis ka ba Ma? Para ka namang nagpapaalam sa 'kin," pagbibiro ko. "It's not like that anak. Gusto ko lang na matuto kang harapin 'yong mga bagay na kinatatakutan mo. Gusto ko rin sana kahit nasa malayo ka, 'wag mo 'kong kalilimutan okay? I want you to be free, but promise me you'll never forget where you came from." I don't know what to say anymore but... "Mama…" "I know that, don't worry. Kahit iba ang Mama ko, 'di mo pinaramdam sa'kin na ibang tao ako. Lahat nang ginawa mo sa'kin, that's good enough for me." hindi ko inaasahang maluluha si Mama pagkatapos ay niyakap niya 'ko ng mahigpit. "Wait Ma, ngayon ko lang naalala paano 'yong business kung aalis ako? Ikaw Ma nagpa-prank ka na rin ngayon ah," natatawa kong sinabi. "Anak, I'm serious. Besides, pwede ko i-assign ang pag-aasikaso sa mga paper works and requirements mo sa negosyo," sambit niya. "No, Ma, ang dami mo nang naitulong tapos ako wala pang nagagawa kaya gusto kong ako ang mag-asikaso ng ibang natirang task sa negosyo. Don't worry, Ma." Bigla tuloy akong napaisip kung bakit niya nga ba na-topic 'yon kung hindi rin para sa kanya. At saka hindi ko pwede iwanan ang negosyo, hindi pa nag-start nalugi na 'ko. Nagpatuloy ang kwentuhan at tawanan namin ni Mama. Matapos ang mahigit oras ay umkyat na siya para magpahinga ganon din ako. Nakahiga na 'ko ngayon sa kama pero ang hirap matulog dahil ang araw na ito ay ramdam kong kakaiba. Mula kanina sa hospital, kumusta na kaya 'yong lalaki? Sana maayos lang siya. Hindi ko rin alam kung kailan ko ibabalik iyong necklace niya, for sure nagpapahinga pa 'yon. And then, the man who saved me. I wonder who is he? Hinihiling ko sana makita siya uli para naman makapag-pasalamat ako ng maayos. Kaso parang malabong mangyari. Lastly, palaisipan din sa'kin 'yong sinabi ni Mama "It's not like that anak. Gusto ko lang na matuto kang harapin 'yong mga bagay na kinatatakutan mo. Gusto ko rin sana kahit nasa malayo ka, 'wag mo 'kong kalilimutan okay? I want you to be free, but promise me you'll never forget where you came from." Bakit pakiramdam ko'y may kakaibang bagay na hindi ko nalalaman nang banggitin niya ang mga salitang 'yon? Kung mayro'n nga ay... Ano nga ba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD