Chapter 4. Girl at the sea

2352 Words
Isang dagat na napakalawak ang na sa 'king harapan habang ako'y nakatayo. Pinagmamasdan ang ganda ng paligid at nilalasap ang simoy ng hangin. Pero nasan ba 'ko? Bakit ako nandito? Ilang minuto ang lumipas, isang ingay at sigaw ang naririnig ko mula sa boses ng isang babae. Lumingon ako sa paligid at 'di nga ako nagkakamali dahil isang babae ang nasa dagat na humihingi ng saklolo. Agad akong kumaripas ng takbo para tulungan siya at sa wakas nahawakan ko na ang kanyang kamay ngunit… Bigla siyang naging kalmado at tila nag-iba ang ekspresyon ng kanyang mukha. Seryoso siyang nakatingin sa'kin, bigla niyang hinawakan ang aking pisngi at… "Ang sumpa ay na sa'yo…" "Ang sumpa ay muli nang nabuksan at hindi ito mabubura kung hindi mo ito tatapusin… kasama siya…" Sunod-sunod na sinabi ng babaeng nasa harap ko. Gulong-gulo ako at gusto ko nang umalis sa harap niya. "Hindi kita kilala… bitawan mo ko…" sambit ko habang nagpupumiglas. "Kailangan mong putulin ang sumpa! Kailangan mong itama ang lahat!" "Pakiusap dinggin mo ang aking mga sinabi." "Huwag kang mabahala, nariyan na siya at hindi mo kailangan mag-isa. Kahit anong mangyari, ang nakaraan ay hindi mo matatakasan. Kahit pa ang ala-ala mo ay mabura, ang sumpa ay patuloy kang susundan kaya't buksan mo ang 'yong mga mata upang makita mo siya." Hinawakan niya 'ko sa kamay ng mahigpit at hinila niya ako pababa sa may tubig at… *** Sh*t! Panaginip na naman. Anong klaseng panginip 'yon? Hingal na hingal akong napaupo. Pagtingin ko sa orasan ay 8:57 pa lang ng umaga. Isang papel ang nakita ko sa gilid ng aking kama. "Good morning anak. Eat your breakfast, okay? Yvonne will pick you up at 12:30 pm. We'll talk later, I love you anak." - Mama Seriously? Bakit ang sweet ni Mama ngayon? I mean sweet siya pero hindi sobra na magsusulat pa ng letter sa papel. Nasanay kasi ako na kapag may sasabihin or ipagagawa siya, through text niya ipaaalam sa 'kin. Hindi rin kami madalas magkakwentuhan ni Mama dahil palagi siyang busy sa Hospital. Every sunday naman, umaalis siya at puro papel ang hawak niya, madalas niyang puntahan every sunday is City Hall. So going back to the topic. Bakit naman kaya ako susunduin ni Yvonne? Anong mayro'n ngayon? Nakakapagtaka na rin ang ikinikilos ni Mama this past few days. Medyo napapadalas na rin ang pagsasama namin at pagkakausap. Habang kumakain ako, napahinto ako sandali dahil hindi ko magawang kalimutan 'yong panaginip ko. "Ang sumpa ay na sa'yo…" "Ang sumpa ay muli ng nabuksan at hindi ito mabubura kung hindi mo ito tatapusin… kasama siya…" "Kailangan mong putulin ang sumpa! Kailangan mong itama ang lahat!" "Pakiusap dinggin mo ang aking mga sinabi." "Huwag kang mabahala, nariyan na siya at hindi mo kailangan mag-isa. Kahit anong mangyari, ang nakaraan ay hindi mo matatakasan. Kahit pa ang ala-ala mo ay mabura, ang sumpa ay patuloy kang susundan kaya't buksan mo ang 'yong mga mata nang makita mo siya.""Kailangan mong putulin ang sumpa! Kailangan mong itama ang lahat!" Hindi ko maintindihan 'yong sa part na, na sa akin ang sumpa. At isa pa, sinong "siya" ang tinutukoy niya? Hay nako! Kaya minsan hinihiling ko na sana 'wag na lang ako managinip dahil kadalasan ang weird sa feeling. Hindi ko na lang iniisip minsan pero parang may hangin na dinidiktahan 'yong utak ko na alalahanin 'yong mga panaginip na 'yon. Nakakabaliw. Naligo agad ako at pagkatapos ay nag-ayos na. Kasalukuyan akong nakaharap sa salamin at malalim na nag-iisip. Ano kayang isusuot ko? "Bessyyyy!" Paglingon ko ay si Yvonne pala. "Nandyan ka na pala. Sorry 'di kita narinig kumatok," tugon ko. Lumapit agad siya sa 'kin at niyakap ako na akala mo ay sampung taon akong nawala. "Namiss mo naman ako masyado," pagbibiro ko. "Syempre sino bang hindi makakamiss sa bestfriend kong walang jowa." sambit niya at tumawa pa ang loka! "Aba siraulo ka ah." kinurot ko siya sa braso at para kaming bata na naghahabulan at nagbabatuhan ng unan dito sa kwarto. "By the way, bakit biglaan 'yong pagsundo mo sa'kin? Parang may plano kayo ni Mama na hindi ko alam kasi 'di ba siya ang nagpasundo sa 'kin? Ano bang mayro'n ngayon?" nagtataka kong tanong habang nakaupo siya sa kama ko at kumakain ng pancake na niluto ko kanina. Ako naman ay nag-aayos sa harap ng salamin. Hindi niya sinagot ang tanong ko. "Hey, Yvonne ano na? Sagutin mo 'yong tanong ko." "Ay sorry napasarap ang pagkain ko sa cake kaya nalimutan ko na magsalita," pagbibiro niya habang tumatawa. "Baliw ka talaga. Seryoso, bakit nga? Anong mayro'n at saan tayo pupunta?" muli kong tanong. "Hay na ko bessy. Pwede bang 'wag ka na lang magtanong? I'm pretty sure, you'll like it. Don't worry bessy 'pag nandoon na tayo, masasagot na 'yang mga tanong mo. Kaya dalian mo na riyan." patuloy naman siya sa pagkain habang ako ay nag-aayos pa rin. Patuloy kami sa kwentuhan. Maraming tanong sa isip ko kung bakit kami aalis? Saan kami pupunta? Anong mayro'n ngayon at bakit biglaan? "Oh my God bessy! I forgot to say, sabi ni Tita ito ang isuot mo papunta ro'n," sambit ni Yvonne. "Seriously? Pati susuotin ko planado?" gulat kong tanong. "Bessy, go ahead na. Isuot mo na 'yan dalian mo nang masagot na ang mga tanong mo." agad niyang inabot sa 'kin ng paper bag. Agad ko itong kinuha at isang black casual dress ang bumungad sa 'kin. Woah! Ang unique ng style. Isa itong flamenco long back dress. Infairness, ang sarap hawakan ng tela. Agad akong nagpalit ng damit para suotin ang dress na galing kay Mama. Saan niya kaya 'to nabili at bakit ganito kaganda? Nagpalit din ng dress si Yvonne at ngayon ay para kaming pupunta sa party. "Orayt, let's go!" halatang excited siya habang ako ay nagtataka. Nag-grab kami ni Yvonne para mabilis na makarating sa pupuntahan namin. "Kuya sa may Caumine Resort po," sambit ni Yvonne sa driver na siyang ikinagulat ko. "Sa Caumine Resort? Pupunta tayo don? Bakit naman?" pagtataka ko. "Just wait and you'll see bessy," nakangiti niyang sambit. Kwentuhan at tawanan lang ang ginawa namin ni Yvonne. Kahit kailan talaga napapapayag ako ni Yvonne kahit saan. Sobrang pinagkakatiwalaan ko talaga siya. Hanggang sa makarating kami sa isang resort. Wala masyadong tao, bakit kaya dito kami dumiretso? Habang naglalakad kami ay biglang bumungad sa 'kin si Mama. "Finally! You're here. Halika na kumain na kayo para ma-enjoy niyo ni Yvonne ang party mamaya," pag-aaya ni Mama. Napaupo ako ng wala sa sarili. Teka lang. Naguguluhan ako, ano bang mayro'n ngayon? Lahat ay nagsasaya, kumakain at may kanya-kanyang mundo ang iba sa paglangoy habang ako ay nagtataka. "Mama, anong mayro'n ngayon? Bakit 'di mo ko sinabihan about dito?" pagtataka ko. "I'm sorry, Ferreira, ito lang ang way ko para makabawi sa 'yo. Alam kong pagdating sa oras at atensyon ay may pagkukulang ako sa 'yo," sagot nito. "P-pero Ma, hindi mo naman kailangan gawin 'yon… at isa pa hindi ka naman aalis 'di ba?" tugon ko. Tumango lang si Mama, pero bakit parang hindi maganda ang pakiramdam ko? Nagpatuloy ang lahat sa pagkain, paglangoy at iba pa. Maraming tanong sa isip ko kung bakit ginagawa ito ni Mama? Kung tutuusin ay laking pasasalamat ko dahil kahit ampon lang niya ako ay 'di niya 'yon pinaramdam. Bakit pakiramdam ko ay may bagay akong hindi alam? "Bessyyy! Halika na rito, 'wag ka na magpa-charming diyan hindi ka namn iitim noh!" pang-aasar sa 'kin ni Yvonne. Nakaupo kasi ako sa taas ng pool at nakababa lang ang paa ko sa tubig habang nag-iisip ng malalim. Hindi ko naman talaga hilig ang pool pero siyempre ayokong maging kj lalo't si Mama ang nagplano nito. Binasa ako ng tubig ni Yvonne kaya napilitan na 'kong bumaba sa pool. Pagkalangoy ko, out of nowhere biglang pumasok sa isip ko 'yong panaginip ko bago ako magising kanina. "Ang sumpa ay muli ng nabuksan at hindi ito mabubura kung hindi mo ito tatapusin… kasama siya…" "Kailangan mong putulin ang sumpa! Kailangan mong itama ang lahat!" "Pakiusap dinggin mo ang aking mga sinabi." "Huwag kang mabahala, nariyan na siya at hindi mo kailangan mag-isa. Kahit anong mangyari, ang nakaraan ay hindi mo matatakasan. Kahit pa ang ala-ala mo ay mabura, ang sumpa ay patuloy kang susundan kaya't buksan mo ang 'yong mga mata nang makita mo siya." Mabilis akong napaahon Hingal na hingal tuloy ko. Sh*t! Bakit bigla kong naisip 'yon? Ginagambala na naman ako ng isang weirdong panaginip. "Hey! Bessy? Anong nangyari sa 'yo at natulala ka na na riyan?" nasa harap ko na pala si Yvonne 'di ko namalayan. "Panaginip na naman bessy," walang emosyon kong sinabi. "Again? Hindi ka pa rin tinatantanan ng blur man na 'yon sa panaginip mo?" tanong niya. "It wasn't him. It's about the g-girl at sea, paulit-ulit niyang sinasabi na a-ako ang sumpa a-at… kailangan ko raw tapusin iyon kasama siya." nakatanaw ako sa malayo habang nag-iisip. "Sinong siya?" pagtataka niya. Tuluyan na 'kong umahon sa tubig. "Hindi ko nga rin sure bessy pero… nakakakilabot kung iisipin. "Don't tell me tinatablan ka ng takot sa panaginip mo?" pang-aasa ni Yvonne sa 'kin. "Kinakabahan? Well, that's what I feel," sagot ko. "Okay bessy, let me ask you nga. Sa buong buhay mo ba ay naka-encounter ka ng sumpa? Nakulam ka na ba?" tanong niya. Umiling lang ako. "See? So it means kabaligtaran lang 'yon. Kasi kung id-describe ko ang buhay mo, napaka-simple mo lang. Wala masyadong ganap sa buhay mo. Never kang nasangkot sa mga gulo or what, except na lang sa… nevermind. You know what I mean." tama naman siya. Ang ibig niyang sabihin ay 'yong tungkol sa photographer. May punto naman kasi siya, napakasimple ng buhay ko. Wala masyadong ganap, kumbaga ay pumapangalawa sa level ng salitang "bored". Kahit ang pag-iyak ay napakadalang mangyari sa 'kin. Wala naman kasing rason. Hindi ko rin alam kung bakit pero siguro ganito talaga 'pag walang kapatid. Ang mahalaga naman ay totoo ang mga taong nasa paligid ko. "Sagutin mo nga tanong ko, bessy. Ano ba sa pakiramdam na masaktan dahil sa lalaki?" kusa na lamang lumabas ang tanong na 'yon sa bibig ko. "Ayan na nga ba ang sinasabi ko. Veinte tres kana hindi ka pa rin nakararanas ng heartbreak. Bakit ba 'di mo itry mag-entertain para malaman mo?" sambit niya. Inirapan ko naman siya at saka ako ngumisi. "Alam mo 'pag nagka-boyfriend ka ngayon, sure akong sobrang heartbreak ang mararanasan mo," dagdag pa niya. "Ang harsh mo sa 'kin. Paano mo naman nasabi?" tanong ko. "Kasi nga wala ka pang experience. Pero ang masasabi ko lang, swerte siya sa 'yo. Feel ko kasi mas sweet ka pa sa 'kin once magkaroon ka ng special someone." aba nambola pa. "Sweet lang maswerte agad?" kontra ko. "Ewan ko ba sa 'yo bessy. Tatanda ka talagang dalaga, ako na nagsasabi sa 'yo." pang-aasar niya pagkatapos ay binasa niya 'ko ng tubig. "Tama na 'yan, halika na't kumain na tayo," pag-aaya ko. Sa wakas ay umahon na rin si Yvonne, sabay na kaming kumain, kasama si Mama. Ramdam ko ang kasiyahan ngayong araw pero bakit sa kabila nito ay may kaunting porsiyento ang bumabalot sa puso na nagsasabing… may hindi mabuting mangyayari. Alford Point of View Kasalukuyan akong nagpapahinga sa kama ko. Tumawag si Papa kanina kaya sinabi ko ang tungkol sa pagkabaril ko. Ang sabi niya ay may mga tauhan siyang pinasunod sa 'kin, at tama nga ako dahil ang apat na lalaki kanina ay ang tauhang tinutukoy niya. Hinarangan nila 'ko at ayaw padaanin kanina kaya sinuntok ko 'yong isa. Hinabol nila 'ko pero 'di nila ko naabutan kaya napilitan silang paputukan ako ng bala. Wala naman sa utos ng Papa na barilin ako, pero dahil ginawa nila 'yon ay isa silang hangal. Maya-maya ay biglang nag-vibrate ang phone ko, pagtingin ko ay si Papa. Pagkabasa ko sa message niya ay naihagis ko ang phone ko sa sobrang inis. Nagtext siya hindi para kumustahin ako, kundi para utusan ako na pumunta bukas sa Residencia Palacio de Josefa Cebu. Tsk. Alam na nga niyang may mga sugat pa 'ko, andami agad niyang pinagagawa. Imagine? Kahit nandito ako sa Cebu, hindi ako nawawalan ng iniisip at ginagawa. Dami niyang utos na akala mo tunay kong ama. Itinuturing ko siyang ama, oo. Pero kahit kailan hindi niya mapapantayan ang pagiging ama ng tunay kong Papa. Sa sobrang inis ay mas pinili ko na lang na matulog muna, may mga aasikasuhin pa 'ko bukas. Ferreira Point of View Ilang oras ang lumipas bago matapos ang kasiyahan dito sa resort. Habang nagsasaya ang mga bisita, wala 'kong ibang ginawa kundi pagmasdan sila. Kahit anong tanong ko kay Mama, paulit-ulit lang ang sagot niya. Kaya niya raw ito ginagawa ay para makabawi sa 'kin. Pero bakit kahit nasagot niya ang tanong ko, pakiramdam ko ay 'di 'yon ang totoong rason. Anyway, naglilinis na kami at napagdesisyunan na naming umuwi. Punong-puno pa rin ng katanungan ang bumabalot sa isip ko. Nag-grab kami para mabilis makauwi. Bago bumaba si Yvonne ay niyakap niya 'ko ng sobrang higpit at saka inabot sa 'kin ang isang paper bag. "Para saan 'to?" nakangiti kong tanong. "Basta lagi mong dalhin 'yan. Habang wala kang boyfriend, 'yan muna ang i-treasure mo. Saka mo na 'ko gawing second priority kapag nahanap mo na si the one, okay?" sambit niya. Teka, bakit parang naluluha siya? Hinampas ko siya sa braso at tinawanan. "Ano ka ba? Parang timang, ano ako mawawala?" Bigla niya 'kong niyakap ng mahigpit, nakaramdam tuloy ako ng kakaibang lungkot. "Sige na mauna na 'ko." "Ingat po kayo Tita!" Sunod-sunod na sambit ni Yvonne bago tuluyang umalis. Hanggang sa makauwi na rin kami ni Mama. Pagpasok sa bahay ay agad akong nagpaalam kay Mama na magpapahinga muna 'ko. Habang iniisip ko ang mga nangyari ngayong araw, bigla na lang akong nakaramdam ng antok. Para saan nga ba lahat ng ginagawa ni Mama? Tanong ko sa 'king isip bago tuluyang pumikit ang aking mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD