Chapter 5. Residencia Palacio de Josefa Cebu

3337 Words
Nagising ako ng eksaktong 11 am, napasarap na naman ang tulog ko. 'Yon nga lang ay 'di na 'ko nakapag-palit kagabi. Jusmiyo! In fairness wala akong panaginip kagabi, kaya pala ang haba ng ginugol ko sa pagtulog. Naghilamos agad ako at bumaba. Laking gulat ko nang makitang napakaraming pagkain at napakaayos ng buong paligid. Ano naman kaya ang mayro'n ngayong araw? "Anak, sa wakas gising ka na. Halika rito kumain ka muna, pagkatapos ay maligo ka at mag-ayos ng bongga." salubong sa 'kin ni Mama. "Wait lang, Ma, ano bang mayro'n ngayong araw? At saka bakit 'di ka pumasok sa work?" nagtataka kong itinanong. "Basta, anak, kumain ka na lang dito. Oo nga pala, ito ang isusuot mo. May pupuntahan tayo ngayong araw, at may magsusundo sa 'tin." sunod-sunod na sinabi ni Mama. Mabilis na lumakad si Mama paakyat. Maya-maya lang ay bumaba na siya dala ang isang napakagandang black sequin long dress. "Anak, ito ang isusuot mo ang ganda 'di ba? Kaya kumain ka na riyan. Dalian mo anak at baka dumating na sila." sambit ni mama habang tinutulak ako palapit sa table. "Ma ano ba kasing mayro'n ngayon? Bakit ako magsusuot niyan? Mag p-prom ba 'ko?" natatawa kong tanong. "Basta kumain ka na anak dalian mo na, maliligo na muna 'ko at mag-aayos." agad itong dumiretso sa cr. Habang naliligo si Mama, andaming tanong sa utak ko ang gumugulo kaya 'di ako masyado nakakain. Bakit andaming pagkain? Hindi ko naman birthday ngayon, hindi rin birthday ni Mama. At isa pa, bakit kaya napakaganda naman ng gown na isusuot ko at saan kami pupunta? Sinong magsusundo sa 'min? Nakakapagtaka lang dahil biglaan, tapos 'di pa pumasok si Mama sa work. So weird. Ilang minuto rin ang nakalipas sa wakas ay natapos rin si Mama sa pagligo kaya ako naman ang sumunod. Pagkatapos kong maligo ay nag-ayos na agad ako. Simpleng ayos pero elegante ang datingan. "Ferreira dalian mo. Nakabihis ka na ba?" sambit ni mama habang kinakatok ang pinto. "Yes Ma, I'm almost done." Sambit ko. Finally! Suot ko na ang black sequin long dress. Napakaganda ng dress na 'to pero anong purpose ng pagsusuot nito? Saan kaya kami pupunta? Pababa na 'ko sa sala, laking gulat ko dahil isang matandang babae na sa palagay ko'y cuarenta ang edad kagaya ni Mama. Lumapit siya sa 'kin na para bang maluluha sa tuwa nang makita niya 'ko. Napakaganda rin ng gown na suot niya pero medyo chubby siya. "Eres Preciosa! Eres hermosa!" Sambit nito sabay yakap sa'kin ng mahigpit. Eres Hermosa means you're beautiful while eres preciosa means you're gorgeous. Kahit papaano ay may natutunan ako sa mga pinapanood ko. "My pleasure to finally met you! By the way, you can call me Señora." dagdag pa nito habang nakayakap sa 'kin. What does she mean? I don't know her. Isang matandang lalaki naman ang lumapit sa 'kin na sa tingin ko ay cuarenta y sinco ang edad. Nakasuot siya ng tuxedo at black pants na kadalasan ginagamit sa mga prom or formal meeting. "We're glad we found you here. And from now on, you can call me Señor, okay?" sambit niya sabay tapik sa 'king balikat. Maya-maya ay tumingin ako kay Mama. Bigla na lang akong nakaramdam ng lungkot nang masilayan kong nakangiti siya habang maluha-luha ang kanyang mga mata, pero bakit? Alam kong pilit ang ngiti na 'yon pero bakit gano'n ang mga mata niya? Ramdam ko rin na may bagay akong 'di nalalaman pero ano iyon? Bakit hindi maganda ang pakiramdam ko sa nangyayari? "Don't worry, sweetie, we're going to explain everything later," sambit ni Señora. Ngiti lang ang tangi kong nagagawa simula kanina. Hindi ako makapagsalita at napakaraming tanong sa utak ko. Baka naman a-attend lang kami sa isang party? Posible naman iyon pero bakit ako kinakabahan? Bakit 'di ako sinabihan ni Mama ng maaga pa lang? Habang nasa loob kami ng isang Van, hindi ako mapakali. Nasa likod kami at katabi ko ang matandang babae habang ang braso niya ay nakapalupot sa braso ko. Hindi tuloy ako masyado makagalaw dahil sa pagkailang. Isama mo pa ang paulit-ulit na puri at ngiti ang ibinibigay niya sa 'kin sa tuwing mapapatingin ako sa kanya. Ngiti na lang din ang isinusukli ko. Hindi ko tuloy makausap si Mama dahil nakaupo siya sa tabi ng driver seat, 'yong matandang lalaki na si Señor Eduardo ang siyang nagmamaneho. "You know, Ferreira, you're such a beautiful woman! I'm sure they'll like you." "Look how wonderful you look like an angel." "You should always wear a smile, okay?" Ngiti at tango lang ang tangi kong nagawa. Jusmiyo ano bang dadatnan namin sa lugar na pupuntahan namin? Hindi na 'ko natutuwa dahil kada papuri ng matandang babae na 'to ay mas lalong lumalakas ang heart beat ko. Sa wakas ay nakarating na kami dito sa isang lugar na ang nakalagay ay Residencia Palacio de Josefa Cebu. Inalalayan ako sa pagbaba ng kotse ni Señora Elizabeth. Isa pala itong malaking building sa harap. Sa aming pagpasok laking gulat ko dahil ang paligid ay puno ng disenyo. Sa gitna ay may red carpet na napapaligiran ng naggagandahang bulaklak. Para akong nasa ibang bansa dahil ang buong paligid ay kumikintab sa sobrang ganda. Napakaraming tao ang nakatayo sa bawat gilid suot ang kani-kanilang gown at tuxedo. May mga militar ang nakabantay sa bawat sulok. Pero bakit ang mga nakikita ko rito ay para bang iba ang lahi, halata sa itsura nila. Habang kami ay naglalakad sa gitna, 'di ko maiwasan ang mailang dahil lahat ng atensyon ay na sa 'min. "Good morning Señora Elizabeth and Señor Eduardo. We're glad to see you here with your gorgeous representative." ngiting bungad sa amin ng isang morenang babae na sa palagay ko ay kasing edaran ko. Representative? Tama ba ang pagkarinig ko na ako ang tinutukoy niya? Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa loob ng conference room, 'yon kasi ang nakalagay sa taas ng pinto. Pagpasok sa loob ay napakaraming babaeng naggagandahan, nakagown din sila gaya ko ngunit natitiyak kong kakaiba ang sa 'kin. Simple ngunit kapansin-pansin ang dating nito sa mata ng mga tao. Kumikintab kasi ang suot ko at fitted ito kumpara sa iba na nakasuot ng ball gown, parang js prom ang datingan nila. Napakalaki rin ng stage, pakiramdam ko tuloy isa itong auditorium tapos may magr-role play. Umupo kami malapit sa gitna. "Please excuse us for a moment." tumayo si Mama at isinama ako. "It's okay, just talk to her before the program start," sambit ni Señor Eduardo. "Tell her everything," dagdag pa ni Señora. Dali-dali akong hinila ni Mama papunta sa may back stage kung saan walang tao. "Ferreira, Anak, there's something you should know. I know it's hard to believe, but please don't get mad, okay?" Mama said. Kita sa mata ni Mama ang kaba ngunit ano nga bang dapat kong malaman? "Anak kailangan mong pumunta ng Spain. Isasama ka na nila sa susunod ng linggo at kailangan mo nang maghanda para sa pag-alis niyo." halos malaglag ang panga ko sa sinabi niya. Tama ba ang narinig ko? Sasama ako do'n sa dalawang matanda na hindi ko kilala? "Bakit Ma? Bakit ako sasama?" nagtataka kong tanong. "Basta sumama ka sa kanila, listen to me okay? You have to go there, kasama sina Señora Elizabeth at Señor Eduardo. Sila muna ang magiging magulang mo habang wala ako dah—" "P-pero bakit nga Ma? Hindi pwedeng basta ang sagot mo. A-anong bang rason at bakit ako sasama? Sino ba sila?" gulong-gulo kong tanong. "You have to go there for your own sake, anak… kailangan mo—" "K-kailangan? So kaya mo 'ko kinausap at sinabihan na mamasyal sa Spain dahil dito? Ano ba kasing rason deretsuhin mo naman ako bakit kailangan kong pumunta do'n kasama sila? Sino ba sila? Ano ko ba sila?" naguguluhan kong tanong habang naka-kunot noo. Maluha-luha niya 'kong hinawakan sa pisngi. "Anak… ako ang totoo mong Mama, itinago ko lang sa'yo ang t-totoo…" "Ikaw Ma kailan ka pa natuto magjoke? Tara na nga balik na tayo roon. " nakuha ko pang magbiro. Hinila ko sa braso sa Mama pabalik sana sa upuan pero nanatili siyang nakatayo. "Nagbibiro ka lang 'di ba, Ma?" tanong ko rito kasabay ng ngiting pilit. Umiling si Mama na nagsasabing hindi. Hindi siya nagbibiro. Kusang kumirot ang dibdib ko. Tagos sa puso ang sinabi niya. Bigla na lang akong nanghina na ewan. "Kinailangan kong itago ang totoo kasi alam ko, darating din ang araw na malalayo ka sa'kin at ginawa ko 'yon para masanay ka. Sa araw-araw na dumaraan ginagawa ko ang lahat para hindi mapalapit ang loob mo sa 'kin… para kung sakaling tuluyan ka nilang kunin, atleast hindi na sobrang sakit at mas madali mong matatanggap." sambit niya habang lumuluha sa harap ko. Hindi ako makapagsalita at patuloy na nakikinig sa kanya. "Anak ang totoo niyan, taga Spain ang Papa mo kaya may lahi kang kastila. Nakilala ko ang Papa mo sa Spain noong panahon na nagbakasyon ako roon, nakilala ko siya dahil isa rin siyang bakasyunista. Ikinasal kami sa Valencia Spain at doon din kita ipinanganak. Noong araw na ipinanganak kita, muntikan kang mamatay. Nagkaroon ng taning ang buhay mo at ang sabi ng doctor isang linggo na lang ang itatagal mo." "Isang araw may nakilala akong tutulong sa 'yo at 'yon ay sina Señora Elizabeth at Señor Eduardo. Sila ang gumawa ng paraan para makahanap agad ng heart donor. Nagtagumpay ang operasyon mo ngunit binigyan nila 'ko ng kondisyon. 'Yon ay kukunin ka nila sa tamang panahon… a-at ito na ang tamang oras." halos lamunin ako ng makapal na hangin sa mga narinig ko. Awtomatikong kumirot ang dibdib ko. "N-nasan ang p-papa ko?" nauutal kong naitanong. "Maagang namatay ang Papa mo… kapapanganak ko pa lang sa'yo ay namatay siya paglipas ng halos dalawang linggo. Dahil sa Gastritis Stage 4, iyon ang sakit niya na hindi naagapan. Kaya nahirapan akong lumuwas pabalik dito sa Pilipinas, pero dahil kina Señora Elizabeth at Señor Eduardo, sila ang tumulong sa 'kin na muling makabalik sa Cebu." sambit ni Mama habang lumuluha. "So it means… lahat ng tungkol sa 'kin ay p-peke lang?" nanginginig kong tanong habang pinipigilang maiyak. Ang mga papel, gaya ng birth certificate, ang mga bagay na inakala ko'y tama ay peke lang? "At saka… bakit ako nandito? Para saan lahat ng 'to?" tanong ko kasabay ng luha ko sa pag-agos. 'Di ko na mapigilan ang sarili ko sa sobrang sakit ng mga nalaman ko pakiramdam ko unti-unti akong dinudurog. "Anak, kaya ka nandito dahil pinili ka nina Señor Eduardo at Señora Elizabeth bilang representative sa isang company na itinayo nila sa Spain. At hindi lang 'yon, ikaw rin ang magsisilbing model sa negosyo dahil kapag sumikat ang mga products na im-model mo ay malaking pera ang kikitain ng company dahil maganda ka, malaki ang chance na gawin ka ring model sa iba't-ibang products tapos…" "N-negosyo pa rin ng nasa isip mo habang ang bigat bigat ng kalooban ko? Kumusta naman 'yong nararamdaman ko? Sana sinabi mo ng maaga para 'yong sakit hindi ganito kalala!"mariin kong sinabi. "Tingin mo ba ganon kadali 'yon?! Itinago mo sa'kin ang lahat! Ginawa mo 'kong tanga, tapos… tapos kukumbinsihin mo 'kong sumama sa mga taong ngayon ko lang nakilala? Anong utak mayro'n ka para sabihin lahat sa 'kin yan?!" 'di ko na mapigilan ang mataasan siya ng boses. Ramdam ko na ang sakit. "Anak, hindi ko naman intensyon na saktan ka kinailangan ko lang kasi na—" "At sa tingin mo hindi ako nasaktan sa ginawa mo? Pinaniwala mo 'ko sa mga bagay na walang katotohanan! Nabuhay akong akala ko napakasimple lang ng buhay ko pero ang totoo, pati sarili ko hindi ko pala talaga kilala…" "Anak I am so sorry, but I just did what I think is right. I didn't do it for myself. Anak, pakinggan mo naman ako at intindihin mo naman san…" "But how? Ang lakas mo naman sabihin na 'wag akong magalit, Ma. Tingin mo anong mararamdaman ko ngayong alam ko na ang buhay na tinahak ko, lahat peke. Lahat ilusyon lang. Dapat ba 'kong matuwa sa nalaman ko na pagkatapos mong ilihim na ikaw ang tunay kong Ina, gusto mong sumama ako sa mga taong ngayon ko pa lang nakilala?" "Am I supposed to be okay with that?" I said while the tears trickled down my cheeks. Ngayon na lang ulit ako umiyak, sa tinagal-tagal na panahon ay muling pumatak ang aking mga luha. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko kaya tumakbo ako kahit lahat ay nagulat sa ginawa ko, wala na 'kong pakialam. Lahat ng atensyon nila ay na sa 'kin. Kahit ang ibang bisita ay nagulat sa ginawa ko, pero wala 'kong pakialam. Wala silang alam sa nararamdamn ko. Hinabol ako nina Señor Eduardo at Señora Elizabeth pero 'di nila ko naabutan. Napakasakit ng mga nalaman ko ngayon, ito ang unang beses na pinaka-nagdulot sa 'kin ng sakit. Pakiramdam ko ay hindi ko kilala ang sarili ko. Nabuhay ako sa mundo na puno ng kasinungalingan. Lahat ng makakasalubong ko ay pinagtitinginan ako. Bulong-bulongan ng mga tao sa 'king paligid ang tangi mong naririnig, pero wala akong pakialam. Lalabas na sana ako pero bigla akong hinarangan ng mga tao at lahat sila'y nakapalibot na sa 'kin. Ano bang trip nila? Gusto ko nang umuwi. Bakit ba ang pangit ng araw na 'to? Sana'y panaginip na lang ang lahat. "So, you're one of the representative, can we ask you something?" Kung anu-ano pang tanong ang ibinabato nila sa 'kin at ang iilan ay hindi ko maunawaan dahil sa ito'y wikang Espanyol. Ano 'to? Bakit nila ko in-interview? Sino sila? Andami nila, hindi ako sanay sa ganitong klaseng sitwasyon. Ang bigat ng pakiramdam ko. Wala akong nagawa kundi tumakbo kahit pa medyo hirap ako dahil sa suot ko. Bahala na kung mabangga ko silang lahat. Paano na 'to? Saan ako pupunta? Si Yvonne lang ang kaibigan ko na maaasahan ko. Nakita kong papalapit na naman sa 'kin ang mga tao kaya nataranta ako lalo. Sh*t! Nabitawan ko pa ang phone ko. Agad ko itong kinuha at tatawagan ko na sana si Yvonne pero bakit ganon? Nawala lahat ng numbers na naka-saved sa contacts ko. Ang malas talaga! Natataranta akong tumakbo at habang hawak ang phone ko nakita ko 'yong calling card sa likod ng case ko. Oo nga pala ito 'yong lalaking pasyente sa hospital na tinulungan ko makalabas. Bigla kong naalala 'yong huli niyang sinabi sa'kin. "I don't have much time to talk at this moment, but this is my number. Just call me in case you need something, I'll be there." Hindi ko alam kung anong hangin ang nagtulak sa 'kin na gawin ito pero naisip kong itext ang number na 'yon at nagbabakasakaling matulungan niya ako na makaalis sa lugar na 'to. Gusto ko nang umalis sa lugar na 'to! Gusto ko nang kausap dahil sobrang bigat ng pakiramdam ko. Agad akong nag-text sa number na nakalagay sa calling card. Alford Point of View Na sa labas ako ng conference room dahil katatapos lang ng meeting dito sa Residencia Palacio de Josefa Cebu at nagawa ko na ang utos ni Papa. Ang lugar na ito ay para lamang sa mga taong taga-Cebu na magtatayo ng negosyo sa Spain. Halos lahat ng naririto ay taga-Spain. Dito inaayos ang lahat ng papeles at dito rin nagaganap ang mga mabibigat na pagpupulong. Kaya lang naman ako naparito ay dahil sa utos ni Papa kagabi. Kasalukuyan akong papunta sa kotse ko para doon na lang magpahinga ngunit natigilan ako dahil sa mga taong nagkukumpulan malapit sa entrance. Lalapit na sana ako sa bandang entrance way, pero napahinto ako sa paglalakad dahil biglang nag-vibrate ang phone ko. Isang message from unknown number. Unknown number: Hello, it's me. 'Yong nurse na tumulong sa 'yo last time na makalabas ng Hospital. I badly need your help right now. Bigla akong nagising at tila nakaramdam ng lungkot sa aking dibdib dahil sa message na 'yon. Me: Sure, what can I do for you? Her: I just wanna get out of this place. Me: Okay, calm down. So, where are you now? I'll go there. Her: Dito sa loob ng Residencia Palacio de Josefa Cebu. I guess you're not familiar in this place. Gusto ko lang talaga nang tutulong sa 'kin na makalabas dito. Me: Seriously? Nandito rin ako. Oh what a coincidence. Okay tell me the exact place where you are, I'll go there. Her: Is that true? Near the entrance way. There's a lot of people here, I don't know what to do. Napaisip tuloy ako, bakit naman kaya siya nandito? Ano ba siya rito? Isang bisita o representative. Dali-dali akong naglakad at kahit pa may mga nakakasalubong ako na panay ang bati sa'kin, hindi ko na maharapan na sila'y batiin pabalik o ngitian man lang. Lumapit agad ako rito at nagtanong muna para makasigurado. "Excuse me Sir, what's wrong here?" I asked. "Ay Sir may in-interview po kasing magandang babae, hindi ko po alam kung representative o bagong bisita, ang kaso lang umiiyak po at saka kanina pa tumatakbo kaya sinusundan ng mga reporter at ng ibang tao," sagot ng lalaki. Dali-dali akong naglakad sa gitna ng mga taong kumpulan. "Excuse me!" I said with my loud voice. Agad naman silang napatingin sa 'kin at napahinto. Ang mga reporter ay napayuko. Pakiramdam ko, ang nurse na nag-text sa 'kin ay ang babaeng pinagkakaguluhan nila. Sa gitna ng mga tao ay may isang babaeng tila pamilyar ang mukha. Isang magandang babaeng na may kakaibang ganda sa lahat ng babae na nakita ko ngayon ngunit halata sa kanyang mata na siya ay nababalot ng lungkot. Lumapit agad ako sa kanya. "Estoy aquí, yo me ocuparé de ella." (I'm here, I'll take care of her.) I said in front of many people. Ferreira Point of View Nagulantang ako dahil isang lalaki ang lumapit sa 'kin na ngayon ay na sa aking harapan. At ang lalaking ito ay… ang lalaking nagligtas sa 'kin noong isang araw. Naglalakad kaming dalawa na magkahawak ang kamay palayo sa mga taong kanina ay nag-uunahan sa paglapit sa 'kin. Hanggang sa makarating kami sa parking lot kung saan walang tao. "Bitawan mo na 'ko." agad akong bumitaw sa kanyang pagkakahawak at umatras ako ng kaunti. "Sino ka ba? Bakit mo 'ko tinulungan?" tugon ko habang siya ay nakatalikod. Bigla siyang humarap sa 'kin at itinuro ang kanyang phone gamit ang nguso niya. "Tinupad ko lang 'yong tinext ko sa'yo kanina na pupuntahan kita." sambit niya na nakangiti. "So it means… ikaw 'yong pasyente na nagbigay sa 'kin ng calling card?" nagtataka kong itinanong. "Exactly, Ms. Gorgeous." nakangiti niyang sagot. "P-pero hindi lang ito ang unang pagkakataon na tinulungan mo 'ko." bakas sa mukha niya ang pagtataka. "What do you mean by that?" he asked. "Ako 'yong babaeng niligtas mo noong isang araw dahil muntik na 'ko mabunggo ng sasakyan. Naka-mask kasi ako that time kaya 'di mo siguro ako naalala." sunod-sunod kong sinabi. Bakit gano'n? Bigla na lang kumabog ang dibdib ko. Nakakapagtaka lang, bakit siya nandito? "Seriously? Nice meeting you again." sambit niya at bigla siyang lumapit sa 'kin. Aktong yayakapin niya ako pero hinarang ko ang kamay ko. "Oops, sorry. Hindi ako sure kung ikaw ba talaga 'yong pasyente." pag-awat ko. Gusto ko lang naman makasiguro. "It's okay if you don't believe me. I just want you to know that I'm here in case you need someone to talk to, I'm here." he said with his genuine smile. Tinitigan ko lang siya ng ilang segundo habang nakakunot noo. Kahit sa totoo lang ay napaka-thankful ko dahil sa pagtulong niya sa 'kin. Ginawa ko na 'yong nasa isip ko, tinawagan ko ulit 'yong nasa calling card at maya-maya lang ay narinig ko ang phone niya na nagr-ring. Sinagot niya ito at… "Hello, Ms. Gorgeous, it's me." sambit niya kasabay ng isang malawak na ngiti. Sh*t! Siya nga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD