Chapter 6: Agreement

3184 Words
Siya nga ang pasyenteng nagbigay ng calling card sa 'kin. "Sorry kung 'di man lang ako nakapagpakilala sa 'yo last time sa hospital. Hindi ko rin inaasahan na ikaw 'yong babaeng iniligtas ko pero alam mo ba kaya kita tinanong kung nurse ka? Kasi that time na sa isip kong pamilyar ang mata mo roon sa nurse," sambit niya. "It's okay. Hindi kasi talaga ako nurse pero may alam ako sa mga medication at 'yong mga gawain ng isang nurse or assistant. Kaya ako ang nagbantay sa 'yo kasi wala 'yong nurse na in charge sa 'yo at anak ako ng Doctor. Uhmm… sorry nagduda ako sa pagkatao mo but I just want you to know that I'm thankful sa pagtulong mo… lalo ngayon kasi kailangan ko…" napayuko na lang ako nang muling maramdaman ang lungkot. Hindi ko namalayang lumuluha na pala 'ko. Bigla na lamang kaming nagkatitigan at hindi ko maipaliwanag kung bakit may kakaiba akong nararamdaman. Para bang may kung anong paru-parong lumilipad at 'di mapakali sa 'king dibdib ngunit mas nangingibabaw ang sakit na nararamdaman ko. Dahan-dahan siyang lumapit sa 'kin at laking gulat ko dahil pinunasan niya ang aking mga luha gamit kanyang kamay, kasabay ng kanyang ngiting nakatutunaw. Bakit ganito na lang kagaan ang loob ko sa tulad niya? "I'm sorry." lumuluha kong sinabi. Tumalikod ako at akmang tatakbo ngunit hinila niya ang aking kamay dahilan para ako'y mapaharap sa kanya. Niyakap niya 'ko ng mahigpit at nagmistulang estatwa ako sa aking kinatatayuan dahil 'di ko nagawang gumalaw o bumitaw. Niyakap ko siya pabalik at tuluyan na ngang bumagsak ang aking mga luha na kanina ko pa pinipigilang pumatak. Bigla na lang bumuhos ang ulan kasabay ng matunog at malakas na kulog at kidlat. Para bang sumasang-ayon ang panahon sa emosyong nararamdaman ko ngayon. Ilang minuto lang ang lumipas ay unti-unting naging malabo ang lahat at ang bawat patak ng ulan na dumadampi sa 'king katawan ay unti-unting nawawala sa 'king paningin. Alford Point of View Ferreira. That's her name. I got it. Kaso lang ay 'di ko nakuha ang full name niya. No'ng niyakap ko siya kanina bigla na lang bumuhos ang ulan pagkatapos ay nahimatay siya kaya agad ko itong dinala sa clinic. Buti na lang nasalubong ko agad 'yong magulang niya at 'yong dalawang matanda na kasama niya. But seriously, hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay kinukurot ang dibdib ko habang lumuluha si Ferreira sa harap ko kanina. Para bang konektado ang damdamin namin. Saan kaya siya nakatira? Gusto ko siyang makita at makilala pa. Imagine? Napaka-coincidence ng lahat, ilang beses na kaming nagkakatagpo pero palaging nauudlot 'yong pagkakakilala namin dahil sa mga nangyayari. Una sa lahat, siya 'yong nurse na tumulong sa 'kin makalabas ng Hospital. No'ng araw ding iyon siya pala 'yong babae na iniligtas ko dahil muntikan na siya mabunggo ng sasakyan. Tapos ngayon tinulungan ko ulit siya. Tadhana pinaglalapit mo ba kami? Hindi ko kasi naitanong kung anong rason ng pagluha niya. Hindi ko rin lubos akalain na sa lugar na 'to kami magkikita muli. Pero bakit nga ba siya nandito? Isa ba siyang bisita o ano? Dahil ako, isa akong representative sa kompanya namin at sa palasyong tinitirahan ko sa Spain. Galing ako sa pamilyang Cardenas at marami kaming negosyong alak at mga sikat na cake and pastries sa Spain, na nakakarating din sa iba't ibang bansa. Marami kaming pag-aaring shop sa Spain kaya kilala ang pamilya ko. Nagtataka tuloy ako, kung sakaling si Ferreira ay isa ring representative, saang pamilya naman kaya siya kabilang at anong klaseng kompanya ang ir-represent niya? Kung hindi siya representative ay mas okay 'yon. Bigla tuloy nag-flash back sa 'kin 'yong mga pinag-usapan namin sa palasyo bago ako pumunta rito sa Pilipinas. *** "Ang buong spain ay may apat na palasyo mula sa apat na pamilya. Ang pamilyang mula sa Palasyo natin dito sa Madrid at Bilbao Palace ang magiging isa sa pamumuno ng company at mga negosyo. Ang Valencia at Malaga Palace naman ang magiging magkasama. Kaya dalawang panig ito na kung saan isa lang ang mananalo. Ang sino man na manalo ang siyang mamumuno sa buong Spain at ang negosyo ng dalawang pamilyang iyon ay mas magiging tanyag sa buong mundo at makikilala ng husto. Pero hindi pa sigurado kung magkakaroon ng pagbabago sa sinabi ko at magkaroon ng pagpapalitan. Malalaman natin lahat sa susunod na linggo," sambit ni Papa kay Mama.. "Si Mishka at Alford ang representative ng company natin at nalalapit na magmana sa buong palasyo kaya't mainam na 'wag mo silang payagan na lumuwas ng Pilipinas. Malapit na ang business presentation at pagpapakilala ng bawat representative," dagdag pa ni Papa. Nag-walk out ako dahil sa pinag-uusapan nila. Naiinis ako dahil sapilitan ang lahat. Gusto ko pang mag-enjoy sa buhay ko. Dumiretso ako sa kwarto at umupo muna habang nag-iisip. Nalalapit na ang pagpapasa ng pamana sa 'min nila Mama at Papa mula sa mga ari-arian at magh'handle ng mga negosyo. Kasalukuyan kong ginagamit ang laptop ko, maya-maya ay bumukas ang pinto, pagtingin ko ay ang kapatid kong si Mishka. "¿Me ayudarás a convencer a papá?" (Willl you help me convince Papa?) she asked. "¿Sobre qué?" (About what?) pagtataka ko. "Esto es sobre la familia Espinosa. No quiero estar con ellos," (About Espinosa Family. I don't want to be with them.) sambit niya kaya napalingon ako sa kanya. "¿Por qué razón?" (For what reason?) I asked. "No lo sé… Por cualquier razón, sólo no me gustan… Quiero estar con la familia Nazario," (I don't know… For whatever reason, I just don't like them… I want to be with Nazario Family.) seryoso niyang sinabi. "¿Quieres estar con su familia? ¿Es debido a Carlito?" (You want to be with their family? Is it because of Carlito?) I asked. I know Carlito only by his name, hindi ang kanyang pagkatao. Ramdam kong Si Carlito ang dahilan kung bakit ayaw niya na maging kaisa namin sa pagpapatakbo ng negosyo ang Pamilyang Espinosa. Huli na naming nalaman na si Carlito ay ang pinsan ni Nazario na Representative ng Valencia, Spain at matalik na katunggali ng pamilya ko. "Por favor…" (Please…) "Te hablo en serio. Tienes que ayudarme a convencer a papá de que Carlito no es como los demás," (I'm totally serious. You have to help me convince Dad that Nazario is not like other guys.) pagmamakaawa niya. "Evite lo más posible. Deberías dejar de ser dura contigo misma si no lo has superado del todo, entonces deberías escucharme," (Avoid as much as possible. You should stop being hard on yourself if you're not entirely over him, then you should listen to me.) mariin kong sagot. "Pero lo amo… y él me ama a mí." (But I love him… and he loves me.) "Deja de amar a la persona con la que no puedes estar, Mishka.." (Stop loving the person you just can't be with, Mishka.) "¿Cómo puedes decir eso? ¿Crees que es fácil para mí?" (H-how could you say that? D-do y-you think it's easy for me?) maluha-luha niyang tanong. "Su familia es el enemigo mortal de nuestra familia, así que no puedes tenerlo. ¿Entiendes?" (His family is our family's mortal enemy, so you can't have him. Do you understand?) mariin kong sinabi. 'No elegí enamorarme de él. Yo no… ¡Pero no puedo cambiar el hecho de que lo amo, nunca!" (I didn't choose to fall inlove with him. I didn't… But I can't change the fact that I love him, ever!) sigaw niya. "Qué tal tú? ¿Nunca has estado enamorado?" (How about you? Didn't you ever fall in love?) "¿Alguna vez te has enamorado de alguien con quien sabes que no podrías estar?… ¡Oh si!… ¡Pero la dejaste ir!" (Have you ever fallen in love with someone you know you couldn't be with?… Oh yes. But you just let her go…) sh*t bakit pati 'yon?! "¡La dejé ir porque no tenía otra opción!" (I let her go because I had no other choice!) sagot ko. "¡Sí que lo has hecho! ¡Pero elegiste dejarla en paz!" (Yes you had! But you chose to leave her alone!) katuwiran niya. "¡Porque quiero protegerla!" (Because I want to protect her!) mariin kong sinabi dahil 'yon ang totoo. "Sabías cómo se siente estar roto, así que por favor… no me hagas sentir así." (You knew how it feels to be broken, so please… don't make me feel that way…) lumuha niyang sinabi na siyang nagpakurot sa 'king dibdib. I am sorry Mishka. But you can't have him. Bigla na lang sumagi sa isip ko ang mga sinabi niya at ramdam ko ang poot at konsensya pero wala na. Totoo ang sinabi ni Mishka. Minsan na 'kong umibig sa babaeng nagngangalang Yesha Kai Azevedo, ang pamilya nila ang pumapangalawa sa may pinakamataas ng ratings ng kompanya sa buong Spain at sila ang matalik na kaaway ng pamilya ko. Sapilitan ang paghihiwalay sa 'ming dalawa dahil gusto nila Mamá at Papá noon na kay Daniela ako ikasal pero nabigo sila. Hanggang sa pinapili ako, ang kapangyarihan at kayamanan o si Yesha. Sa huli ay pinili kong talikuran ang pag-ibig at sariling kaligayahan kapalit ang kaligtasan ni Yesha at ng pamilya nila. Kilala ko ang Papa, lahat ay gagawin niya, kahit pa ang pumatay ng sinoman. Walang taong tatanggi sa kanyang utos dahil lahat ay naidadaan niya sa pera. Kalaunan ay lumipat si Yesha at ang pamilya niya sa Italy, kaya simula noon ay 'di na kami nagkita. Ginagawa ko ito para kay Mishka, hindi pwedeng mapamahal ang kapatid ko sa pamilya ng mga taong naninirahan sa Valencia Palace dahil matalik na kaaway 'yon ng pamilya namin. Kapag nakipag-ugnayan pa siya roon ay masisira ang plano ng lahat para sa 'ming dalawang magkapatid. Naglalakad ako sa palasyo para sana lumabas at magpalmig pero biglang bumungad sa harap ko si Papa. "Lalabas ka na naman?" "Alford, sa next week ay kailangan mo nang aralin ang pamamalakad sa negosyo natin. Naiintindihan mo naman siguro ako, 'di ba?" sunod-sunod na sambit ni Papa. "I know, so you don't have to worry about me. Kahit saan ako pumunta, hindi ko nakalilimutan lahat ng responsibilidad ko sa palasyo kaya 'wag niyo 'kong bawalan lumabas," naiinis kong tugon. "Okay, good. Hindi kita pinagbabawalan, I'm just reminding you. By the way, your mom wants to talk to you, go to her room now." naglakad na siya palayo. Dumiretso ako sa room ni Mama. "Mama, sabi ni Papa gusto mo raw ako makausap. About what?" pagtataka ko. Biglang lumapit sa 'kin si Mama. "Anak, gusto kong malaman mo na si Daniela ay gusto makilala ka," sambit niya. Napakunot noo naman ako. "Sino 'yon?" pagtataka ko. "Sino pa ba? Edi ang representative ng Bilbao Palace, ang pamilyang kaisa natin sa negosyo," sagot nito na siyant sumira ng mood ko. "Siya na naman ba? How many times do I have to tell you that I don't like her? Kagaya noon, you keep forcing me to marry the girl I don't love. Tsk." bakit ba kasi hindi niya maunawaan ang bagay na 'yon? Lalabas na sana 'ko pero bigla siyang nagsalita ulit. "Why aren't you listening? Napakatigas ng ulo mo kahit kailan, Alford! Hindi mo kinikilala ang mga taong makakasama natin sa negosyo kaya tingnan mo, wala ka man lang interest kay Daniela dahil ayaw mo siyang kilalanin. Siya rin naman ang makakasama mo sa mga negosyo natin kaya magkakasundo kayo," katuwiran niya. "How can you possibly say that? Hindi pa ba sapat na makakasama ko siya sa negosyo, doon lang kami may ugnayan at 'di na 'yon magbabago!" paglilinaw ko. "Magbabago 'yon kung gugustuhin mo siyang kilalanin, mahuhulog din ang loob mo sa kanya. Maganda siya, matalino, mabait at mayaman ano pa bang hahanapin mo sa kanya?!" "That's the point. Kung ayaw ko siyang gustuhin, hindi ko mapipilit ang sarili ko na umibig sa babaeng hindi ko naman talaga napupusuan. Kahit siya pa ang pinaka the best na babae sa buong mundo, wala akong pakialam." iyon naman talaga ang totoo.. "Hindi ka ba talaga nag-iisip, Alford? Inaalala ko lang naman ang kapakanan mo, mahirap bang intindihin 'yon?!" sigaw niya. "Bakit ba kasi dinidiktahan niyo 'ko? 'Wag mo 'kong itulad sa inyo ng asawa mo, kaya lang naman naging kayo dahil sa negosyo, sorry pero 'di ko kayang sundin ang gusto mo." bigla niya 'kong sinampal. Hindi ito ang unang beses, kaya sanay na 'ko. "Baka nakakalimutan mong dahil sa pamilya ni Daniela, kaya naging ganyan ka. Dahil sa tulong nila kaya naging maayos ka sa paglaki! Hindi magiging ganyan ang itsura mo, kung hindi dahil sa pamilya niya!" tsk. Pati 'yon sinusumbat niya sa 'kin. "Hindi mo na kailangan ipamukha sa 'kin. Oo tama ka, na kaya ganito ang itsura ko dahil sa kanila. Alam mo sana nga hindi mo na lang tinanggap ang tulong nila sa 'kin para wala kong sumbat na naririnig ngayon." tumalikod ako at akmang lalabas ng kwarto pero… "Sige pagbibigyan kita." napahinto ako sa sinabi niya. "You have one week to think, Alford. Think wisely," dagdag niya. Tuluyan na 'kong lumabas ng palasyo. Dumiretso ako sa kotse ko, 'di ko mapigilan ang poot sa 'king dibdib. Dali-dali akong lumabas ng kwarto niya at saka dumiretso sa sala. *** Iyan ang dahilan kung bakit napagdesisyunan kong pumunta muna rito sa Pilipinas na walang paalam. Pero matinik si Papa dahil nalaman niya rin. Masyado nila 'kong minamadali sa mga bagay na hindi ako handa, kahit ang kapatid ko ay nasasaktan at nahihirapan pero wala akong magawa. Ferreira Point of View Pagmulat ko sa 'king mata, nandito na 'ko sa kwarto ko. Sa pagkakataong ito ay muli kong naalala ang nangyari kanina. Bigla kong naalala si Alford dahil siya ang huli kong nakita kanina, bigla na lang kasing lumabo ang paningin ko at 'yon na ang huli kong naalala. Isang envelope ang nakakita ko sa gilid ng kama, kinuha ko ito at agad na binuksan. Pagkakuha ng papel sa loob nito, laking gulat ko nang mabasa ang tungkol sa pag-alis ko papuntang Spain. Pero isang papel ang nakapagpalakas ng heartbeat ko, iyon ay ang letter nina Senor Domingo at Senora Elizabeth. Dear Amelia, I would humbly like to excuse your daughter Ferreira Lorri Villacuel. This is because we will be traveling to attend a business presentation for our new company in Spain. I am requesting your written consent to allow your daughter to participate. Your approval to allow her to participate with us will be highly appreciated. Two forms require your signature and answer, a representative consent form and a parent consent form. I have provided two copies of each form, so please sign one copy of each and return them inside the envelope. The second copy is for your details. Please don't hesitate to contact us if you have any questions. This is a business proposal to inform everyone regarding our company so that we can introduce all the advantages for the young male and female teenager as well. Her support is essential for the effective establishment of our plan. We would also require her assistance in introducing our business. I wanted permission to travel on 23rd May, and we will return on 23rd December. Your daughter will be one of the representatives in our company, we badly need your daughter in our company as soon as possible. We are hoping that you will allow her to be with us. Aside from that, we are excited to inform you that this business proposal would benefit us and your daughter. Sincerely, Elizabeth Dela Fuente Eduardo Dela Fuente Para bang binuhusan ako ng mainit na tubig matapos basahin ang letter na 'yon. Siguro nga ay kailangan ko sumama sa kanila. Hindi naman ako ipapahamak ni Mama kaya magtitiwala ako sa desisyong gusto niya na isakatuparan ko. Maya-maya lang ay dumating si Mama. "Anak sa wakas gising ka na, I'm so sorry Ferreira…" lumuluhang sambit ni Mama ngayon sa harap ko. Sa pagkakataong ito ay wala akong masabi. Para bang pagod na pagod ang buong katawan at isip ko. Maya-maya ay inabutan ako ng tray ni Mama na may pagkain galing sa Kouji Resto. "Anak, 'wag mo munang isipin 'yong sinabi ko sa 'yo kanina. Gusto kong kumain ka… magpalakas ka… at 'wag kang magkakasakit. Ayokong may masamang mangyari sa 'yo dahil sa 'kin," sambit niya. Sa mga salita niyang iyon at sa mga mata niyang namumugto ay halata kung gaano siya ka-concern sa 'kin. "Dahil sa 'yo… tama ka Ma. Dahil sa 'yo kaya ako nasaktan lalo kanina pero… dahil din sa 'yo kung bakit ako nabubuhay hanggang ngayon. Hindi sila ang dahilan kundi ikaw… sinakripisyo mo ang lahat 'wag lang akong mawala kaya sorry Ma… Sorry kung hindi ko agad naintindihan." muli na namang pumatak ang mga luha ko. Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang nawala 'yong poot na nararamdaman ko kanina. "Anak, wala kang kasalanan. Siguro nga nagkamali ako dahil nilihim ko ang lahat pati ang pagkatao mo pero Anak… ginawa ko 'yon kasi kailangan… At mas gugustuhin ko pa na masaktan ng palihim kaysa mawala ka dahil mahal na mahal kita Anak, tandaan mo 'yan." patuloy si Mama sa pagluha. Naging emosyonal ang mga sandaling iyon. Ang importante ay nawala ang poot na nakabara sa 'king dibdib. Mahirap man pero 'di ako nagsisisi na malaman ang lahat, lalo pa ngayon na siya pala ang tunay kong Ina. Mali ako sa part na hinusgahan ko agad ang desisyon at pagkakamali ni Mama Hindi ko man lang naiisip, paano kung ako 'yong nasa posisyon niya? Mali ako sa part na nagpadala ako sa emosyon at nagbitaw ng salitang masakit. No one is perfect. Kaya hindi ko dapat idiin si Mama sa pagtatago niya sa 'kin ng katotohanan. Dahil sa kabila ng 'yon ay may nag-iisang rason na dapat kong itatak sa isip ko at 'yon ay ang kagustuhan niyang mabuhay ako sa piling niya, kahit pa dumating ang araw na mawawala ako ang mahalaga ay ang pagkakataong naiparamdam niya sa 'kin ang pagmamahal ng isang Ina. Matapos iyon ay nag-usap kami ni Mama ng masinsinan at napagdesisyunan ko na pumayag sa inaalok nina Señor Eduardo at Señora Elizabeth. Masakit man isipan na magtatagal ako sa Spain ng halos isang taon, kailangan ko pa rin isipin na may utang na loob ako sa kanila. Naisipan kong i-text si Alford pero wala sa tabi ko ang phone ko kaya inisip ko na lang 'yong mga gusto kong sabihin sa kanya. Nasan kaya siya ngayon? Gusto kong mag-sorry at mag-thank you ulit. Pakiramdam ko'y 'di sapat 'yong kanina. Nakakapanghinayang lang din dahil 'di ko man lang siya makikilala ng husto. Aalis na 'ko papuntang Spain at matatagalan ang pagbalik dito sa Pilipinas. Sayang. Oras na para ipahinga ko muna ang isip ko. It's time to sleep.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD