Chapter 7. La maldición del amor 1497

4500 Words
Paggising ko ng umaga ay hinanap ko agad ang phone ko. Wala ito sa tabi ng unan ko kaya agad akong bumangon para hanapin ito. Bakit gano'n? Hindi ko makita sa bag, sa table o kahit sa gilid ng kama ko ay wala. Sampung minuto na 'kong naghahanap sa kwarto pero wala talaga. "Mama?" "Ma?" Paghahanap ko kay Mama. Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa kwarto niya. Sa wakas ay nandito siya. "Oh Ferreira gising ka na pala halika n—" "Wait, Ma, tatanong ko lang kung nakita mo 'yong phone ko. Kanina ko pa hindi makita," tugon ko. "Na sa 'kin anak. Sorry nakalimutan kong ibigay kahapon, ayaw ko kasing maabala ka," sambit niya. "It's okay, Ma. Akala ko kasi nawala na," tugon ko. "Kumain na muna tayo para mamaya ay maibigay ko na sa 'yo," sambit ni Mama. Tumungo na kami sa sala, nagsimulang kumain at nagkwentuhan na para bang walang nangyaring alitan sa 'min kahapon. Sabagay ay nakapag-usap na kami kagabi bago ako matulog. "Uhmm… Ma ano pala ang nangyari kahapon no'g nawalan ako ng malay? Sa pagkakatanda ko, may lalaki akong kasama that time." pagkukunwari ko na para bang walang maalala. "Oo nga pala, gusto ko rin magpasalamat sa lalaki na 'yon. Siya ang nagdala sa 'yo sa clinic at buti na lang ay nagkasalubong kami. Alam mo, hindi ka niya iniwanan doon, mahigit dalawang oras nga siyang nag-aantay na magkamalay ka ang kaso biglang may tumawag sa kanya na kaibigan niya, at nagpaalam na umalis." iyon pala ang nangyari. "Gano'n ba… so kailangan ko pala talaga magpasalamat ulit." patuloy ako sa pagkain. Gusto ko sana sabihin kay Mama na si Alford ay ang pasyente noong nakaraang araw pero 'wag na lang dahil pagdating sa lalaki hindi ako pala-open. Bigla ko rin naalala na 'yong kwintas ni Alford ay hindi ko pa naisasauli sa kanya. Kailangan ko talaga siya ma-contact bago ako lumuwas papuntang Spain. Maya-maya ay kinuha na ni Mama ang phone ko sa kanyang kwarto. Pagbalik niya ay agad itong inabot sa 'kin pero… ayaw bumukas! Paulit-ulit kong pinindot sa on pero ayaw talaga. Imposibleng lowbat 'to dahil ni minsan ay 'di ako binigo ng phone ko. "Ma… bakit ganon, ayaw ma-open?" pagtataka ko. "Baka naman lowbat, hindi ko pa naman binuksan 'yan." patuloy si Mama sa pagkain. Agad kong kinuha ang charger na nakita ko sa sala at ito'y chinarge pero bakit gano'n? Ayaw talaga bumukas. Jusmiyo! Paano ko na mac-contact si Alford kung wala na 'kong phone. Buti sana kung kabisado ko ang number niya. Kung usapang files ay wala 'kong dapat problemahin dahil naka-connect naman lahat sa sss account ko 'yong mga apps na pinaggagamitan ko. Kung usapang camera, movie, photos and songs ay nariyan ang memory card ko. Bakit ba kasi ayaw bumukas? Tsk. Habang nakasimangot at nag-aantay na bumukas ang phone ko ay naalala ko bigla 'yong calling card na binigay sa 'kin ni Alford. Dali-dali akong pumasok ng kwarto at saka kinuha ang wallet ko. Kinalkal ko iyon pero wala ang calling card ni Alford. Pati ang bag ko at bag ni Mama ay hinalungkat ko ng mabuti, ngunit wala talaga ang calling card ni Alford. Hindi ko na ito mahanap, tapos nasira pa ang phone ko. Jusmiyo! Hindi pwedeng mawalan kami ng communication, hindi pa nga 'ko nakakapagpasalamat ng masinsinan at hindi ko pa siya nakikilala ng husto. Hindi ko pa naisasauli ang necklace niya. "Anak, ano bang hinahanap mo? Bakit parang 'di ka mapakali at kanina ka pa ikot ng ikot at panay halungkat ng gamit?" pagtataka ni Mama. Patuloy ako sa pagkalkal sa wallet ko, "Kasi naman Mama, nawawala 'yong calling card no'ng lalaki na binigay niya sa 'kin. Nasira pa ang phone ko kaya 'di ko tuloy siya ma-contact para magpasalanat. Nilagay ko lang dito sa wallet 'yo—" "So it means binigay niya sa 'yo ang number niya? Matagal na ba kayong magkakilala?" pagtataka ni Mama. Buking na! "Hindi Ma… that time niya lang din binigay 'yon. Gusto ko lang kasi talaga mag-thankyou." pangsegway ko. "Are you sure Anak? Sa nakikita ko kasi parang hindi lang 'yon ang dahilan, pakiramdam ko nalukungkot ka dahil 'di na kayo magkikita at magkakausap ulit, tama ba 'ko?" sa boses ni Mama para siyang nang-aasar. "H-hindi naman sa gano—" "Ngayon lang kita nakitang ganyan, napakailap mo kasi sa lalaki at tama naman 'yon. Dumaan na 'ko sa ganyan kaya ang masasabi ko lang is kung saan ka masaya, doon ka, Anak, okay?" sambit ni Mama. "Thank you Ma. Tama ka naman kaso nakakadismaya kasi, 'di ko man lang nasuklian 'yong pagtulong na ginawa niya," tugon ko. "Nako Anak, 'wag ka mag-alala sigurado akong 'di magagalit 'yon kahit 'di ka makapagpasalamat. Sa mata pa lang niya halatang sincere ang pagtulong niya sa 'yo. 'Di bale, naniniwala naman ako na kung gusto kayong pagtagpuin ng tadhana, magkikita at magkikita kayo pero kung hindi, maging masaya ka na lang kasi kahit sa maiksing panahon may isang taong naging parte ng buhay mo kahit ilang oras o araw mo lang siyang nakilala." ang lalim naman. Kahit kailan talaga napakalaki ng pinanghuhugutan nito ni Mama, sa kanya ko namana ang pagiging gano'n. Buti na lang siya ang Mama ko, 'di talaga ako nagsisisi na siya ang tunay kong Ina. Napagdesiayunan kong tanggapin na lang ang katotohanan na kahit kailan ay hindi na kami muling magtatagpo pa ni Alford. Ang landas namin ay para bang linyang hindi maaaring magtagpo dahil magkaiba ang direksyong patutunguhan nito. Pinagtagpo man ng tadhana ang aming landas, paulit-ulit man kaming nagkita sa iba't ibang pagkakataon, ay hanggang doon na lang. Para bang siya si blur man sa panaginip ko… paulit-ulit man niya na ako'y iligtas, hindi pa rin maaaring magtagpo ang landas dahil may hangganan. Ilang minuto lang ay napagdesiyunan ko na maglinis ng kwarto ko at saka mag-ayos ng mga gamit at damit na dadalhin ko sa Spain. Pagbukas ng aparador ay bumungad sa 'kin ang isang manipis na libro na parang diary. May kalumaan din ito kaya agad kong kinuha. Lahat ng bagay na luma ay mabilis na nakukuha ang atensyon ko. Pagkakuha rito ay binasa ko agad ang pamagat nito. "Sumpa ng Pag-ibig" (La maldición del amor 1497) Isinulat ni: Binibining Lineah Tinitigan ko ang title at para bang may kakaiba rito. Ramdam ko ang biglaang t***k ng puso ko. Kakaibang kaba ang ngayo'y namamayani sa 'kin pero dahil sa kuryosidad ay naisip ko na buklatin ito para simulang basahin. "Sumpa ng Pag-ibig" (La maldición del amor 1497) Isinulat ni: Binibining Lineah Ang pag-ibig ay walang sinusunod…. kung sino ang iyong mahal, iyon ang nararapat… ngunit ang pag-ibig ay hindi lamang tungkol sa malalim na nararamdaman. Dahil kinakailangan din ng sakripisyo at pagpapalaya. Pakatatandaan lamang na lahat ay may hangganag, kahit tunay na pag-ibig… ay maaari ding magwakas. Kahit ang isang tao ay lubos mong minamahal, kung alam mong hindi kayo magtatagal ay mas pipiliin mo na lamang siyang palayain, kahit pa ikaw ay masaktan. Taong 1496 noong magsimulang mamuno ang isang hari at reyna sa Residencia Palacio de Madrid Espanya. Ito ay sina Haring Sámuel Ejercito at Reyna Aleaná Ejercito. Mayroon silang nag-iisang anak na si Prinsipe Narciso Andrés Ejercito. Sila ang pang-labing anim na henerasyon na namuno sa palasyo. Si Prinsipe Narciso ay isang makisig na binata, mapagmahal at maginoo kaya naman madalas siyang makatanggap ng papuri mula sa mga tao dahil sa kabila ng yaman na mayroon sila ay hindi niya ito ginamit para mangbaba ng kapwa. Mabait ang pamilyang Ejercito at tapat sa lahat ito man ay kasambahay o kawal, pantay ang kanilang pagtrato. Mayaman ang kanilang pamilya ngunit hindi sila matapobre at bukas ang kanilang palasyo sa mga taong nais humingi ng tulong. Taong 1497 isang makapangyarihang pamilya ang naglakas loob na sila'y salungatin at kalabanin. Ito ay ang Residencia Palacio de Valencia Espanya. Ngayong taong 1497 ay naitatag ang Residencia Palacio de Valencia Espanya kung saan pinamumunuan ni Haring Felipe Julio Estévez at Reyna Leonora Estévez. Sila ang pang-labing apat na henerasyon na namuno sa palasyo. Nais nilang kalabanin ang pamilyang Ejercito at ito'y pabagsakin upang sila na ang maging kaisa-isang hari at reyna sa buong Espanya. Nag-iisang babaeng anak nila ay si Zerina Mel Estévez ngunit ito ay ampon lamang ng hari at reyna at hindi ipinaaalam sa labas ng palasyo. Gayunpaman ay ipinagamit ng mag-asawa ang kanilang apelyido upang walang sinoman ang makapuna sa pagkatao nito. Bukod pa riyan, ang dalaga pa rin ang tagapagmana ng lahat mula sa kanilang palasyo. Ang nakatakdang pagtanggap sa kanyang pamana ay sa darating na taong 1502 dahil sa araw ding iyan ay magkakaroon ng masinsinang pagpili ang mga tao kung sino nga ba sa dalawang palasyo ang dapat mamuno. Ang mapipili ang siyang mamumuno sa buong Espanya. Sa ganitong patakaran, si Prinsesa Zerina ay nakararamdam pa rin ng kakulangan sa kanyang buhay. Maraming humahanga kay Prinsesa Zerina dahil sa angking ganda nito at dahil na rin sa estado ng buhay na mayroon siya. Lahat ng gusto ni Zerina ay naibibigay ng kanyang mga magulang, anumang bagay, pagkain, damit o maging salapi ay kayang ibigay sa kanya ngunit sa kabila ng mga ito, alam niya sa kanyang sarili na kailanma'y hindi siya naging masaya. Ibinibigay nga sa kanya ang lahat ngunit strikto ang mga magulang niya lalo na ang kanyang ama. Walang sinoman ang maaaring lumapit o makipagkaibigan sa kanya at ang sinomang sumuway ay mapapatawan ng kaparusahan. Sa madaling salita ay kontrolado ito sa bawat desisyong ginagawa niya sa kanyang buhay bilang isang Prinsesa na tagapagmana ng lahat. Hanggang isang araw ay bigla na lamang nagbago ang takbo ng buhay ni Prinsesa Zerina. Sa kalagitnaan ng gabi, habang nakadungaw sa bintana si Zerina, isang prinsipe ang nakaagaw ng kanyang atensyon mula sa labas ng kanilang palasyo. Ang prinsipe ay paligoy-ligoy na para bang may hinahanap. Bumaba si Prinsesa Zerina at patago na lumabas kahit mahigpit itong ipinagbabawal. Paglabas ng palasyo, natulala ang prinsipe sa prinsesa dahil sa taglay na ganda nito. Hindi rin naman maikakailang makisig ang binata. "Binibini, nagagalak akong makilala ka. Ang ngalan ko ay Narciso Andrés Ejercito ngunit Narciso na lang ang itawag mo sa'kin," sambit nito. "Nagagalak din akong makilala ka Narciso. Ako nga pala si Zerina Mel Estéves," tugon nito. Nag-kamayan ang dalawa tanda ng pagkilala sa isa't isa. Doon ay napagtanto nila na silang dalawa ay hindi na dapat pang maglapit o maging magkaibigan. Alam nila na ang pamilyang pinagmulan nila ay ang matalik na magkatunggali sa pamumuno ngunit para sa kanila ay hindi ito mali. "Ikaw pala ang prinsesa ng inyong palasyo, tama nga ang aking narinig. Tunay na kay ganda mo binibini," sambit ng binata. "Maraming salamat ginoo, ako naman ay nagagalak masilayan ang makisig na tulad mo. Ano nga pala ang iyong pakay at naparito ka?" tanong ng binibini. "Nais ko sanang tumungo sa Renó de Valencia upang masilayan ang payapang tanawin at ang malawak na karagatan. May mga nakapagsabing malapit daw iyon dito ngunit hindi ko alam ang tamang direksyon," sambit ng binata. "Nais mong tumungo sa Renó de Valencia ng ganitong oras?" pagtataka ng dalaga. Tumango naman ng nakangiti ang binata. "Kung gayon ay sasamahan kita. Halika at sumunod ka sakin." tuluyan na ngang sumuway ang dalaga at tumakas para lang sa isang binatang hindi niya lubos kilala. Sa ganoong pagkakataon ay mas nakilala nila ng isa't isa. Diyan nagsimula ang buhay pag-ibig ng dalawa na si Zerina at Narciso. Tuwing gabi ay tumatakas ang dalaga upang makipagkita sa binata. Palihim na pinapadalhan ng liham ni Prinsipe Narciso si Prinsesa Zerina, sa gayong paraan ay mabilis niyang naipararating ang kanyang nais sabihin. Kinagawian nila ang pagpunta sa Renó de Valencia tuwing gabi, magkasamang naglalakabay sa tabing dagat habang magkahawak ang kanilang kamay na para bang wala ng bukas. Kahit maling ipagpatuloy ang namamagitan sa kanila ay hindi sila tumigil bagkus nagpatuloy sila at pinanindigan ang katagang "Ang tunay na pag-ibig kailanma'y walang pinipili at hindi maaaring diktahan." Higit na ipinagbabawal ito sa kanilang palasyo ngunit patuloy na sumusuway si Prinsesa Zerina dahil napamahal na siya kay Prinsipe Narciso at ito ang unang pagkakataon na siya ay umibig. Sa paglipas ng linggo ay nagtaka ang Hari at Reyna kung bakit tila palaging ganado at masaya ang prinsesang si Zerina. Malimit lamang nila itong makitang mag-ayos ngunit sa pagdaan ng ilang linggo ay mas naging palaayos ito sa kanyang sarili. Nakaramdam ng labis na pagtataka ang hari at reyna at inutusan nila ang lahat ng kawal, kasambahay at maging ang mga sundalo na maging mahigpit at alerto sa buong palasyo upang manmanan ng mabuti ang dalaga. Hanggang sa isang gabi ay muling tumakas si Prinsesa Zerina para makipagkita kay Prinsipe Narciso. Muling nagtungo ang dalawa sa Rinó de Valencia at sa tabing dagat ay umupo sila. Habang nakasandal ang ulo ng daga sa balikat ng binata ay ramdam niya ang kagalakan. "Binibini, ang bituing nasa itaas ay maihahalintulad ko sa 'yo." sambit ng binata habang nakatingala't nakatingin sa bituin. "Paano mo iyan nasabi?" tanong ng dalaga. "Dahil tuwing gabi lamang kung ikaw ay aking masilayan, ngunit napakasarap pagmasdan." isang malawak na ngiti ang pinakawalan nito sa dalaga. "Kung gayon ay para kang dagat, ginoo." nakangiting sambit ng dalaga. "Maaari bang malaman kung bakit?" tanong ng binata. "Dahil ang pag-ibig ko sayo ay masyadong malalim. Hindi ko man ito kayang sukatin, handa pa rin akong ito'y suungin." nakangiting sinabi ng dalaga. Nagkatitigan ang binata at dalaga, sa malalim na gabi kasabay ng mga bituing nagniningning sa ulap at ang simoy ng hangin na nagmumula sa dagat. Doon ay natamo nila ang kaligayahang kailanma'y 'di matutumbasan ng kahit anong bagay. Sa unang pagkakataon ay naglapit ang kanilang labi habang nilalasap ang tamis ng pag-ibig. Wala na ngang tatamis pa sa gabing iyon dahil ito na pala ang huling pagkikita at pagsasama ng dalaga at binata. "Isang kalapastanganan ang ginawa mo!" sigaw mula sa boses ng isang lalaki. Agad napatayo ang binata at dalaga. "Ama…" ang takot at pagkagulat ang siyang tanging namayani sa kanya. "Hindi ko palalampasin ang kapusukan na ginawa mo! Ibalik sa palasyo ang prinsesa at dakpin ang bastardong lalaki na 'yan ngayon din!" utos ni Haring Felipe sa kanyang mga kawal. Dinala ang dalawa sa palasyo. Napagtanto ng Hari at Reyna, na ang lalaking kasama ni Prinsesa Zerina ay ang prinsipe na nagmula sa pamilyang kinamumuhian nila. Ang anak ng isang hari at reyna na siyang matalik nilang kaaway at katunggali. Ikinulong ang dalaga sa kwarto at ang binata ay itinali sa bodega. Pinuntahan ng hari ang prinsesa sa loob ng kwarto at ikinandado ang pinto. "Isa kang hangal! Wala kang utang na loob!" sigaw ng Hari sa Prinsesa at ito'y sinampal. "Patawad ama, ngunit mahal ko si Prinsipe Narciso…" umiiyak na sambit ng dalaga habang nakaluhod. "Huwag mo 'kong tawagin ama! Dahil hindi kita anak! Sa ginawa mong kalapastanganan ay ipapapatay ko ang lalaking iyon!" pananakot ng Hari. "Amaa… pakiusap huwag mo siyang saktan gagawin ko ang lahat ng 'yong nais palayain mo lang ang Prinsipe…pakiusap ama…" pagmamakaawa ng dalaga habang patuloy na lumuluha. "Tama ba ang narinig ko? Gagawin mo ang lahat para lang mapalaya ang prinsipe? Madali akong kausap Prinsesa Zerina." sambit ng Hari habang hinahaplos ang dalaga sa buhok at braso nito. Sinuntok ng hari ang prinsesa at hindi ito tumigil sa pananakit hanggang sa mawalan ng malay ang dalaga kasabay ng luhang 'di maawat sa pagpatak at doon ginawa ng hari ang bagay na puno ng karumal-dumal. Ginahasa niya ang prinsesa na para bang hindi niya ito itinuring na anak. Sa gabi ring iyon ay nalaman agad ito ng mga magulang ng prinsipe kaya agad itong pinuntahan. Maayos na nangako ang pamilya Ejercito na ito'y 'di na mauulit kailanman at panatilihan na lamang ang kaayusan at kapayapaan sa kabila ng kanilang pagiging magkatunggali. Gayunpaman ay magpapatuloy pa rin ang kanila paglalaban sa pag-abot ng mataas na posisyon at pamumuno sa buong bansa. Pagkatapos ng pangyayaring iyon, ang prinsesa ay nawalan nang gana sa lahat. Gayunpaman ay hindi nagsisi ang dalaga sa mga karahasang natamo niya bagkus siya'y nanatiling masaya sa munting ala-ala nila ni Prinsipe Narciso dahil natutunan niyang maging masaya nang makilala niya ito. Tanging pagsulat sa papel ang palaging ginagawa ni Prinsesa Zerina upang ilarawan ang mga ala-ala nila ng prinsipe. Doon niya ikinuwento ang lahat patungkol sa pag-iibigan nila ni Prinsipe Narciso. Lumipas ang ilang linggo ay mas naging miserable ang buhay ng prinsesa dahil gabi-gabi na rin siyang pinagsasamantalahan ng hari at binubugbog kapag siya ay nanlalaban. Dumating ang araw na ang prinsesa ay tila nag-iiba na ang pag-uugali. Paulit-ulit niyang binabanggit ang pangalan ng prinsipe sa tuwing siya ay natutulog dahil napapanaginipan niya ito. Ngunit siya ay nagwawala kapag ang binata ay hindi niya napanaginipan. Nalaman ng Hari at Reyna ang pagbabago ng Prinsesa ngunit binantaan pa nila ito na papatayin ang Prinsipe kung hindi niya aayusin ang kanyang asal. Isang gabi ay naisip magtungo ng prinsesa sa isang lumang buhay sa labas ng palasyo kung saan nakatira ang isang matanda na pinaniniwalaan ng karamihan na ito'y mangkukulam ngunit siya ay manggagamot ng bayan. Upang siya ay payagan ng hari at reyna, nagsama ito ng kawal. Ngunit binayaran niya ito ng malaking halagang salapi para samahan siya, isang kondisyon ay 'wag na lamang ipaalam kung saan siya tutungo. Pagpasok sa bahay ay nakita agad niya ang matanda at dahil siya ay prinsesa mula sa palasyong kilala, agad siyang pinapasok ng matanda. "Prinsesa Zerina bakit ikaw ay naparito? Natitiyak kong may malalim kang dahilan. Ano ang maipaglilingkod ko sa iyo?" sambit ng matanda. Dali-daling inabot ng dalaga ang malaking halaga ng salapi sa matanda ngunit ngumiti lang ito sa kanya. "Hindi ko kailangan ng iyong salapi mahal na prinsesa. Handa akong tumulong ng walang kapalit," sambit ng matanda. "Kung gaayon ay nais kong tapusin ang aking buhay ngunit bago ko gawin 'yon ay nais kong isumpa ang mga taong sumira ng aking pagkatao maging sa aking kaligayahan. Matutulungan mo ba ako?" sambit ng dalaga habang nakangisi ngunit ang lungkot ay halata sa kanyang mga mata. "Ako'y labis na nag-aalala sa'yo mahal ng prinsesa. Maaari kitang tulungan ngunit ikaw ba ay nakasisiguro sa iyong binabalak?" pag-aalalang tanong ng matanda. "Sigurado na 'ko sa aking desisyon. Ngunit bago ko gawin ang aking binabalak, maaari ko bang hilingin na makita ang prinsipe kahit sa panaginip man lang?" sambit ng dalaga. "Kung 'yan ang iyong nais, aking tutuparin. Isasagawa ko na ang orasyon at ang gagawin mo lamang ay pumikit at isipin ng paulit-ulit ang mga masasakit na nangyari sa'yo," sambit ng matanda. Nagsimula na ang orasyon. Patuloy sa pagsasalita ang matanda gamit ang sariling lenggwahe habang ang dalaga ay paulit-ulit inaalala ang mga masasakit na nangyari sa kanya. Ang paghihiwalay nila ng prinsipe, ang karahasan at sakit na natamo niya sa hari. "Huwag kang iiyak mahal na prinsesa!" "Galit ang 'yong pairalin at patuloy lamang na alalahanin ang mga ito!" "Huwag mong hahayaang pumatak ang 'yong mga luha nang sa ganoon ang sumpa ay maging makapangyarihan!" Sa loob ng halos dalawang oras ay natapos ang orasyon. "Pagtulog mo mamaya ay mapapanaginipan mo ang prinsipe at gano'n din siya sa 'yo kung kaya't maaari mong sabihin at gawin ang nais mo. At bukas ng gabi, bago mo gawin ang pagkitil sa iyong buhay ay inumin mo ang gamot na ito." inabot nito ang maliit na bote na may lamang itim na likido. "Pagkainom ng gamot ay banggitin mo sa harap nila ang sumpa na gusto mong maghari at pagkatapos non ay maaari ka ng mamaalam," paalala ng matanda. "Maraming salamat po sa inyo. Tatanawin kong utang na loob ang pagtulong mo sa 'kin," sagot ng dalaga. Umalis na ang dalaga at bumalik sa palasyo. Dali-dali itong natulog at sa muling pagkakataon ay nagtagpo sila ni Prinsipe Nazario kahit sa panaginip lamang. *** Nasa tabing-dagat ang prinsesa nang dumating bigla ang prinsipe. "Binibini! Kay tagal kong ninais na makita kang muli," sambit ng binata. Niyakap ng Prinsesa ang Prinsipe ng napakahigpit, simbolo ng kanyang pamamaalam. "Ginoo, patawad sa aking gagawin. Ito na ang huli nating pagkikita. Ngunit bago iyon ay nais kong malaman mo na tunay pa sa ginto ang pag-ibig ko sayo," sagot ng dalaga. "Binibini, ako'y nakatakdang ikasal sa babaeng hindi ko mahal kaya't labis akong nalulumbay. Maaari naman tayong tumakas at pumaroon sa malayo upang magsimula ng buhay dahil ikaw ang gusto kong makasama… wala ng iba." bakas sa mukha nito ang galak. Lingid sa kaalaman ng binata na ang dalaga ay labis ding nagdaramdam dahil sa paulit-ulit na panggagahasa sa kanya ng itinuring niyang ama. "H-hindi na maaari ginoo. A-ayokong iwanan mo ang 'yong sariling magulang dahil lamang sa tulad ko. Magkakaroon ng sumpa at ito ang tama. Hayaan na lamang natin dumating ang nakatakdang henerasyon pagsapit ng limang siglo mula sa araw na 'to, ibang katauhan ang magsasaayos ng lahat at magtutuloy sa ating pag-iibigan. At ang panaginip ang magiging instrumento upang sila ay pagtagpuin. Sa kabila ng sumpa, maitatama ang lahat kung sabay nila itong haharapin." nakangiting sinabi ng dalaga habang lumuluha. Tila tagos sa kanyang dibdib ang lahat ng kanyang sinabi. "Kung gayon ay hindi kita iiwan. Naiitindihan ko ang nais mong iparating. Tayong dalawa ang magsisilbing gabay upang magtagpo ang dalawang nilalang na nakatakdang magtama ng lahat sa naudlot nating pag-iibigan. Marahil tayong dalawa ay nakatakda para sa isa't isa ngunit ang ating panahon ay hindi sang-ayon." patuloy na rin sa pag-iyak ang binata. "Ang sinomang babaeng nakatakdang magmamana sa Residencia Palacio de Valencia Espanya pagsapit ng ika-dalawamput limang henerasyon. Kasabay nito ang lalaking magmamana sa Residencia Palacio de Madrid Espanya pagsapit ng ika-dalawamput anim na henerasyon, sa kanilang palad ay muling mabubuksan ang nakatakdang sumpa na kailangan nilang itama ng sabay." "At sa pamamagitan ng mga panaginip na kailanma'y 'di sila lulubayan, iyon ang magsisilbing pangitain." tila walang humpay sa pagpatak ang luha nila pareho. "Ang tunay pag-ibig ay hindi dapat hayaan na madiktahan ng kahit na sino. Ang pag-ibi ay hindi mabibili ng kayamanan o kapangyarihan. At 'yon ang dapat nilang itama." huling salitang sinabi ng binata. Sa pagkakataong ito ay mahigpit nilang niyakap ang isa't isa hanggang sa… *** Nagising na si Prinsesa Zerina. Maghapon siyang nagkulong sa kwarto at pagsapit ng gabi ay sinadya niyang tumakas kaya naman ito'y napag-alaman ng hari at reyna. Sinundan nila ito dahil alam na nila kung saan paroroon ang dalaga. Nakarating sa tabing-dagat si Prinsesa Zerina at doon ay naabutan siya ng mga kawal, maging ang hari at reyna ay naroon din. "Anong kahibangan ang sumapi sa 'yong utak at naisipan mo na namang tumakas?! Isa kang hangal kahit kailan!" sigaw ng hari. Walang magawa ang reyna, bukod sa siya ay sunod-sunuran lang din. Katulad din niya ang hari na walang puso at masyado lamang nakatuon sa kayamanan at kapangyarihan. "Hindi ako hangal at mas lalong hindi ito kahibangan. Isa itong sumpa!" sigaw ng dalaga. "Anong pinagsasasabi mo?! Manahimik ka kung ayaw mong makatikim ulit ng parusa!" sigaw ng hari. "Hindi ko akalaing ganito ang 'yong asal, pagkatapos ng lahat ay ito ang igaganti mo sa 'min?!" malakas na sigaw ng reyna na akala mo'y tunay ang kalooban. "Kailanman ay 'di ako naghangad ng kahit anong bagay mula sa inyo! Kayo ang kusang nagbigay dahil ipinangako niyo sa 'kin ng bukal sa kalooban na kayo ay magiging mabuti at pantay… pero ang totoo ay ginagamit niyo lang ako para makamit ang kapangyarihang inaasam niyo! Hangad ko lamang ang tunay na kaligayahan pero ipinagkait niyo 'yon sa'kin!" nangangatog ang tuhod ng dalaga nang sabihin niya ang mga salitang iyon. "Manahimik ka! Kung ayaw mong maparusahan muli!" pagbabanta ng hari. "Ibalik sa palasyo ang prinsesa ngayon din!" utos ng hari sa mga kawal. Natigilan ang lahat dahil biglang sumigaw ang Prinsesa. "HINDI!" "Ito na ang huling luhang papatak mula sa aking mga mata!" mariin na sinabi ng dalaga at isa-isang tiningnan ang mga tao sa paligid niya kaya naman walang sinoman ang nakakibo. Dali-daling ininom ng dalaga ang itim na likido na binigay sa kanya ng matanda. "SINUSUMPA KO! Ang babaeng isisilang pagsapit ng ika-limang siglo mula sa araw na 'to na siya ring ika-dalawamput limang henerasyong babaeng itatakdang magmana sa Residencia Palacio de Valencia, Espanya ang siyang may hawak ng sumpa na kailangang maputol! At 'pag hindi naitama ang sumpa ay paulit-ulit itong mangyayari sa tuwing sasapit ang isang dekada. At lahat kayo!… Kayong naririto ay dadapuan ng malulubhang sakit… at sa ika-unang buwan ng aking kamatayan ay mamamatay din kayong lahat!" sigaw ng dalaga. Kumidlat at kumulog ng napakalakas na para bang sumasang-ayon sa poot na nadarama ng dalaga. Tila ang sumpa ay nakasulat na sa kapalaran at ito ay mangyayari pagsapit ng limang siglo mula sa araw na ito. Isang babae ang isisilang sa araw na iyon ang nakatakdang maging taga-pagmana ng Residencia Palacio de Valencia, Espanya at ang sumpa ay nasa kanya. Tumakbo ang dalaga papuntang dagat at doon niya na gagawin ang balak na kitilin ang kanyang sariling buhay. Habang siyang ay naglalakad palayo, ang tubig ay mas lalong lunalalim. "Hindi ito ang tamang oras para sa ating dalawa, ngunit natitiyak kong hindi pa ito ang wakas… Paalam mahal kong Prinsipe Narciso…" "NGAYON AY ISINUSUMPA KO… ANG ATING PAG-IBIG… SA PAMAMAGITAN NG PANAGINIP…" Iyan ang huling salitang binaggit ng dalaga kasabay ng pagtangis habang unti-unting nalulunod sa malalim na kagaratan... hanggang sa tuluyan na itong binawian ng buhay. Ang gabing iyon ay maituturing na kakila-kilabot. Tila isang lagim mula sa kadiliman na kailanma'y 'di na magagawang baguhin pagkat dugo ang puhunan. Nalaman ito ng prinsipe at paglipas ng ilang araw ay nagpakamatay din ito sa pamamagitan din ng paglunod sa kanyang sarili sa Renó de Valencia kung saan din namatay ang minamahal niyang dalaga. Ang tunay na pag-ibig ay mayroon ding hangganan. Ang dating masasayang ala-ala ay bigla na lamang naging masalimuot na nakaraan na kailanma'y 'di na maaari pang balikan dahil sa mga balakid at hadlang sa kanilang pag-iibigan. Lumipas ang isang buwan. Nangyari ang sumpa pagsapit ng ika-unang buwan ng kamatayan ng prinsesa. Ang lahat ay namatay maging ng hari at reyna, pati rin ang mga kaway ay nawalan ng buhay dahil sa hindi mawaring sakit. Ang Residencia Palacio de Valencia Espanya ay pansamantalang isinara, muli itong bubuksan sa taon na itatakda ng mga gobyerno. Ang matandang tumulong sa prinsesa ay hindi rin alam kung na saan dahil sa biglaan nitong pagkawala matapos ang insidenteng iyon. Ang panaginip ang magsisilbing daan upang matagpuan ang tamang tao para sa kanya. Ang pangyayaring ito ang siyang pangitain na dapat niyang sundin at gawing gabay sa pagtahak ng kanyang buhay. Sa oras na ang pangitain ay isinawalang-bahala, ang sumpa ay hindi mabubura at patuloy na mangyayari sa tuwing matatapos ang isang dekada. Ang sumpa ay hindi kailanman masisira hangga't hindi nagkakatagpo ang dalawang nilalang na nakatakdang itama ang lahat. WAKAS.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD