Chapter 8. Searching for you

2269 Words
Sh*t! I don't know why but… My heart feels weird. Napakainit ng nararamdaman ko, bakit ganito? Ang creepy naman kasi! Imagine? Ang panaginip daw ay sumpa? I suddenly felt nervous. Ako kasi 'yong tipong laging may panaginip, tapos may mga binanggit pa sa kwento na pakiramdam ko ako ang pinatatamaan. Ang mga panaginip na paulit-ulit. Tapos… si blur man bigla kong naalala. "Oh Ferreira, bakit ganiyan ang itsura mo Anak? Ang lalim ata ng iniisip mo." nasa pinto pala si Mama 'di ko namalayan. "Ma, 'yong mga panaginip ba natin… sumpa ba 'yon?" kusa na lamang lumabas sa 'king bibig ang tanong na 'yon. "Bakit mo naman natanong?" pagtataka ni Mama sabay lapit at saka ito umupo sa tabi ko. "Wala Ma… I'm just curious." Pangsegway ko. "Are you sure anak? Sorry hindi ko masagot ang tanong mo. Pero, if ever na ma-confuse ka sa mga bagay bagay, tandaan mo Ferreira, walang bagay na hindi totoo. Lahat ay nage-exist, pero hindi lahat ay pare-pareho. Kagaya ng paniginip na meron tayo, lahat 'yon konektado sa totoo nating buhay. Kapag napanaginipan mong namatayan ka ng mahal sa buhay pero paggising mo nalaman mong ayos lang siya, magkakatotoo pa rin 'yon Anak, pero sa takdang oras. Kaya lahat ay nage-exist, lahat nangyayari sa nakatakdang panahon." bigla akong kinilabutan sa mga sinabi niya. Bakit kinakabahan ako? "What if madalas ang panaginip ko ay nasa lumang panahon ako?" panibagong tanong ko at umaasang masasagot niya ito. "Hindi tayo siguro, pero malay mo naman, iyong mga scene sa panaginip mo ay nagpapakita na nabuhay ka na noon, o 'di kaya ay may isang tao noon na kapareho mo o literal na parang ikaw. Kaya pinakikita sa 'yo ang nakaraan para imulat ka sa mas malalim na paraan ay malaman mo 'yong mga pagkukulang niya na ikaw ang pupunan." dagdag ni Mama Just wow! May alam pala si Mama sa panaginip pero ngayon ko lang nalaman. Totoo nga ba ang mga 'yon? "So, it means, kung sakaling nabuhay na 'ko noon, may mga misyon ako sa buhay na hindi ko nagawa noon kaya nabuhay ako ngayon para tapusin ang mga 'yon?" tanong ko. "Oo Anak." "Pero tandaan mo na laging may kulang sa buhay natin at hindi tayo mawawalan ng mga bagay na dapat punan. Masasabi lang natin na wala ng kulang, kapag nagawa nating tanggapin 'yong mga bagay na wala sa 'tin." "Isang halimbawa ay ang kwento ng librong 'yan, hindi matanggap ni Prinsesa Zerina ang kapalaran niya dahil kulang sa kanyang buhay ay ang binatang minamahal niya. Kaya 'yon ang dahilan kung bakit isinumpa niya ang mga taong nanakit sa kanya." sunod-sunod na sinabi ni Mama na ikinagulat ko. "Nabasa mo rin pala 'tong libro Ma?" Gulat kong tanong. "Oo Anak matagal na. Wala ka pa sa sinapupunan ko ay na sa 'kin na 'yan." nakangiting sambit ni Mama habang nakatitig sa libro. "Kaya pala luma na. Saan mo naman nabili 'tong libro na 'to Ma?" pagtataka ko. "Binigay lang 'yan sa 'kin ng isang matanda sa isang simbahan doon sa Spain. Noong una ay ayaw kong tanggapin pero sinusundan at kinukulit niya 'ko. Hindi ko rin gustong basahin sa umpisa pero nung mabasa ko ang title, para bang may nag-udyok sa 'kin na basahin na 'yan hanggang dulo," sambit ni Mama. "Ayoko sanang i-open Ma pero… ang weird kasi ng pakiramdam ko… Ang bigat sa dibdib nung binabasa ko 'yan lalo nung matapos kong basahin. Based in real life ba 'yan Ma?" pagtataka ko. "Ako rin naman, Anak, ganiyan din ang na-feel ko habang nagbabasa. Siguro na-pressured ka dahil pupunta ka ng Spain," sambit ni Mama. "By the way, hindi ko sure kung nakabase ba 'yan in real life. Sorry anak nap-pressure ka dahil sa…" "Hindi Ma, ano ka ba? I'm fine, don't worry. It's my choice besides… para sa 'ting dalawa 'yon. Sige na Ma, tutuloy ko na ang paglilinis," tugon ko. "Sure anak. By the way matutulog muna ako at pagkatapos mo diyan ay magpahinga ka, okay? I have something for you later kaya maiwan na muna kita dito." nakangiting sabi ni Mama kaya naman ngumiti rin ako sa kanya pabalik bago siya tuluyang makalabas ng kwarto. Nagulat ako dahil bigla siyang bumalik. "I forgot to say, itong dati kong phone muna ang gamitin mo habang 'di ka pa nakakabili. Doon muna ko sa kwarto ko at magpatuloy ka na riyan." inabot niya sa 'kin ang phone at tuluyan nang lumabas ng kwarto. Itong phone muna ang gagamitin ko pansamantala para 'di ako mainip. May extra phone nga, wala naman akong it'text. Anyway, thanks kay Mama at mailalagay ko na ang simcard at memory card ko. Kahit aalis na 'ko sa susunod na araw, ayoko pa rin i-topic kay Mama ang pagpunta sa Spain dahil nakikita ko sa mata niya na nalukungkot siya at kalahati sa desisyon niya ay napilitan lang siya. Kahit ako ay nalulungkot pero naniniwala naman ako, sometimes the most painful decision is the right choice. Mas maging masaya na lang dapat ako ngayon dahil nalaman kong siya pala ang tunay kong Mama. So speaking of panaginip, kahit pilit kong ikalma ang sarili ko ay napakaraming gumugulo sa isip ko. Kagaya ng panaginip ko about kay blur man. Although alam ko na hindi lang ako ang may ganitong klaseng panaginip, hindi ko pa rin maiwasan mag-isip ng mga bagay-bagay. Kahit may times na 'yong panaginip ko ay may hawig sa mga nangyayari minsan sa buhay ko, dinededma ko lang kasi sanay na 'ko. Baka coincidence lang kaya hindi ko gaano bini-binigdeal. Hindi ko pa rin kasi nararanasan na 'yong panaginip ko ay mangyari in real life, tipong parehong-pareho na walang palya. Anyway, back to general cleaning muna ako. Alford Point of View I'm wearing my casual outfit, black pants and leader jacket with my gray shirt na nabili ko pa sa mall. It's already 11 a.m, and I'm still waiting for someone's reply. Kagabi ko pa inaantay 'yong reply ni Ferreira pero wala akong natatanggap. Nakailang text na 'ko pero wala man lang reply, nakakahiya naman kung tatawagan at kukulitin ko siya. But… I wonder why? How long should I wait for a response? Kahit isang tuldok man lang, gusto ko rin malaman kung ayos na ba siya? Actually, sapat na 'yong nag-thank you siya in person kahapon pero bakit feel ko dapat pa kaming mag-usap? Gusto ko rin siya tanungin kung bakit nandon siya sa Residencia Palacio de Josefa Cebu. 'Di ko alam kung bakit inaantay ko ang text niya. I am planning to go back in Spain, kaya gusto ko sana magkausap kami bago ako umalis ng Pilipinas. Wala naman akong magawa dahil kailangan ako ng family ko roon, babalik din naman ako after a month at ng business presentation namin. But seriously, bakit bigla na lang siyang 'di nagparamdam? I don't even know if he's trying to ignore me, or maybe she doesn't want to talk to me anymore. Like seriously? If yes, then why me? Of all people na pwedeng iwasan bakit ako pa, 'di ba? Hindi naman sa nanunumbat ako dahil ilang beses ko siyang tinulungan pero kasi… 'di ko rin alam kung bakit pero gusto ko siyang makilala pa. Habang nakaupo ako sa sala ay bigla kong naalala 'yong sinabi niya kahapon. "It's okay. Hindi kasi talaga ako nurse pero may alam ako sa mga medication at 'yong mga gawain ng isang nurse or assistant. Kaya ako ang nagbantay sa'yo kasi wala 'yong nurse na incharge sa'yo at anak ako ng Doctor." So, it means? I have a chance too see her again? Agad kong kinuha ang susi ng kotse ko sa sofa at nagmadaling lumabas para pumunta roon sa hospital kung saan ako na-admit noon at kung saan ko unang nakita si Ferreira. Sa wakas! Kasalukuyan akong nagmamaneho, biglang nag-ring ang phone ko at pagtingin ko ay si Dexter. "Hello bro, are you free tonight?" bungad niya mula sa kabilang linya. "I'm not sure bro, why?" sagot ko. "As usual, nomi bar," he answered. "I'll call you later. I have an appointment now," I said. "Sure bro." tuluyan ko nang binaba ang telepono. Hindi ko nagawang hintayin na magkamalay si Ferreira kahapon dahil kay Dexter. Bigla ba naman tumawag at nagsabi na may emergency kaya nagmadali na 'kong umalis. Ang kaso lang ay play time itong si Dexter dahil nagpasama lang siya sa 'kin kahapon na bumili ng mga alak. Bukod sa mahilig siya mag-inom sa bar ay 'di 'yon nauubusan ng stock ng alak sa bahay nila. That's him. Habang nagmamaneho ako ay napakarami kong tanong sa utak ko tungkol kay Ferreira. What would I say if I saw her again? Paano ko siya e-entertain? Ang hirap nito nako. Magtatanong ako doon tapos ang alam ko lang ay Ferreira ang name niya at anak siya ng isang doctor sa hospital na 'yon? Hindi ba parang napaka-imposible? After a few minutes… Finally, narating ko ang hospital. Agad kong sinara ang pinto ng kotse ko pagkababa at dali-daling pumasok sa entrance way. Isang nurse na babae ang nakita ko malapit sa emergency room, may kausap siyang matandang lalaki. Mabilis akong naglakad palapit sa nurse. "Excuse me, can I ask you?" tugon ko. "Sure sir, what it is?" she asked. "About Ferreira… uhmm anak siya ng isang doctor dito." umaasa akong masasagot niya ang aking tanong. "Pasyente po ba siya rito, Sir?" tanong nito. "Oh no… actually I don't know her full name. Her first name is Ferreira, at ang mama niya ay isang doktor... d-dito sa hospital mismo." sh*t! How can I explain it? Ang hirap naman kasi i-explain, iyon lang ang alam ko. "I'm sorry, Sir, pero mahigpit po na ipinagbabawal ang pagbibigay ng information sa mga nurses or mga doctor. At saka marami pong doctor at nurse dito at hindi ko pa alam kung sinong tinutukoy niyo. Kung gusto niyo po talaga na masagot ang mga tanong niyo, kailangan po ng validation letter para malaman ang purpose mox Sir. Sige po, maiwan po muna kita, Sir." yumuko ito at nagpaalam bago umalis. Tsk, so annoying! Naglakad ako at patuloy na nagtanong sa iba pero kahit sino sa kanila ay walang makapagbigay ng sagot na hinahanap ko. 'Yong iba naman ay naka-sched dahil sa ojt nila kaya wala pa silang alam o kakilala masyado sa mga nurses at doctors. Damn! I hate this. I can't find her. I want to see her but I don't know how. Naisipan kong bumalik ng bahay. Nagtext na rin ako kay Dexter at sinabi ko na makakapunta ako mamayang gabi sa bar. Ferreira Point of View Ilang oras na rin ang nakalipas. Pagkatapos ko maglinis kanina ay nagpahinga ako habang pinaplano kung anong mga dapat kong gawin sa mga natitirang araw ko rito sa Pilipinas kasama si Mama, at pagkatapos ay nakatulog na 'ko. Ngayon lang ako nagising at pagtingin ko sa oras ay alas tres na pala ng hapon. Bigla na naman sumagi sa isip ko si Alford, nakakainis kasi talaga pero tatanggapin ko na lang. Hindi ko tuloy naibalik 'yong necklace niya kahapon. Syempre lutang ako kahapon kaya hindi ko na naisip pa ang bagay na 'yon. Dali-dali akong bumaba sa first floor at dumiretso sa sala. Laking gulat ko sa nakita ko dahil napakalinis at maaliwalas ang paligid. Para bang kumikintab ang bawat sulok dito sa sala. Kitang-kita ko ang screen ng tv at list ng movies kaya lalo akong nagtaka. Andaming pagkain sa lamesa, kung titingnan ay parang may piesta. Maya-maya… "Hey Ferreira, nandiyan ka na pala. Alam kong 'di ka pa kumain dahil kanina ka pa tulog. Saktong-sakto ang hinanda ko para sayo," masayang sambit ni Mama. Halata sa mukha niya ang saya. But the way she looks at me, halata ang lungkot sa kanyang mga mata. "Ito pala 'yong something na sinabi mo kanina Ma pero… bakit naman ang bongga? Ang ganda ng pagkakaset-up mo sa lahat Ma, pero… ano bang meron ngayon?" pagtataka ko. "Ofcourse anak! Gusto ko lang na maging special ang mga natitirang araw mo dito sa Pilipinas," sambit niya. Bigla akong niyakap ni Mama at damang-dama ko ang kalungkutan niya, ilang araw na lang kasi ay aalis na 'ko. "Oh Ma kumalma ka muna. 'Wag muna tayo magdrama ngayon, gusto ko pa naman horror ang panoorin natin para may thrill, 'di ba Ma?" "Tara, Ma, titikman ko na 'tong mga luto mo, alam kong masarap lahat to kasi ikaw gumawa." Lumakad ako papunta sa table inisa-isang buksan ang bawat takip sa pagkain. "Good timing! May mga latest horror movie ngayon, dali ma ikaw na bahala sa panonoorin at ako na maghahain ng pagkain." mabilis akong kumilos para makapag-umpisa na kami. Kumikirot ang dibdib ko sa tuwing nakikitang malungkot si Mama kaya gusto mong ipakita sa kanya na na-appreciate ko lahat ng effort niya. 'Yon din naman ang totoo. Sa wakas! Ang napili namin ay horror movie, 'yong "The Conjurint Part 2." Exciting 'to for sure! Halos dalawang oras kaming nanonood ni Mama at kumakain, feeling cinema 'tong sala namin. Ang sarap sa pakiramdam na kasundo mo 'yong taong pinagkakatiwalaan mo, 'di ba? Although hindi ko na makakausap at makikita pa si Alford, tatanggapin ko na lang. Pagkatapos ng panonood, pagkain at pagkukwentuhan namin ni Mama ay umakyat na ko sa kwarto, pinagpahinga ko na rin si Mama at ako na ang naglinis lahat. Sa wakas ay natapos na ang paglilinis at pag-aayos ko. Umakyat na 'ko sa kwarto ko at saka nagpahinga. Hindi pa rin maalis sa isip ko si Alford. I wonder why? Alford Point of View Nandito ako sa loob ng bar, kaninang 5 pa kami nag-iinuman pero umalis si Dexter saglit, babalik din mamayang konti. I was just sitting at the corner and everyone is having fun, except to me. 30 minutes later… I spotted a woman wearing a black fitted dress and a large gold necklace set with jewels. Her side view looks like Ferreira. Dali-dali akong lumapit dito at hinila ang braso niya paharap sa 'kin. "Ferreira?" Oh sh*t! Akala ko siya na. "Excuse me? My name is Kyla not Ferreira," paglilinaw niya. "I'm sorry." tumalikod na 'ko at akmang lalakad pabalik sa 'king pwesto pero… "Hey wait…" pagpigil niya sa 'kin kaya napaharap ako sa kanya. "What?" I asked. "Can I sit with you? Sakto kasi wala akong kasama, so…" "Sure." mabilis kong sang-ayon. Lumakad na 'ko habang siya ay sumusunod sa 'kin. Hindi ko alam pero ngayon lang ako pumayag na may maka-table na babae. Hanggang sa makarating na sa table ko at saka kami umupo. "Bago ka lang dito?" tanong niya. "Uhmmm, yeah." matipid kong sagot habang nagt-text kay Dexter. Ang tagal niya kasing dumating. Tsk. "Ang gwapo mo naman, may girlfriend ka na ba? Oops, I guess wala pa. Kaya ka nga nandito para maghanap, am I right?" malandi niyang tanong sabay akbay sa 'kin. "Hindi e… sorry." pilit ngiti ang ibinigay ko at umiwas ng kaunti. Nagpatuloy siya sa pagtatanong tungkol sa 'kin. Habang ako ay iritadong nag-aantay kay Dexter, bakit ba kasi ang tagal niya. Sana pala hindi ko na lang nilapitan 'tong babae na 'to. 'Pag naka-side view at unang tingin ko sa kanya kahawig niya si Ferreira pero nang humarap siya kanina ay napagtanto kong ang layo pala. Ang dami niyang tanong at napaka-clingy pa. Tsk. "Ayaw mo ba magkaroon ng girlfriend?" tanong niya kasabay ng kindat na ikinainis ko pa. "No, sorry." sinubukan kong dumistansya pa ng kaunti. "It's okay. Uhmmm… tell me, how can I change your mind?" maharot niyang tanong sabay haplos sa braso ko. Napipikon na talaga 'ko! "I appreciate your attention. I really do, but I feel like I am not really the right man for you. Perhaps a stranger could be nice instead?" tumayo ako at nagsimula na maglakad palayo. Nakakainis ang babaeng gano'n. Bigla kong nasalubong si Dexter. "Bro, I have to go. Talk to you tomorrow." pamamaalam ko na halatang ikinagulat niya. "O-oh sure. Take your time bro." agad akong umalis at naglakad palabas ng bar. Bakit ba kasi hinahanap ko pa 'yon si Ferreira? Uuwi na muna 'ko sa bahay at matutulog tutal gabi na rin. Ferreira Point of View Nakahiga na 'ko sa kama ko, hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis sa isip ko si Alford, anyway salamat pa rin sa kanya. Kung mayroon man akong hihilingin, ito ay ang pagkakataon na makita ko siya ulit. Sa kalagitnaan ng malalim kong pag-iisip, sa wakas ay dinapuan din ako ng antok. It's time to sleep.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD