Seven.

1134 Words
“Good Morning Mrs. Arciega.” Lahat ng nakakasalubong ko ay parang kinagat ng langgam sa pagka taranta. This is what's always happening kapag bumibisita ako sa Arciega Tower. I called Vaughn to say na sabay na kaming mag lunch at pumayag naman sya. Good mood ako ngayon because of my encounter with Shyra a while ago. Tinatanguan at ngingitian ko na lang sila lahat. By the time na nakita ko na ang assistant c*m secretary ni Vaughn ay nangalay na ako kaka ngiti. Sa dami ng nginitian ko ay hindi na ako nagtataka. It's been a few days since the last time na may event kaming dinaluhan at sa mga ganoong event talaga ako ngumingiti ng todo, eh. “Good Morning Mrs. Arciega. He's waiting for you inside.” Malapad ang ngiti na salubong sa akin ni Abigail. “Thanks, Abi.” I smiled back at her tapos dumiretso na ako sa opisina ni Vaughn. Naabutan ko syang nakatayo sa gilid ng lamesa nya, his suit is hanging at the back of his massive swivel chair. Nasa bewang nya ang isang kamay nya at ang isa naman ay hawak ang telepono. He looked really intense and gorgeous as ever. Bakat sa polo nya ang mga muscles nya at nakaka tempt na himasin iyon. Oh, Vaughn. The things you do to me. He smiled when he saw me, and then signaled using his finger for me to wait. Tumango lang ako. Dumiretso ako ng upo sa swivel chair nya. Ilinapag ko ang chanel purse ko sa table nya at ipinaikot ko ang swivel chair hanggang sa humarap iyon sa likod kung saan kitang kita ang halos kabuoan ng Makati. “I want you to tell them that I will sue them the next time this happens.” Matigas na sabi ni Vaughn sa kung sino man ang kausap nya. Oh, how I love it when Vaughn's threatening. Katulad noon kay Lyzander. Ngumiti na lang ako ng palihim at nag focus sa tanawin sa harap ko. Before I knew it ay nakatayo na sa harap ko si Vaughn. His hands were on his pockets at nakatingin rin sya sa glass walls ng office nya, facing the city. Tumayo ako. “Ready ka na?” “You seemed to be in good mood.” He grinned at me, pero parang may hinahanap sya na kung ano sa mukha ko. I chuckled. “I do.” “May I know why?” Kunot ang noo na tanong nya. Hinawakan ko ang braso nya. “We can talk about it over lunch.”           We informed everyone na hindi kami makakasama sa Sunday dinner bukas. Vaughn needed to handle a business transaction personally in Japan and he wanted me to go. Sa halos four months naming pagsasama as a married couple, ilang beses nang umalis ng bansa si Vaughn at every time na inaaya nya ako ay tumatanggi ako. Hindi ko lang feel lumabas ng Pilipinas. Maayos naman ang papers ko and credentials. But this time, ewan ko. Napilit nya ako. Sa Japan kami pupunta. Siguro isa na rin iyon sa dahilan. Bata pa lang ako, gusto ko nang makapunta sa Japan. Mahilig ako noon manuod ng mga animé eh. Winter doon kaya namili muna kami ng mga panlamig na damit. We were booked in Mandarin Oriental for three days. “Are you excited?” Hila hila ako ni Vaughn papasok sa airport. Someone's pushing our luggages for us. “Medyo.” I lied. I am currently over the moon. Pero hindi ko iyon ipapahalata kay Vaughn. Tumawa lang sya. Dahil isa at kalahating oras pa ang flight namin, we waited at the Miascor Lounge. Syempre pa ay kumain lang ako ng kumain habang si Vaughn ay busy lang magbasa ng news paper. After thirty minutes ay dumating si Abigail. Kasama si Abigail sa mga lakad ni Vaughn na business related. We're on talking terms, pero this will be the first time na magkaka usap kami ng matagal. Medyo awkward rin. I told her to eat, and she gladly got some food. Pinagmamasdan ko lang sya. Maganda si Abigail. Sexy, may curves. Inosente sya tingnan. Pero never akong na threatened sa kanya or inisip na lalandiin o magtatangka sya kay Vaughn. Tuwing nakikita nya ako, with the way she looks at me, she knew. She knew na mabait ako pero once na kalabanin ako ay maldita ako. And I value people who respects me that way, kahit pa may takot sila sa pwede kong gawin. May private jet ang mga Arciega but Vaughn rarely uses it. But unlike the private jet, he likes using his own yacht. He named it Midnight II. Dalawang beses na kaming gumamit noon. Vaughn likes the water, kaya nagpa gawa sya ng pool sa bahay. Pero bihira lang sya makagamit dahil sa trabaho. After five hours, we're already settled in our suite in Mandarin Oriental. We're on an Oriental Suite. It's spacious at may view ng Mt. Fuji. The place is very luxurious. Vaughn likes places like this. He grew up in luxury, kaya understandable. Ako naman, nakasanayan ko na lang.  I don't know what type of room or suite Abigail is in, pero we're on the same floor. Iyon ang pinaka unang rule kapag aalis sila ng bansa or kailangan nila mag check in. They need to be on the same floor for convenience purposes. The restaurants within the hotel are already closed by the time we arrived, but of course, they arranged something for us. Simula ng maka tikim ako ng steak, steak is life for me now. Kapag may pagkakataon or talagang gusto ko, steak talaga ang hinahanap ko. Hindi ko alam kung bakit simpleng sushi lang ang kinain ni Vaughn. Ako nga na kumain ng kumain sa Miascor Lounge, nagutom na ngayon eh paano pa sya na wala man lang kinain? Uminom lang sya ng juice the whole time. Although kumain kami sa eroplano, pero nagutom agad ako. “Hindi ka ba gutom? Bakit ang kaunti mo kumain?” Tanong ko ng matapos na kami.  “Not in the mood.” He answered as he shrugged his shoulders. I let it go. Hindi ko na lang sya pipilitin, baka lalo mawala sa mood. Lunch pa naman daw ang meeting nya this morning. May kinausap raw syang company na nagmamanufacture ng certain machines na marami ang kailangan nilang bilhin. Nag usap na raw sila sa presyo. Bukas ay paplantsahin ang deal at kung magka ayos ay magpipirmahan. Nauna na raw kahapon ang dalawang lawyers ng Arciega dito sa Japan, and they're also staying at the same hotel and floor. Humiga na kami ni Vaughn pero pareho lang kaming nakatitig sa kisame.  “I can't sleep. Do you want to drink?” Nakangisi na tanong nya pagkatapos nyang tumagilid paharap sa akin.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD