Dahan dahan kong binuksan ang pintuan papasok sa kwarto namin ni Vaughn. Ayokong magising sya kung sakali. Every minute of sleep counts when it comes to him. Oo, umuuwi nga sya sa oras pero bago matulog ay dumidiretso naman sya sa library para magtrabaho pa rin.
And I don't know kung anong oras na sya natulog. Pasado alas dos na. Medyo na miss namin ni Luna ang isa't isa kaya napasarap ang pag i stay ko. Iniwan ko na lang sya doon sa hotel para makapag relax naman sya bago sya umuwi.
Nakainom ako ng kaunti dahil umorder ako ng wine pati mga pagkain sa hotel. Gusto ko sanang isama si Luna kumain sa labas pero delikado. Naubos namin ang isang bote. Good thing na hindi ako nagdala ng sasakyan. Medyo nahihilo pa ako kaya nag decide ako na mag shower muna. Hindi ko na lang binasa ang buhok ko, I wore a shower cap.
“Kakauwi mo pa lang?” Kahit anong ingat ko ay nagising pa rin si Vaughn nang humiga na ako sa tabi nya.
Nakadapa sya paharap sa akin at inangat nya ang mukha nya para magkaharap kami. His hair's messy and his bedroom voice awakened something inside me. Pero ayoko mag entertain ng kung ano.
“Yes.” Mabilis na sagot ko.
Nakita kong tumingin sya sa wall clock ng kwarto namin. “It's almost three!” Napabalikwas sya ng bangon. “Bakit ngayon ka lang?”
Ngumiwi ako. “Uhm, medyo napahaba ang kwentuhan.”
Ilinapit nya ang mukha nya sa akin at inamoy ako. “Uminom ka?”
“Kaunti lang naman. C'mon, matulog na tayo.” I pulled the comforter up to my chest pero nakatitig pa rin sa akin si Vaughn. Natawa ako. “What?”
“Paano ka nakauwi?” Taas ang kilay na tanong nya.
“Vaughn, I booked a grab car. Hindi ako nagdala ng sasakyan.” I answered him a-matter-of-factly.
He slowly nods, “Okay.” Tapos humiga na sya ulit.
“I'm careful, don't worry.” I assured him again. “And my security details are always with me.”
“Yeah,” Ang tanging sagot nya na lang.
Hindi na ako sumagot at ipinikit ko na lang ang mga mata ko.
Nagising ako na wala na sai Vaughn sa tabi ko. I looked at the wall clock. Pasado alas diyes na. Bumangon ako at nakita ko ang noted sa bedside table.
Told them not to wake you up. I'll be late, don't wait up.
Hubby
I rolled my eyeballs.
Pero mabuti na rin at binilinan nya ang mga kasambahay na huwag ako gisingin. Medyo masakit ang ulo ko, iiinom ko na lang ng gamot dahil bawi naman ako sa tulog. Pagkatapos ko kumain ay naligo ako sa pool. Mga isang oras lang akong nag tampisaw.
Nagbibihis na ako ng katukin ako ni Donita.
“Senorita, may bisita po kasing dumating. Hinahanap po kayo.”
“Sino daw?” I said not opening the door yet. Naka suot pa lang ako ng underwear at naghahanap pa lang ako ng pwedeng isuot.
“Shyra daw po.”
I smirked when I heard the name. In fairness, it took her almost two weeks to come and see me. I'll give her that.
“Let her in, give her something to eat. Sabihin nyo bababa na ako.”
“Sige Senyorita.”
I was about to pull out a shorts and a racer back sando but I pulled a blue summer dress instead. Hindi ako nagpapa impress kay Shyra. I just need her to understand na ako ang asawa ni Vaughn at wala syang aasahan kay Vaughn. At na kaya ko syang sirain.
I brushed up my hair, hindi na ako nag blower. Tuwing may pupuntahan lang kami ako gumagamit ng blower. I didn't wear any jewelry too. I like to be simple. Besides, bahay ko ito. I can do whatever I want.
I slowly went down the staircase of our house and when Shyra saw me, tumayo sya agad. Para syang maamong tupa na nakatingala habang pababa ako sa hagdan. Sinadya ko na bagalan. Moment ko na ito, no! She needs to learn her lessons.
“Shyra! What brings you here?” Ngumiti pa ako ng nakaka asar nang makalapit na ako sa kanya.
Tinitigan nya ako ng matagal bago sya bumuntong hininga. “I'm sorry.” Mahinang sabi nya.
“What? For what?” I giggled. s**t. Gustong gusto ko talaga mang asar, eh. Sana lang huwag sya umiyak kagaya ni Lyzander.
I saw her clenched her hands. Parang kumukuha pa sya ng lakas sa kung ano man ang sasabihin nya. I waited for her. Pasensyosa naman kasi talaga ako. Pinagbigyan ko nga sya ng dalawang beses, hindi ba?
“Look, I want to apologize for whatever I did to you or to Vaughn.” Kita ko na labag sa loob nya ang pagsasabi noon. For brats that were born with golden spoon like Shyra and Lyzander, pinaka mahirap talaga sa kanila ang magpa kumbaba. They were so used with being on top na hindi nila naisip minsan na mapupunta sila sa baba.
“What did you do?” Kunwari ay concern na tanong ko.
“Sasa, huwag na tayong maglokohan. Alam ko na alam mo na ako ang nagpapagawa ng mga articles tungkol sa'yo.” She snapped.
Tinaasan ko sya ng kilay. “And?”
“I said I'm sorry!” She exclaimed. Hirap na hirap talaga sya. Ni hindi nga sya makatingin sa akin.
“So, what do you think your sorry would do?” Oh, how I love this game. Hallelujah for Vaughn's money, I get to do this. Vaughn will also buy Shyra's family's business. Lugi naman na iyon kaya murang mura namin na mabibili.
Tiningnan nya ako ng masama as she was gritting her teeth. “You really love this do you?”
I smiled at her. “Ang alin ba? Ang makita kang nahihirapan? Well, you know, Shyra. I wasn't always like this, if you remember. I even welcome you into our home bago pa man kami ikasal ni Vaughn. Pero 'yang pagiging makati mo, hindi mo mapigil. Gusto mo may kumamot, at si Vaughn pa ang target mo.”
She gasped at my choice of words.
“Masyadong mataas ambisyon mo. Ilang beses ka na bang tinurn down ni Vaughn? Gusto mo bang ipaalala ko sa'yo isa isa? I know everything. My husband tells me everything.” Lalo na noong sinundan nya si Vaughn sa banyo noong nasa reception kami after ng kasal namin at pinipilit nya si Vaughn na 'kahit isang beses' lang daw. And of course I told them to put it in the article about Shyra.
So f*****g cheap and pathetic.
I saw her swallowed. “What do you want?” Imbes ay tanong nya na lang.
Ngumisi ako sa kanya. “Good question.”