Kapag may pera ka o alam ng mga tao na mayroon kang pera, they will always try their hardest to impress you, even if it means na aambunan mo lang sila ng barya. I don't know these people work their hardest to impress people who don't even see their efforts. Sa tingin ko kasi ay mas okay na mag exert sila ng effort sa mga serbisyo nila kahit sa mga regular lang na tao. With them, they're more likely to see and appreciate their efforts.
When Vaughn personally called the hotel concierge to ask if it will be possible for him to have a bottle of wine even if it's already in the wee hours, walang gatol silang nagsabi na wala raw problema. Vaughn asked a specific red wine na hindi ko na matandaan dahil French ang pagkaka baggit ni Vaughn.
In thirty minutes, they were able to produce the said red wine at dinala iyon sa amin na may complimentary fruits and cake. Napailing na lang ako ng makita ang laman ng push cart na ipinasok ng isang staff.
Matapos namin magpasalamat, at magbigay ni Vaughn ng tip na hindi ko na nakita kung bagkano, we started drinking. Inisang lagok lang ni Vaughn ang lahat ng ilinagay nya sa wine glass nya.
Tinaasan ko sya ng kilay. “May problema ba tayo?”
He chuckled and poured some more into his now empty glass. “Nothing of your concern.”
“So mayroon nga?”
Umiling iling sya. “It's just a business thing. You have nothing to worry about.” Paninigurado nya.
Sumimsim ako sa baso ko. “You know that you can always talk to me, right?”
Ngumiti sya sa akin. “I know, honey. Don't mind me. Anyway, I plan on buying a vacation house in Zambales, I think mas okay na mayroon tayong vacation house doon now that the construction for the plant is ongoing.”
Pansin ko ang pag iiba nya ng topic but I didn't push him about the problem. “If that's what you like.”
“What do you think?”
“I think that it is practical, para kapag pupunta ka doon ay hindi mo na kailangan mag check in sa mga hotels.” Kibit balikat na sabi ko.
Actually, ako ang nagsabi sa kanya before na ganoon na lang ang gawin nya. Mas okay na may uuwian o tutuluyan sya sa mga lugar kung saan may branches ng businesses nila ang may malakihan na production. And I am happy that he's thought about it pero nakakainis na ginamit nya iyon para maiba ang topic.
Narinig ko sya na bumuntong hininga.
“What are you thinking?” Tanong ko naman.
“They're already refurnishing the supplies for the distillery and the production will resume this week.” Imbes ay sabi nya.
“That's not what I am asking.” Alam ko naman na. Nakapag report na sa akin si Jimmy ng updates tungkol sa distillery. I wanted to buy it pero wala akong balak na abandonahin iyon. Nalugi sila pero fully functional pa rin ang lahat. Pwede sila makabangon, pero hinarang namin ang lahat ng pwede mag invest sa kanila.
At tama ang hinala ko na ibebenta na nila iyon once na makita nila na wala nang pag asa. And with their massive debt? Wala na silang choice. At ngayon ay nasa ilalim na iyon ng Arciega Corporation. Wala nang mas sasakit pa na ang kumpanya na minana pa nila sa mga magulang nila ay pag aari na ng iba.
But I still don't think na iyon ang iniisip ni Vaughn.
“Vaughn, c'mon. You can tell me.” Alo ko sa kanya.
Humarap sya sa akin matapos nya ulit ubusin ang laman ng kopita nya. “What if.. what if gusto ko na magka anak tayo?”
Muntik ko nang mabitawan ang hawak kong kopita, nanlaki ang mga mata ko at hindi ako makagalaw. Nahihirapan I absorb ng utak ko ang ibig sabihin ng sinabi ni Vaughn.
“Look, hindi ko naman sinasabi na agad agad. I am not rushing or something. But I am talking about the possibility..” Nakatingin lang sya sa akin. “I hope hindi ka magalit that I brought this up.” Maingat ang pagsasalita nya na parang takot sya sa kung ano man ang sasabihin ko.
Dahan dahan kong ibinaba ang hawak kong kopita. I swallowed, and then nakipagtitigan rin ako sa kanya. “Gusto mo na magka anak tayo?”
“I am working hard to keep our company bigger and better. I am happy doing that. But what is my purpose? Para kanino? My parents aren't wrong when they said that I grew up lonely, you know. And what if this time, we will be the ones who are going to be lonely? Makukuntento ba tayo na palagi tayong ganito?” seryosong seryoso na sabi nya. There's something about Vaughn's eyes that tells me that he want this bad.
At ngayon ko lang iyon nakita sa ilang buwan na magkakilala kami.
“Please, say something.” Hirap na sabi nya nang hindi pa rin ako nagsasalita.
I cleared my throat. “Okay, so.. Uhm..”
Vaughn reached for my hands. Agad kong naramdaman ang mumunting kuryente na dumadaloy, gusto kong bawiin ang kamay ko pero pinakalma ko na lang ang sarili ko.
“Say something. Kung ayaw mo, sabihin mo pa rin.”
“Vaughn,” Panimula ko. “Ang totoo nyan, may balak rin naman akong magka pamilya, someday. But I don't think na ready na ako sa ngayon..”
Mabilis syang ngumiti at pinisil ang mga kamay ko. “Alright, that is more than okay, honey. I can go on with that. Tingin ko rin naman hindi pa rin ako handa. We can talk about it in the future, okay?” Hindi nya maitago ang pagka excited nya dahil sa sagot ko.
Tumango ako.
Naubos namin ang isang bote. Naging okay na si Vaughn. Sabay kaming humiga at nakatulog. Tanghali na ako nagising, pasado alas diyes na. Naabutan ko na palabas na ng banyo si Vaughn. May twalya lang na nakatapis sa kanyang bewang. There are water droplets all over his body and the smell of the soap he used filled the air.
“Ang aga pa, ah?” Groggy pa na sabi ko.
Ngumiti sya sa akin. “Hey, gising ka na pala. Do you want me to call a room service for your brunch?” Sabi nya habang binubuksan ang luggage namin.
Mabilis akong tumayo at ako na ang kumuha ng damit nya, hindi naman sya tumutol. Nag bihis sya sa harap ko and I don't really mind. I love taking a peek at Vaughn's to die for sexy and ripped body. I clenched my fist dahil nagkaka urge na naman ako na abutin sya at paglandasin ang mga kamay ko sa katawan nya.
I fixed his tie after I called for a room service.
After a few minutes ay tumawag na si Abigail, saying na paalis na sya ng suite nya at dadaanan nya na lang si Vaughn para sabay na silang pumunta sa luncheon meeting.
“I'll be back soon. After this, we can go to the places you want to go, alright?” Masiglang sabi nya sa akin. He reached for my chin and softly pinched it.
I don't know when Vaughn started to get handsy but I like it.
Nakangiti naman akong tumango. “Okay.”
He lowered his head and before I knew it, dumampi na ang labi nya sa gilid ng mga labi ko. He muttered a goodbye and then he's gone.
I was left confused and shocked.