True to his words, umabot lang ng halos isang oras ang luncheon meeting ni Vaughn and it was a success. Nagkasundo sila sa presyuhan at sa deal. Naglibot kami sa Tokyo, pati na rin kinabukasan. We let Abi do whatever she wants on our free time. Namili ako ng mga Japanese snacks na iuuwi ko sa Pilipinas at ilang beauty products.
We never talked about the 'kiss' this morning. Hindi naman talaga iyon big deal sa akin, I can just shrug my shoulders off over it. Siguro kailangan na rin talaga namin masanay to be more intimate para kapag kinailangan na ay madali na?
Besides, hindi naman talaga sya 'kiss' kasi gilid lang ng mga labi ko ang nadampihan ng mga labi nya?
Gusto ko pa sana magstay pero alam ko naman na limited lang ang oras ni Vaughn. Kung tutuusin, dapat ay after ng meeting, that same day ay uuwi na sya pero dahil kasama ako ay nag extend pa ng isang araw. I know that dahil nasabi ni Abi sa akin.
Natulog ako sa buong flight. Si Vaughn naman ay kung hindi rin tulog ay nagbabasa ng kung ano.
Our lives resumed when we arrived to the Philippines.
Namili ako ng supplies namin for the whole week at isinama ko si Donita. Tatlong malalaking cart ang napuno namin sa pamimili. Sinalubong kami ng dalawang bodyguards ko at tinulungan kami sa mga pinamili namin.
Malapit na kami sa bahay nang may tumawag sa cellphone ko.
Bumilis ang kaba sa dibdib ko nang makita ko kung sino iyon. I froze and I didn't know what I should do. Hindi ko muna sinagot. Tatlong beses syang tumawag at nang hindi na sya tumawag ulit ay agad akong tumawag kay Vaughn.
“What is it?” Paangil na sagot ni Vaughn.
Napataas ang kilay ko. “Galit ka ba?”
He groaned. “No, sorry, I just came from a meeting. Do you need anything?”
“Debra called.”
“Anong sabi? Did you talk to her?”
“H-hindi ko sinagot. Do you know any reason why she would call me?”
“I don't know. Hindi naman kayo magkasundo so it's definitely not a social call. Baka tungkol sa farm? Or sa factory? Either way, you have to call her back and talk.”
I sighed. “Okay, pagkauwi na lang siguro.”
“Umalis ka ba sa bahay? Where are you?” Bigla ay parang gulat na tanong nya. Minsan nakakatawa talaga si Vaughn magreact sa mga bagay bagay. He looks so mature pero minsan ewan, para syang bata.
Natawa ako. “Nag grocery ako. I'm with Donita and the driver. Pauwi na kami.”
“Oh.” Parang bigla syang nahimasmasan. “Okay, take care. Maaga ako makakauwi.”
“May gusto ka ba kainin mamaya?”
Sandaling hindi nagsalita si Vaughn, malamang nag iisip na ng gustong kainin.
“That eggplant thing with egg and pork?”
Malakas akong natawa. “Tortang talong?”
“Yeah, that one. Can you cook it again for me?”
“Copy, Hubby. Bye!”
Alas tres pa lang naman ng hapon kaya nagbabad muna ako sa gym ng isang oras. Light exercise lang ang ginawa ko dahil ayokong mapagod ng sobra. Kailangan kong lutuan ng tortang talong si Vaughn.
I remember when he saw me eating a tortang talong that I cooked for myself way before. Tinanong nya ako kung masarap ba at kung ano iyon. I answered him. And then he asked me if he can have a taste. Ayon, napakain rin sya. Natutuwa ako tuwing napapakain ko si Vaughn ng mga hindi nya usual na kinakain. Lalo na kapag amaze na amaze sya na may ganoon palang pagkain.
Anyway, nagtext ako sa kanya na magsabi sya kung pauwi na sya para makapagluto na ako.
Pasado alas singko sya nag text na pauwi na sya.
“Senyorita, ang bango naman nyan!” Bati ni Donita nang bumalik na sya matapos ko sya utusan na ayusin na ang hapag kainan sa dining hall. Sumilip sya sa linuluto ko. “Tortang talong? Kumakain ka po pala nyan?” Punong puno ng pagtataka na tanong nya. She didn’t know I ate this with Vaughn before.
I licked my lower lip. Alam na alam ko na ang isasagot kapag may ganitong mga eksena. “Yeah, I tasted it when I went into this orphanage. Ito ang ihinanda sa amin. Natikman ko at masarap kaya pinag aralan ko. And now, Vaughn likes it too.”
“Ganoon po ba?” Napatango na lang si Donita at mabilis rin na umalis.
On the earlier times, malamang na nagpanic na ako at nautal. Pero na master ko na 'yata ang lumusot sa mga bagay bagay ngayon. It's either Vaughn will be there to quick cover for me or I can be quicker to cover for myself.
Habang hinihintay dumating si Vaughn ay ilang beses akong tumitig muna sa cellphone ko bago ako magpasya na tuluyan nang tawagan si Debra. She's my second cousin. Kapatid ng mommy nya si mommy. They're both dead. But unlike me ay buhay pa rin si Tito Rome, ang daddy nya. And they are the only relatives I have.
“Sobrang busy ka ba sa buhay may asawa mo at ngayon ka lang tumawag?!” I can already feel the hostility in her voice. Well, kailan ba sya naging accommodating man lang tuwing kinakausap nya ako?
Just like always ay kalmado lang ako. “Bakit ka tumawag?”
“Unlike you na pwede na lang humilata lagi at walang gawin, I am running our family business, may I remind you. Sasagot ka lang ng telepono, nahihirapan ka pang gawin?” Okay, there she go. Sino ba ang magkaka gana sumagot kapag palaging may pahaging sya na ganito?
We don't like each other, alright. But I am civil towards her. Pero hindi nya iyon magawa. At baka sumabog na ako anytime so habang kaya ko ay hinahayaan ko na lang sya. Ayaw ko na syang idagdag sa listahan ng mga tao na problema namin.
“Debra, ano bang problema? Wala akong panahon sa mga litanya mo.”
“Fine. We need a loan. Mag loan ka sa asawa mo. Kailangan natin mag expand.”
Napaawang ang mga labi ko at humigpit ang pagkakahawak ko sa cellphone ko. “What? Why?”
“Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Kailangan natin mag expand. Wala tayong funds for expansion sa ngayon, so mag loan ka sa asawa mo. We need new supplies, may mga bago tayong clients.” I hate that she can say it like I can just tell Vaughn about it and he'll give it to me in a second.
And while it can be true in some instances, sa tatlong beses na nag usap kami since five months ago ay wala nang bukang bibig si Debra kung hindi pera. Unang beses ay kailangan nya raw ng raise. I said yes. Pangalawa, nagloan sya sa pera ng company para makapag bukas raw ang daddy nya ng restaurant and I said yes. Tapos eto?
“How can you say it like that? Bakit kailangan mag expand? Para saan? Bakit ngayon ko lang ito narinig?” I was confused.
She scoffed. “Well, for your information, ako na ang namamahala sa company. When I said we need expansion, we need to expand.”
“Wow, Debra. Makapagsalita ka parang wala akong say? In case you forgotten, mas malaki ang shares ko sa'yo sa company, I just let you manage it for now dahil kailangan pa ako ni Vaughn. And will you stop calling me just to ask for money na parang sa isang pitik ay bibigyan ako ni Vaughn ng kung bagkanong gusto mo?” Pigil ang inis na sabi ko.
I have to be calm o baka ibang terms na naman ang masabi ko.
Malakas na tumawa si Debra. “Vaughn bought Destileria Careon for sixty million kahit na fifty million lang ang value noon. And don't tell me that Vaughn just happens to want to add the distillery under his friggin empire. Of course he did that kasi ex mo si Lyzander.”
Hindi ako agad nakapagsalita.
“Ano? Mag loan ka ng ten million, payable in five years, walang interes.” Iyon lang at pinutol na ni Debra ang linya.