Ten.

1337 Words
“Honey, are you alright?”  I blinked a few times when I heard Vaughn asked me that. Nakakunot ang noo nya at wala nang laman ang pinagkainan nya. “Is there something wrong?” Tanong nya ulit tapos ay idinampi ang napkin sa gilid ng mga labi nya bago iyon ilagay sa ibabaw mesa. “I talked to Debra.” “And what did she said?” Nagkamot ako ng braso. I don't know kung dapat ko bang sabihin ito kay Vaughn but we promised not to keep any secret between us. Kahit ano pa iyan. The trust we have for each other should be the foundation of what we have right now. “Sasa, c'mon. Tell me.” “You don't have to do it, okay? It's ridiculous. But Debra called to tell me na mag-eexpand daw ang company and mag loan daw ako sa'yo.” Nakangiwi na sabi ko. “How much?” Mabilis na tanong nya. “It's nothing. I can just talk to her about it. She's just being like this kasi akala nya anytime ay makakakuha ako sa'yo ng pera.” I said as I shrugged my shoulders. “But you actually can. What I have is also yours.” Kunot ang noo na sabi nya. “Now, tell me, how much is she asking?” Bumuntong hininga ako. Hindi na lang ako nakipag argumento tungkol sa sinabi nya. “T-ten million.” Mahinang sabi ko. “Alright. Papapuntahin ko ang isa sa mga auditor ko sa office MSGC. We have to look at the figures to know if MSGC really needs expansion, para saan at kung kaya ba ibalik.” “Debra said that it should be payable for five years at.. walang interes?” Nahihiyang sabi ko. s**t. Pwede namang hindi nya gawin ito. I am sure MSGC can function okay kahit walang expansion. Okay naman ang kinikita ng company ngayon, eh. Malakas na tumawa si Vaughn. Pero 'yung tawa nya is parang nakarinig sya ng joke. “Wow. That woman's really something. Tell her to call my secretary instead and schedule a meeting with me.” “What are you going to tell her?” Curious na tanong ko. “I am going to make sure that she's going to respect you next time that she talks to you.” Matigas na sabi ni Vaughn. Kinabahan ako bigla. “Vaughn, no. I can just talk to her. Baka hindi naman talaga kailangan.” Ito 'yung mga oras na hindi ako sigurado kung magiging pabor ako sa gagawin ni Vaughn kahit na alam ko na para sa akin naman iyon. “It's fine. C'mon, can you give me a massage?” Imbes ay nakangiti na tanong nya. Kahit gusto ko pa sana tumutol ay nadala na ako ng ngiti nya. Ano ba yan! Tinawag ko na ang kasambahay para ayusin ang pinagkainan namin ni Vaughn tapos ay umakyat na kami sa kwarto namin. Mabilis syang nag shower, then I started massaging him. Syempre, heto na naman sya sa mga pag ungol nya at weird sounds. “Hoy, para ka namang inaano dyan, eh.” Tinigil ko ang pag masahe ko sa kanya. Bahagya nyang inangat ang mukha nya. “What?” Halata ang pagtataka sa mukha nya. “Umuungol ka. Para kang inaano.” Nahihiyang sabi ko. He chuckled. “It's the nth time that you have massaged me pero bakit nagrereklamo ka ngayon? You know I moan because it feels good.” He said huskily. Umiwas lang ako ng tingin lalo na at tuluyan na syang humiga paharap sa akin. His half naked body is on full display. He intertwined his two hands and put it under his head. His muscles flexed at kahit na sa iba na ako nakatingin ay hindi ko pa rin maiwasan mapansin iyon sa sulok ng mga mata ako. “Honey..” Parang may kuryente na dumaloy sa katawan ko nang tawagin nya ako. Mabilis akong tumayo mula sa kama at lumayo sa kanya. Nagwawala sa pagpintig ang puso ko at hindi ko alam kung bakit. Parang kailangan ko lang lumayo kay Vaughn. Bigla syang napabangon. “Sasa?” Oh, gosh. Nag flex na naman ang mga muscles nya. Ang gwapo na nga, ang ganda pa ng katawan. Ang bango pa! The butterflies in my stomach are it again! “Uhm, m-masakit na 'yung kamay ko, eh. Bukas na lang kita ulit imamasahe.” Sabi ko at mabilis na ibinalik ang lotion sa vanity table ko. “Sige na, matulog ka na. Shower lang ako.” Patakbo akong pumunta sa shower room hoping na tulog na nga si Vaughn  Hindi ko na alam kung gaano ako nagtagal sa pag shower. Parang dried prunes na kakulubot ang itsura ng mga daliri ko sa sobrang tagal kong naka babad sa tubig. Dumiretso ako sa walk in closet namin at nagsuot ng white graphic pajama. Dahan dahan akong naglakad sa kama at nakahinga ng maluwag dahil tulog na si Vaughn. Ang kasi, hindi na sya nag damit. Half naked sya at naka display sa akin ang ripped na upper body part nya. Napalunok ako nang mapadako sa mukha ni Vaughn ang mga mata ko. Bahagyang naka awang ang mga labi nya at may kung anong nagtutulak sa akin na alamin kung ano ang lasa ng mga labi nya. Inis na minura ko sa loob ko ang sarili ko. Humiga na lang ako na patalikod kay Vaughn. Natagalan bago ako nakatulog talaga dahil sa kung anu-anong bagay naiisip ko at pinapagalitan ko rin ang sarili ko. I shouldn't think of these things! Hindi ako pwedeng ma attract ng ganito kay Vaughn. Hinding hindi pwede.         Montaniez Steel Group of Companies or MSGC is the company that my father had built. He started small, bago pa niya makilala si mommy. Before, Montaniez Steel lang ang pangalan noon. When dad and mom married, mommy and tita Dawn, my mom's sister and Debra's mother, invested and it gave daddy the means to expand. Later on it became the family business. When mommy, daddy and tita Dawn died two years ago because of the Helicopter crash, their shares automatically became mine and Debra. I own the sixty seven percent shares of the business while Debra has the remaining thirty three percent from her mother. Simula nang maging engaged ako kay Vaughn ay sya na ang pinamahala ko dahil kailangan ako ni Vaughn. Debra's father, tito Rome doesn't have interest in the business. May sarili naman kasi sya. He's a chef, sikat sya dahil nagkaroon sya ng tv show noon. Pero ngayon ay focus na sya sa sarili nyang restaurant that he got from loaning into MSGC's money. Antok pa ako pero nakaramdam na ako ng gutom kaya bumaba na ako, hoping na may naluto na ang mga kasambahay. Nagulat pa ako nang makita na nasa dining hall pa rin si Vaughn at nagkakape habang may binabasa sa ipad nya. “Good morning.” Nakangiti na bati nya nang makita na ako. “Morning. Hindi ka papasok?” Nagtataka na tanong ko. Alam ko na tama ang nakita kong oras sa wall clock. Pasado alas otso na. “Maghahalf day lang ako. I decided na ako na lang ang pupunta sa MSGC to talk to Debra.” My eyes grew big when I realized what he said. “H-ha? Bakit?” Nagkibit balikat sya. “Why not?” “Vaughn..” Naguguluhan na sabi ko na lang. “We don't need a gossip right now.” Tumawa sya. “And who says about gossips?” “You can't go to MSGC.” Matigas na sabi ko. “Ako na lang ang kakausap kay Debra. Sasabihin ko na may ipapadala kang auditor to determine if eligible kami mag loan.” “Are you nervous?” Taas ang kilay, nakangiti at amused na tanong ni Vaughn. “I am not. Ayoko lang na-” “Fine, sumama ka na lang so any gossip won't happen.” Putol nya sa kung ano man na sasabihin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD