Chapter 5: Mathew

1477 Words
SA LABAS LANG ako tumitingin habang nagmamaneho si Thor. Bihira lang ako sumulyap sa kaniya. Lilipat ako mamaya dahil nabanggit niyang dadaanan namin ang ibang kaibigan at girlfriend niya. Mabuti iyon, para mabawasan ang init ng ulo niya sa akin. At least may paglalaanan na rin siya ng atensyon. Pero sa kabilang banda ng puso ko, may kumikirot. Lagi na lang, kapag nasa pligid ko si Thor at ang nobya niya. Ngayon pa lang, nalulungkot na ako. Pagdating ng Shaw Boulevard ay may dinaanan nga kaming apat. Kahit labag sa kalooban ko, lumipat ako sa pinakasulok sa likod dahil sa tabi niya uupo ang nobya nito. “Sana ako na lang,”anang isang tinig sa isipan ko. Parang gusto ko na namang pukpokin ang sarili ko. Mukhang pinangangatawanan ko na ang sinasabi ni Vivien na may gusto nga ako sa binatang Hernandez. Kasunod ko naupo ang lalaking kaibigan ni Thor at ang dalawang pares na kaibigan din ni Thor. Bale, napapagitnaan namin ng babae ang dalawang lalaki. Kung titingnan, may kani-kaniya kaming partner. “Are you okay there?” tanong sa akin ng katabi ko. Tumngo ako sa kan’ya at ngumiti. Para kasi akong nakatangang nakatingin sa labas habang umaandar ang sasakyan. Tapos nakahalik pa ang noo ko at labi sa salamin. Nakita niya pala iyon. Nakakahiya tuloy. Nakita ko rin ang pagtingin ni Thor sa salamin. Nakakunot ang noo niya. Napaayos tuloy ako ng upo dahil baka pagalitan ako. “Mathew nga pala.” Tumingin ako sa kamay niyang nakalahad. Nakakahiya naman kung hindi ko tatanggpin ang pagpapakilala niya. “Yvette po ang pangalan ko.‘ Tinanggap ko ang pakikipagkamay niya sa akin. “Parang ang tanda ko naman sa po na ‘yan. Ilang taon ka na ba at—” “17 po,” Napanganga si Mathew sa akin. “Wow. 17 ka pa lang pala. s**t! Sorry na kaagad. Akala ko magkaedad lang kayo ni Thor.” Hindi ko maintindhan kung bakit humihingi ito ng paumanhin sa akin. Pero pansin ko na ang kakaibang tingin niya sa akin nang bumaba ako ng sasakyan ni Thor. “Malaking bulas lang siya,” singit ng nobya ni Thor. “Akala ko nga dati magkaedad kami,” dugtong pa nito. Napatingin ako kay Xyrel matapos niyang sabihin iyon. Baka ang ibig niyang sabihin, matangkad ako. Pero hindi ako malaking babae. Balingkinitan din ang katawan ko hindi chubby. “Tigilian mo si Yvette, Mat. Yari ka kay Mama ‘pag nalaman niya,” dinig kong sabi ni Thor. Tumingin ako sa kan’ya. Sa Daan lang ito nakatingin. “Hala, wala naman akong ginawa, ah! Grabe ka, bud!” Umayos ng upo si Mathew kapagkuwan. Natawa lang ang katabi niya. “Sorry, baby girl. Sana hindi makarating kay Tita na nakipagkilala ako sa ‘yo.” Napangiti ako sa sinabi niya. Wala namang masama kung tutuusin. Si Thor lang itong advance mag-isip. Nawalan tuloy ako ng kausap. Nakikipag-usap lang sa akin si Mathew kapag nang-aalok ng junk foods. Bandang alauna nang mag-stop-over kami. Kakain daw kami. Bigla akong nahiya dahil maganda ang pinasukan kaming kainan. Binibilang ko pa ang baon ko. Tatlong libo lang yata. Nasa alkansya ko kasi ang iba. Sana hindi sobra sa tatlong libo ang pagkaing ihahain sa mesa, dahil kung hindi baka mapahugas ako ng wala sa oras nito. “Sinong taya?” ani ni Harold kay Thor. Bigla akong kinabahan nang tumingin siya sa akin. Walanghiya! Baka ako ang ituro ni Thor. Hindi na ako nagdalawang-isip, tumalikod na ako. “Saan ka pupunta?” tanong sa akin ni Mathew. “Sa labas magpapahangin lang,” kunwari ay sabi ko. Ang totoo, hihintayin kong kumain ang mga ito tapos ako o-order sa fast food na nakita ko kanina nang mag-park kami. 60 pesos ko doon sulit. Tumingin ako kay Thor na nakasimangot na naman. Malapit ko ng masabing idol niya si Aling Simang, ‘yong nagbebenta ng siomai malapit sa gate ng eskuwelahan namin. Panay ang simangot, e. Kumaliwa ako ako paglabas ko ng magarang kainang iyong. Bibilisan ko na lang kain para hindi mahalata ng mga ito tapos babalik na ako sa sasakyan. Hindi pa man ako nakakarating ng fast food nang mapansin ko ang isang kainan, may lomi akong nakita sa menu, kaya doon na lang ako pumunta. Masarap siguro ang luto dito. Umorder ako ng isang order at naghanap ng puwesto. Kakaupo ko lang nang may tumabi sa akin. Napabaling ao sa katabi ko, nakangiting mukha ni Mathew ang nalingunan ko. “A-anong ginagawa mo rito?” ani ko rito. “Ikaw, anong ginagawa mo rito? Sabi mo, magpapahangin ka.” Inilinga pa niya ang paningin. Bahagya akong ngumiti sa kan’ya. “Dito ako kakain,” pag-aamin ko. “I see. Bakit ayaw mo doon?” “Baka hindi matunaw sa tiyan ko. Ang mahal, eh!” may himig na biro ‘yon. Natigilan siya. Tumitg pa sa akin. “Wait, siguro iniisip mong ikaw ang pagbabayarin namin, ano?” nakangiting tanong niya. Hindi ko mapigilang mapangiti sa kan’ya pero napalis iyon nang makita ang pamilyar na bulto sa unahan. Sa salamin na pader ako nakatingin, kung saan may nakadikit na menu. Kita kasi doon ang nasa likuran. Kilala ko ang bulto at tayong iyon. Umalis siya kapagkuwan. Ano kaya ang ginagawa ni Thor dito? Sinundan niya kami? Pinalis ko sa isipan ko ang nakita at bumaling kay Mathew. Umorder na lang din si Mathew ng kagaya sa kaniya. Nagustuhan nito ang Lomi kaya umorder pa ito. Nakakatuwa lang dahil unang beses niya palang kumain ng Lomi. Tinanong pa niya ang babaeng nag-serve kung paano ba magluto dahil susubukan daw niya sa bahay nila. Hindi ko namalayang medyo natagalan na pala kami. Nalibang kami pa kasi kami sa kuwentuhan. Mabilis na niyaya ko si Mathew na bumalik na sa sasakyan. Pagdating namin ay wala pa sila kaya naupo muna kami sa nakitang bench. Buti na lang naunahan namin sila. “Whoah! Grabe, busog na busog ako.” Tumingin ako kay Mathew habang hinihimas niya ang tiyan niya. Hindi ko kita dahil matipuno ang katawan niya, at mukhang walang bilbil. “Salamat,” aniya sa akin na ikinatingin ko ulit sa kan’ya. “Bakit po?” “Drop the po nga, e.” “Sorry. Bakit ka naman nagpapasalamat?” “Eh kasi, dinala mo ako doon. Ngayon lang talaga ako nakakain ng gano’n.” “Toinks. Dahil lang do’n? Pero correction lang, hindi ako ang nagdala sa ‘yo dito. Sumunod ka sa akin, remember?” Natawa siya. “Oo nga pala. Sumunod nga pala ako.” Ilang sandali lang ay nagsibalikan na ang mga ito. Nakangiting tumingin sa amin ang magnobyong si Harold at Ynez. Hindi ko maintindihan bakit hindi mawala ang ngiti nila hanggang makasakay kami. May ibinulong pa si Ynez kay Harold. Kahit ang nobya ni Thor ay ganoon din, nagkangisi rin, na ipinagtaka ko. Kahit si Mathew ay nagtataka sa mga ngiti ng mga ito. Kakaiba kasi. Kaya ang ginawa ni Mathew, tinulugan na lang niya ang ibang kaibigan sa biyahe. Ganoon din ako. Pero pagising-gising lang ako dahil nakakalibang ang mga tanawing nakikita ko. Inabot ng limang oras ang naging biyahe namin kasama na ang pag-stop-over namin ng dalawang beses pa. Nauna pa pala sa amin sila Tabitha. Sabagay, natagalan kami nang kumain kami tapo noong makaramdam pa ng tawag ng kalikasan. Si Yaya Esang ang kasama ko sa silid dahil kailangan ng extra silid ng nila Harold at Mathew. Hindi naman daw alam ng ginang na may isasama si Thor, kaya hindi napalinisan ang ibang silid. Dapat sa akin daw pala ang isang silid. Ayos lang sa akin, ang mahalaga may matutulugan ang mga kaibigan ni Thor. Iginiya ko ang sariling papunta ng dalampasigan. Kahit mainit pa, wala akong pakialam. Ang ganda kasi talaga. Puti ang buhangin masarap maglaro. Kumuha lang ako ng ilang shots sa sarili gamit ang camera ng selpon ko. At least may remembrance ako. Bukas, sa araw ng kaarawan ko, dadamihan ko na lang ng kuha. Unang beses ko itong pumunta sa resort na ito ng mga Hernandez. Tama nga si Tabitha, mag-e-enjoy ako rito. Mukhang magiging makabuluhan ang kaarawan ko. Bumalik din ako kaagad sa malaking bahay. Natulog pa pala ang ilang bisita namin. Kahit sila Tab ay ganoon din pagdating na pagdating ayon kay Yaya. Dumeretso ako sa malaking kusina nang marinig ang boses ng aking mga kasamahan. Kasama pala ang mga ito. Sana sa grupo ng mga ito ako sumabay baka nag-enjoy pa ako. Sa pag-uwi na lang siguro. Kung hindi lang dahil kay Mat, baka nga napanis na din ang aking laway. Tumutulong ako sa mga gawaing bahay lalo na sa kusina kahit ayaw ng mga kasamahan ko. Kahit ang ginang ay pingsasabihan ako, dapat daw, i-enjoy ko ang bakasyon ko dito. Para sa akin, may oras naman para sa enjoyment na sinasabi ng mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD