Chapter 4: Disgusted

3448 Words
HINDI MAIWASANG MAPATINGIN sa akin ang ilang kasabayan ko sa pagpasok ng aming paaralan nang ako'y maglakad, partikular na ang ilang kalalakihan. May mga ilang ka-batch din akong papasok pa lang din, nakangiti ang mga ito sa akin. Napatigil ako sa paghakbang nang mapansin ang isang grupo ng mga kalalakihan. Umiwas ako dahil lahat sila nasa daanan ko talaga. "Hi, Yvette. Yvette ang pangalan mo, tama?" ani ng isang lalaki sa akin. Nag-angat ako ng paningin. Pamilyar siya. Tumingin ako sa ibang kasamahan nito. Saka ko lang napagtantong mga senior high ito. Isa ang grupo ng mga ito sa mga sikat sa eskuwelahang ito, sikat rin sa kalokohan. Palibhasa, mayayaman. Tumango ako sa lalaki. Hindi ko alam kung saan nito nalaman ang pangalan ko. Hindi naman ako sikat para lang pagka-interesan. Baka narinig nito kanina sa isang ka-batch ko ang aking panglan, at saktong palapit kasi ako noon sa mga ito. “Kenjo nga pala,” aniya sabay lahad ng kamay. Luminga ako sa paligid. Halos sa mga kasamahan ng mga ito ay nakangiti, at nakakaloko iyon. Kakaiba ang pakiramdam ko ng mga sandaling iyon. Mga guwapo sana, kaso mga naloko sila Mabilis na nakipagkamay ako dito at nagpaalam na. Mga ngiting iyon, alam ko na. Baka mamaya ako ang pagtitripan ng mga ito. Kilala kasi ang grupo ng mga ito sa kalokohan, kaya ayaw kong mapasali sa mga laruan nila. Hingal na napahawak ako sa pader nang makalayo sa kanila. Hindi ko gustong tratuhin sila ng ganoon, pero kapag tumagal ako doon, baka masama ako sa listahan na pagtitripan ng mga ito. Nakikinita ko na. Nagtatakang sinalubong ako ng kaibigang si Vivien. Paano, hindi pa rin nawawala ang hingal ko. Siya lang ang pinaka-close ko sa aming klase. Mabilis ko siyang nakagaanan ng loob. Mula rin siya sa mayamang angkan pero napaka-down to earth din. Akala mo nga minsan mahirap din dahil sa pananamit. Pero recently lang 'yon nalaman ko ang buong pagkatao niya, na isa pala siyang mayaman. Sabagay, halos nga pala sa eskuwelahang ito mayayaman, iilan lang ang mahirap na gaya ko. “Anyare?” “Nakasalubong ko ang grupo nila Kenjo. Mukhang walang magandang gagawin kaya nagmadali akong makaalis.” “Buti natakasan mo mga ‘yon. Naghahanap nga kanina pa na mapagti-tripan, eh. Let’s go. Magsisimula na kasi.” Yakag niya sa akin. Iginiya ako ni Vivien papunta sa function hall ng paaralan namin kung saan gaganapin ang gabi ng prom namin. May mga couple yata na magsasayaw, at isa 'yon sa inaabangan ng lahat sa gabing iyon. Sila ang mga nanalo sa paligsahan nitong nakaraan lang na ginanap. Dapat kasali ako, kaso iniisip ko na matatalo lang ako dahil padamihan ng sponsors. Wala naman akong gaanong kilala, Hernandez family lang naman. Saka iniisip ko, baka lalong magalit si Thor. Pera ang labanan, e. Saktong pag-upo namin ng kaibigan ko ay siya namang simula. Inilinga ko sandali ang mata ko para tingnan ang paligid ko. Hindi ko maiwasang humanga sa ilang kalalakihang may mga partner. Ang iba, magkakahawak pa ang mg kamay at halatang magnobyo ang mga ito. “Sana all,” sabi ko sa sarili ko. Kami lang ng kaibigan ko ang walang ka-date. Ayaw rin niya kasi na may ka-date kagaya ko. Kung ang iba ay nasisiyahan sa gabing iyon, sila ng kaibigan, banas na banas. Kung hindi lang dahil sa attendance is a must ng advisor namin, hindi kami pupunta ng kaibigan ko. Dagdag pa ang Mama Thea ko. Napabuntong-hininga tuloy ako matapos alalahanin kung bakit ako narito. May mga ilang kalalakihan ang gustong magsayaw sa akin, pero ni isa hindi ko pinagbigyan. Nakakahiya, ang tanda ko para sa kanila. Awkward tingnan. Lalo na sa mga kaklase ko. Kahit kay Vivien meron din, ayaw niya rin. Natanong ko nga siya, e. Meron daw talaga siyang crush noon, pa man ang kaso hindi siya pinapansin. Napaisip ako bigla. Ako ba may crush na? Saglit na inalala ko ang mga kaklase ko. Sayang, marami sanang pogi, kaso, mga bata pa. Sa mga seniors namin, marami rin, ang kaso mga isnabero. Si Kenjo lang pumansin sa akin, ang kaso ulit, mukhang may masamang balak sa akin. Kaya, 'wag na lang akong magka-crush ngayon, sa tamang panahon na lang siguro. Magtatapos pa kaya ako ng pag-aaral, at pangako ko 'yon sa aking ina. Napatigil ako nang biglang lumitaw sa balintataw ko ang masungit na mukha ni Thor. Shit! Bakit siya lumitaw? Nanlaki ang mga mata ko mayamaya. Napatakip rin ako ng labi. Hindi maari! Si Thor ba ang crush ko? Napailing ako sa isiping iyon. Paano nga kaya kung si Thor ang crush ko? Lagi lang naman siya sa isipan ko, dahil siya lang ang bukod tanging may ayaw sa akin. Pero hindi ibig sabihin no’n may gusto na ako sa kan’ya. Hello, self?! Dalawang beses na tinampal ko ang ulo ko. Kung anu-ano na ang pumapasok sa isip ko. Baka palayasin niya ako sa bahay ng nila, oras na malamang may gusto ako sa kan’ya. Tapos, baka sasabihan niya akong mukhang pera, na pati anak ng kumupkop sa akin, papatulan ko. Aba, ayaw ko ngang masabihan niyan! Natigilan na naman ako. Ilang beses na niya kaya akong nasaway, na huwag makipag-usap o makipag-mabutihan sa mga kapatid, lalo na sa mga pinsan niya. Nakakalungkot lang na ‘yon talaga ang iniisip niya sa akin, na mukha akong pera, maliban daw sa atensyong kinukuha ko na para sana kay Tabitha. Pero teka, sa isip ko lang naman ito, 'di ba? Hindi pa kompirmadong may crush nga ako sa lalaking ipinaglihi sa sama ng loob! "Gaga ka talaga, Yvette!" kausap ko aking sarili. Napatingin pa sa akin ang kaibigan ko dahil sa sinabi ko. Tumayo ako at nagpaalam sa kan'ya na gagamit lang ng banyo. Laking pasalamat ko nang makitang walang pila. Kadalasan kasi, mahaba ang pila sa bahaging iyon, marami kasing tumatambay doon sa umaga. Pero sabagay, gabi ngayon at mga dumalo lang sa prom ang narito. Mabilis lang ang naging kilos ko, dahil ako lang mag-isang natira. Nakakatakot. Akmang bubuksan ko ang pintuan nang makarinig ako ng mga lalaking nagtatawanan. Palapit ang iyon sa kinaroroonan ng pinto namin. Bigla kong naisara nang makita si Kenjo, buti na lang hindi niya ako nakita. “Sigurado ka bang nasa loob si Yette?” Bigla akong kinabahan sa tanong niya. Bakit niya ako hinahanap? Hindi kaya nabastos siya kanina? Pero nagpaalam naman ako ng maayos kanina, a? Inilinga ko ang paningingin at naghanap ng puwdeng mapagtaguan kung sakali. Nagmamadaling pinuntahan ko ang out of order na isang pinto. Laking pasalamat ko nang mapansing bukas iyon. Sira pala ang pintuan. Nag-angat rin ako ng paningin sa may bintana. May butas rin pala at halatang sinira. Wala na kasing salamin at may nakatip na plywood lang. Hindi kagaya ng ibang pinto na gawa sa salamin. Baka nga under maintenance ang isang iyon. Nagbaba ako ng paningin, sa aking katawan mismo. Kasya ako sa butas na iyon kung sakali. Kapag may ginawa lang naman silang masama. Bumalik ako sa pintuan. Pinakinggan kong muli kung may tao pa sa labas. Nakahinga ako ng maluwag nang wala na akong narinig. Akmang lalakihan ko ang awang ng pintuan nang muling nakarinig ng usapan. Si Kenjo ulit iyon, at may kausap na itong babae. Noong una, hindi malinaw ang usapan pero nang may sumingit na isang lalaki ay lumakas iyon. "Malaki ba talaga ang ibibigay ni Thor Hernandez kapag napatalsik si Yvette sa school?" "Oo, dude. Sayang din 'yon. Hindi ko na kailangang humingi kay Mom para dagdagan ang allowance ko. Alam mo namang pinsbinawasan ni Daddy dahil sa insidente nitong nakaraang buwan." Napaawang ako ng labi nang marinig ko ang pangalan ni Thor. Bakit ako gustong paalisin ni Thor sa eskuwelahan? Pati ba naman dito? Nanginginig na isinara ko ang pintuan mayamaya. So, kaya pala inapproach niya ako kanina. Si Kenjo, ang ibig kong sabihin. Ngayon napapagtagpi-tagpi ko na talaga. Wala namang papansin sa akin kung wala silang mapapala. Dahil pera ang involved, papansinin talaga nila ako. Pero hindi ko maiwasang makaramdam ng sama ng loob kay Thor. Bakit ba kasi sukdulan ang galit niya sa akin? Kahit sa eskuwelahan pala gusto niya akong mapaalis. Hindi ko na tuloy alam kung saan lulugar ng mga sandaling iyon. Bigla kong tinampal ang dibdib ko. Sumusobra na si Thor. ‘Wag lang talagang mangyari ang mapatalsik ako dito, dahil baka makalimutan kong anak siya ni Mama Thea at Papa Keith. Grabe na siya. Hanggang ngayon kasi nabababawan ako sa rason niya kung bakit niya ako gustong mapalayas sa bahay nila. Hindi naman ako nagrereyna-reynahan sa bahay nila. Mas lalong hindi ako umaastang senyorita. Sumandal ako sa tiled wall ng banyong iyon. Tumingin ako sa pintuan. Hinihintay kong bumukas. Gusto kong alamin kung ano ba ang gagawin ng grupo ni Kenjo sa akin. Ilang sandali pa akong naghintay na bumukas pero walang nangahas na pumasok mula sa mga kasamahan ni Kenjo. May pumasok man pero mga kababaihan. Hindi na ko rin nariring ang mga boses sa labas. Wala akong pakialam kung lahat nakatingin sa akin habang sumisilip ako sa pintuan. Tinitingnan ko kasi kung nasa labas pa talaga sila. Nang makitang wala na ang mga ito sa hallway, mabilis na iginiya ko ang sarili ko palabas ng function hall. Dumeretso ako sa main gate. ‘Yon lang kasi ang bukas ng mga sandaling iyon. Dapat sa ibang gate ako dadaan dahil baka makita ako nila Kenjo. Ilang beses akong nag-usal ng panalangin. Sana hindi ako makita ng grupo nila Kenjo. Hingal na hingal ako nang makarating sa labas. Naghanap ako ng medyo madilim at doon nagpahinga. Hindi maalis sa isipan ko ang pangalan ni Thor habang binibigkas ng lalaki. Iisa lang naman yata ang Thor Hernandez sa Pilipinas. Hindi ko maiwasang mag-isip. Ano kaya ang gagawin nila sa akin kapag na-korner nila ako? Tumingin ako sa relong pambisig ko kapagkuwan, alas-onse na pala. Ibig sabihin, ibinuro ko ang sarili ko sa loob ng ganoon katagal? Napakapa ako sa telepono nang tumunog iyon. Text mula kay Vivien ang bumungad sa akin, hinahanap niya ako dahil uuwi na raw siya. Kaagad na nireplyan ko siya at sinabing pauwi na rin ako. Si Kenjo ang sinabi kong dahilan. Totoo naman. Ayaw kong magalit si Vivien. Ayaw kong isipin niyang iniwan ko siya doon. Siya na nga lang ang nakakapagtiyaga sa akin tapos mawawala pa? Tinanaw ko ang daan. May mga naglalakad naman. May mga sasakyan ding paroo’t parito. Nakaramdam ako ng takot. Nakagat ko ang kuko ko. Iniisip ko kung paano makakuha ng taxi sa mga oras na ito. Kaya ang ginawa ko, nag-download na lang ako ng app at nag-book ng masasakyan. Sinend ko kay Vivien ang lahat ng detalyeng nasa app. Natutunan ko ito sa kaibigan. Madalas kasi siya mag-book ng sasakyan kapag may lakad, at sa akin sinesend. Mukhang mabait naman ang mamang driver. Marami ring reviews dito, kaya kampante ako nang sumakay. Mas lalo akong nakahinga ng maluwag nang ihinto nito ang sasakyan sa tapat ng mansion ng mga Hernandez. Nakaramdam ako ng lungkot nang maalala ang dahilan kung bakit napaaga ang uwi ko. Sana tulog na ang mag-asawa, dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Nakahinga ako ng maluwag nang mapansing tahimik ang buong bahay, wala akong boses na naririnig. Marahil, tulog na ang mga ito. May sarili akong susi kaya hindi ko na kailangang gisingin ang mga kasambahay o 'di kaya si Yaya. Napalingon ako sa pintuan nang biglang bumukas iyon. Nagtama ang paningin namin ng pumasok. Halata ang pagtataka sa mukha nito. Parang gusto kong sabihin na alam ko na ang balak niya sa akin. Ang mapatalsik din ako sa paaralang iyon. Ako ang unang bumawi. Nakaramdam kasi ako ng inis nang maalala ang nangyari kanina. Hinawakan ko ang suot na gown, baka kasi madapa ako, nasa hagdanan pa naman ako ng mga sandaling 'yon. Hindi ko na siya nilingon. Dere-deretso na ako hanggang sa aking silid. Pinatuhulog ko ang gown ko nang makarating sa loob ng aking silid sakto namang bukas ng pintuan na ikinagulat ko. Bigla kong hinigit ang unan sa kama at itinakip iyon sa aking sarili, partikular na sa dibdib. Gulat na mukha ni Thor ang nalingunan ko. Nakatingin siya sa aking gown na nasa lapag. Mukhang hindi siya maka-angat ng tingin. Tanging binti ko na lang ang kita ng mga sandaling 'yon. "M-May kailangan ka ba?" nauutal kong tanong, siya namang angat ng tingin nito sa akin. "Gusto ko lang tanungin kong bakit ang aga mong umuwi." Para gusto ko siyang batukan. Nagmamaang-maangan kasi. Alam naman niyang siya ang dahilan kung bakit ko kinailangang umuwi ng maaga. Artistahin talaga si Thor. Magaling umarte kasi. "Inantok na kasi ako," sabi ko na lang. Ayoko ng gulo. Hindi naman nangyari ang ibig nito. Palipasin ko na lang. Tumango siya bago tumalikod. Napaupo ako sa aking kama nang masiguro na naisara na nito ang pintuan. "Ilang taon pa kaya ang titiisin ko sa kan'ya?" naisatinig kong tanong. Hindi naman kasi ako puwedeng umalis dito basta-basta dahil wala pa ako sa tamang edad. Hindi rin ako tatanggapin sa trabaho kung hindi pa ako 18. Kailangan ko muna sigurong tiisin. Kahit man lang tapusin ko ang senior high. May makukuha na akong trabaho niyan kapag nakatungtong ako ng senior high. Napapitlag ako nang maramdaman ang lamig na nagmumula sa aircon. Mabilis na tumayo ako para magbihis. Kaagad na iginiya ko ang sarili ko para matulog. Ramdam ko na kasi ang pagod. Mabilis din naman na nakatulog ako nang mahiga na. Wala naman akong maikuwento kinabukasan, kaya tanging ngiti lang ang binibigay ko sa mga kasamahan ko sa kusina. Kani-kaniyang haka-haka tuloy sila. Siguro nakarami raw akong sayaw. Oo nakarami nga, nakarami akong tulog. Marami rin akong na-produce na muta. Naging pormal ang sagot ko nang sumapit ang almusal namin. Panay kasi ang tanong ni Mama Thea sa akin. Pero, ngumingiti rin naman ako para isipin ng ginang na nag-enjoy nga ako sa party. Si Thor naman, tamang sulyap lang sa akin habang nagku-kwento ako. Iniisip niya siguro, baka madulas ako. Well, wala naman siyang balak na ikuwento ang nangyari kagabi, sa ngayon. Si Tabitha lang ang wala sa hapag ng mga sandaling iyon, mamaya pa kasi ang uwi niya. Naging mapagmatiyag ako nang mga sumunod na araw. Lahat na yata ng nangyayari sa akin, iniisip kong may kinalaman si Thor. Mapabahay man o eskuwelahan. Sino pa nga ba ang iisipin niya sa tuwing may hindi magandang nangyari sa school, lalo na kapag kataka-taka? 'Di ba, si Thor lang? Kaya, sa pagdaan ng mga araw lalo akong nakakaramdam ng inis sa panganay ng mga Hernandez. Hangga’t maari, iniiwasan ko siya lalo na kapag nagkakasalubong kami. Iniiwasan ko na rin si Tabitha. Nakikipag-usap ako pero hindi na ganoon katagal. Hindi na rin ako sumasama kapag nagyayaya siyang mag-shopping o kaya mamasayal. Lagi kong sinasabi, may tinatapos akong gawain sa bahay. Napangiti ako nang makita ang kalendaryo, malapit na naman pala ulit ang pasukan. Senior high na ako sa darating na pasukan, at malapit na rin ang debut ko. Ibig sabihin, malapit na akong makaalis sa bahay ng mga Hernandez. Iniiwasan ko na ngang ma-attach sa mga ito para hindi ako mahirapan kung sakaling magpaalam ako sa kanila. Malaki pa rin naman ang aking utang na loob sa kanila, at hindi ko 'yon nakakalimutan. Naupo ako sa sofa pagdating ko sa bahay, kakagaling ko lang ng eskuwelahan. Natapos din akong mag-enroll sa wakas. May mga inayos kasi ako kaya natagalan. Balak ko kasing mag-apply sa part-time job na inoffer ng eskuwelahan sa akin. Hindi ko pa nasasabi kila Mama Thea, pero sigurado akong matutuwa ang mga ito. Napangiti ako, mukhang exciting ang taon na ito para sa akin. Naging masaya nga unang mga buwan ko sa eskwelahan. Pagkatapos ng klase ko, pupunta na ako niyan sa library. Naging student assistant kasi ako doon Marami tuloy akong panahon para magbasa. Ginagawa ko iyon kapag walang gaanong estudyante, kaya natutuwa ang aming librarian sa akin. Marami nga akong naiuuwing libro na hiram minsan. Pero kahit abala sa school, nagagawa ko pa rin ang responsibilidad ko sa bahay ng mga Hernandez. Natutuwa ako nitong mga nakaraan dahil hindi nagkakatagpo ang landas namin ni Thor. Hindi na rin ako nakakaranas ng malamig at hindi magandang trato. Sabado noon, maaga akong gumising para tumulong sa kusina. "Good morning, Yaya!" bati ko kay Yaya Esang nang makasalubong ko. May dala itong gatas. Natawa ako sa sarili ko, ang tanda na ni Thor pero nagpapahatid pa rin ito ng gatas. Bata lang ang peg? "Kanino po 'yan?" "Ay, sa alaga ko, anak. Hindi raw kasi makatulog, kakarating lang." "Ah," sabi ko na lang. Buti nga sa kan'ya. Natawa ako sa loob-loob ko. Akmang hahakbang ako nang magsalita ulit si Yaya. "Paanong makakatulog, e kasama ang girlfriend." Natawa pa ng bahagya si Yaya. Pero hindi ako natuwa. Iba ang naramdaman ko. Parang bigla akong nalungkot. Bakit? Tinanaw ko si Yaya na palabas ng komedor na kapa ang dibdib. Ewan, basta nalulungkot ako. Ipinilig ko ang ulo ko at muling humakbang papasok ng kusina. Nadatnan ko ang aking kasamahan doon, tumulong na rin ako. Hindi nga namin nakasabay si Thor at ang nobya nito sa pagkain ng almusal. Ayaw raw istorbohin ng ginang dahil umaga na nga nang umuwi. Galing pala si Thor sa business trip kasama ang nobya. Ngayon ko lang din nalaman na may nobya na pala ito. Hindi na nawala sa isip ko nitong nagdaan si Thor. Bigla akong na-bother. Hindi ko pa rin talaga maintindihan ang sarili ko kung bakit ako nagkakaganito. Naiinis na rin ako sa tuwing nakikita ko si Thor na kasama ang nobya niya. Siguro, hindi lang ako sanay na may kasama siyang babae sa bahay. Naikuwento ko nga minsan kay Vivien, baka raw nagkakagusto na ako sa lalaking iyon. Ngumiwi pa ako. Hindi maaari. Umiling-iling pa ako ng mga sandaling iyon. "Anak, ano bang balak mo sa birthday mo?" Napalingon ako kay Yaya. Hindi ko napansin na pumasok pala siya sa aking silid. Oo nga pala, birthday ko na next week. Si Yaya Esang lang ang bukod tanging nasabihan ko ng birthday ko. "Aba'y, magkakape na lang po tayo, Yaya." Natawa pa ako matapos kong sabihin iyon. "Ikaw talagang bata ka. Bakit kasi ayaw mong sabihin kay Ate? Malay mo naghanda siya." "Marami na akong utang na loob sa kanila, Yaya. Doon pa lang sa mga binibigay nila at sa suporta sa pag-aaral ko, regalo na iyon. At sa araw-araw na kain ko sa bahay na ito, para na rin akong naghanda, everyday pa." Umiling na lang si Yaya sa akin. "Bahala ka nga. Pero baka madulas ako, sige ka." Naku po, sa daldal ba naman ni Yaya. Pero bahala na. Ilang araw na lang naman. Mabilis lang na lumipas ang araw, isang araw na lang at kaarawan ko na. Pero mukhang hindi nadulas si Yaya dahil wala namang kakaibang ganap sa bahay maliban lang sa biglang pa-outing ng ginang. Lately, naging stress daw siya kaya gusto niyang makalanghap ng sariwang hangin. Naisip niyang magbakasyon daw sa resort na pag-aari nila sa Quezon. Pero masaya ako kasi tatlong araw kami doon. Ibig sabihin, doon ako magce-celebrate ng aking kaarawan. "Anak, bilisan mo na at nakagayak na sila Ate. Nasa baba na rin sila Tab at sila Terrence!" "Opo!" sagot ko nang sumilip si Yaya. Mabilis ang mga naging kilos na kinuha ang backpack. Medyo mabigat dahil marami akong binitbit. Nakangiting sinalubong ako ni Tabitha nang makababa ako ng hagdan. Naroon na rin pala si Thor at halatang naiinip na. Ako na lang ba ang hinihintay? "Siguradong mag-e-enjoy tayo sa resort, Twinie!" tuwang-tuwa na saad ni Tabitha. Sasagot sana ako nang sumingit ang ginang. "Yvette, anak, sa sasakyan ka ni Thor sasakay." Bigla akong napalunok sabay tingin sa binata. Nagtama ang aming paningin. Nakasimangot, kaya alam kong ayaw nito. Bakit kasi kay Thor pa? Tumayo siya at nagsalita, "Let's go." "Anak, bitbitin mo ang dalang bag ni Yvette, mukhang mabigat." Napatigil sa paghakbang si Thor nang marinig ang sinabi ng ina. Parang ayaw ko sanang ibigay, pero kinuha niya iyon ng sapilitan. Tumama pa ang kuko nito sa balat niya. "Bilisan mo," bulong niya sabay talikod sa akin. "Pagpasensyahan mo na anak, napilitan lang kasing sumama," ani ng ginang sa akin. Marahil narinig niya. Mukha naman talagang napilitan. Baka naiinis dahil hindi niya kasama ang nobya. Kaagad na naglakad ako papalapit ng pintuan nang makitang papalabas na siya. Hindi pa man kami nakakarating ng sasakyan nang lingunin niya ako. "Make it faster, please!" aniya na ikinabilis ko naman na ng lakad. Kita ko ang pagtapon niya ng bag ko sa likurang bahagi ng sasakyang nito. Padabog pa rin kung kumilos hanggang sa paandarin niya ang sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD