Chapter 6: Missing

2824 Words
BANDANG ALAS SINGKO nang magsigisingan ang mga bisita ni Thor, tumulong ako sa pag-asikaso sa mga ito. Bitbit ko ang ilang miryenda na gawa ng kasambahay ng mga Hernandez nang matanaw ko ang mesa malapit sa dalampasigan. Ihahatid ko lang ang mga iyon para sa mga bisita. May inihandang mesa kasi doon at napagkasunduan ng mga ito na doon tumambay kaysa sa pool. Kahit ako rin, mas gugustuhin ko sa tubig dagat magtampisaw. Sawa na ako sa pool, meron kasi sa mansion ng mga Hernandez. “Salamat,” ani ni Ynez nang ilapag ko ang miryendang bitbit ko. Ngumiti ako ng matamis. Wala sila Thor doon, nakalusong na kasi sa dagat kasama ang nobya nito. May kung anong inggit akong naramdaman. Ipinilig ko ang ulo koa. Inilinga ko ang pangingin ko. Hindi ko rin makita si Mat, baka naligo na rin. Hahakbang sana ako pabalik nang may humarang sa aking daraanan. Nakangiting mukha ni Mat ang tumambad sa akin. “Kanina pa kita hinahanap, nandito ka lang pala. Tara maligo tayo, naipagpaalam na kita kay Tita,” “N-naku, ‘wag na. Marami pa kasi kaming gagawin—” “Sabi rin ni Tita, ‘wag ka ng tumulong. Kaya, halika na.” Hinigit niya ang kamay ko at hinila palusong. “Mat, ano ba! Hindi pa ako handa para maligo!” sigaw ko sa kan’ya pero nginitian lang ako. Bigla kong tinikom ang bibig ko nang bigla na lang niya akong ilubog sa tubig kasabay niya. Pinaghahampas ko siya sa balikat nang umahon ang aming katawan. Puro tawa lang ang iginanti niya sa akin. "Muntik na akong makalunok ng tubig, alam mo ba 'yon?" ani ko sa kan’ya. "Muntik lang naman, a. Masarap naman ang tubig dagat kung iinumin mo," natatawang sabi niya. Ewan, natawa rin ako doon. Kailan pa kasi naging masarap ang tubig dagat, e ang alat-alat kaya! Napalis ang ngiti ko nang mapansing papalapit sa amin si Thor at Xyrel. Hindi inaalis ni Thor ang tingin sa akin. Tumingin ako sa nobya niya. Nakasakay ang babae sa salbabida habang si Thor ay nakakapit doon. Hindi ko na naman maiwasang mainis. Napapadalas na ito. “Sana ako na lang,”biglang singit ng tinig sa aking isipan nang makitang magkahawak ang kamay ni Thor at ng nobya niya. Masama na ang lagay ng isipan ko. Kapag nagtagal pa ako, baka lalo akong makaramdam ng inis. Pero mukhang hindi inis kung hindi inggit. Dahil gusto ng aking isipan na ako ang nasa salbabida, at ako lang din dapat ang kahawak kamay ni Thor. Masama ang loob na nagpaalam ako kay Mat at sa bagong pares na lumapit sa amin. Akala ko hindi susunod si Mathew sa akin, sumunod pala hanggang sa pag-ahon ko. “Hindi pa nga tayo nag-e-enjoy, babalik ka na kaagad?” Nilingon ko si Mat at nginitian. “May aayusin pa pala kasi ako.” Naglakad ako na ako pero ilang sandali lang ay sumabay siya sa akin. “Sige, ihahatid na kita.” “Ikaw ang bahala,” sabi ko na lang. Hindi pa man kami nakakalayo sa dalampasigan nang matanaw ko si Tabitha. Nginitian ko siya, pero bahagya lang siyang ngumiti sabay sulyap kay Mat. Lumapit siya sa amin kapagkuwan. “Hindi ko alam na kasama ka, Kuya Mathew!” nakangiting saad ni Tabitha. “Napilitan lang. Si Thor kasi.” Kumamot si Mat sa ulo niya. “Kumusta?” “Eto, maganda pa rin,” ani ni Tabitha sabay basa ng ibabang labi. Natawa lang si Mathew. Sumingit ako sa mga ito, na mauuna pero pinigilan ako ni Mathew, ihahatid niya kasi ako. Kita ko ang paglukot ng noo ni Tabitha nang magpaalam si Mat dito. Dinig ko pang niyaya ni Tabitha si Mathew na maligo pero tinanggahin ng huli. Nakaramdam ako ng konsesnsya. Sumingit nga ulit ako kanina at sinabihan si Mathew na samahan si Tabitha, pero sadyang makulit si Mat, ihahatid niya nga raw ako. Lalo akong nakaramdam ng konsensya nang malingunan ko si Tabitha na nakababa ang tingin sa buhangin. Parang may kakaiba sa kaibigan. Bumaling ako kay Mathew. Pinakatitigan ko siya. Saka ko lang napagtantong guwapo rin pala siya. Matikas. Pero wala naman akong nararamdaman sa kan’ya na kakaiba. Baka bata pa ako kaya hindi ko makapa. Magtatapos pa kasi ako ng pag-aaral kaya siguro hindi ako nakaka-appreciate ng guwapo. Natigilan ako bigla nang may sumingit na naman sa isipan ko at isinisigaw si Thor. Napahilot ako sa sintido ko. Makulit talaga ang isipan ko na ito. Hindi ko nga sabi gusto si Thor! Oo, naguguwapuhan ako sa kan’ya, pero hanggang doon lang. Kasi naman, ang ganda at ang guwapo ng magulang niya. “Sige na, Mat. Balikan mo na si Tab. Wala yata siyang kasama maligo,” ani ko sa kan’ya nang makarating sa malawak na bakuran ng malaking bahay. “Okay. See you later.” Kumakamot pa ito sa ulo habang nagpapaalam. Manerism na yata niya ang pagkamot. Hinatid ko siya ng tingin. Nakadalawang hakbang pa lang siya nang lingunin ako. “Puwede ba kitang i-text mamaya, or tawagan? Puwede rin ba kitang i-add sa social media?” aniyang nahihiya. “Puwede naman. Lagi akong walang load, kaya mas maganda kung sa social media na lang,” “Okay. Anong name pala ang nakalagay? Maraming Yvette sa mundo, e?” biro pa nito. Sinabi ko sa kan’ya ang buong pangalan ko. Inilang ulit pa niyang banggitin ang pangalan ko. Talagang kinakabisado bago tuluyang lumayo sa akin. Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti. Nagmadali akong umakyat para maligo ulit. Binilisan ko ang aking kilos dahil paniguradong nagluluto na para sa hapunan ang aking kasamahan. Hindi nga ako nagkamali, nagluluto na sila para sa hapunan. Nagtaka ang mga ito sa akin dahil talagang ipinaalam nga raw talaga ako ni Mathew sa kanila at sa ginang. Nang dumating ang hapunan, sabay-sabay kaming kumain lahat. Tulong-tulong ang mga lalaki kanina sa pag-aayos ng mahabang mesa para sa boodle fight. Hindi ko akalaing uso rin pala ito sa mga mayayaman. Kadalasan ko kasi itong nakikita sa mga kagaya naming simple lang ang pamumuhay. Tapos game rin silang lahat sa pagkamay maliban lang pala kay Xyrel. Hindi masarap ka-bonding. Napataas ako ng kilay nang mapatingin sa gawi nila Thor. Panay kasi ang lambing ni Xyrel. Nakakairita. Puwede namang magkutsara na lang kung hindi keri ang magkamay. Napatingin sa akin si Tabitha nang tumabi ako sa kan’ya. Doon lang kasi ang may bakanteng space. Napakunot ang noo ko nang lumipat siya. Tumabi ito kay Yaya Esang. Saka ko lang napagtantong sumingit pala ako sa gitna nila ni Mathew. Panira pala ako ng moment nila. Kita ko rin ang pagkunot ng noo ni Thor. Baka kanina pa siya nakatingin sa amin. Hanggang sa matapos ang kainan, ganoon ang pakikitungo ni Tabitha sa akin. Iniiwasan niya ako at hindi kinakausap. Nakaramdam ako ng lungkot. Tumingin ako kay Mathew na ipinagkuha ako ng maiinom. Hindi kaya may gusto si Tab kay Mathew? Dinalaw na naman ako ng konsensya. Kailangang makausap ko si Tab mamaya. Inabangan ko si Tabitha na pumasok sa loob ng bahay nang matapos ang kainan pero hindi pa ito pumapasok. Marahil, naglakad-lakad dahil sa kabusugan. Napatayo ako sa kinauupuan ko nang matanaw si Thor na papalapit sa akin. “Do you know where Tabitha is?” halata ang iritasyon sa boses nito. May bago ba? Umiling ako sa kan’ya bilang sagot. Napapikit siya mayamaya. “She’s missing. Thirty minutes na Yvette, and it’s your fault.” Hindi ko maiwasang magtaka sa sinabi nito. Anong kasalanan ko? Wala nga akong ideya kung nasaan ang kapatid niya, marahil kakaiwas sa akin. “B-bakit ba siya nawawala?” Hindi ko alam kung tama ba ang tanong ko. Bahala na. Pero may ideya ako. Pero sana ligtas si Tabitha. “God! Nagmamaang-maangan ka pa talaga?” “H-hindi ko nga alam kung bakit, e. Kanina pa niya ako iniiwasan. Kaya ko nga siya hinihintay dahil gusto ko siyang kausapin. Wala talaga akong alam.” Si Mathew ang nasa isip ko, pero ayokong sabihin. Sasabihin ko naman kay Tabitha sakali, na iiwasan ko si Mathew kung gusto niya ito. Isa pa, wala akong gusto kay Mathew. Gusto ko nga talagang linawin kay Tab, e. “Do you know the reason why I brought Mathew here? It's because my little sister likes him. So much,” imporma niya sa akin. Hindi ako gaanong nabigla dahil may ideya na ako. Ngayon naiintindihan ko na ng lubusan. Confirmed. Pero hindi ko alam, kaya wala akong kasalanan. Si Mathew ang lumalapit sa akin. “So, please, leave Mathew and Tabitha alone. Understand?” Wala naman akong inaagaw kaya ano bang sinasabi ni Thor sa akin? Hindi ko na alam kung saan ako lulugar. “Hindi mo kasi masungkit ang isa sa amin, kaya kaibigan ko naman ang puntirya mo?” Biglang nagpantig ang tainga ko sa sinabi niya. Gusto kong sampalin pero hindi ko magawa. Gigil na naikuyom ko ang palad ko ng mga sandaling ‘yon. Nasaktan ako sa sinabi niya, sa totoo lang. ‘Yon pa rin talaga ang iniisip niya sa akin. Grabe. Mukha ba akong pera? Mukha ba akong social climber? Nakagat ko ang labi ko para pigilan ang nagbabadyang luha. Ramdam ko din ang biglang ihip ng hangin. Ako lang yata ang nakaramdam na malamig na iyon, nanginginig na kasi ang katawan ko. Dahil ba sa hangin o sa galit na hindi ko mailabas? Napapikit ako nang tumalikod na siya sa akin. Galit na naman siya sa akin. Kailan ba matatapos ang galit niya? Nakakasawa na rin talaga. Mabigat ang kalooban na iginiya ko ang sarili paakyat ng silid namin ni Yaya Esang. Saglit na tumingin ako sa labas. Mukha ni Thor ang bumungad na naman sa akin. Pumikit ako saka pinakalma ang dibdib ko. Ayokong sumapit ang kaarawan ko na may sama ng loob. Ilang beses akong huminga pagkuwa’y ilalabas. Pinapakalma ko ang sarili ko. Ayokong matulog na masama ang loob. Nang sa tingin ko ay kumalma na ako, nahiga ako at ipinikit ang mga mata. Muli ko na namang naalala ang aking ina, kaya hindi ko na napigil ang aking mata na lumuha. Kapag ganitong malungkot ako o ‘di kaya may dinadamdam, naaalala ko lang siya. Sa pamamagitan kasi niyon, kumakalma rin ako. Sa kan’ya ako humuhugot din ng lakas ng loob. Pagkatapos kong iluha iyon, luluwag na ang pakiramdam ko. Ganoon naman ako lagi. At alam kong nakikita niya ako sa mga oras na ito. Binabantayan niya ako at nakikinig rin siya sa mga hinaing ko. Hindi ko namalayan na hinayon na pala ako ng antok. Pero nagising ako sa sunod-sunod na yugyog ni Yaya Esang. “Anak, alam mo ba kung saan nagpunta si Tabitha?” Napabangon ako bigla. “Ho? Hindi pa bumabalik si Tabitha?” “Oo, anak. Hindi ba siya nagpaalam sa ‘yo?” “Hindi po. Naitanong na sa akin kanina ‘yan ni Thor pero wala po talaga akong ideya kung saan siya nagpunta.” “Ano ba ‘yan. Saan ba nagpunta ang batang ‘yon at nag-aalala na si Ate at Kuya. O siya, dito ka lang at sasama na lang ako para maghanap sa kan’ya.” Wala na ang Yaya Esang sa harap ko pero nakatingin pa rin ako sa pinto. Isa ako sa dahilan ng pagkawala niya. Muli, nakaramdam na naman ako ng konsensya. Kung alam ko lang, ‘di sana umiwas na ako kay Mathew. Wala akong balak na agawin si Mathew sa kan’ya. Wala talaga. Hinigit ko ang selpon ko. Hindi nagpadala si Tabitha ng mensahe. Talagang masama ang loob niya sa akin. Dati-rati may pa-good night pa siya sa akin, ngayon, wala na. Nagmamadaling lumabas ako ng silid. Walang katao-tao, mukhang halos lahat tumulong sa paghahanap. Isinira ko ang pintuan bago lumabas nang tuluyan. Inilinga ko ang paningin pagdating sa dalampasigan. Kita ko ang mga flashlight nang tumingin ako sa kaliwang bahagi ng kakakahuyan. Meron din sa kanang bahagi. Naghiwa-hiwalay sila para hanapin si Tabitha. Tutulong ako sa paghahanap. Binuksan ko ang flaslight ng selpon nang makarating ako sa bungad ng kakahuyan. Sa gitnang bahagi ako pumunta dahil doon lang walang ilaw kanina. Wala akong ginawa kung hindi maglakad ng maglakad. Hindi ko ramdam ang takot ng mga sandaling ‘yon dahil okupado ni Tabitha ang isip ko. Sana lang walang nangyaring masama sa kan’ya dahil kung hindi, uusigin ako ng konsensya. Mapipilitan rin akong umalis dahil mukhang tama nga si Thor. Ako nga ang naging dahilan para gumulo ang tahanan ng mga Hernandez, ang buhay nila. Matatahimik sila kapag nawala ako. Hindi ko namalayang pumatak ang luha ko. Natatakpan na ng luha ang aking mga mata. Saan na ako pupunta kapag umalis ako sa mga Hernandez? May mga naipon naman ako, pero pang-ilang buwan lang ‘yon. Paano kung walang tumanggap sa akin sa trabaho? Anong gagawin ko? Mamalimos sa kalsada? Napahawak ako sa punong kahoy dahil parang bibigay ang tuhod ko sa mga naisip ko. Wala pa nga ang problema pero ramdam ko na ang lungkot at paghihirap. Itinuon ko ang tingin sa daan. Bigla akong napayakap sa sarili ko nang biglang umihip ang hangin, malamig iyon. Wala pa naman akong jacket. Kinisikis ko ang palad ko sa magkabilaang braso ko para maibsan ang lamig. Ganoon ang ginagawa ko habang hinahanap si Tabitha. Nag-aalala na talaga ako sa kaibigan ko. Sana ligtas itong makauwi kung sakali. Muli kong tinawag ang pangalan ni Tabitha pero walang sumasagot. Nilalakasan ko pa baka sakaling marinig, pero wala pa din. Napatigil ako sa paglalakad nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Hindi ko napansing uulan pala. Mukhang okay naman ang panahon kanina. Kaya pala biglang ihip ng malamig na hangin kanina. Akala ko dahil nasa gitna lang ako ng kakahuyan kaya ganoon. Talagang uulan nga siguro. Napasigaw ako nang biglang kumulog. Bakit gano’n? Mukhang lalakas pa yata. Naghanap ako ng masisilungan pero wala akong makita. Basa na ang damit ko at lalo kong naramdaman ang lamig dahil na rin sa malakas na ihip ng hangin. Napatingin ako sa selpon ko nang mamatay iyon. Napamura ako bigla. Saka ko lang napagtantong wala ng baterya iyon. Hindi ko kasi na-charge pagkadating namin kanina. Bigla akong kinabahan dahil dumilim ang paligid. Tanging patak ng ulan ang naririnig ko, na siyang bumabaksak sa mga dahon ng punong iyon. Kinapa ko ang puno malapit sa kinatatayuan ko. Mukhang malaki iyon. Bahagya akong naupo para kapain kung malalaki ang ugat. Laking pasalamat ko nang makapang malalaki ang ugat. Makakaupo ako nito. Sumiksik ako sa punong kahoy na iyon. Mayabong din siguro ang mga dahon, hindi kasi ganoon karami ang patak ng ulan. Iilan lang ang nakakalusot sa dahon. Napapitlag ako nang muling umihip ang malamig na hangin. Biglang nanuot sa mga kalamnan ko kaya niyakap ko ang sarili ko, maging ang tuhod na nanginginig. Sana matapos na ang ulan para makapagpatuloy na ako sa paghahanap. Paniguradong nabasa na rin si Tabitha ng ulan. Hindi ko yatang makita siya sa ganoong kalagayan. Ano na lang ang sasabihin sa akin ng mag-asawa kapag nalamang isa ako sa dahilan kung bakit nawawala si ang anak ng mga ito. Hindi ko pansin kung ilang oras ako sa malaking puno na iyon. Gusto kong tumayo pero hindi ko magawa dahil masyadong nakakatakot ang kulog at ang kidlat, na panay ang liwanag sa paligid. Pakiramdam ko tuloy, kinukuhaan ako ng litrato ng Diyos at ipinakita sa aking ina. Yeah, nahihirapan na nga ako sa aking kalagayan. Laking pasalamat ko nang tuluyan nang tumigil iyon. Kinapa ko ang katawan, basang-basa talaga. Medyo nahirapan pa akong tumayo. Kumapit ako sa puno para kumuha ng suporta, pero nakabitiw ako dahil sa sobrang dulas. Napadaing ako nang matumba ako patihaya. Naiangat ko kasi ang isang paa kaya patihaya akong nahulog. Lalo akong nahirapang tumayo dahil sa nangyari. Napakagat-labi ako nang makapa ang likod ko. Masakit dahil tumama doon ang nakausli at magaspang na bahagi pa ng ugat. Panay ang daing ko nang makatayo. Saglit an sumandal ako sa puno. Inilinga ko ang paningin. Natandaan ko ang ilang bahagi dahil sa panay na kidlat kanina, halos kita ang paligid kasi. Niyakap ko ang sarili ko habang marahang humahakbang para magpatuloy ng lakad. Lalo kasing tumitindi ang nadarama kong lamig. Wala rin akong mahingian ng tulong dahil namatay na nga ang selpon ko ng tuluyan tapos nabasa pa. Napatigil ako sa paglalakad nang maramdamang parang gumalaw ang lupang kinatatayuan ko. Malambot iyon. Umatras ako pero hindi ko inaasahan ang tuluyang paglambot ng lupang inaapakan ko. Hindi na ako naka-atras dahil bigla na lang nahulog ang lupang inaapakan ko. Kasabay ng pagkahulog niyon ang paghulog ko. Sumigaw pa ako pero parang walang tinig na lumabas. O Diyos ko! Nahuhulog na ako sa bangin! Ilang beses ko pang tinawag ang pangalan ng aking ina. Tanging hangin ang naririnig ko dahil sa mabilis na pagbulusok ko. Napadaing ako ng malakas nang maramdaman ko ang pagbagsak ko sa lupa. Kasabay niyon ang paglamon ng kadiliman sa aking kamalayan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD