PARANG BINIBIYAK ANG ulo ko nang magising ako. Sa sobrang sakit hindi ko magawang maimulat ng tuluyan ang aking mga mata. Ayoko siyang pilitin. Pinapakiramdaman ko pa ang aking sarili. Uminat ako mayamaya. Napangiwi ako nang sumakit ang likod ko. Maging ang mga kalamnan ko ay masakit. Nang mawala ang kirot sa ulo ko, pinilit kong iminulat ang aking mga mata. Dahan-dahan iyon. Natigilan ako saglit. Kaagad na inilinga ko ang paningin ko nang makita ang kisame. Natigilan ako nang mapagtantong hindi ko iyon silid. “Nasaan ako?” ani ko sa mahinang tinig. Walang tao sa loob ng silid na iyon. Hindi rin ako pamilyar sa silid na ito. Maganda ang silid na kinaroroonan ko at halatang mayaman ang nagmamay-ari niyon. “Bakit ako narito? Anong nangyari at masakit ang buong katawan ko?” sunod-suno