WARD 5

2309 Words
Mula sa aming pag-uusap, nalaman ko na ang pangalan niya ay Flare Demetri Samson. Nalaman ko rin na 19 years old na pala siya at mas matanda pa siya sa akin ng two years. Ngunit hindi ko inakala na napagkamalan niya ako na 12 o 13 years old lang dahil sa maliit at payat na pangangatawan ko. Kita ko pa nga sa mukha niya ang pagkagulat na malaman niya na 17 years old na ako. "Are you sure na 17 ka na?" paniniguro niya at ayaw maniwala sa sinasabi kong edad, "Binibiro mo yata ako eh." "E di itanong mo kay Doktora Andrea para makasiguro ka," pag-irap ko sa kanya, "Do I really look like a kid to you?" "Yeah," pag-amin niya kaya lalong sinamaan ko siya ng tingin na ikinangisi naman niya. Naputol ang aming pag-uusap nang pumasok ang mga nurse at may hila silang medicine cabinet. "It's time for your medicine," seryosong sambit nila ay may tig-isang lumapit sa amin ni Flare. Walang kung ano ay itinaas nila ang manggas ng hospital gown ko at may anong anesthesia na pinahid doon bago itinurok ang malalaki at mahahabang injection na may laman na kakaibang kulay na likido. "Ano pong gamot iyang itinurok niyo sa amin?" nag-uusisang tanong ko sa nurse na nag-aasikaso sa akin, "Kakaiba po kasi ang kulay." Saglit siyang natigilan sa aking tanong at bahagyang nag-iwas pa ng tingin. "Naiibang klase na antibiotic ang laman nitong injection na itinurok ko sa iyo," harapang pagsisinungaling pa sa akin ng nurse na ikinataas ng aking kanang kilay. "Okay," tanging naisambit ko at pilit na nginitian siya. Pagkatapos nila maiturok sa amin ang lahat ng gamot na kailangan namin ma-intake ay nagmamadaling umalis na rin sila. Hindi ko alam pero sinundan ko pa sila ng aking nagsususpetyang tingin. Nang tuluyan na makaalis sila ay biglang kinuha ko sa ilalim ng unan ang notebook. Isinulat ko roon ang mga kulay ng likidong itinurok nila sa amin. Hindi ko maipaliwanag pero may kakaiba akong kutob sa gamot na iyon. Dahil na rin sa mas malaking parte ng aking buhay ay ang pananatili sa loob ng ospital. Kaya halos alam na alam ko na ang mga klase ng gamot na ginagamit nila. "Why are you always holding that notebook?" pag-uusisa sa akin ni Flare dahil sa nagsusulat na naman ako rito. Pinakita ko ang nilalaman ng notebook ko. "Sinusulat ko rito ang lahat ng nangyayari sa akin mula ng mapunta ako rito," pagpaliwanag ko sa kanya. "Parang kakaibang uri ng diary na maihahantulad sa isang documentation." Natigilan naman si Flare bago sinamaan niya ako ng tingin. "Don't tell me pati ako ay isinulat mo rin diyan," kunot noong sambit niya na aking sinagot ng malawak na ngiti. "Yep," maiksing sagot ko, "From your seizure yesterday hanggang sa naging takbo ng pag-uusap natin today." "What the hell! Erase that!" sambit niya at sinubukan na abutin ako pero siyempre hindi siya makakalapit basta basta dahil sa maraming mga aparato ang nakakabit sa amin. Nang-aasar ko naman na inilayo iyon. "Eh? Hindi naman lapis ang pinansulat ko rito para mabura ang lahat ng tungkol sa iyo," pagmaang maangan ko pa sa kanya. Asar na napasabunot ng buhok si Flare dahil hindi niya ako magawang malapitan para agawin sa akin ang notebook. Isang ngiting tagumpay na lang ang ibinigay ko sa kanya at nagpatuloy muli sa pagsusulat. "Tss I'll never talk to you again," pagbabanta niya sa akin. "Okay," nakangising sabi ko sa kanya. *** Talagang pinanindigan ni Flare na hindi niya ako kakausapin. Mula nang magbanta siya ay nagsimula siyang humiga patalikod mula sa akin na akala mo isang nagtatampong bata. Natatawang napailing na lang ako ng ulo sa kanyang ginagawa. Kahit naman kasi hindi niya ako kausapin ay isusulat ko pa rin sa notebook ito. Katulad na lang ng ginagawa niyang pag-iwas sa akin ngayon. "Doktora Andrea..." pagtawag ko ng pansin sa doktor na kanina pa nakaupo sa tabi ng aking higaan, "Hindi ka ba nila hahanapin doon?" kunot noong tanong ko sa kanya. Nandito na naman kasi siya sa aming kwarto at nakatambay. May dala dala pa siyang mga madaming papeles at mukhang dito pa niya naisipang gawin ang ilan niyang nakabinbin na trabaho. Tapos simula nang dumating siya ay ito na rin ang kanyang inatupag at kanina pa kapansin pansin ang nakakunot niyang noo at nakasimangot na bibig na akala mo may nakaaway. "Don't worry. Marami ang nag-ra-round na doktor ngayon kaya hindi nila ako kakailanganin," sagot niya naman sa akin at nagpatuloy muli sa kanyang ginagawa. Napailing na lang ako ng ulo sa kanyang rason. Halata naman kasi na may pinagtataguan siya kaya siya naririto. At ang palagay ko na taong kanyang pilit na iniiwasan ay walang iba kundi si Doktor Mark. Hindi naman kasi sa kwarto namin naka-assign si Doktor Mark kaya walang dahilan para pumasok siya rito. Sinubukan kong damputin ang ilang nakapatong na papeles sa aking kama at binasa ang nakalagay roon. Napag-alaman ko na mga medical report ito ng ilang pasyente na naka-admit sa ospital. Bahagyang nag-angat ako ng tingin para tignan kung napapansin ba ni Doktora Andrea ang pagtingin ko sa ibang papeles na dala niya. Nang makita ko na patuloy lang siya sa ginagawa ay sinimulan ko na paghambing hambingin ang mga nakasulat na detalye sa bawat pasyente habang hindi pa rin napapansin ni Doktora Andrea ang pangingialam ko sa gamit niya. Kukuhanin ko ang pagkakataon na ito na alamin kung ano ang lihim na tinatago ng ospital sa aming mga pasyente na infected ng Evol virus. Nararamdaman ko na may kakaibang nangyayari ngayon dito. Hindi ko lang matukoy kung ano. Hanggang mapansin ko ang isang detalye na nakasulat sa medical report ng mga pasyente... "Fire, ice, air and earth type?" pagbasa ko kung paano nila kina-classify ang mga pasyente, "What is this mean? Bakit kailangan nila i-classify doon ang mga infected ng EVOL virus? This is weird. I am even listed as one of the ice type," bulong ko pa sa aking sarili. Napabaling ng tingin si Doktora Andrea sa akin at agarang nanlaki ang mga mata niya nang makita na hawak hawak ko ang ilang medical report na dinala niya. Sa isang iglap ay dali dali niya ito inagaw sa aking kamay at inilayo sa akin. "Eh? Doktora?" gulat kong sambit sa ginawa niya. Namumutla siya at tila ninenerbiyos. Pagkatapos ay biglang mahigpit na hinawakan niya ako sa aking magkabilang balikat kaya medyo napangiwi ako ng kaunti sa ginawa niya. "Vana..." seryosong sambit ni Doktora sa aking pangalan na nasa nagbabantang tono, "May nabasa ka ba na kakaiba?!" Napalunok ako dahil natatakot ako ngayon sa naging reaksyon ni Doktora Andrea. Ito ang unang beses na makita ko na magalit siya sa akin. Halatang halata tuloy na may tinatago siya sa aming mga infected at pasyente ng ospital na ito. Hindi ko maiwasang kutuban ng masama sa kung anong uri ang pamamalakad ang ginagawa nila sa ospital na ito. Mabilis na iniling ko ang aking ulo para itanggi kung may nakita ako na kakaiba sa mga medical report na iyon. "W-Wala po... H-Hindi ko masyado natignan dahil sa inagaw niyo agad..." pagsisinungaling ko pa. Bahagyang nakahinga si Doktora Andrea bago napabitaw mula sa pagkakahawak sa aking balikat pero sa huli ay biglang napahilot sa kanyang sintido na akala mo problemadong problemado. "I already told you, Vana," pagbibigay payo niya, "Huwag mong aalamin ang tungkol sa kalagayan ng ibang pasyente. Paggaling mo lang ang iyong pag-ukalan ng pansin. Please pakinggan mo ko dahil kabutihan mo lang ang iniisip ko." Dahan dahan ako napatango ng ulo sa sinabi niya. "R-Right, I'm sorry," paumanhin ko sa aking ginawa, "P-Pangako h-hindi na po mauulit, Dok." Napahilot muli sa kanyang sintido si Doktora Andrea na akala mo stress na stress dahil nahuli niya ako. May binulong bulong pa siya at saglit na sinabunutan ang sarili na akala mong isang baliw. Pinanuod ko lang ang kanyang ginagawa sa sarili habang inaalala ang mga ilang detalye na nabasa ko sa mga medical report. Alam ko na pinapayuhan niya ako na huwag alamin ang tungkol sa nangyayari sa tulad kong pasyente pero mas lamang ang parte ko na gusto malaman ang katotohanan. This will be the first time na susuwayin ko siya. Pagkatapos ay namayani ang mahabang katahimikan sa pagitan namin ni Doktora Andrea. Nagpatuloy muli siya sa kanyang ginagawa pero malayo na sa akin ang mga papeles na dala dala niya. Dahil doon, nilibang ko na lang din ang aking sarili sa pagsusulat muli sa aking notebook. Isinulat ko roon ang mga nabasa kong detalye sa mga medical report na aking nabasa bago ko iyon makalimutan. Hanggang sa mapansin ko na bahagyang bumukas ang pinto at pasimple na sumilip sa siwang nito si Doktor Mark na tila may hinahanap. Tumigil ang seryosong tingin niya kay Doktora Andrea na abalang abala pa rin sa kanyang ginagawa niya. Kaya agarang tinapik ko sa kanyang balikat si Doktora Andrea at nginuso si Doktor Mark na nasa pintuan. Kita ko pa ang biglang pagdilim ng mukha at pagsimangot ni Doktora Andrea nang makita roon si Doktor Mark. Mukhang tama ang aking hinala na magkaaway nga ang dalawang doktor sa hindi ko alam na dahilan. "Andrea... Please let's talk," pabulong na sambit ni Doktor Mark sa takot na magising si Flare na tila natutulog. Padabog naman na binaba ni Doktora Andrea ang kanyang hawak na ballpen. "Doktor Mark, I am very busy right now. I will talk to you in another time," pag-di-dismiss ni Doktora Andrea kay Doktor Mark na ikinakamot ng batok ng lalaking doktor. Hindi ko maiwasang magpalipat lipat ng tingin sa pagitan nilang dalawa. Mukhang seryoso ang away ng dalawang doktor para i-dismiss ng ganito ni Doktora Andrea si Doktor Mark. Kasi I never imagine na darating sa punto na magagawa niya ito kay Doktor Mark. Napabuga ng malalim na hininga si Doktor Mark at naglakas loob na lumapit sa amin ni Doktora Andrea. Saglit na nginitian muna ako ni Doktor Mark bago ibinaling muli ang atensyon kay Doktora Andrea. "Andrea..." nagsusumamong pagtawag niya muli kay Doktora Andrea, "Hindi ako aalis dito hanggang sa hindi tayo nag-uusap." Inayos ni Doktora Andrea ang suot niyang salamin at nakipagtagisan ng tingin kay Doktor Mark. "Doktor Mark, nasa oras tayo ng trabaho kaya kung pwede lang tawagin mo ko na Doktora Andrea," pagtatama ni Doktora Andrea sa tinawag sa kanya ni Doktor Mark, "Saka pinadala ka ba nila rito para kumbisihin ako na pumayag sa planong iyan? I WILL NEVER BE PART OF THAT PROJECT!" Napangiwi naman si Doktor Mark sa ibinigay na desisyon na iyon ni Doktora Andrea. "Come on Andrea... This will be a big opportunity for us!" pilit na pangungumbinsi ni Doktor Mark. Paulit ulit na iniling ni Doktora Andrea ang kanyang ulo para ipakita ang labis na pagtutol. "Maybe they are totally different now but they are still humans!" makahulugang dagdag niya at kinakabahan na tinignan ako saka si Flare na nakatalikod pa rin mula sa kabilang higaan. That sounds really fishy... Biglang napakunot ako ng noo at nakuha ng kanilang pag-uusap ang aking buong aking kuryosidad. Feeling ko may kinalaman sa amin ang pinag-uusap nila para tumingin sa amin si Doktora Andrea nang hindi niya sinasadya. Napangiwi naman si Doktor Mark dahil sa labis na pagtutol ni Doktora Andrea sa kung anuman ang pinag-uusapan nila. "Doktora Andrea," hindi pa rin pagsuko ni Doktor Mark na kumbinsihin si Doktora Andrea, "I know na mabigat ang loob mo para sa bagong proyekto ito pero this is our best way to find the 'CURE'. This is our responsibility as a doctor. To find the cure and to stop the spread of EVOL virus," pagpapaliwanag niya habang pahina ng pahina ang boses na tila balak hindi iparinig sa akin. Kung tama ang hinala ko ay isang medical project ang pinag-uusapan nila... They are going to find the cure for EVOL virus. But... Doktora Andrea is against about it... But why? She is well-known to be one of the genius doctors in the Philippines and having a very good record of medical practice. Bakit ganoon na lang kalabis ang pagtutol ni Doktora Andrea? What kind of project is it? "Ha! Cure!" hindi makapaniwalang sambit ni Doktora Andrea, "Magagawa niyo iyon sa kanila para lang mahanap ang cure na iyan? Makakaya ba ng konsensiya mo, Doktor Mark?" dismayadong sambit niya habang matalim na nakatingin sa lalaking doktor. Napaurong ng bahagya si Doktor Mark bago napaiwas ng tingin sa kanya. "This is for the best, Doktora Andrea. EVOL virus is not an ordinary virus and a big threat for all living," seryosong sambit niya, "Saka ko na iisipin ang consequence ng project." Hindi makapaniwalang tinitigan ni Doktora Andrea si Doktor Mark. Halatang sumagad ang pagkadismaya niya sa taong matagal niyang inibig. Malakas na tumikhim si Doktora Andrea. "Hindi magbabago ang desisyon ko, Doktor Mark. I will not be part of it. Kung gusto mo sumali ay wala na akong pakialam," malungkot na hayag ni Doktora Andrea, "Maybe this is the right time for us to part our ways." Napabuga ng malalim na hininga si Doktor Mark dahil hindi niya nagawang makumbinsi si Doktora Andrea. Seryosong tinignan pa niya si Doktora Andrea na tila ito na ang magiging huling pagkakataon na magkikita sila. "Fine. I get it," pagsuko ni Doktor Mark. Napayuko si Doktor Mark habang mahigpit na nakakuyom ang magkabilang kamay na umalis ng kwarto. Pilit naman tinatago ni Doktora Andrea ang pagtulo ng kanyang luha habang nakatalikod sa akin. Tinapik tapik ko naman siya sa kanyang likuran para damayan. Alam ko na normal lang naman sa magkasintahan na magkaroon ng magkaibang opinyon sa mga bagay. Halimbawa nito ang naging pag-uusap nina Doktora Andrea at Doktor Mark. Ngunit hindi ko inaasahan naabot sila sa hiwalayan. Masyadong malaking bagay ang kung anuman na pinagtqtalunan nila. Umaasa ako na darating ang araw na magiging isa rin ang kanilang opinyon rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD