Hindi ko namalayan na nakatulugan ko ang pagtitig sa kisame. Kaya nang magising ay agarang inilibot ko ang tingin sa buong kwarto at tila wala man lang pagbabago rito mula ng makatulog ako.
Pinunasan ko ang aking noo nang maramdaman ang pagtagatak ng aking pawis. Nilalagkit ang buong katawan ko dahil sa naliligo na rin pala ako ngayon sa aking pawis. Basang basa na tuloy ang suot kong hospital gown.
"Ang init naman dito sa kwarto. Hindi ba uso sa kanila ang magpa-aircon man lang?" naiinis kong sambit dahil sa labis na pagkabanas.
Nilingon ko ang lalaki sa kabilang higaan para tignan kung pati ito ay naiinitan sa aming kwarto pero mahimbing lang ito natutulog at hindi alintana ang init. Sinubukan kong tiisin ang init ng kwarto ngunit habang tumatagal ay lalo lang yata lumalala ang init. Hindi ko na napigilan ang aking sarili para pindutin muli ang red button para tawagin ang mga doktor at nurse.
Katulad kanina ay mga humahangos silang pumunta ng aming kwarto. Una pa nilang nilapitan ang lalaki para tignan ang kondisyon niya ngunit nang wala silang nakitang pagbabago mula iwanan nila ito ay nagtatakang inilibot nila ang tingin para hanapin kung ano ang problema para pindutin ko ang red button.
Nanghihina ko itinaas ang aking kamay para kuhanin ang kanilang mga atensyon.
Lumapit naman sa akin ang isang nurse na pinakamalapit. "Miss Vana, may problema po ba?" pagtatanong niya at hindi man lang napansin na naliligo na ako sa pawis.
"Pwede po ba pakibukas ng aircon o bigyan niyo man lang ako ng electric fan? Naiinitan kasi ako," pakiusap ko sa kanilang lahat, "Pakiramdam ko matutunaw ako rito sa labis na init."
Sabay sabay naman sila lumingon sa kinaroroonan ng aircon. "Bukas po ang aircon, Miss Vana," kunot noong sambit ng nurse, "Naka-todo rin po ito."
"Baka sira na. Walang lamig," komento ko at tinuro ang aking sarili na tagatak ng pawis, "Sobrang naiinitan kasi ako."
Nanlalaki ang mga mata nila na tila may napagtanto na isang bagay. Bigla na lang kasi sila mga nataranta. May kung anong pinindot sa gilid ng pintuan ang isang doktor at tila may kinakausap siya kung saan. Nilagyan naman ako ng ibang doktor ng panibagong mga aparato sa katawan na tila hindi normal na makaramdam ng sobrang pagkainit.
Hindi ko tuloy maiwasang kabahan sa nangyayari sa akin.
Okay lang ba talaga ako?
Magagaya ba ako sa lalaki kanina?
"She is a cold one!" komento ng isang doktor, "Nasaan na ang mga pinapadala rito? Her temperature is keep decreasing!"
"M-May p-problema po ba sa akin?" kinakabahang tanong ko sa pinakamalapit na doktor.
"Relax, Miss Vana," pagpapakalma niya sa akin, "Normal lang sa mga infected ng virus ang makaramdam ng sobrang init o lamig."
Naguguluhan ako tumingin sa kanila hanggang makita ko na may pinasok sila na mga malalaking bloke ng yelo sa kwarto. Pinaikot nila ang mga blokeng iyon sa aking paligid at may mga ice tubes din silang ibinuhos sa aking higaan. Kaysa ginawin sa kanilang ginagawa ay naghatid iyon ng kakaibang kaginhawaan. Tila gusto ko pa nga na hilingin na dagdagan nila ang ice tubes sa aking higaan para mas lumamig ang aking pakiramdam.
"What are you feeling?" pag-uusisa sa aking muli ng isang doktor.
Napangiti ako sa kanyang direksyon. "This feels good pero parang mas gusto ko na maging mas malamig pa ang gawin niyo," pag-amin ko sa kanila.
Tumango ang doktor sa aking sinabi. "Give her more ice," utos niya sa isang nurse at agaran ito tumakbo palabas ng kwarto para kuhanan ako ng marami pang yelo.
"Wala ka ba ibang nararamdaman bukod sa naiinitan ka?" pagtatanong muli ng doktor sa akin at tinitignan ang kanyang clipboard para isulat doon ang aking medical analysis.
Iniling ko ang aking ulo bilang sagot. "Naiinitan lang ako," seryosong sagot ko sa kanya.
Sinubukan nilang kuhanin muli ang aking body temperature at sinukat din nila ang pagtaas ng kulay sa aking buhok. Doon ko lang napansin na nasa isang centimeter na ang kulay mula sa dulo ng aking buhok.
"Her body temperature is -38°C," bigkas ng isang nurse na ikinalaki ng aking mga mata, "Pinakamababa sa lahat ng cold one."
N-Negative? Wait... Is that possible?
Tumango naman ang mga doktor at isinulat iyon sa kanilang clipboard na tila normal lang na mangyari iyon.
"We need to keep her cold," komento ng isang doktor, "Baka hindi tumagal ang lamig ng mga ice tube."
"But the other patient is a hot type," komento naman ng isang doktor, "Mas maganda siguro kung ilipat natin siya ng kwarto."
"Wala na tayong available room." naiiling iling na sambit ng isa pang doktor, "Nasa limang daan ang dumating na pasyente kanina."
Napakamot sila ng batok na tila malaking problema na pagsamahin kami sa kwarto ng lalaking pasyente. "Hayaan na lang muna natin na magkasama sila rito," komento ng isa, "Sa oras na magkaroon ng available room ay ililipat natin ang isa sa kanila."
Nagsimula na mag-alisan ang ilang doktor at nurse sa kwarto. Doon ko lang din napansin na isa si Doktora Andrea sa mga doktor na nag-asikaso sa akin. "Mukhang ikaw ang may pinakamabagal na paglabas ng sintomas, Vana," sambit niya at seryosong tinignan muli ako sa aking mga mata, "I can't say that is a good sign. It may give you a hard time dahil mas matagal mong mararanasan ang bawat sintomas ng sakit. Pwede rin na mas matindi ito sa karaniwan."
Napalunok ako sa sinabi niya. Pagkatapos ko makita ang nangyari sa lalaki ay alam ko kung gaano kasakit ang kanyang pinagdaanan.
Paano pa kaya kung mas matindi roon ang danasin ko?
"Hindi ko sinasabi sa iyo ito para takutin ka. Gusto lang kita ihanda sa mga posible mangyari," dagdag niya bago sumunod sa mga kasamahan niyang doktor.
"I can bear it," matapang na sambit ko at mahigpit na napakuyom ng mga kamay, "Nangako ako sa aking magulang na gagaling ako at uuwing buhay."
Naramdaman ko na natigilan silang lahat sa aking sinabi at nagkatinginan. Mula sa kanilang mga tinginan ay tila mga sikretong nag-uusap usap sila. Hindi ko tuloy maiwasang maghinala na may tinatago silang lihim sa amin na mga pasyente. Sapat na ang kakaibang kilos ni Doktora Andrea kanina at kanilang kinikilos sa akin ngayon.
***
Napatitig ako sa klase ng pagkain na hinatid sa akin ng isang nurse. Lahat ito ay nababalutan pa ng makapal na yelo.
"Talagang ipapakain nila sa akin ito?" gulat kong sabi at inilayo iyon sa akin, "Parang kakakuha lang nila nito sa freezer ah!"
Napalingon naman ako sa kinakain ng lalaking kasama ko sa kwarto. Kanina lamang ito nagising at kung umakto ngayon ay tila hindi siya muntikan na mamatay. Mula ng magising kasi siya ay hindi niya ako pinapansin at itinuturing na parang hangin. Tahimik niya lamang kinakain ang pagkain na inihain sa kanya ng nurse. Pero napanganga ako nang mapansin na umuusok pa ang pagkain niya sa sobrang init samantalang naninigas sa lamig ang aking pagkain.
"Ano ito? May favoritism?" nakanguso kong bulong sa inis.
Napahawak ako sa aking tiyan nang malakas na kumalam ito. Kita ko na natigilan pa ang lalaki na tila narinig din niya ito.
Dahil sa gutom na rin talaga ako ay napilitan ako kuhanin ang pagkain na inihain sa akin. Pikit mata ko pa sinubo ang nagyeyelong kanin sa aking bibig. Pero bigla ako napamulat ng mata na tila nasarapan sa pagiging crunchy ng kanin. Hanggang sa hindi ko namalayan na naubos ko na ang lahat ng iyon. Malakas pa ako napadighay nang maramdaman ang pagkabusog sa aking kinain.
"Sarap!" nakukuntentong sambit ko.
Pero naramdaman ko na may nakatingin sa akin kaya nilingon ko muli ang lalaking kasama ko. Nahuli ko siya na nakatitig sa akin pero nang mapansin niya na nakatingin na ako sa kanya ay agad siya nag-iwas ng tingin sa aking direksyon. Nagkibit balikat na lang ako sa ginagawa niyang pag-iwas sa akin.
Bumukas ang pinto at nakangiting pumasok si Doktora Andrea. Mukhang maganda yata ang mood niya dahil siguro iyon kay Doktor Mark. Naalala ko kasi sa mga kwento niya na may gusto siya sa isang doktor at ang pagkaalala ko ay Mark ang pangalan ng doktor na iyon.
Minsan ko na rin nakita si Doktor Mark at halata naman sa mga kilos niya na may gusto rin siya kay Doktora Andrea. Pakipot lang si Doktor Mark kay Doktora Andrea dahil nagtra-trabaho sila sa iisang ospital.
Nang-aatig na tinaasan ko siya ng kilay nang makalapit siya sa akin at umupo sa upuan sa tabi ng aking higaan. "Kailan ang kasal, Dok?" tanong ko pa sa kanya na ikinamula ng kanyang magkabilang pisngi.
"Vana..." nahihiyang pagsuway niya sa akin, "Anong kasal na sinasabi mo riyan?"
Natatawang binangga ko siya sa kanyang balikat. "Ako pa talaga ang paglilihiman mo, Dok?" sambit ko sa kanya, "Alam ko ang mga ganyang ngiti niyo."
"Ewan ko sa iyo. Tigil tigilan mo ko," pag-iwas ni Doktora Andrea sa panunukso ko.
Napatawa na lang ako at tinigilan na ang pang-aatig sa kanya. Ngunit ang aking malakas na tawa ay biglang napalitan ng sunud sunod na pag-ubo. Nang alisin ko ang aking kamay sa tapat ng aking bibig ay nabahiran ito ng madaming dugo.
"Vana!" napatayong sambit ni Doktora Andrea at may kung ano na kinuha sa kanyang bulsa.
Nanlalabo ang aking mata na nilingon siya habang inaalalayan niya ako na mahiga muli. "Huwag kang matutulog! Keep your eyes on me!" payo sa akin ni Doktora Andrea habang nilalapat niya ang kanyang stethoscope sa aking dibdib.
Muli ako napaubo at nahirapan na rin ako makahinga dahil sa tila may nakabara sa aking daluyan ng hangin. Nagsimulang magdatingan pa ang ilang doktor at agaran nila ako pinaikutan para asikasuhin.
"Why is she coughing blood?" natatarantang sambit ng nurse at nilagyan ako ng oxygen sa aking bibig.
"Kailangan natin i-vacuum ang kanyang lungs para palabasin ang dugo na bumabara roon," nagmamadaling utos ni Doktora Andrea sa mga nurse, "Madalas mangyari sa kanya ito kaya alam ko na ang gagawin."
Sumunod sila sa sinabi ni Doktora Andrea at may mahabang tube silang pinasok sa aking bibig patungo sa aking baga. Naramdaman ko ang tila paghigop na ginagawa ng aparato sa aking daluyan ng hangin para alisin ang mga bumabarang dugo sa aking baga. Hindi nagtagal ay unti unti lumuwag ang aking hininga pagkatapos ng pag-vacuum nila.
Nang wala na sila makuha ay pinatay na nila ang aparato at tinanggal sa aking bibig ang mahabang tube. Hinawakan ni Doktora Andrea ang aking kanang kamay at may kinuha siyang injection sa kanyang mga gamit saka itinurok ito sa aking braso.
"Buti na lang naging habit ko na magdala ng iyong gamot sa aking bulsa," nakahingang sambit ni Doktora Andrea pagkatapos maiturok sa akin ang dalang gamot.
Nginitian ko siya para ipakita na okay na ako. Lagi na lang naililigtas ni Doktora Andrea ang aking buhay tuwing aatakihin ako ng ganitong sakit.
Nang masiguro nila na maayos na ako ay umalis na rin ang ibang doktor. Medyo nagtagal pa nga ng kaunti si Doktora Andrea sa kwarto at kung hindi ko pa tinaboy paalis ay mukhang hindi niya ako iiwanan. Mukhang nakalimutan niya na doktor siya ng ospital at hindi na aking personal na doktor.
Inabala ko muli ang aking sarili sa pagsusulat sa notebook. Isinulat ko roon ang tungkol sa labis kong naramdamang init, kagustuhan sa lamig, mababang temperatura ng katawan, ang pagkagising ng lalaki kasama ko, pagkagusto ko sa nagyeyelong pagkain at ang muntikan ko pagkamatay.
Sa dami ay mga ilang pahina na naman ang nasulatan ko. Mukhang wala pa ako isang linggo rito ay mapupuno ko na ito.
Pag-angat ko ng tingin ay nahuli ko na naman ang lalaki na nakatingin sa akin. Akala ko ay iiwas niya ang tingin ngunit this time ay nakipagtagisan ito ng tingin.
"May gusto ka bang itanong sa akin?" pag-uusisa ko sa kanya.
"Magkakilala kayo ni Doktora Andrea?" pagtatanong niya sa akin.
Tumango ako ng ulo. "Matagal ko ng personal na doktor si Doktora Andrea bago siya ipadala rito," maiksing sagot ko sa tanong niya.
Napatango tango siya ng ulo. "I see."
Namayani muli ang mahabang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Mukhang wala na siyang balak na magtanong pa sa akin.
Napahugot ako ng malalim na hininga. "Gaano ka na katagal rito?" lakas loob na tanong ko sa kanya.
Lumipas ang ilang minuto at wala akong narinig na sagot sa kanya. Hindi ko alam kung narinig niya ako o sadyang ayaw niya lang sagutin ang tanong ko. Nagkibit balikat na lang ako at nagpatuloy sa pagsusulat sa aking notebook.
"Three weeks," out of nowhere na sagot niya kaya napaangat muli ako ng tingin.
Three weeks?
Dalawang araw pa lang ako rito ay tila nasu-suffocate na ako. Hindi ko naman naramdaman ito noong nakakulong ako sa bahay o kaya kapag nao-ospital ako noon.
"You are the fifth," bigla niyang sambit.
"H-Huh?" naguguluhan kong sambit.
Seryosong tinignan niya ako. "Panglima ka na nakasama ko rito sa kwarto," salaysay niya, "They all died on their third day staying here."
Napalunok ako sa sinabi niya. Para bang inaasahan niya na tulad ng mga nauna niyang mga kasama ay mamamatay rin ako. Sakto pa na bukas ang ikatlong araw ko sa kwartong ito.
"Hey!" inis kong pagpuna sa sinabi niya, "Don't assume na mamamatay na ako bukas!" singhal ko pa sa kanya.
"But you almost die ealier," kibit balikat na sambit niya, "Kaya hindi mo rin masasabi na mabubuhay ka pa bukas."
Gigil na ibinaba ko ang ballpen na hawak ko at huminga ng malalim para pakalmahin ang aking sarili. Hindi dapat ako magalit sa sinasabi niya. Gusto lang naman niya ipaalam sa akin ang mga nangyari sa ibang pasyente na nakasalamuha niya.
Marahil ganito ang pakikitungo niya sa akin dahil sa ilang kamatayan na nakita niya sa loob ng kwartong ito. Ayaw niya magkaroon ng attachment sa akin. Ayaw niya makipagkaibigan sa taong mamamatay at iiwan din siya.
Napabuga ako ng malalim na hininga saka nagpatuloy na lang sa pagsusulat. "May I ask you if are you scare in death?" tanong ko sa kanya bago muli siya tinignan ng seryoso sa mga mata, "Well, I think you are."
Matalim ang tingin na binigay niya sa akin dahil sa aking sinabi. "I am born with a very weak body. Namuhay ako na nakatali ang katawan sa kama. I never had a normal life. Everyday I am fighting to survive dahil any moment maaari akong mamatay. So all my life, death is chasing me," pagkwe-kwento ko sa kanya.
Naghalukipkip siya ng kanyang braso at ibinaling ang katawan niya sa aking direksyon. "Bakit mo sinasabi sa akin iyan?" pagtatanong niya, "Gusto mo ba makarinig ng comforting words mula sa akin? Because you may be die tomorrow?"
"No, I want to tell you na hindi ako takot mamamatay at mas takot ako na iwan ang aking magulang na malungkot," nakangiting sagot ko sa kanya.
Natigilan siya sa sinabi ko. "Katulad ko may ayaw ka rin iwan di ba?" pag-uusisa ko sa kanya, "Hindi ka naman tatagal rito sa pakikipaglaban sa virus kung wala."
"Tss," bulalas niya bilang pagsuko sa sinabi ko.
"Who is it?" nakangising baling ko sa kanya, "Come on! Say it! Say it!"
Naiiritang napakamot siya ng kanyang batok. "I can't believe na aabot dito ang pag-uusap natin," hindi niya makapaniwalang sambit.
Humalakhak ako sa aking tagumpay at saglit na nasamid ng aking laway kaya napaubo ako. Kita ko nataranta ang lalaki dahil napaubo ako katulad kanina. Nakita ko na bahagyang bumangon pa siya sa kanyang higaan para silipin ako.
"I'm fine! I'm fine!" sabi ko at nginitian siya.
Sinimangutan naman niya ako at bumalik siya sa kanyang pagkakahiga. "Never ever laugh again!" singhal niya sa akin, "Baka may literal na may mamatay sa kakatawa."
Gusto ko matawa muli sa sinabi niya. Pero pagbawalan ba naman ako na tumawa.
"Hoy! Baka nakakalimutan mo na ang pinag-uusapan natin kanina!" pagbabalik ko sa topic ng aming usapan, "Sino kasi?!"
"Hindi mo talaga ako titigilan hanggang sa malaman mo huh," iiling iling na sambit niya.
"Buti alam mo," pagpupumilit ko pa sa kanya.
"Fine. Fine. Sasabihin ko na dahil baka iyon pa ang maging cause ng kamatayan mo," pagsuko niya sa aking pangungulit, "I have a girlfriend out there. We've been five years together."
Nagulat ako sa kanya na napalingon. "I'm lost for words," gulat kong sambit,"Akalain mong may nakatagal sa iyo ng five years. Sa sungit mong iyan?" pang-aasar ko pa sa kanya.
"Hey!" singhal niya sa aking sinabi, "What do you mean by that?!"
Well, hindi na naman nakapagtataka dahil gwapo naman siya kaya normal lang na may jowa na ito na nag-aantay sa kanya sa labas.
Nagpatuloy tuloy ang aming pag-uusap at nagkakilanlan na rin. Mukhang nakalimutan na rin niya ang balak na iwasan ako.