Pagkatapos ng pag-iyak ni Doktora Andrea at mahimasmasan ay agad agad niyang dinampot ang kanyang mga gamit at umalis ng kwarto. Kating kati man ang aking dila na tanungin siya sa proyektong pinag-uusapan nila ni Doktor Mark ay hindi ko magawang makapagtanong.
Napabuga na lang ako ng malalim na hininga saka nagpatuloy sa pagsusulat sa aking hawak na notebook. Isinulat ko roon ang palaisipan na pag-uusap nina Doktora Andrea at Doktor Mark. Kasama na roon ang proyekto at cure na siyang nabanggit nila.
Hanggang sa makaramdam ako ng isang titig na nakatuon sa aking gawi. Pag-angat ko ng tingin ay nagulat ako na makita na nakaupo si Flare at nakalumbabang nakatingin sa akin.
"W-What?" takang tanong ko sa ginagawa niya.
Kita ko ang kanyang pagdadalawang isip kung kakausapin ba niya ako o hindi. Ngunit sa huli ay mas pinili niya na mahiga muli at talikuran ako.
Napanguso na lang ako sa kanyang ginawa. Nang ayusin ko ang pagkataklob ng kumot sa katawan ay biglang napansin ko na may nakaipit na papel doon.
Inabot ko ang papel na nasa aking paanan at nang matignan ito ay nag-alaman ko na isa itong medical report. Marahil naiwan ito sa mga dinalang papeles ni Doktora Andrea dahil na rin sa labis na pagmamadali na makaalis.
Sa kuryosidad ay pinasadahan ko muli ng tingin ang medical report. At nalaman ko na ito ay ulat tungkol sa pasyente na nangangalang Devon August Navarro. Nineteen years old na rin siya katulad ni Flare at katulad ko na nasa classification na ice type. Sa date ng admission niya sa ospital ay isang linggo na siya nasa ospital at nasa last stage na ang sintomas ng infection.
Ngunit mas nagulantang ako na makita ang... date and time of death niya.
"What the hell is this?" gulat na gulat kong sambit at pinag-igihan ang pagtingin sa date and time of death ng pasyente dahil baka namamalik mata lamang ako.
Ngunit kahit nakailang kusot na ako ng aking mga mata ay iisang date at time pa rin ang tingin ko.
Anong ibig sabihin nito?
Bakit naka-date ang araw ng kamatayan niya two days from now?
Typo error lang ba ito?
Iniling ko ang aking ulo at pilit na sinisink in ang nadiskobre. Imposible na magkamali sila nang lagay ng date rito especially sa ganitong importanteng dokumento.
Ngunit kahit sinong magaling na doktor ay walang may kakayahan na i-predict ang tamang araw ng kamatayan at oras ng kanilang pasyente.
Naramdaman ko ang biglang paglakas ng t***k ng puso ko kaya nanginginig na nabitawan ko ang medical report na iyon.
Dinodoktor ng mga doktor ang papeles naming mga pasyente.
But why they are doing that?
Isinasakripisyo nila ang lisensiya nila sa ginagawa nila!
And even Doktora Andrea knew about this.
Biglang nag-flashback sa aking isipan ang mga balitang wala pa nag-survive sa EVOL virus. Walang survivor dahil pinapalabas nila na walang buhay sa mga infected.
Where are they then?
Are they really dead?
"My gosh!" natatakot kong sambit at napahawak sa aking ulo dahil sa aking nalaman at maaari pang malaman.
Dinampot ko muli ang medical report na iyon at dali dali na inipit sa likurang bahagi ng aking notebook. Naiiyak kong niyakap ang notebook na iyon nang maisara.
"Ma, Pa..." pikit matang pagtawag ko sa aking magulang na akala mo maririnig nila ako, "What should I do? Makakabalik pa nga ba ako sa inyo?" bulong ko pa.
Tulala ako napatitig sa kisame. Feeling ko nawalan na ako ng dahilan na mabuhay pa.
I'll be dead anyway.
***
Pumasok ang ilang nurse para hatiran kami ng pagkain. Katulad ng dati ay nababalutan ito ng yelo habang umuusok naman sa init ang hinanda nila para kay Flare.
"Are you alright, Miss Vana?" nag-aalalang tanong sa akin ng nurse na mapansin na hindi ako kumilos nang ihain niya ang pagkain sa aking harapan.
Tinignan niya ang aking temperatura at pulse rate. "May masakit po ba sa inyo?" pagtatanong muli ng nurse.
Hindi ko magawang makapagsalita sa takot na malaman nila ang nalalaman ko. Sinagot ko na lamang siya ng isang iling. Nagtataka naman na nagkatinginan ang mga nurse na nag-aasikaso sa akin. Hanggang sa lumapit na rin sa akin ang nurse na umaasikaso kay Flare.
"Are you sure, Miss Vana?" paniniguro nila, "Wala bang masakit o kakaiba kang nararamdaman?"
Hindi pa rin ako nagsalita at sinagot sila ng isang bagot na tango. Kaya na-wi-weirdo-han na lamang nila ako iniwan. Pinanuod ko naman sila na makaalis ng aming kwarto.
Hindi ko na alam kung kaya ko pa magtiwala sa mga tao ng ospital. Natatakot ako na bigla na lang nila ako turukan ng gamot isang araw para mamamatay.
"What's up with you?" kunot noong tanong ni Flare, "Mamamatay ka na ba kaya ka nagkakaganyan?"
Binalingan ko lang siya ng tingin at tipid na nginitian siya dahil kinausap niya ako. Halatang hindi niya inaasahan iyon kaya iniwas niya ang tingin at tinuon na lang niya ang atensyon niya sa kanyang pagkain.
***
Mukhang may nakapagsabi kay Doktora Andrea sa aking naging kakaibang akto nang hatiran ng pagkain. Nandito na naman kasi siya sa aming kwarto at tinitignan kung talagang maayos lang ba ang aking kalagayan.
Kanina ko pa siya pinapanuod sa kanyang ginagawa at kumukuha ng tiyempo para kausapin siya. Ngunit hindi ko alam kung ano ang dapat kong isipin sa pag-aasikaso niya sa akin sa oras na mapatunayan na totoo ang aking mga hinala.
Nag-aalala ba talaga siya sa akin?
O pinapakita niya lang iyon dahil kilala ko siya?
Alam ko na masamang mag-isip ng masama sa kanya lalo na hindi ko pa napapatunayan ang speculation na namuo sa aking isipan. Magiging unfair iyon sa kanya kung nandito siya dahil talagang nag-aalala siya sa akin.
Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Doktora Andrea nang matapos niya alisin sa kanyang tenga ang dalang stethoscope at ibinababa iyon sa tabi ng kanyang dalang bag.
"You seems okay," sambit niya saka nakipagtitigan sa aking mata, "Nawalan ka lang ng appetite para hindi nagawang ubusin ang pinadala nila kanina. I think it is psychological. May iniisip ka kaya nawalan ka ng gana na kumain. Kung tungkol ito sa nangyari kanina, please don't mind it."
Napansin ko na namumula at namamaga pa ang kanyang mga mata at ilong mula sa kanyang naging mahabang pag-iyak. Marahil dahil ito sa nangyari sa kanila ni Doktor Mark kanina. Hindi pa siya nakakaraos sa break up nila ni Doktor Mark pero ginagulo ko na agad siya para tignan ang aking kalagayan. Nakaramdam tuloy ako ng kaunting pagka-guilty dahil doon.
Napaiwas ako ng tingin sa kanya at pinaglaro ang aking mga daliri. "Kapag ba namatay ako iiyakan mo ko, Dok?" bigla kong pagtatanong kay Doktora Andrea habang kukuhanan niya ako ng blood pressure sa aking kanang braso.
"What kind of question is that?" gulat na sambit ni Doktora Andrea mula sa aking itinanong at may sinulat sa kanyang dala dalang clipboard.
"I am just curious," kibit balikat na sambit ko, "Never ko pa kasi naitanong sa inyo iyon. Never ko kasi na-imagine na darating ang araw na mamamatay din ako. Alam niyo kung paano ako lumalaban para mabuhay but my present situation is different. Walang kasiguraduhan kung makakaligtas ako."
Kinalas ni Doktora Andrea ang pang-BP sa aking braso bago diretsong tinignan ako sa mga mata. "Of course I am. It will sound conceited pero alam mo na parang anak na rin kita, Vana. Mahal kita na para nanggaling ka sa sarili kong sinapupunan. Ang laban mo ay naging laban ko na rin," seryosong sambit niya, "Kaya always stay strong, okay? Never ever give up your life."
Natigilan ako sa kanyang isinagot sa akin. Wala akong makitang bahid ng kasinungalingan sa kanyang sinabi. Ramdam na ramdam ko ang kagustuhan niya na maging okay ako katulad ng dati.
I can feel her sincerity in her words.
Isang typo error lang siguro ang nakita ko sa medical report.
At isang malaking maling hinala lang ang aking naisip.
Na-pra-praning lang ako dahil sa pagiging infected ko ng EVOL virus kaya nakaisip ng mga ganoong bagay bagay. Normal lang naman iyon sa tulad kong pasyente na nakulong sa apat na sulok ng kwarto na walang kasiguraduhan ang kalagayan.
Nawawala sila ng tiwala sa sarili at sa mga taong nakapalibot sa kanila. Minsan nagkakaroon sila ng hallucinations at nagiging mga sensitive.
Marahil iyon nga lang iyon.
Nahihiyang napatakip tuloy ako kamay sa aking mukha dahil sa pinag-isipan ko ng masama si Doktora Andrea. I never thought na magagawa ko ito sa kanya.
How can I doubt her?
Maswerte pa nga ako na nandito siya sa ospital kaya hindi ako nag-iisa. Hindi katulad ni Flare na tanging sarili at kagustuhan niyang mabuhay ang kinakapitan. Lalo pa na binibigyan nila ako ng special treatment dahil kilala ako ni Doktora Andrea. Malaking bagay na iyon para sa akin bilang pasyente ng ospital na ito.
"Vana, is there something wrong? Are you crying?" nag-aalalang tanong ni Doktora Andrea at dahan dahan na inalis ang kamay ko na nakatakip sa aking mukha.
Tinignan ko sa kanyang mata si Doktora Andrea para iparating doon ang labis kong pahingi ng tawad dahil pinag-isipan ko siya ng masama.
"Vana?" pagtawag muli sa akin ni Doktora Andrea at kitang kita sa mukha niya ang pag-aalala sa akin, "Is there something wrong? May problema ba? Please talk to me."
"Sorry, Doktora," paumanhin ko at pinahid ang ilang tumakas na luha sa aking mga mata, "Na-ho-homesick lang po siguro ako. Hindi kasi ako sanay na wala si mama sa aking tabi. Today will be the third day na hindi ko siya kasa-kasama. Namimiss ko na rin ang lasa ng kanyang mga luto. Especially ang lasa ng niluto niyang sinigang," pagsisinungaling ko sa kanya sa naging asta ko kani-kanina.
Malungkot na hinaplos ako ni Doktora Andrea sa aking ulunan. "Oh..." nauunawaang sambit niya, "It's okay. Normal lang naman mangyari iyan sa mga pasyente. Nawala sa isip ko na ito ang unang beses na na-ospital ka na wala sila. Dapat nagawa ko iyon ng paraan bago ka mangulila sa kanila."
Umaasang tinignan ko si Doktora Andrea. Alam ko na pinagbawalan kami mga pasyente na magdala ng kahit anong gadgets ngunit iba naman siguro sa mga doktor.
"Nakakausap niyo ba sila?" pagtatanong ko sa kanya, "Matutulungan niyo ba ako na tawagan sila at makausap man lang?"
Iniling ni Doktora Andrea ang kanyang ulo. "Tulad niyo ay hindi rin allow ang mga doktor na magdala ng communication devices. Iyon ay para maiwasan ma-locate ang kinaroroonan ng ospital," nalulungkot na salaysay niya, "Pasensiya na, Vana."
Napayuko ako ng ulo sa nalaman. Ngunit bigla ko naalala ang notebook na nakatago sa ilalim ng aking unan. Kinuha ko iyon at ipinakita ang notebook na sinusulatan ko sa kanya.
"If ever na mamamatay ako, Dok. Pwede po ba na isama niyo ang notebook na ito sa pagbabalik ng aking abo sa aking mga magulang?" sambit ko at binigyan siya ng nakikiusap na tingin, "Please promise me."
Natigilan si Doktora Andrea sa aking sinabi at nangingilid ang luha sa kanyang mga mata. "My gosh Vana!" naiiyak niyang sambit, "Why are you doing this to me? Doktor mo ko kaya hinding hindi kita hahayaan na mamatay. Huwag ka muli magbibilin ng ganyan sa akin."
Niyakap ko si Doktora Andrea kung ito man ang huling pagkakataon na mayakap ko siya. Masaya ako nang maramdaman na ginantihan niya ito na para ba ayaw na niya ako pakawalan pa.
"Bakit bigla mo naman naisip ang mga ganoong bagay?" hindi makapaniwalang sambit niya sa akin, "Wala ka ba tiwala sa akin na doktor mo? Sa kakayahan na mayroon ako?"
Napakagat labi ako at nag-isip ng maaaring idahilan sa kanya. "Because today is my third day," malungkot kong sagot sa kanya, "Maraming infected ang namamatay sa kanilang third day."
Sinilip ko si Flare at kita ko na nakasimangot siyang nakatingin sa aking gawi. Nang magtama ang amin tingin at agad niya muling iniwas ang kanyang tingin at bumalik sa kanyang pagkakahiga na nakatalikod sa amin.
"Saan mo nalaman iyan?" hindi nasisiyahang sambit ni Doktora Andrea ngunit nilingon niya ang kasama ko sa kwarto at binigyan ito ng nagbabantang tingin.
"Flare," pagtawag ni Doktora Andrea sa lalaking nagpapatay malisya at nagpapanggap na tulog, "Binalaan ka na namin na huwag mong sasabihin ang tungkol doon sa mga makakasama mo sa kwarto. Mag-ko-cause lang iyon ng depression at panic sa kanila. Look what happen to Vana. What if maging cause iyon ng panic attack sa kanya lalo na sa mahinang katawan na mayroon siya. We can't risk it."
Inis na bumaling sa aming direksyon si Flare. "What's wrong with that? Mas maganda nga na malaman nila. Para katulad ni Vana ay makapagbilin man lang bago mamatay," kibit balikat na pagdadahilan ni Flare kay Doktora Andrea, "They should face the truth that they are dying."
Napahilot naman sa sintido si Doktora Andrea mula sa klase ng dahilan na binigay sa kanya ni Flare. Kitang kita sa kanyang mukha ang pamomoblema dahil sa pagsasabi sa akin ni Flare tungkol doon.
"I don't know what we should do with you, Flare. Mas maganda na mailipat ng kwarto si Vana sa lalo madaling panahon."