Mas binilisan ko pa ang aking pagtakbo para hindi ako magawang mahabol ng mga gwardiyang iyon. "Come on Vana! Bilisan mo pa! Malapit na sila sa iyo!" udyok ko sa aking sarili at mas pinilit ang sarili na makatakbo pa nang mas mabilis. Hingal na hingal ako at medyo nagrereklamo na rin ang tagiliran ko dahil sa ginagawa kong mabilisang pagtakbo na walang pahinga. "D-Damn... D-Dati pinapangarap ko lang makaranas na makatakbo ng ganito... P-Pero hindi naman sa ganitong paraan..." reklamo ko pa at ipinagpatuloy ang ginagawang pagtakas, "Gaaahhd! Kailan ba nila ako titigilan?! Pagod na ako! Hindi pa ba sila napapagod?!" "Tumigil ka!" "Miss Vana! Bumalik ka rito!" "Hindi ka maaaring lumayo ng facility, Miss Vana!" "Miss Vana, hindi makakabuti sa iyo ang umalis!" "Miss Vana! Makinig ka s