Pagdating nang umaga ay laman ng isipan ko ang nakita ko kagabi. Gusto ko man sundan ang mga lalaki kung saan nila dadalhin ang dalaga na isinakay nila wheelchair pero alam ko na wala akong laban sa kanila kung sakali na mahuli nila ako na sumusunod. Hindi makakabuti sa akin na kumilos na walang plano. Kaya kailangan ko muna magmatyag bago gumawa ng hakbang. Naputol ang aking pag-iisip nang may isang nurse na biglaang pumasok at nagmamadaling nilapag sa harapan ko ang dala niyang tray na siyang aking agahan. Pagkatapos ay takot na takot na tumakbo pa ito lumabas ng aking kwarto na akala mo may humahabol sa kanya. Napabuga na lang ako nang malalim na buntong hininga sa akto na iyon ng nurse. Mukhang kailangan ko ba masanay sa panibagong trato nilang ito. Dahil sa kumakalam na rin naman a