"Ibig sabihin ba nito ay natuklasan mo may kakaiba sa facility sa simula pa lang?" seryosong tanong sa akin ng katabi kong binata, "Sa paanong paraan mo naman nalaman ito?! Posible kaya na isa ka dating tauhan ng facility na tinamaan lang ng virus?!" Ramdam ko sa kanyang tono na naghihinala siya sa aking katauhan. Kung sakali kasi na dati ako tauhan ng facility ay malamang hindi nila ako pagkakatiwalaan. Lalo na minsan na sila niloko ng mga ito at walang paalam na dinala rito. Nag-aalinlangan na napakamot naman ako ng aking pisngi at inisip kung paano ba ipapaliwanag sa kanya ang mga nalaman ko. Lalo na nag-ugat ito sa pagdududa ko sa mga kakaibang kilos ng mga doktor at nurse na umaasikaso sa akin. Pagkatapos ang hindi maipaliwanag na pagkamatay nina Devon at Flare. "H-Hindi ko sinasad