WARD 18

2127 Words

Panandalian na natigilan si Devon at natulala habang nakatitig sa aking mukha. Hanggang sa unti unti na lumandas ang luha sa kanyang mga mata nang marinig mismo mula sa aking bibig ang kinahinatnan ng kanyang kapatid na si Yvona. Wala siyang kaide-ideya na katulad niya ay dinala na rin sa facility ang kanyang nakababatang kapatid at isa siya sa mga napabilang na namatay sa pandemyang ito. Pilit man pigilan ni Devon ang mga luha niya at nagpatuloy lang ito sa pagbagsak. Nawala ang kanina na kompiyansa na mayroon siya. Isang mapagmahal at nangungulila na kapatid ang katabi ko ngayon. "Y-Yvona..." umiiyak niyang pagpipighati, "A-Ang kapatid ko... B-Bakit kailangan na tamaan din siya ng sakit na ito? H-Hindi ba pwede ako na lang? B-Bakit pati siya?! Damn it!" Pagkatapos niyang sabihin iy

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD