"F-Flare...?" bulong ko sa aking sarili. "May sinasabi ka ba, Vana?" agarang tanong sa akin ni Teddy at napalingon sa aking gawi. Ngunit agarang iniling ko ang aking ulo at pilit na nginitian sila. Hindi pa kasi ako sigurado kung si Flare nga ba ang katangi tangi na survivor ng fire type. Umaasa ako na siya nga ang taong iyon. Subalit hanggang hindi ko nakukumpirma iyon ay hindi ko masasabi sa kanila na magkakilala kaming dalawa. Ayoko silang bigyan ng pag-asa na maisasama namin sa plano ang kabilang sa fire type. Dahil kapag nangyari iyon ay malaki ang maitutulong ng kakayahan ni Flare sa aming planong pagtakas. "Sa totoo lang ay may mga kausap na kami mula sa wind type na may balak na rin na magsagawa ng kanilang pagtakas..." pagbibigay alam sa akin ni Isla dahil malamang matagal na