WARD 8

2166 Words
Hindi ako alam kung gaano ako katagal na nakatulog dahil sa gamot na ipinaturok sa akin ni Doktora Andrea. Kaya nang magising ako ay agarang napabalikwas ako ng bangon at tinignan ang katabing higaan. "Flare!" natatakot ko pang tawag sa takot na hindi ko na siya makikita roon. Paano na lang kung namatay siya sa pag-atake ng huling sintomas? Hindi! Nangako si Flare na pareho kami mabubuhay mula sa infection ng virus na ito. Ngunit biglang nanlumo ako na makita ang malinis at napakaayos na higaan. Wala na si Flare na nakahiga roon at wala na rin ang mga nagkalat na aparato na naroroon. "F-Flare...?" nanghihina ko pang sambit. Unti unti tumulo ang luha sa aking mga mata. Mukhang nahuli na ako. Hindi rin kinayanan ni Flare ang huling sintomas at pinatay din siya nito. Malakas na bumalahaw ako ng iyak at tinakpan ang aking mukha ng aking mga kamay. "Huhuhu! Flare! Jusko! Bakit ka namatay? Akala ko ba babalikan mo pa ang girlfriend mong si Hazel? Hindi ba ang sabi mo ay papakasalan mo pa siya?" hiyaw ko habang malakas na umiiiyak, "Nangako ka na kukunin mo kong abay!" Nasa ganoong tagpo ako nang biglang nagulat ako na may nambatok sa akin. Nasasaktan naman ako napahawak sa aking ulunan at napalingon sa aking gilid. Isang matalim na tingin ang sinalubong sa akin ni Flare. "Tss... Kakagising mo lang pero agarang pinatay mo na ako..." naiinis niya sambit. Napanganga ako nang makita si Flare sa upuan sa gilid ng aking kama at hawak hawak pa niya ang notebook ko. Muling napatingin ako sa kabilang higaan tapos naman ay ibinalik muli ito sa kanya. "Eh... EH?!" gulat kong sambit at natatakot pang tinuro siya, "M-M-Multo k-ka ba ni Flare...? H-Hindi ka ba makatawid sa kabilang buhay dahil sa iyong mga naiwang regrets?" Lalong tumalim ang tingin na binibigay sa akin ni Flare. "Isa pang pagpatay sa akin, Vana... Malilintikan ka na talaga sa akin..." pagbabanta niya Napanguso naman ako saka napahalukipkip ng braso. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala na nandito si Flare at buhay na buhay. "Kung ganoon ay nakalampas ka sa last symptom?" tanong ko sa kanya, "Na-survive mo ang EVOL virus?" Naparolya naman siya ng mata. "Malamang Vana kaya nandito pa ako," pangbabara niya sa itinanong ko, "Ibig sabihin ay nakaligtas ako." Nakahinga ako ng maluwag na malaman iyon. Ibig sabihin ba nito ay si Flare ang unang survivor ng EVOL virus? Nilingon ko siya na punung puno ng kuryosidad. Ang dating itim niyang buhok at mga mata ay tuluyang naging kulay na pula. Tila nakabagay pa sa kanya ngayon ang bagong anyo niyang ito. Kinurot ko na lang ang aking sarili para pigilan ang sarili ko na mabighani sa kanyang mas gwapong itsura. "How is it?" biglang tanong ko sa kanya, "Ano na ang pakiramdam mo ngayon na na-survive mo ang EVOL virus?" Kung umasta kasi siya ngayon ay tila isa na muli siyang malusog na tao. Para bang hindi man lang siya dumaan sa malalang sakit. Natigilan naman si Flare sa itinanong kong iyon. Napatingin pa siya sa kanyang mga kamay na tila inaalam ang sagot sa tanong ko. "Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa iyo, Vana," naguguluhan niyang sambit, "I feel like I'm fine pero iba ang pakiramdam na ito mula sa dati kong normal na kondisyon. Para bang may naiiba sa akin na ngayon." "Ha?" nalilitong bulalas ko naman, "Paanong kakaiba?" Nagkibit balikat siya. "I have no idea," tanging naisagot niya. Dahil hindi naman din alam ni Flare kung paano ipapaliwanag sa akin ay hindi ko na siya kinulit pa. Ngayon siyempre masaya ako para sa kanya. Dahil sa oras na tuluyang gumaling na siya ay matutupad na niya ang pangarap na mapakasalan ang girlfriend niyang si Hazel. "Ano ang sabi ng mga doktor nang gumaling ka?" muling tanong ko sa kanya, "Balak ka na ba nila na paalisin?" Napaisip naman si Flare. "The truth is... they are acting weird..." kunot noong sambit nila, "Para bang takot na takot sila sa akin kanina." Lalong nagtaka ako sa sinasabi niya. "Natatakot sila sa iyo?" pag-ulit ko naman, "Baka naman binigyan mo sila ng matalim na tingin katulad ng ginawa mo sa akin kanina. Kasi naman pwede ngumiti paminsan minsan, Flare." "Hindi ah!" pagtanggi ni Flare, "Sa iyo ko lang ginawa iyon." Ngunit napahawak ako sa aking baba. Ano naman kasi ang magiging dahilan para matakot ang mga nurse at doktor kay Flare di ba? *** Napatunayan ko ang sinasabi ni Flare nang may ilang nurse ang pumasok para turukan ako ng gamot. Hindi na nila binibigyan ngayon ng gamot si Flare at tanging ako na lamang ang inaasikaso nila. Nang makaalis ang mga nurse ay inilahad ko kay Flare ang kamay ko. "Akin na iyang notebook ko," paghingi ko sa kanya, "Dali na! Magsusulat ako!" Hindi naman niya ibinigay iyon at lalong inilayo sa akin. "Sa akin na ito," angal niya, "Pumayag ka noon na maaari kong kunin ito sa oras na makuha ko di ba?" Natahimik ako nang maalala ang kasunduan na iyon. Hindi ko akalain na magagawa niya kasi iyon kaya malakas ang loob ko na hamunin siya. "Urrggh!" sumusukong bulalas ko na lang saka padabog na nahiga. Inabala naman ni Flare ang pagbabasa sa aking mga isinulat doon. Paminsan minsan ay napapansin ko na napapakunot siya ng noo tungkol sa ilang mga isinulat ko roon. "Yeah... It's weird..." biglang komento niya. "Ha? Anong weird?" tanong ko sa kanya. "May inilagay ka rito na medyo kasuspe-suspetya..." pagtukoy niya. Biglang naalala ko ang ilang impormasyon na isinulat ko roon. Nanlalaki ang mga mata ko nang maalala ang tungkol sa medical report. "It's just my imagination, Flare," pagtanggi ko sa nabasa niya roon, "Imposible naman ang mga suspetya ko riyan di ba?" "Pero coincidence nga lang ba iyon? Sumakto ang oras at araw ng kamatayan ng taong nangangalang Devon," komento ni Flare. Napangiwi naman ako dahil baka palakihin pa niya na isyu na iyon. Baka mamaya ay makarating pa kina Doktora Andrea ang ginawa ko. "Flare, stop it!" suway ko sa kanya, "Mababait ang nurse at doktor ng facility. Marahil nagduda ako nang una pero dahil sa epekto lang iyon ng sakit ko." Napabuga na lang ng malalim na hininga si Flare saka itinago ang notebook na iyon sa kanyang damit. "But in case, I'll keep this thing with me," sambit niya na tila wala ako karapatan na tumutol. "Ok. Fine." *** Lumipas ang ilang araw at naging mas malusog si Flare. Kaya buo ang pag-asa naming dalawa na hindi magtatagal ay makakalabas na siya ng facility. "Damn! Kaunting panahon na lang ay makakasama ko na muli si Hazel," excited na sambit ni Flare, "Don't worry ikwe-kwento kita sa kanya." "Basta magagandang kwento lang ha... Baka mamaya siraan mo pa ako sa girlfriend mo," natatawang sambit ko. Malakas na humalakhak siya. Mahahalata na hindi na mapaglagyan ang saya niya sa oras na ito. Kaya hindi ko rin maiwasan kundi maging masaya para sa kanya. Sana lang talaga na katulad ni Flare ay ma-survive ko ang EVOL virus. Hindi ko tuloy maiwasang maisip sina mama at papa. Okay lang kaya sila? Sana naman ay okay lang sila ngayon. "Oh bakit biglang nalungkot ka riyan?" pagpansin sa akin ni Flare. "Bigla ko lang naalala sina mama," nalulungkot kong sambit, "Gusto ko malaman nila na okay lang ako." Napangisi naman si Flare. "Gusto mo ba na puntahan ko sila at ipaalam na maayos ka lang?" biglang pagprisinta niya. Nanlalaki ang mga mata ko na napatitig sa kanya. "Ayos lang ba sa iyo?" pagkumpirma ko, "Okay lang ba talaga na puntahan mo sila?" "Oo naman," desididong sambit ni Flare, "Kahit papaano naman ay naging makasangga tayo rito sa kwartong ito." Malawak na napangiti ako. "Waaah salamat, Flare! Hulog ka ng langit sa akin!" masayang sambit ko, "Sa oras na makalabas din ako rito ay bibisitahin kita!" pagbibigay pangako ko pa. "Oo naman! Kaya siguraduhin mo lang na mabubuhay ka, Vana," pagpapalakas niya ng aking loob. Ngunit natigilan kaming dalawa sa pag-uusap ng biglang namilipit ako sa sakit. Narinig ko pa ang biglang pagtunog ng mga buto ko na tila kusang gumagalaw ang mga ito. "Vana...?" gulat na tanong ni Flare, "May problema ba?" "Biglang nananakit ang buong muscle ng katawan ko..." nasasaktang sambit ko habang iniinda ang matinding sakit. Ngunit napahiyaw ako nabg biglang naramdaman ko na nag-stretch ang aking mga kalamnan sa katawan. Biglang napatayo si Flare sa kanyang kinauupuan na mapagtanto ang nangyayari sa akin. "T-Teka tatawag ako ng mga doktor! Inaatake ka na ng pangatlong sintomas!" natataranta niyang sambit at agarang pinindot ang red button sa ilalim ng higaan ko. "Aaaaaaaaaaah!" malakas na tili ko dahil halos mababali ang mga parte ng katawan ko, "Waaaaaah! Aaaang saaaakiiiit!" "Hold on, Vana!" natatakot na sambit ni Flare at pinirmi ako sa higaan, "Nasaan na ba sila?!" Hindi nagtagal ay humahangos na lumapit ang mga doktor at nurse sa aking hinihigaan. "Flare, kami na ang bahala dito," pagpapalayo pa ni Doktora Andrea kay Flare sa akin. Napilitan naman si Flare na bitawan ako at hayaan ang mga doktor na suriin ako. "She is suffering from the 3rd symptom!" pagkakagulo nilang lahat. Sinubukan nila itali ang mga kamay at paa ko sa higaan. Napatili ako sa sakit nang makita ang urong ng mga buto ko sa aking katawan na akala mo may mga sariling buhay. "W-What is this happening?!" mangiyak ngiyak kong sambit. Ngunit wala niisa sa mga doktor ang sumagot sa tanong kong iyon. Naramdaman ko na lang na may itinurok sila sa aking braso. Doon ay unti unti namanhid ang katawan ko kasabay ang pagbagsak ng talukap ng mga mata ko. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . Nang muling nagising ako ay bumungad sa akin ang puting kisame ng facility. Nakahinga ako ng maluwag dahil ibig sabihin lang nito ay nabuhay pa ako mula sa pag-atake ng ikatlong sintomas. Subalit nang subukan kong kumilos ay nakaramdam ako ng labis na paninibago sa aking katawan. Kaya sinubukan ko bumangon para tignan kung ano ba ang naiiba. Sinimulan ko na kapain ang bawat parte ng aking katawan. Pero natigil ang mga kamay ko sa magkabilang bundok sa aking dibdib. Nanlalaki pa ang mga mata ko na napatingin doon. "What the hell!" malakas kong bulalas. Sinubukan kong pisilin kung totoo ba ang nahawakan kong iyon. Pero damang dama ko ang pagpisil ko. "Is this real?!" naguguluhan kong sambit at tinignan ang kamay ko. Ang dating maliit kong pangangatawan na maihahambing sa isang dalagita ay wala na. Para bang biglang nag-evolve ako ngayon at tuluyan na naging isang tunay na dalaga. "Nanaginip lang ako... Matagal ko ng sinukuan ang sarili ko na magiging normal na dalaga ako..." paglilintanya ko pa. Hanggang sa nabaling ang tingin ko sa pinto nang bumukas ito at pumasok si Doktora Andrea. Kita ko pa ang labis na tuwa niya na makita na gising na ako. "Oh God! Gising ka na, Vana!" mangiyak ngiyak niyang sambit, "Akala ko talaga ay hindi mo malalampasan ito. Halos mawalan na ako ng pag-asa na mabubuhay ka pa." Matagal ba ako nakatulog? Iyon ba ang dahilan kaya nagbago ng ganito ang katawan ko? "Uhmm Doktora, ilang taon po ba ako na tulog dito?" natatakot kong tanong sa kanya. Napakunot ng noo si Doktora Andrea sa tanong kong iyon. "Silly. Taon talaga?" hindi niya makapaniwalang sambit, "Two weeks ka lang na tulog." Nanlalaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "T-T-Two weeks lang talaga?!" pag-ulit ko, "S-Sigurado kayo?" "Hindi ako nagbibiro, Vana," nangangakong sambit ni Doktrora Andrea, "Bakit? Ano ba ang problema?" Hinawakan ko ang mga malalaking dibdib ko para ipanlandakan iyon sa kanya. "Doktora, palagay niyo kayang lumaki ng mga dede ko sa dalawang linggo lang? Baka naman ginawan niyo ako ng breast surgery habang natutulog ako," nalilitong sambit ko. Biglang malakas na napahalakhak si Doktora Andrea sa sinabi ko na iyon. "Vana!" suway niya sa akin, "Really? Saka breast surgery?!" "Doktora naman kasi! Para naman naging pokemon ako na biglang nag-evolve eh!" reklamo ko, "Ano po ba kasi talaga ang nangyari sa akin?" Napakamot ng batok si Doktora Andrea para isipin kung paano ipapaliwanag sa akin mabuti ang sitwasyon ko. "Ang totoo kasi niya ay isa iyan sa epekto ng EVOL virus sa mga infected... Inaayos ng virus ang form ng katawan ng kinakapitan niya," pagpapaliwanag ni Doktora Andrea, "Kaya in your case tila nakatulong pa ang virus sa iyong katawan..." Napanganga ako. "So epekto ito ng virus sa akin?" hindi ko makapaniwalang sambit, "Wow..." Napangiti na lang si Doktora Andrea tila masaya siya sa kinalabasan ng pag-atake ng pangatlong sintomas sa akin. Pero bigla ako natigilan nang may maalala na isang bagay. Napalingon ako sa kabilang higaan ay nagulat ako na makita na may ibang tao na nakahiga roon. "Teka... Nasaan na po si Flare?" biglang tanong ko para matigilan at mamutla ng sobra si Doktora Andrea, "Nakalabas na po ba siya ng facility?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD