"Si Flare po ba... Nakalabas na po ba siya ng facility?"
Kita ko ang biglang pagbabago sa ekspresyon ni Doktora Andrea nang mabanggit ko si Flare. Namumutla siya at halatang kinakabahan. Pagkatapos ay agarang iniwas niya ang tingin.
Matamam ko naman siya na tinitigan. "Doktora, nasaan na po si Flare? Nakalabas na po ba siya?" pag-ulit ko sa aking tanong.
Napalunok muna ng ilang beses si Doktora Andrea bago lakas loob na hinarap muli ang aking tingin.
"Si F-Flare ba...?" nauutal na pag-ulit niya, "Ano... K-Kasi..."
Napataas ako ng kilay dahil sa inaakto niyang ito. "Dok..."
Malalim siya napahugot ng malalim na hininga. "S-S-Sige, s-sasabihin ko na pero... I-Ipangako mo sa akin na magiging kalmado ka lang ha..." nag-aalalang pagpapatuloy niya.
Doon, biglang kumabog ng malakas ang puso ko dahil sa kakaibang kilos ni Doktora Andrea. Mahigpit na hinawakan pa niya ang magkabilang kamay ko na tila may malaking balita siyang sasabihin sa akin.
Natatakot ko na hinarap ang tingin ni Doktora Andrea saka hinintay ang anumang sasabihin siya.
"Si F-Flare... N-Namatay na siya..." pamamalita ni Doktora Andrea at naramdaman ko ang panginginig ng mga kamay niya habang nakahawak sa akin, "N-Namatay siya kinagabihan na atakihin ka ng ikatlong sintomas..."
"A-A-Ano...?" naguguluhan kong sambit.
Paano naman mamamatay si Flare?
Kitang kita ko na napakalakas niya ng araw na iyon at wala itong iniinda na kahit anong sakit.
Nagbigay pa nga siya ng pangako sa akin na pupuntahan niya sina mama at papa sa oras na makalabas siya ng facility.
"N-Nagsisinungaling ka... Doktora..." hindi ko naniniwalang sambit, "M-Malakas na si Flare kaya paano na mamamatay siya... N-N-Napaka-imposible ng sinasabi niyo... K-Kasama niya ako sa kwartong ito kaya alam ko na hindi totoo iyang sinasabi niyo..."
Tumulo ang pinipigilang luha ni Doktora Andrea na tila punung puno ng pagsisisi. "I-I am sorry, Vana... P-Pero tanggapin mo na lang na wala na si Flare... N-Namatay siya habang natutulog... H-He didn't make it..." patuloy na pagsisinungaling sa akin ni Doktora Andrea.
Marahas na bumitaw ako sa mga kamay ni Doktora Andrea na ikinagulat niya. Binigyan ko pa siya ng matalim na tingin. Matagal ko na siya kilala kaya alam ko na nagsisinungaling siya sa akin ngayon.
"Y-You're lying at me..." hindi ko naniniwalang sambit, "I know you... K-Kaya alam ko na walang katotohanan ang sinasabi mo ngayon..."
Lalong lumakas ang iyak ni Doktora Andrea at sinubukan na hawakan muli ako pero agarang umiwas ako. "V-Vana please... L-Listen to me... Flare is already dead..." patuloy niyang pagpapaniwala sa akin.
Iniling ko ang ulo ko para ipakita na ayoko maniwala sa kanya. Hindi ko akalain na magagawa niyang magsinungaling sa akin ngayon ng harapan. Sa lahat ng tao ay ako ang balak niyang lokohin.
"V-Vana, para sa iyo ito... Flare is dead," pilit na pagpapaniwala niya sa akin sa kanyang kasinungalingan.
"B-Bakit mo ba pinipilit, Dok? Hindi pa patay si Flare!" nagagalit kong singhal saka mas sinamaan siya ng tingin.
Ngunit natigil kaming dalawa sa aming umiinit na diskusyon nang malakas na tumunog ang mga aparato na nakakabit sa panibagong pasyente na kasama ko sa kwarto. Agarang pinahid ni Doktora Andrea ang luha niya at nagmamadaling pinindot ang red button sa ilalim ng aking higaan. Pagkatapos ay nilapitan niya ang nangingisay na pasyente para tulungan ito.
Hindi naman nagtagal ay humahangos na pumasok ang mga doktor para asikasuin ang pasyenteng iyon. Ngunit habang tumatagal ay lalong lumalakas ang seizure nito.
"Hindi gumana ang gamot na itinurok natin!" pagkakagulo ng ilang mga doktor at nurse dahil sa hindi pa rin ito tumitigil sa seizure.
Sinubukan nila na turukan muli ang pasyenteng iyon ng ibang gamot. Hindi nagtagal ay unti unti naman tumigil ang pangingisay ng pasyente subalit kasabay nito ang pag-flatline ng kanyang mga monitor.
Lalong nagkagulo ang mga doktor dahil dito. Sinubukan pa ng mga doktor na i-revive ang pasyente gamit ang defiprillator pero lumipas ang ilang minuto na hindi nabago ang flatline na nakalagay sa mga monitor.
Napailing na lang ang doktor na nangunguna sa kanilang lahat. Habang akp ay gulat na gulat na napatutop ng kamay sa aking bibig nang mapagtanto ang ibig sabihin nito. Malungkot naman na binitawan na ibang doktor ang pasyenteng iyon.
"We lost another patient..." nanlulumo sambit ng isa sa mga doktor saka tumingin sa kanyang wristwatch, "Time of death is 14:56."
Inayos muna nila ang pagkakahiga ng pasyente. Nagbigay pa sila ng kanilang mga taimtim na dasal bago tinakpan ito ng kumot. Pagkalipas ng ilang sandali ay may panibagong grupo na pumasok sa kwarto para kuhanin ang labi ng pasyente.
Sa bilis ng pangyayari ay natulala na lang ako sa kawalan. Labis na nanginginig pa ang buong katawan ko sa aking nasaksihan.
Ito ang unang beses na may nakita ako na namatay sa aking harapan. Biglang naalala ko si Flare na hindi ko kinakausap noon dahil sa inaasahan niya na mamatay din ako katulad ng iba. Iyon ay dahil apat na beses niya nakita ang ganitong pangyayari sa kwartong ito.
Biglang tumulo ang luha sa aking mga mata. Bumalik sa isipan ko ang sinasabi ni Doktora Andrea kani-kanina lang.
Na patay na si Flare.
Naisip ko na ganito rin kaya ang nangyari kay Flare? Na habang natutulog ako sa higaang ito ay unti unti naman siya na binabawian ng buhay...
"O-Oh God! Flare..." umiiyak kong bulalas.
***
Kinagabihan...
Hindi ako dalawin ng kahit anong antok. Tuwing pinipikit ko kasi ang aking mata ay mukha ni Flare na nangingisay sa kabilang higaan ang nakikita ko.
Muling napaiyak ako sa labis na paghihinagpis. Ayoko paniwalaan ang sinasabi ni Doktora Andrea na patay na siya. Pero sa nakita ko kanina ay hindi ko na alam ang aking iisipin.
"Flare, nangako ka sa akin na pareho tayo makakalabas sa facility... Pero bakit naman ganito? Pinaasa mo lang ba ako na mabubuhay ka?"
Malungkot na napalingon ako sa kabilang higaan. Inisip ko na naroroon pa si Flare at matalim na binibigyan ako ng tingin.
"A-Ang daya mo naman eh... B-Bakit hindi mo hinayaan na makapagpaalam ako sa iyo? T-Tinatago mo lang ba sa akin na may iniinda ka? P-Pinaniwala mo lang ba ako na makakalabas ka na?"
Ngunit siyempre walang Flare na sasagot sa tanong kong iyon kaya mapait na napangiti ako. Labis ako nagsisisi dahil sa hindi ko man nakita sa huling sandali niya si Flare. Pakiramdam ko ay hinayaan ko siya na mamatay ng gabing iyon.
Nang mahimasmasan sa pag-iyak ay bumangon ako sa aking hinihigaan pero medyo nauntog pa ako sa ilang mga aparato. Hanggang ngayon kasi ay naninibago pa rin ako sa aking katawan. Mas hamak na mas matangkad na kasi ako sa aking nakasanayan.
Napatingin ako sa hindi pamilyar na kamay. "Ano ba kasi ang EVOL virus na ito? Saan ba ito nagmula?" biglang tanong ko sa aking sarili, "Wala ba talaga paraan para mabuhay ang mga taong kinapitan nito?"
Nanlulumo ako napasandal. Hindi ko maiwasan panghinaan ng loob na mabubuhay pa ako. Si Flare na akala ko na isang survivor sa virus na ito ay biglang namatay sa isang iglap.
Ngayon ko napagtanto kung gaano ka-deadly ang virus na ito.
Malakas na napabuga ako ng buntong hininga. Dahil sa hindi na rin ako makatulog ay kinuha ko na lang ang bagong notebook na ibinigay sa akin ni Doktora Andrea. Nasabi ko kasi sa kanya na kinuha ni Flare ang unang notebook ko kaya agarang binigyan niya ako ng bago.
Binuksan ko ito ay itinapat ang aking panulat. Subalit muling nalungkot ako dahil wala na si Flare na siyang nagagalit tuwing nagsusulat ako ng tungkol sa kanya.
"Aisssh! Move on Vana!" sermon ko sa aking sarili, "Hindi makakatulong sa iyo ang magmukmok dito! Tanggapin mo na lang na wala na si Flare!"
Sinampal ko muna ang aking pisngi saka nagsimula na magsulat doon.
***
Kinabukasan...
Nagising ako sa ingay sa aking paligid. Inaantok na minulat ko ng aking mga mata at sumalubong sa akin ang mga nurse at doktor sa kabilang higaan. Abalang abala sila sa pag-aayos ng mga aparato sa panibagong pasyente na dinala nila sa kwartong ito.
Napahikab pa muna ako saka dahan dahan na bumangon para silipin ang panibagong makakasama ko sa kwartong ito. Hanggang sa mapag-alaman ko na isang batang babae ito.
Hindi ko tuloy maiwasang maawa sa kanya dahil ang bata bata pa niya para maranasan ang hirap na dala ng virus. Mahahalata nga namumutla at nahihirapan sa iniindang sintomas ng virus. Nang tignan ko naman ang buhok niya ay nagkukulay green ito. Ibig sabihin ay kasama siya sa classification na earth type.
Nang matapos ang mga nurse at doktor sa pagsasaayos ng mga aparato ay agarang lumabas sila ng kwarto. Kaya naiwan naman ako roon na inaantay na magising ang batang babae. Subalit dumaan ang ilang minuto na hindi ito nagising. Malakas na napabuga na lang ako ng malalim na hininga mula sa pagkabagot.
Hindi naman nagtagal ay bumukas ang pinto at pumasok si Doktora Andrea. Dala dala pa niya ang aking almusal kaya roon ko lang naalala na hindi pa ako nag-aagahan.
"Kamusta na ang pakiramdam mo, Vana?" bungad na tanong niya sa akin nang mailapag sa aking harapan ang pagkain ko.
"Maayos naman, dok," tipid kong sagot sa kanya saka binigyan siya ng isang pilit na ngiti.
Sa totoo lang kasi ay medyo awkward ako sa kanya mula sa nangyari. Hindi pa rin kasi nawawala sa aking puso ang pagsususpetya sa kanya. Sigurado ako na may tinatago siya sa akin tungkol kay Flare.
Malakas na napabuga ng malalim na hininga si Doktora Andrea saka umupo sa aking gilid.
"Tungkol pa rin ba ito sa usapan natin kahapon?" biglang tanong niya.
Hindi naman ako makaimik. Napakamot ng batok si Doktora Andrea na tila hindi alam ang gagawin.
"Vana..." nag-aalalang pagtawag niya sa akin, "Just trust me, okay?"
Napasimangot naman ako. "Paano ako magtitiwala sa iyo kung naglilihim naman kayo sa akin?" seryosong sambit ko naman.
"Just trust me..." seryosong pag-ulit niya, "Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko basta ligtas ka lang makalabas dito... I'll help you no matter what."
Napaangat naman ako ng tingin at kunot noong napatitig sa kanya. Iba kasi ang dating ng sinabi niyang iyon sa akin.
"Doktora..."
Naramdaman ko na pinat niya ako sa aking ulunan. "Kumain ka na at baka matunaw pa ang mga iyan," pagturo niya sa dinala niyang pagkain.
Masunuring tumango naman ako at sinimulan na kainin iyon. Mula sa ilang araw ko sa facility ay naging paborito ko na yata ang mga frozen food. Hindi ko alam kung epekto rin ba ito ng virus sa aking sistema. Pero kung iisipin ay napaka-weird na kumakain ako ng mga ganito na akala mo normal lang.
Nang matapos ako kumain ay may naalala ako na isang bagay. "Doktora, may salamin ba kayo riyan?" umaasang tanong ko, "Gusto ko kasi makita kung ano ba ang itsura ko ngayon... Nag-mature ang aking katawan kaya pati siguro ang aking itsura..."
Ngumiti naman si Doktora Andrea saka inabutan ako ng isang maliit na salamin mula sa kanyang mga kagamitan. Agaran ko naman kinuha iyon mula sa kanyang kamay saka tinignan ang aking sariling repleksyon. At halos mapanganga ako nang bumungad sa aking paningin ang isang magandang dilag.
Halos na maging kulay bughaw na ang parehong mata ko at nasa kalahati na rin ang inakyat ng kulay ng aking buhok. Gumanda rin ang kutis ng aking balat, tumangos ang aking ilong at naging mapula ang aking labi kahit wala naman akong inilalagay na lipstick.
"A-Ako ba talaga ito..." hindi ko makapaniwalang sambit saka sinubukan na kurutin ang aking kanang pisngi.
Hindi ko na makita sa aking sarili ang dating Vana. Para akong ipinanganak sa ibang katawan. Walang kabahid bahid ito ng dati kong itsura.
"D-Dok... N-N-Nanaginip ba ako... I-Ibang babae ang nakikita ko ngayon..."
"Ikaw talaga iyan," pagkumpirma ni Doktora Andrea sa aking nakikita, "Ikaw ang pasyente na may pinakamalaki ang pagbabago sa ikatlong sintomas," medyo hindi masayang dagdag niya.
Napaangat ako ng tingin dahil sa tono niyang iyon. "May problema po ba kung malaki ang pinagbago ko, Dok..." nalilitong tanong ko sa kanya.
Malalim na napahugot muli ng hininga si Doktora Andrea. "It means... Mas malakas ang kapit ng virus sa iyo, Vana..." nag-aalalang sambit niya, "Walang kasiguraduhan kung gaano katindi ang mga susunod na sintomas sa iyo."
Biglang napalunok ako ng sunud sunod. May dalawang sintomas pa kasi na natitira sa akin. Ngayon pa lang ay labis ang nangyari sa akin.
Paano pa kaya sa mga sumusunod?
Kakayanin ko pa ba na malampasin din ang mga iyon?
Matutupad ko ba ang pangako ko na buhay na makakalabas ng facility?
"M—Mama... P-Papa..."
Napabaling kami ng tingin sa kabilang higaan dahil sa pag-iyak ng batang babae na naroroon.
"Waaaah! Mama! Papa!" mas lumakas ang pagbalahaw niya ng iyak nang mapansin na nasa hindi siya pamilyar na kwarto, "Huhuhu! Nasaan kayo?!" patuloy na paghahanap niya sa magulang niya.
Tumayo naman si Doktora Andrea para patahanin ang batang babae. Pero tila natakot ito sa kanya para mapaurong ito palayo.
"Hi Yvona. Ako si Doktora Andrea..." pagpapakilala pa ng doktor sa batang pasyente saka umakmang lumapit muli.
"No! Stay away from me! You're bad! Ayoko rito!" umiiyak niyang hiyaw, "Pilit niyo ko kinuha kina mama! Ibalik niyo ko sa kanila," pagwawala niya, "Ayoko sa inyo! Gusto ko kina mama!"
"Yvona, kumalma ka lang... I'm not bad... Doktor ako ng facility na nandito para gamutin ka..." pilit na pagpapaliwanag ni Doktora sa dahilan ng pagkuha nila sa kanya.
Umiiyak na umiling iling si Yvona. Halatang sobrang natakot ito ng sampilitan siyang dalhin sa facility ng gobyerno.
"Huhuhu! Mama! Papa!" patuloy na pag-iyak ni Yvona at sinubukan na alisin ang mga nakakabit sa kanya.
Kaya walang nagawa si Doktora Andrea kundi tawagin ang mga kasamahan niyang doktor. Tulung tulong nila na pinigilan si Yvona na tanggalin ang mga aparato nakakabit sa kanyang katawan.
Ipinapaliwanag nila na gagamutin nila ito para makabalik siya sa mga magulang niya. Napailing na lang ako ng ulo sa ibinibigay na pangako nila sa bata. Unti unti naman naniwala si Yvona kaya humina ang iyak niya at naging kalmado na.
"I-Ibabalik niyo ko kapag gumaling ako?" paniniguro pa ni Yvona sa kanilang sinabi.
Nagpalitan muna ng tingin ang mga doktor. "Oo naman," pangako nila, "Kaya listen to us para mas mabilis ka gumaling, okay?"
Dahan dahan na itinango ni Yvona ang kanyang ulo saka pumirmi ng higa sa kama. May isang nurse naman na inaabutan siya ng stuff toy.
"Habang nandito ka ay ito muna ang tatabi sa iyo, okay?" sabi ng nurse.
Kinuha naman ni Yvona ang stuff toy na iyon saka mahigpit na niyakap ito. Hindi nagtagal ay nakatulog din ang batang babae mula sa labis na pagod dahil sa kanyang pag-iyak.